Chapter THIRTEEN: Relationship

3216 Words
"Zayn, umamin ka nga..." Ako ang unang bumasag ng katahimikan habang parehas kaming nagpupunas ng katawan dahil sa pagkabasa namin sa ulan. Taka nya akong tinignan habang kinukuskos nya ang towel sa basa nyang buhok. Suskopo! Grabe naman to, akala mo model eh! Tigilan nya nga ako, super hot nya tignan eh! "What? Why are you looking at me like that?" Mas tinitigan ko pa sya. "Playboy ka dati o fvckboy?" Diretsong tanong ko na ikinagulat at ikinakunot ng noo nya. "What the fvck is your question?!" Pinigilan kong hindi matawa sa reaksyon nya pero kasi nagtataka parin ako, bakit ang galing nya humalik? Ako palang ba talaga? "Kasi naman, Zayn, feeling ko ang dami mo ng nahalikan eh, bakit ba kasi ang galing mo?" Bigla namang umukit ang ngisi sa mukha nya. "So you liked it? Want more?" Sige, aaminin ko gusto ko pa, pero eto naman eh, chinacharot charot ko lang eyy! Mesyede nemen nyeng seneseryese! "Zayn naman eh! Kulit mo! Ano nga?" Hindi parin naman kasi nya sinasagot ang tanong ko. Samantalang, nakangisi parin ang lalaking to. "I'm still virgin." Napaiwas naman ako bigla ng tingin sa kanya dahil sa isinagot nya, narinig ko naman ang tawa nya. Bakit ba nya kailangang sabihin sa akin yun?! "Bakit mo naman--" "I'm just answering your question." "Ako palang talaga nahahalikan mo? Ganun?" Muli kong tanong. Mabagal syang tumango tango. "Yes, cause you're my only girl who deserves my kisses." Tong lalaki na ire! Namumuro na aba! Baka hindi na naman ako makatulog mamayang gabi dahil sa kanya! Bwisit sya! Lalo ko tuloy syang hindi matignan. "Hey, you're blushing.. I want to kiss you badly now." Pakiramdam ko, aatakihin na talaga ko sa puso, right now! Hindi ako makahinga eh. "Ano ba! Bakit puro naman tungkol sa halikan tong pinag-uusapan natin?" Angal ko. Tigilan nya na kasi ako, gustong gusto nya na namumula ako rito eh. "You started it first." Sagot nya. Talaga naman, pero ako nga ba? Hay, tinanong ko nga pala sya. Kasalanan to ng curiosity ko eh. Pero naalala ko pa nga pala, kagagaling namin sa ulan. Kaya, "Maligo ka na nga, baka magkasakit ka pa--" "No, you first." Pagtanggi nya. Pero hindi sya dapat ang mauna, sya ang sakitin samin eh. "Hindi, sanay naman na ako eh. Ikaw ang sakitin, ikaw ang mau--" "Let's stop arguing, sabay nalang tayo." Nagulat naman ako sa sinabi nya, at sya naman nakangiting parang inosente. "Bastos mo!" Sigaw ko sa kanya kaya tumawa sya. "Haha. But don't you like my suggestion?" Inirapan ko nalang sya. Hilig nyang mang-asar ngayon ah! "Pag di ka pa nauna, wag ka ng magpapakita sakin kahit kailan.." sabi ko pa sa kanya, para matigil na kami. "Yeah, I know when to stop.. I'll go first now." Naglakad na sya papunta sa banyo at ako naiwang nakaupo sa may sofa. Kunot noo ko naman syang tinignan ng bumalik sya. Nakatayo sya ngayon sa harap ko, ano may nakalimutan ba sya? "Zayn! Wag ka naman dito maghubad!" Agad kong nilagay ang isang kamay ko sa mga mata ko. Bwisit sya! Talagang sa harap ko pa eh! Nagulat ako ng bigla nyang hubarin ang basa nyang gray shirt. Sumilip ako sa butas ng dalawang daliri ko at nasa harapan ko parin sya. Malinaw na kitang kita ko ang perfect sculped body nya, muscles, abs-- "Pearl, don't be shy.. You can watch me, cause I'm yours." "Zayn! Tumigil ka! Sabi ko maligo ka, hindi maghubad sa harapan ko!" Seryoso ko syang tinignan at blanko nya naman akong binalikan ng tingin. "Hindi ka ba nahihiya sa akin?" Tamong ko sa kanya. Ngayon, nakatitig lang din sya sa akin ng seryoso. "Hindi ako kailanman mahihiya sa taong mahal ko. Gusto kong makilala mo ang totoong ako." Napalunok naman ako dahil bigla rin syang nagseryoso. Bigla ring lumalim ang pananagalog nya, senyales ng ka-seryosohan nya. "A-ang seryoso mo naman bigla." Pagpapagaan ko sa atmosphere. "That's how serious I am when it comes to you." Lihim akong napangiti. Ako rin naman seryoso sa kanya. Hay, pero kahit ganto kami, wala parin kayang kami. Parang gusto ko na tuloy bawiin, yung sinabi kong kailangan nya pa akong ligawan, hay buhay! Gusto ko ng label, uwu. "Uhm, sige na, maligo ka na." Binigyan ko sya ng tipid na ngiti pero seryoso parin ang mukha nya. Wala rin yata syang balak umalis. "Later." Maikling sagot nya. "Mamaya magkasakit ka pa--" "Don't worry, love. I'll be fine." At nakita ko rin muli ang ngiti nya. Napangiti nalang din ako. At para na nga kaming mga timang dito kakangiti sa isa't isa. Nagulat naman ako ng unti unti syang lumapit sa kinauupuan ko.. Muli na naman akong kinabahan. Sya talaga yung tao, na ang hirap i-predict ang gagawin. Napasandal na ako sa sofa. Pero patuloy parin sya sa paglapit... "Zaaaayn!" Napatili nalang ako ng buhatin nya ako at ihiga sa kama. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang lalabas na talaga yung puso ko eh. Kinakabahan talaga ako, gagawin na ba namin yung bagay na yun? Gosh! Sa tingin ko, hindi pa ako handa. Kaya lang, marupok ako eh. Umibabaw sya sakin, at pakiramdam ko nag-iinit na agad ang katawan ko. Ano ba tong feeling na to?! Hindi na naman ako makahinga, dahil sa sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Dumidikit din ang katawan nya sa katawan ko. Nilapit nya lalo ang mukha nya hanggang sa maramdaman ko ang labi nya sa akin. Agad kong natugon ang mga halik nya, dahil natutunan ko na iyon dahil sa kanina. Aba, fast learner kaya to. Kinuha nya ang mga braso ko at isinabit nya iyon sa batok nya. Mabilis na lumalim ang halikan namin, kaya mabilis lang din nyang iniwanan ang mga labi ko. Sandali nya pa akong binalingan ng tingin, at naramdaman ko nalang na hinahalikan nya na ako sa mukha ko, sa tenga ko, sa panga ko hanggang sa bumaba iyon sa leeg ko. Nakikiliti ako na sa ginagawa nya kaya hindi ko napigilang maitikom ang bibig ko. "Zayn, hmm..." Bakit kaya ganito? Yung ang lamig ng panahon pero ang init talaga ng pakiramdam ko dahil sa kanya. Hoo! Ramdam kong pinagpapawisan na kami parehas dahil sa ginagawa namin. Hoo! At naalala kong wala pa kaming label nito ah. Wala pa. Nakasubsob ang mukha nya sa leeg ko, at napaangat nalang ako ng tingin para mas maangkin nya ang leeg ko. Napapikit nalang ako habang dinadama ang mga halik nya roon. Hindi nya parin iyon tinatantanan hanggang sa.. Matigilan sya dahil sa narinig naming pagtunog ng "ding dong" ng doorbell. "Istorbo." Narinig kong mahinang bulong nya ng tumayo sya mula sa ibabaw ko. "Waaait! Ako na!" Pigil ko sa kanya, dahil sya pa ang haharap sa kung sino mang nag-doorbell na iyon. "Just stay here and let me.." Ang kulit nya naman eh. Agad akong tumakbo sa may harapan nya at hinarangan sya. "Ako na nga, di ka pwedeng makita rito." Sabi ko pa. Kumunot naman ang noo nya. "Why? Kinakahiya mo ba ako?" Tanong nya pa. Umiling iling naman ako. Hindi naman kasi yun eh. "Hindi.. Pero kasi baka iba ang isipin ng makakakitang nandito ka. Alam mo naman, lalaki ka at babae ako. Ano nalang iisipin nila diba?" "I don't care about what others will say--" sa pagkakataong ito sya naman ang pinutol ko ang pagsasalita. Kulit nya, kanina pa siguro naghihintay ang kung sino mang nasa labas. Naririndi na nga rin ako sa doorbell. "Saka kasi Zayn, kilala ka kaya.. at tignan mo wala ka pang suot pang-itaas." Kahit gusto ko mang titigan nalang ang katawan nya, hindi parin naman magandang ibalandra nya iyon. "Fine." Napa-buntong hininga nalang sya at sumuko na. "At saka pala, pwedeng magtago ka muna?" Nairita naman agad ang mukha nya. "Dali na.. pleaseeeee..." Pagmamakaawa ko pa. Baka nga kasi makita sya eh. Nawala naman ang kunot ng noo nya at tinitigan ang mukha ko na nagpapaawa sa harapan nya. "Oh damn. I can't really resist your charm." Napa-facepalm nalang sya. Napangiti ako at tinuro ko na sa ilalaim ng kama nalang sya magtago. Nang makapagtago na sya ay dali dali kong itinago ang mga gamit nya at saka ko naman tinignan ang sarili ko sa salamin para mag-ayos. Laking gulat ko naman sa itsura ko, muntikan ko ng masigaw ang pangalan ni Zayn. Kasi naman eh, sya lang naman ang may gawa nito sa leeg ko. Namumula tuloy ito dahil sa mga marka nya. Kainis naman eh. Ngayon pa talaga. Hinanap ko agad ang turtle neck jacket ko at isinuot yun. Takbo takbo akong pumunta sa may pintuan at agad iyong binuksan. Nagulat naman ako ng makita kung sino iyon. "L-luhan.." Nakangiti sya sa akin kaya ngumiti rin ako kahit nagtataka parin. "A-ano palang ginagawa mo dito?" Umuulan pa naman, at pinuntahan nya pa ako saka ang wrong timing. "Can I come in first?" Tanong nya. Tumango naman agad ako. Huhu, kinakabahan ako. Ano nalang kayang reaksyon nya kung nakita nya si Zayn dito? Saka wag sanang lumabas si Zayn sa pinagtataguan nya. Hindi pa naman sila bati.. parang may away bata sila.. hay business kasi ang may gawa eh. Nang makaupo kami sa sofa ay agad syang nagsalita. "Pearl, nag-aalala ako sayo... Hindi ka naman kasi uma-absent.. Kaya binisita kita, baka kasi hindi pala maayos ang pakiramdam mo." Napangiti naman ako sa concern nya. Pero wait, akala ko naman wala talaga akong pasok dahil sabi ni-- Hay! Hayaan na nga, buhay talaga oh! Ang gulo. "P-pero okay lang naman ako--" Nagulat naman ako ng lumapit sya at hipuin nya ang noo ko. "Hindi ka naman mainit pero ayos ka lang ba ngayon? Nilalamig ka pa yata, dahil balot na balot ka." Mahina tuloy akong natawa, napansin nya pa to. Pero kasi, wala naman talaga akong sakit.. Pero kailangan ko na tuloy syang sakyan. "Ah oo, ang lamig nga. Alam mo naman, lalo na at naulan hehe." Pilit pa akong ngumiti sa kanya. "Sana rin hindi mo na ako pinuntahan pa, busy ka pa namang tao at umuulan--" "I'll take care of you, Pearl. Hindi lang bilang bawi dahil sa pag-aalaga mo sakin, pero gusto kitang alagaan dahil mahalaga ka sakin." Ngiti nya pa. Alam ko naman yun, mahalaga din naman sya sakin eh. Napangiti nya rin ako. Kaya lang, sorry kung kailangan kong mag-sinungaling sa kanya, nagi-guilty tuloy ako at kailangan ko ring paalisin sya agad. "Salamat ah.. Pero kaya ko naman ang sarili ko, hindi mo na kailangan mag-alala at alagaan pa ako.." "Pearl, marami ka ng nagawa para sakin.. Kaya wag ka ng mahiya, nandito lang naman ako eh. At ayos lang din na absent ka, lalo na kung may sakit ka pala. Sana pala, nabisita kita ng mas maaga." Ang bait nya talaga, isa yan sa mga nagustuhan ko sa ka kanya noon. Pero, ano nga kayang gagawin ko para mapaalis sya? Wala pa, pero nakokonsensya na agad ako. "You don't have to come here just because she's your employee.. And also she doesn't need you. Cause I'm always here for her." Parehas kaming napalingon ni Luhan kay Zayn. Napatampal nalang ako sa noo ko. Ang kulit nya, sabi ko magtago muna sya eh. Ano nalang ang sasabihin ni Luhan? Matalim ang titig nila sa isa't isa, halata mo na may kung ano silang alitan. Napahinga ako ng malalim. "Pearl, kaya ba pinapaalis mo na ko, kasi may kasama ka pala rito?" Hindi naman agad ako nakasagot sa tamong ni Luhan. Mahinahon naman ang pagkakatanong nya sakin, pero natatakot ako sa kanya. "Ah kasi ano, nagkataon lang naman na pumunta sya tapos--" pero hindi ako pinatapos magsalita ni Luhan. "I knew it. Something's going on with the two of you?" Kinabahan naman ako ng biglang manlamig ang tono ng boses nya. "Wala--" Bakit ba ayaw nila akong patapusin? "So what, if we do have a relationship?" Singit naman ni Zayn. "I care for her and I don't trust you--" maging si Luhan ay hindi pinatapos ni Zayn. "I also don't trust you. Just go away, Montecer." Sa pag-uusap nilang dalawa, parang matagal na silang magkakilala. Pero talaga namang matagal na, matagal na silang magka-kumpitensya pagdating sa business industry. Pero parang may mas malalim pa dun eh. "You don't have the right to throw me out, this isn't your place--" "But the one who lives here is mine." Hindi lang si Luhan ang natigilan, maging ako ay hindi na nakagalaw sa kinauupuan ko. Parang nahihirapan na naman akong huminga. Saglit pa akong tinapunan ng malamig na tingin ni Luhan, saka sya umalis. Hay, napalunok nalang ako. Ito na yata ang pangalawa, na nagalit si Luhan sa akin. At hindi na naman tuloy mapalagay ang loob ko dahil sa kanya. Nagalit sya dahil hindi ko sinabi at nag-sinungaling ako sa kanya. Pero, napaisip ako, kailangan ko ba talagang sabihin sa kanya? Hindi ba, personal na buhay ko naman to, kaya sana lang wag nya akong idamay sa kung ano man ang alitan nilang dalawa ni Zayn kung may namamagitan man sa amin. Mahal ko si Zayn at mahalaga din sya sakin. Kaya hindi ko rin sya kayang mawala. Mukhang kailangan kong ayusin to. "Zayn naman kasi, sabi ko magtago ka muna--" "He's so annoying, I can't take it anymore, why the hell does he need to come here?" Mabilis uminit ang ulo nya, kapag tungkol kay Luhan. "Is he always here? Don't let that guy come inside your apartment again, I really don't trust him." Naiinis tuloy ako sa kanya. "Hindi naman sya palaging pumupunta rito, saka wala naman syang masamang gagawin sakin. Matagal ko na kaya syang kilala--" "I know him more than you do." Napa "ha?" nalang ako. Ibig sabihin matagal na silang magkakilala? "Ah, magkaibigan kayo dati? Sa tingin ko.." Umiling iling sya. "He tried befriending me but he just ended up betraying me." Ramdam ko ang pait ng pakiramdam nya sa tono ng pagkukwento nya. Sabi ko nga, may mas malalim na dahilan ang dalawa kung bakit ganun sila sa isa't isa. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko, dahil baka isipin nyang may kinakampihan ako kahit wala naman. "Uhm, pero matagal na yun diba? Wala ba kayong planong magkaayos?" Nagkibit balikat lang sya. Mukhang sensitive yata sya roon sa bagay na yun. Hindi ko rin maisip na kung naging magkaibigan sila noon ay, ta-traydurin sya ni Luhan? Hindi ko maisip na magagawa ni Luhan yun dahil ang bait kaya nya pero hindi ko naman kasi alam yung nangyari eh. Hindi kaya misunderstanding? At baka may pag-asang magkaayos pa sila? "Pearl.." Agad ko syang tinignan ng tawagin nya ako. Wala na namang buhay ang mukha nya tulad ng dati, kaya may naisip ako na sana mapangiti sya. Lumapit ako sa kanya at mabilis na dinampian ng halik ang labi nya. Nagulat naman sya. Nginitian ko lang sya. "Pwede ka bang ngumiti?" Masiglang tanong ko. "Why? Do I have a reason to smile?" Takang tanong nya. Ano ba yan? Napa-pout tuloy ako. "Hindi ba ako sapat na dahilan para ngumiti ka? Can you smile for me, Zayn?" Ngumiti ako ng malawak sa kanya pero hindi parin nagbago ang mukha nya. Hay, nalulungkot tuloy ako. Hindi ko sya kayang pangitiin. Gusto ko pa naman na lagi syang masaya. Gusto ko syang makita na laging nakangiti. Dati, gusto kong bumalik nalang sya sa dati dahil nawe-weird-uhan ako sa kanya, pero hindi ko maitatanggi na ito yung lalong nagpalalim ng nararamdaman ko sa kanya. Ang mga ngiti nya. Sya kaya ang kasiyahan ko. Hay, nubayan! Landi ko. "Kulang." Tipid nyang sagot. Nagtaka naman ako, anong kulang? Yung effort ko ba? Hays, sabi ko na nga ba eh. "Paano ba kita mapapangiti?" Tanong ko na mukhang parang nalugi. "Kiss me more." At sumilay ang ngisi sa mukha nya. Napa-kunot naman ang noo ko. "Hay, hindi. Ayoko. Namimihasa ka na. Nakailang halikan na kaya tayo ngayong a--" "Pleaseeee..." Nakangiti sya habang sinasabi ang mahabang pleaseeeee. Natigilan naman ako ng makita ang kakyutan nya. "Ang cute mo, pero hindi parin. Magtipid ka sa kiss. Hindi kita pwedeng gawing spoiled." Naka-pout lang sya roon sa isang tabi. At hay, hindi ako pwedeng bumigay. Kailangan ko ring magtiis no. Mahirap na, baka mabuntis ng wala sa plano. "How about you move in to my house?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. No! Edi mas mahihirapan akong magtiis. Kasama ko pa sya at laging makikita. "Pearl, I know what you're thinking." Dama ko naman ang tono ng pang-aasar nya. "Wala akong ibang iniisip na iba no!" Depensa ko sa kanya, tinawanan nya lang naman ako. "I just want to protect you. That's the only way, I can assure your safety." Aww. Na-touch naman ako sa pag-aalala nya... "Thank you. Pero don't worry, wala namang mangyayari sa akin eh, kaya ko ang sarili ko--" "I'm sorry if I really don't like that guy, I can't imagine him being always with you.. I'm jealous. You liked him before and--" Pinigilan kong mapangiti hanggang tenga dahil sa sinabi nya. Omg! Inamin nya lang namang nagseselos sya, hihi.. Pero, wala naman syang dapat ipag-alala eh. "Akala ko ba, sigurado ka na ikaw ang gusto ko?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya bago sumagot. "Yes, and I also trust you but not him. So, if I may ask again, would you like to live in with me?" Live in talaga ang iniisip nyang dalawa ha. Naguguluhan ako dahil sa sobrang bilis nya, kanina lang sabi nya liligawan nya pa lang ako, tapos ngayon ibabahay nya na ako. "May nakalimutan ka yata.." paalala ko sa kanya. Naningkit ang mga mata nya na para bang wala syang naalala. "Hindi ba, sabi mo liligawan mo muna ako? Tapos ngayon tinatanong mo na agad ako, kung gusto kong tumira sa bahay mo." Bahagya naman syang napatungo ng kaunti at nahihiyang ngumiti. Ano na naman ito, ha? Paawa na naman ba ang cute na lalaking ito? Kainis naman, bakit ba ang hina ko lagi pagdating sa kanya? Huhu. "I'm sorry, Pearl. I'm sorry, if you feel like I am speeding up our relationship." Agad naman akong ngumiti sa kanya. "Apology accepted." "Thank you, Pearl." "Uhm, alam mo umuwi ka na, habang hindi pa umuulan ulit. Mag-ingat ka ha." Hindi ko naman sya gustong paalisin agad, pero baka mamaya madisgrasya pa sya kapag inabot ulit ng ulan. "Yes, Love. How about a kiss before I go?" Kumunot na naman ang noo ko, dahil naisingit na naman nya yun ah. Masyado na syang adik sa kiss ko. "Tss, adik ka na ha. Pero, sige last na to ngayon." Lumapit ako sa kanya at mabilis lang syang hinalikan sa labi pero hinapit nya ang bewang ko at agad nya iyong pinalalim. Inabot pa ng isang minuto, bago sya bumitiw. Etong lalaki na to, madaya talaga. Pero, wala eh, masarap eh este-- wala. Pati yata ako maadik sa halik nya, kainis. Baka hanap-hanapin ko. "Thank you, Pearl. I love you." Napangiti nalang ako sa ibinulong nya sa akin bago sya umalis. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na to. Sobrang saya ko. Pero, may isang bagay pa pala akong dapat ayusin... ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD