"G-good morning!" Kahit kabadong kabado ako ay pinilit ko pa ring maging ngiting ngiti sa harapan nya pero ni hindi man lang ako tinignan ni Luhan.
Galit pa rin siguro sya sa akin, dahil sa nangyari kahapon. Nakakatakot sya kapag ganito sya. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko para magkabati kami.
Pagkaayos ko sa mga gamit ko sa lamesa ko ay agad akong lumapit sa kanya, pero talagang nakatutok lang ang atensyon nya sa desktop computer nya.
Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita.
"Ah, g-gusto ko pala sanang mag-sorry dahil sa kaha--"
"I don't care anymore about your personal matters. Just do your work." Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa cubicle ko. Ang lamig ng pakikitungo nya sakin. Paano ba nya ako papansinin at kakausapin?
Habang inaayos ko ang paperworks ay naisip kong iyon ang gawing segue para kausapin nya ako. Muli akong lumapit sa kanya dala dala ang mga papeles.
"Luhan, tatanong ko lang sana yung tungkol sa marketing--"
"Talk to Edward, he's the one who planned that strategy." Muli na naman akong nabigo na makausap sya. Hay, ang galing nyang umiwas ha.
Dinaig nya pa si Zayn sa kalamigan ngayon. Pero kasi, yung lalaking yun, napakakulit pala talaga. Kaya kahit sa gitna ng panlulumo ko dahil kay Luhan, napangiti ako ni Zayn, maalala ko lang sya, para na talaga kong ewan.
Niyaya ko rin si Luhan na mag-lunch pero ang sagot nya, "I'm full."
Maiiyak na yata ako, hindi ako sanay na ganto sya sakin.
Sumabay nalang ako kay Chynna mananghalian.
"Pearl, anyare pala kay Sir? Hindi ba ayos naman na sya nitong mga nakaraang araw. Bakit nakakatakot ang aura nya ngayon?" Tanong nya pa sakin. Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko ba o hahayaan ko nalang na sya ang makatuklas.
"Alam ko na, may LQ ba kayo?" Agad namang napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Sira ka ba?" Sagot ko na tinawanan nya.
"Wag mo kasing bigyan ng malisya yung pagtatrabaho ko." Seryosong wika ko sa kanya.
"Wooshoo~ madaya ka na talaga, Pearl. Hindi ka na nagkukwento sakin!"
"Anong ikukwento ko?" Tanong ko pabalik. Nagtatampo na naman sya. Pero alam kong may dapat naman talaga syang ikatampo, dahil hindi na ako nakakapagkwento pa ng mga ganap sa buhay ko.
"Kung bakit ganun si Sir Luhan.."
"Sa tingin mo talaga may alam ako?" Tumango tango naman sya. Halata ba? Hay, mapapabuntong hininga ka nalang talaga.
"Paano ko ba sasabihin..." Hindi ko talaga alam, kung saan ko sisimulan magkuwento.
"Hulaan ko nalang ah, binasted mo ba sya?" Gulat ang agad na bumalot sa mukha ko. Pinagsasabi nya?
"Anong binasted? Walang ganun. Wala naman syang gusto sakin--"
"Pero gusto mo sya?" Naiinis nako rito kay Chynna ha. Umiling nalang ako. Ang hirap palang mag-explain.
"Wag ka na munang sumingit ha! Ganito talaga yun, makinig ka at be quiet lang." Nag-okay sign sya saka lumapit sakin.
"Eto talaga yung nangyari kahapon, diba absent ako?" Tumango sya.
"Tapos pumunta sya sa apartment ko--"
"Oh my gosh! Tapos tinanggihan mo sya?!" Agad ko namang tinakpan ang bibig nya. Ang kulit nya talaga.
"Shh! Baliw! Hindi ganun!"
"Sorry haha. Opo, quiet na nga ako." Hindi parin sya tumigil sa paghagikgik.
"Nung time na pumunta sya sa apartment ko, nandun si Zayn--"
"Tapos naabutan nya kayong may ginagawa. Hala! Lagot ka nga talaga, Pearl!" Sabing wag na munang sumingit eh. Hayst.
"Wala kaming ginagawa, okay?" Agad na sabi ko kay Chynna. Pinaningkitan naman nya ako ng mata.
"Sure ka? Bakit parang guilty ka yata." Napairap nalang tuloy ako.
"Pagkukwentuhin mo ko, o hindi?"
"Sorry talaga, sige tuloy muna." Hindi na sya sumingit pang muli at ibinulong ko nalang.
***
"Kung ako si Sir Luhan, magtatampo rin naman talaga ako. Concerned lang naman sya sayo kaya ka nya pinuntahan tapos paaalisin mo sya at maabutan pa nya ang karibal nya roon. Tapos kayong dalawa lang nandun ni Mr. Javier dun sa apartment mo diba? Ano nalang iisipin ni Sir, baka may kung ano nga kayong--"
"Tigilan mo na nga, Chynna! Lalo tuloy akong nagi-guilty eh! Tulungan mo nalang akong mag-isip ng paraan, para kausapin nya ako." Tama naman talaga yung sinabi nya, kaya tamang tama ako eh. Napakamot nalang tuloy ako sa ulo ko.
"Alam ko na!" Ngumiti sya ng malawak. Sana naman maganda yang idea nya.
"Ilo-lock natin yung opisina nyo ni Sir tapos--" Hindi. Ayoko nyan. Agad kong tinanggihan ang suggestion nyang yun.
"Eto, diba may care sa'yo si Sir? Edi magkunwari ka na may masakit sayo tapos ayun, gamitin mo na yung chance na yun para kausapin ka nya!"
Kanina pa tapos ang lunch break pero kanina pa rin paulit-ulit na nag-e-echo ang mga sinabi ni Chynna sa utak ko. Hay! Gagawin ko ba talaga yun? Huhu. Parang ayoko, pero parang sa tingin ko yun nalang talaga ang tanging paraan.
Humanap ako ng magandang timing at kinuntsaba ko pa si Chynna dahil hindi ko talaga alam kung gagana to. Hay, grabe ano ba to, kinakabahan ako.
"Hoy! Galingan mo ha. Dapat di ka mahalata. Remember, tulug-tulugan muna tapos maya-maya gumising ka na rin." Bulong pa sa akin ni Chynna.
"Iwan mo kami ha." Dagdag ko pa. Kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko.
"Bakit? May iba pa ba kayong gagawin?"
"Wala. Alangan pakinggan mo pa ko mag-sorry, diba?" May mga konti pa kaming pinag-usapan, saka namin isinagawa ang aming plano na sana ay magtagumpay.
Sana talaga makausap ko na si Luhan. Di kasi ako sanay na ganito kaming dalawa, ang hirap ng hindi kami okay.
Nang wala ng masyadong tao sa may pantry ay sinensyasan nya na ako humiga sa sahig. Anubayan. Para naman akong tanga rito eh. Huminga ako ng malalim saka ko ipinikit ang mga mata ko. Saglit ko pang sinulyapan muli si Chynna. Nang sumigaw na sya ay agad na akong pumikit.
"H-hala?! Tulong! Si P-pearl nahimatay!" Infairness galing umarte ng kaibigan ko ah. Parang gulat na gulat talaga sya sa nangyari. May mga naririnig akong nagbubulungan pero wala paring masyadong lumalapit sa akin. Hanggang sa...
"What the hell happened to her?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Luhan. Gusto kong idilat ang mga mata ko para masigurado kong magiging matagumpay nga ba ito o hindi pero baka mabuko ako.
"A-ano, Sir, kasi bigla nalang syang hinimatay.." Habang patuloy ang pagpapanggap ko ay naramdaman ko nalang na binuhat ako ni Luhan sa mga braso nya.
Luh? Saan kami pupunta? Ay, saan nya ako dadalhin?
***
Shocks! Hindi yata effective dahil hindi ako nagkaroon ng timing na makausap sya. Nagpatawag kasi sya ng doktor na tinignan pa ako. Sinabi nito na pagod lang ang dahilan at marami pang ka-ek-ekan.
Nakahiga ako ngayon sa sofa at nanakit na ang mga mata ko sa pagpapanggap na tulog. Bigla ko namang naramdamang may tao sa tabi ko. Tahimik rin ang paligid at wala akong naririnig na kahit ano.
Teka, chance ko na ba ituuu? Imumulat ko na sana ang mga mata ko ng haplusin nya ang buhok ko.
"Pearl..." Banggit nya pa sa pangalan ko. Oh no! Hindi kaya alam nyang nagpapanggap lang ako? Huhu. Nakakakaba.
"Pearl, if you're still not feeling well, you should've just rest." Hoo! Akala ko naman, kung ano na ang sasabihin nya.
Kalmado lang ang boses nya ngayon. Parang hindi na sya galit sa akin. So, gigising na ba ako?
"You make me feel worried..." Dagdag nya pa.
"Please take care of yourself, Pearl." Pagsabi nya nun ay nagulat ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa noo ko, kaya naman napadilat ako, na sya ring ikinagulat nya.
Agad syang napatayo.
"I-i'm sorry.. A-are you feeling okay now?" Para tuloy syang natataranta ngayon. Pero kasi, kahit ako nagulat sa ginawa nya eh. Bakit nya ko hinalikan sa noo? Hay, ayokong ngang mag-isip ng kung ano. Masyado na rin talaga akong nagiging malisyosa. Nakakahawa si Chynna.
"A-ah, oo. Ayos naman na ang pakiramdam ko." Ngumiti ako at tumango.
"Aalis na ako, magpahinga ka lang dyan. Wag mo ng alalahanin ang trabaho." Ang bilis naman nyang umalis. Bago pa sya makatalikod ay napabangon ako mula sa pagkakahiga at agad kong hinawakan ang kamay nya.
"Ah, Luhan, pwede ka bang makausap?" Sandali pa kaming nagkatitigan bago sya tumango.
Magkatabi na kami ngayon sa sofa na kanina lang ay hinihigaan ko. Ako na ang bumasag ng katahimikan sa aming dalawa dahil nakakailang na.
"Uhm.. Gusto talaga kitang makausap dahil alam kong galit ka sa kin."
"I'm not." Sagot nya. Napatingin ako sa kanya habang nakatingin lang sya sa sahig.
"Wag mo ng itanggi kasi hindi mo kaya ako pinapansin.. at hindi ako sanay dun. Saka alam ko namang kasalanan ko yun eh. Kaya, I'm sorry. Sorry, kung hindi ko sinabi sayo na--" Natigilan ako ng harapin nya ako at magsalita sya.
"So, may relasyon nga kayo?" Diretsong tanong nya sa akin. Napalunok nalang ako dahil sa pagkagulat ko.
"Ang totoo wala--"
"But you like him? Or you love him?" Matagal na kaming magkakilala ni Luhan, kaya imposibleng hindi rin nya ako kilala. Sa tingin ko'y alam nya na ang sagot ko.
"Oo, mahal ko sya." Wala naman ng dahilan para i-deny ko pa yun. Tutal, pinagdududahan na rin naman nya ako noon pa, saka ito na rin ang tamang oras para sabihin ko sa kanya. Ayaw ko na rin kasing magsikreto sa kanya.
Nakatitig lang sya sakin na parang binabasa nya ako. Halos mga kalahating minuto muna ang lumipas bago sya muling magsalita.
"Nung pumayag ka pa lang noon sa kondisyon nya, alam ko na. Sa tinginan nyo palang, ramdam ko ng may namamagitan sa inyo... " Napa-buntong hininga sya. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o kung may dapat ba akong sabihin.
"But, I just don't get it. Why him?" Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"At bakit naman hindi sya? Wala namang mali sa kanya--"
"You don't know him yet... And you're just saying that because you love him, because you only see him." Parehas sila ni Zayn, parehas silang walang tiwala sa isa't isa. Ano ba kasing pinag-awayan nila noon? Anong issue ang mayroon sila? Mukhang malalim lalim iyon. Ayokong mangialam pero sana magkaayos din sila dahil nadadamay ako sa kanilang dalawa.
"Luhan, please lang, wag nyo naman akong idamay sa kung anong away man ang meron kayo ni Zayn..." Pakiusap ko sa kanya.
"Sana lang tanggapin mo na lang din ang desisyon kong mahalin sya.. At sana magkaayos na din tayong dalawa.. Sobrang hirap kaya na hindi tayo nagkikibuan dito sa loob ng opisina mo." Narinig ko namang mahina pa syang natawa.
"I'm sorry too, Pearl. I respect your decision but I'm just worried if you get hurt because of him. I just don't want that to happen to you.." Naiintindihan ko naman sya. Tama talaga si Chynna, concerned talaga sa kin si Luhan. Pero wala naman syang dapat ipag-alala sakin dahil hindi naman ako masasaktan. Mahal ko si Zayn at mahal nya rin ako.
"Salamat sa pag-aalala pero pangako hindi naman ako masasaktan eh--"
"You'll never know." Hay, ayaw nya talaga ko patapusin lagi magsalita. Edi wag.
"Uhm, edi okay! Alam mo, imposible naman kasing hindi mo maranasang masaktan dahil parte yun ng pagmamahal eh." Medyo tumaas ang boses ko sa kanya pero nakangiti ko namang sinabi yun, may pinaglalaban lang kasi ako. Charot. Ay hindi, totoo naman talaga ang sinabi ko eh.
"Yeah, I know, I know. Just like what happened to me, because of that stupid love." Muling sumeryoso ang mukha nya. Sabi ko nga, kaya sya parang overprotective sa akin, dahil sa nangyari sa kanya. Hindi ko naman masabing bitter sya, pero kasi iba ang pinagdaanan nya. Sarap kasing murahin nung Mariana na yun. Sana talaga mahuli ka na ng mga pulis, bwisit kang babae ka!
"Anubayan, sorry. Naalala mo pa tuloy yun. Marami pa namang ibang babae dyan eh, makikita mo rin yung para talaga sayo." Sabay ngiti ko sa kanya. Tipid lang nya akong nginitian pabalik.
"Pearl, can I say something to you?" Bigla na namang dumaloy ang kaba sa dibdib ko. Ano ba tong sasabihin nya? Bakit seryoso na naman sya?
"Uhm, oo naman syempre. Teka, secret ba yan?" Biro ko pa, para gumaan ang pakiramdam ko.
"I just want to--" saka ko lang naalala na birthday nya na nga pala next week! Oo nga pala, iimbitahin nya lang pala ko! Tss. Kailangan pa nyang magseryoso ng ganyan, kinabahan pa tuloy ako.
"Ah alam ko na yan, birthday celebration mo? Syempre naman pupunta ako, alangan namang mawala ako sa birthday mo." Nagulat ang mukha nya at napatango tango nalang sya.
"Oo, yan nga ang sasabihin ko.." Pero bakit ganyan ang tono ng boses nya parang napilitan lang.
"Saan pala?" Tanong ko.
"Hmm.. Ikaw saan mo gusto?" Nagulat naman ako, nang ako ang tanungin nya.
"Bakit ako? Hindi naman ako ang magbi-birthday eh." Natatawa tuloy ako sa kanya. Naalala ko rin tuloy yung mga nangyari dati, halos ako ang nagdedesisyon para sa kanya dahil ako ang lagi nyang tinatanong, katulad nalang noon ng tanungin nya ako kung saan daw magandang mag-honeymoon.
"Beach party? What do you think?" Napa-buntong hininga tuloy ako. Kasi naman, ako parin ang tinatanong nya.
"Kung anong gusto nyo, edi syempre go! Birthday mo yan eh saka kayo rin naman ang gagastos nyan." Biro ko pa.
Parehas kaming natawa. Wow, ka-miss din pala tong mga daldalan naming dalawa ni Luhan. Saka ang saya ko rin na bati na kami. Nubayan, ang bata ng term ko. Ang ibig sabihin ko, ayos na ang mga misunderstanding.
---