Chapter FIFTEEN: Label

3232 Words
Hay, hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Nami-miss ko kasi si Zayn, dahil nitong mga nakaraang araw ay hindi sya bumibisita. Pero naiintindihan ko naman sya, marami syang priorities lalo na't isa syang businessman, ang dami nyang negosyo. Isa syang busy na tao. Wait, kung ako nalang kaya ang bumisita sa kanya? Kaya lang... Napaisip ako, ang hirap pala talaga ng ganitong sitwasyon no, yung wala kayong label. Kapag kasi wala kayong label parang wala kang karapatan sa kanya kasi nga wala namang kayo. Napailing iling nalang ako, sana talaga pumayag nalang ako na kami na agad. Hindi ko rin naman sya ma-text dahil ayokong mag-first move no, saka magmumukha akong patay na patay sa kanya. Bahala na nga, magsasaya nalang ako sa birthday ni Luhan, tutal beach party iyon, hoo outing! *** Apat lang kami ngayon na nagbakasyon, kami-kami nina Luhan, Chynna at Sir Edward. Tahimik lang ako sa backseat, samantalang ang ingay ni Chynna at Sir Edward. May naaamoy akong kakaiba sa kanilang dalawa ah. Naku, buti naman haha may alas na rin ako sa Chynna na yun. "Hoy, Pearl! Kanina ka pa tulala riyan ah, ano bang iniisip mo?" Napalingon tuloy ako kay Chynna. Kakarating lang namin sa aming destination at nagpapahinga. "Iniisip ko? Ikaw." Sagot ko sa kanya. Napairap na lamang sya kaya natawa ako. "Ikaw naman talaga iniisip ko eh, I mean kayo ni Sir Edward. Ano bang meron sa inyo? Naku, ikaw rin Chynna ha, hindi ka na nagkukwen--" "Tigilan mo nga ako, Pearl. Kung gumaganti ka sa pang-aasar ko, promise di na ako mang-aasar. Huwag mo lang kaming i-ship ng gagong yun." Nagtaka naman ako sa inasta nya, anong meron? Galit ba sya? "Oy, maka-gago ka ah, yun kaya ang boss mo." Paalala ko pa sa kanya. Parang lalo namang uminit ang ulo nya sa sinabi ko. "Yun na nga eh, nang dahil lang sa boss ko sya, pwede nya ng gawin ang gusto nya sa akin?" Hay, mukhang may LQ pa pala sila ah. "Sana magkaayos kayo agad ah.. Hindi maganda ang LQ, tandaan mo iyan, Chynna. Maaaring makasira iyan ng rela--" "Kulit mo, Pearl! Baka gusto mong sabihin ko kay Sir Luhan na, nagkagusto ka sa kanya for 5 years ha!" Napalunok naman ako. "Alam nya na kaya." Diretso kong sagot kahit hindi ko pa naman talaga iyon nasasabi. "Weh? Kung alam nya na, sige nga tatanong ko--" akmang patakbo na sya sa direksyon ni Luhan ng pigilan ko sya. "Chynna naman eh!" "Wag mo kasi akong simulan kung pikon ka." Wow lang ah, parang sya hindi pikon. Tss. Habang nagkukulitan kami ni Chynna ay nawala sa paningin naming dalawa ang dalawa naming kasama. Saan kaya pumunta sina Luhan? "Pearl, dyan ka muna ha. Na-c-cr ako eh." Tinanguan ko lang sya at agad na syang pumasok sa rest room ng hotel. Ako naman eto naiinip na, naiwan kasi akong mag-isa eh. Ang tagal ni Chynna, kaya lumabas muna ako ng hotel at pumunta sa may beach. Pinagmasdan ko ang ganda ng isla at nakaka-relax talaga. Ang sarap din ng simoy ng hangin. Mukhang masayang maligo rito, kaya lang hindi pa ako nakakapagpalit saka wala pa sila, ayoko namang manguna. Saglit lang ako sa beach at bumalik na rin agad ako sa hotel. Pupuntahan ko na sana si Chynna sa restroom para hanapin sya ng may humigit sa akin papunta sa restroom ng mga lalaki. "Why are you here?" Tiningala ko ang lalaki at nagulat ako nang makita si Zayn. "By the way, I miss you--" akmang hahalikan nya ako ay iniharang ko ang kamay ko sa mukha nya. "Bawal yan, okay? Hindi mo nga ako binibisita eh--" "Im really sorry, Pearl. Are you mad?" Tanong pa nya. Umiling naman ako. "Hindi naman, siguro mga konting tampo lang." "Hindi ba sapat ang halik ko para mapawi ang tampo mo?" Tanong nya pa. Wow ah, ano ako katulad nya na adik sa kiss? Woi, hindi ako ganyan ah. Medyo lang. "Hindi mo ako madadala sa kiss mo--" "Really, huh?" At nginisian nya pa ako. Confident na sya nyan? Inirapan ko lang sya. "How about let's date?" Tanong naman nya. Napangiti ako, well yun ang gusto ko, hindi yung puro sya kiss dyan. Pero napaisip ako, hala baka mamaya hinahanap na nila ako eh. "Zayn, mamaya nalang pala kasi may gagawin pa pala a--" "What is it? I'll help you." Napabuntong hininga nalang ako. Hindi naman kailangan, pero kasi hindi rin talaga sya pwedeng makita ni Luhan. Baka mag-away lang sila eh birthday pa naman nya ngayon. "Hindi na kailangan, salamat nalang. Alis na ako ah! Bye!" Paalam ko sa kanya at dali-daling tumakbo palayo. Kakatakbo ko ay hindi ko tuloy napansin ang nabunggo ko. "Ay sorry--- ay ikaw pala yan, Luhan. Sorry." "Its okay. Wait, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap." Nakagat ko tuloy ang labi ko. "Hehe sorry, diko matiis galain yung beach eh. Na-excite ako sorry." Nginitian nya lang ako. "Well then, let's go! Kanina pa gustong magswimming nung dalawa." Kwento nya pa habang naglalakad kami. Kahit ako rin naman atat nang lumangoy eh. *** Pagdating ko sa hotel room namin ni Chynna, nakasuot na sya ng blue two-piece swimsuit. Hay, napailing nalang ako. Sanaol nalang sa kanya. Magsho-short and sando nalang ako-- "Ano ba yan, Pearl! Sabi ko na nga ba ganyan ang isusuot mo eh! Kaya binilhan din kita ng two-piece para twinnies tayo oh!" Kinuha nya mula sa pagkakahawak ko ang damit ko at ibinato iyon. Pinahawak naman nya sa akin ang kulay dilaw na two-piece. "Ako ang pumili nyan ah! Maganda yan. Suot mo na dali!" Itinulak pa nya ako papunta sa CR para magbihis. "Chynna, ayoko--" "No! Hindi pwede! Sayang naman ang sexy bodies at makinis na balat natin kung hindi natin ipapakita, right? Dali na, suot na!" "No! Ayoko sabi eh--" "Pearl, ako maghuhubad sayo!" Hinigit nya ang t-shirt kong suot kaya naalarma na ako. "Tigil! Oo na po, susuotin ko na!" Padabog akong pumunta ng CR habang sya ay nakangiti ng wagi. *** "Omg! Tama nga ako, bagay na bagay sayo!" Ilang na ilang ako sa suot ko ngayon. Grabe naman kasi unang beses ko lang magsuot ng ganito eh. "Pearl, ngumiti ka nga! Dali selfie tayo, girl!" Napilitan nalang akong ngumiti. Hindi talaga ako komportable sa suot ko. "Tara na!" Higit higit nya ako ng lumabas kami ng kwarto. Nagulat naman kami ng makita sina Luhan sa labas ng room namin, mukhang hinihintay yata kami. Sina Chynna at Sir Edward ay nanguna ng maglakad at sabay naman kami ni Luhan sa likuran nung dalawa. "Pearl, are you okay? You look uncomfortable there." Pinilit kong ngumiti. Maging ako hindi ko rin alam ang isasagot sa kanya. Hindi naman kasi talaga ako komportable sa pinasuot na to ni Chynna. Habang naglalakad kami ay nagulat ako ng hubarin ni Luhan ang white polo nya at ipasuot iyon sa akin. "Suotin mo muna." Halos hindi naman ako makatingin sa kanya ng abutin ko ang damit nya. Topless na kasi sya. Nakita ko na ang katawan nya noon, hindi dahil namboboso ako ah, pero ilang beses na rin naman kaming nag-swimming. Ayoko syang tignan, feeling ko pagkakasala iyon. *** Akala ko magsi-swimming daw kami pero nagsaya naman kami ng maglaro kami ng beach volleyball. "Weak mo, Chynna! Kaya natatalo kayo eh!" Pang-aasar naman ni Sir Edward sa kaibigan ko. Magka-team kami ni Chynna, at sina Sir Edward at Luhan naman ang magkapartner. Bale, boys versus girls ang laban. "Girl, palit tayo ng pwesto. Tutal ikaw naman ang magaling. Saka pwede, tirahin mo rin sa mukha iyong si Sir Edward." Tinawanan ko lang ang sinabi ni Chynna. Gusto nya bang mapagalitan ako? Saka hindi kami ganung close nun ni Sir Edward no! Parehas na magaling sumalo at mag-spike sina Luhan, kaya dehado kami ni Chynna, dahil ayun nga halos ako ang naglalaro ng bola sa amin. Nagulat naman ako ng muntikan ng maglanding ang bola kay Chynna, natulala sya kaya ako na ang agad na tumira rito. Napalakas tuloy ang tira ko roon at hindi ko na natignan pa kung umi-score ba ako o ano. Agad ko namang tinanong si Chynna kung ayos lang sya. "Ano ka ba, hindi naman ako natamaan pero si Sir Luhan, oo." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Anong sinasa--" "Ayun oh, saka ano ba, Pearl, ang sabi ko si Sir Edward ang tirahin mo sa mukha hindi si Sir Luhan--" Hindi ko na sya pinatapos pa at agad naman akong napatakbo sa pwesto ni Luhan. Hawak nya tuloy iyong ilong nya at nakita ko iyong dumudugo. Hala, hindi ko naman sinasadya eh. "Luhan, sorry, sorry, sorry. Hindi ko talaga nakita--" "Its okay, Pearl. Its an accident." Sobrang nagi-guilty talaga ako. Ano ba yan, kakabati lang namin eh, tapos may nagawa na naman ako sa kanya. Saka sana kasi hindi bolang pang-volleyball iyong ginamit namin edi sana hindi dumudugo ang ilong nya ngayon. Hay, pati ba naman iyong bola, sinisi ko. *** Ako na ang nag-offer sa kanya na ako na ang gagamot sa kanya. Pambawi man lang. Sana talaga, hindi sya nagalit ulit sa akin. "I can do this by myself." Sabi pa nya sa akin. Pero syempre, papatalo ba ako? "Sorry talaga, hindi ko talaga sinasadya.. Hindi ko inakalang matatamaan ka pala sa mukha. Ako na, para makabawi man lang ako." Napatitig sya sakin at saka tumango. Nang lapitan ko sya ay bigla naman syang umatras. "Ah Luhan, uhm bakit ka lumalayo?" Nahihiyang tanong ko pa sa kanya. Wait, natatakot ba sya na baka masakit? "Pwede bang wag kang masyadong malapit?" Na-weird-uhan ako sa kanya pero baka kasi galit sya sakin kaya sya ganyan. Hay, para naman akong may sakit na nakakahawa. May naalala na naman tuloy ako. Nung mabugbog si Zayn nung iligtas nya ako nung una kaming magkita, ako rin ang gumamot sa kanya. Napailing tuloy ako nang maalala ko yun. "Ah." Daing naman nya. Hindi ko kasi sinasadyang madiinan iyong paglalagay ng gamot sa ilong nya. "Sorry talaga." Ulit ko pa. Nang tignan ko sya ay nailang ako ng makitang nakatitig pala sya sa akin. Teka, kanina pa ba nya ako tinititigan? Agad ko nalang iwinaksi sa isipan ko iyon. "Ah okay na. Sorry talaga ah--" "Enough. You keep on saying sorry, I said its okay. I'm fine now. Thank you." Galit ba sya? At nagpapanggap syang okay lang sya? Hindi kasi sya ngumingiti eh. Saka iyong tono ng boses nya iba. Parang may something. "Okay na ba talaga tayo? Para kasing ano ka pa rin sa akin eh.. Uhm, galit ka ba?" Umiling lang sya at umalis na. Hindi sya sumagot, ibig sabihin galit nga sya sakin. Ano ba yan, birthday nya na mamayang alas-dose eh, tapos galit sya sakin. Nakakainis talaga yang volleyball na yan ah, never na akong maglalaro nyan! Sobrang panira ng araw! *** Nang magkita kita kami sa resto para kumain, at pakiramdam ko rin ngayon ay iniiwasan ako ni Luhan. Hindi na naman nya ako kinakausap. Minsan kinakausap, pero agad din nyang tinatapos iyong usapan namin. Paano na naman kami magkakabati nito kung ayaw na naman nya akong kausapin? Saka suot suot ko parin pala itong polo nya oh. Nakakahiya tuloy. "Inis sayo? Yan kasi eh, may tatamaan ka na nga lang sa mukha, bakit hindi pa iyong g*go?" Inirapan ko nalang si Chynna ng dahil sa binulong nya. Nagsorry naman na ako eh, nairita na nga rin sya kakapaulit-ulit ko. Hay, hindi ko tuloy alam kung paano sya kakausapin. Saka ano bang kailangang sabihin ko or gawin? Hala, bigla na lang umalis si Luhan habang kumakain kami. Napatingin sila rito at napatingin din sila sa akin ng sundan ko ito. "Luhan, wait! Gusto kitang makausap!" Ang bilis nyang maglakad kaya tumakbo na ako mahabol ko lang sya. Alam ko namang dinig nya ako, ayaw nya lang akong lingunin. Nang maunahan ko na sya ay hinarangan ko sya sa dadaanan nya. "Kahit five minutes lang, pagbigyan mo akong kausapin ka." Tumango lang ulit sya. "Alam kong ayaw mo na akong marinig na mag-sorry pero sorry kung magso-sorry parin ako. Sorry talaga, alam ko masakit matamaan ng bola sa mukha, kaya kung gusto mo batuhin mo rin a--" "I won't and I will never do that." Sagot naman nya. Sinilip ko ang mukha nya at ganun parin. Malamig parin ang aura nya. "Eh paano mo ako mapapatawad? Alam ko, galit ka parin sa akin--" "I'm not mad at you. I'm just confused, and please, can you avoid talking to me?" Mas nalungkot ako sa sinabi nya. Ano ba kasing nagawa ko? "Okay, kung yan ang gusto mo eh. Sige, advance happy happy birthday nalang." Ako na ang naunang umalis doon. Hindi ko lang talaga sya maintindihan kung bakit gusto nyang iwasan ko sya? Mamaya pa naman iyong party sa pagsalubong namin sa birthday nya, akala ko masaya pero bakit kailangang ngayon pa. Basta hindi nalang ako pupunta. Tutal, ayaw nya naman akong makausap, diba? Kaya malamang ayaw nya rin akong makita. Habang naglalakad ako sa beach ay namataan ko si Reese. Aba, ang tagal ko na rin kaya syang hindi nakita, kaya agad ko syang tinawag. "Reese!" Sigaw ko sa pangalan nya. Napalingon sya at agad ding napangiti. "Buti nalang nakita na rin kita, tara na!" Napa-"ha?" tuloy ako. "Basta sumama ka nalang sakin." Sabi nya pa. Sumunod ako sa kung saan man sya pupunta. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman sya sumagot pero all-smiles naman ang mukha nya. "Basta ang alam ko mapapasaya ka." Napangiti naman ako sa sinabi nya. Malapit na palang gumabi. Uuwi na si Sun eh. Palubog na ang araw. Teka, nasaan na kami? Kanina pa kami naglalakad ni Reese dito sa beach ah. Saka wala na ring tao sa may parteng ito ng beach pero isa lang ang masasabi ko sa daang tinatahak namin. Tago man ito pero ito na yata ang pinakamagandang parte. Puno ng iba't ibang bulaklak ang paligid at pawang may mga ilaw din na nagkikislapan. Parang pasko na tuloy kahit hindi pa naman. Maging ang natatapakan naming buhangin ay mas kulay puti at mas pino rin. Nang makita ko na ang dahilan kung bakit ako dinala rito ni Reese, ay napatigil ako. Makita ko pa lang kasi ang lalaking iyon, ay nagtatatalon na ang puso ko sa saya. "Iwan ko na kayo ah." Bulong sa akin ni Reese bago sya umalis at iwan kaming dalawa. Hindi pa rin ako nakakalapit kay Zayn kaya sya na ang lumapit sa akin. "Want me to carry you?" Salubong na tanong nya. "Carry carry ka dyan, keri ko sarili ko no!" Pagtataray ko pa sa kanya saka sya nilagpasan. Dumiretso na akong maglakad kung nasaan sya kanina. Sumunod naman sya sa akin. "I really miss you." Bulong nya sa akin ng yakapin nya ako mula sa likod. Hindi naman ako nakasagot dahil sa pagkagulat ko sa yakap nya. "Did you like it?" Tanong nya pa. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang isang tree house sa harapan namin. Ang ganda, siguradong napaka-relaxing doon! Kahit sa malayo ay, kita ko nga rin iyong kama roon na gawa sa kahoy, masarap sigurong matulog doon. Habang nakahiga roon, ay pwedeng pwede na mag-star gazing. "Hindi." Kita ko namang nalungkot ang mukha nya. Pinag-effort-an nya pa naman siguro to. "I don't like it cause I really love it, Zayn." Wews lang ah, feeling englishera na tuloy si Ako. Napangiti naman sya sa sinabi ko. Sinong hindi magugustuhan ang lugar na to? Eh sobrang nakakamangha. "Thank you." Sabi nya pa. "Bakit ka naman nagte-thank you? Dapat yata ako kasi.. nag-effort ka pa para rito diba?" Nginitian nya lang ako at saka ako hinalikan sa noo. Saglit lang na dumampi ang labi nya sa noo ko pero agad ng nagwala ang puso ko. Kainis naman, pinapakilig nya ako. Napangiti na rin tuloy ako. "Are we okay now, Pearl?" Tumango tango naman ako at hinawakan na ang kamay nya at hinigit sya. Agresibo man sa paningin ng iba pero ganun lang kasi talaga ako kasaya sa tuwing kasama ko sya. Saka excited na rin ako pumasok doon sa tree house. Isa yan sa mga pangarap ko noon, nung bata ako at ngayon lang ako makakapasok sa ganito. "Excited?" Narinig ko pa ang pagtawa nya pero hindi ko iyon inalintana. Kanina ay hawak ko lang ang malaki nyang kamay pero ngayo'y in-intertwine nya ang mga daliri naming dalawa. Pakiramdam ko tuloy ay libo libong kuryente ang biglang dumaloy sa katawan ko ngayon. Nang marating namin iyon ay pinauna nya akong umakyat doon sa ladder. Pag-akyat ko ay agad na humampas ang malamig at sariwang hangin sa mukha ko. Tama nga ako, masarap talaga rito. "I really love seeing you smile." Kung ako ay nakatingin sa pag-alon ng dagat, sya naman ay nakatitig lang sa akin. Dama ko iyon, pero hindi na ako naninibago sa ginagawa nya. Ang saya kasi sa pakiramdam sa tuwing ginagawa nya iyon. Pinaparamdam nya sa akin na parang ako na ang pinakamagandang tanawin. Alam kong umamin na kami ng nararamdaman namin para sa isa't isa pero hindi parin nagbabago ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa tuwing kasama ko sya. Umupo kami sa may bench na malapit sa pintuan ng tree house. Kahit na tahimik lang kaming dalawa ngayon ay komportable ako. "Pearl." Nilingon ko sya at nginitian ng banggitin nya ang pangalan ko. "I'm sorry, if I'm not a patient kind of a person. I'm sorry, if I can't wait anymore." Pinakinggan ko lang sya sa kung ano man ang gusto nyang sabihin. Gusto kong i-straight to the point nya na ang sasabihin nya, pero hinayaan ko nalang sya. "You know that I don't know anything about dating, I also don't know how to court a woman but I know how to love you and take care of you. I cannot promise that I will not hurt you because we both know that we can't avoid that thing. But, I will do everything just to be deserving for you." Halos hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko ngayon habang kagat kagat ko ang ibabang labi ko sa sayang nararamdaman ko dahil sa mga sinabi nya. Hindi ko alam kung saan patungo ang mga sinasabi nya pero ang alam ko lang ay masaya ako at mahal ko rin sya. Hinawakan nya ang kamay ko at pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko dahil sa halo-halong emosyon. Dahil sa kaba, saya, at higit sa lahat ay ang kilig. Seryoso ang mukha nya, hindi man sya nakangiti ngayon, ay napaka-gwapo nya parin sa paningin ko at kailanman ay hindi iyon magbabago. Magkatitigan lang kami na para bang tumigil ang oras nang dahil sa aming dalawa. Nakita ko naman ang paglunok nya at ang paghinga nya nang malalim na para bang kinakabahan sya. Namamawis na tuloy ang kamay ko dahil kanina nya pa ito hawak. Gusto kong kunin ang kamay ko pero nahihiya ako. Sa tingin ko tuloy ay hindi ko na iyon mababawi pa sa kanya, parang puso ko lang. Hanggang ngayon ay pagmamay-ari nya parin ito at maging ako. "Pearl, will you be officially mine? Will you be my girlfriend?" ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD