Chapter TWELVE: Mine

2802 Words
Nang dahil sa nangyari kahapon, halos hindi ako nakatulog kagabi... Kaya naman kahit puyat ako, maaga pa rin akong nagising. Nagulat naman ako dahil ke-aga-aga ay may nagdo-doorbell na naman, wag mong sabihing delivery guy na naman ito? Agad ko naman itong binuksan at nagulat ako nang tumambad si Zayn na nakangiti sa harapan ko. "Good morning." Sa gulat ko sa kanya ay agad ko rin syang nasaraduhan ng pinto. Gosh naman kasi! Anong ginagawa nya rito? Ang aga aga, pinapakilig na ako eh! Nakagat ko nalang tuloy ang ibabang labi ko, para mapigilan ang sarili kong mapatili. Inalis ko muna ang mga ngiti sa labi ko, saka nagseryoso at binuksang muli ang pinto. "B-bakit ka nandito?" Bahagya namang kumunot ang noo nya sa akin. "Am I not allowed in your house?" Naglakad sya palapit sa pa sa akin kaya kinabahan ako, napaatras ako kasabay ng pagpasok nya sa loob ng apartment ko. "A-ahm.. h-hindi naman." Umupo sya sa sofa at ako naman na-tuod na sa kinatatayuan ko malapit sa may pintuan. Nakatingin lang sya sa akin habang prenteng nakaupo. Ti-nap nya ang bakanteng espasyo sa sofa para umupo ako roon, at hindi ko alam kung bakit mga simpleng gestures nya ay alam ko na ang ibig sabihin at napapasunod naman nya ako. Gusto kong mapa-facepalm, pero mamaya nalang. Umupo ako sa tabi nya at naglakas loob na akong ibalik ang titig nya sa akin. "Wala ka bang pasok or ginagawa ngayon? Alam kong busy kang ta--" "I'm the CEO and President, I can absent from work whenever I want." Ngumisi pa sya. Parang lately, yumayabang sya.. Pero nakikita ko na rin yung iba't ibang side nya ngayon. "Pero kasi ako, may pasok pako--" Umiling sya kasabay ng pagputol na naman sa pagsasalita ko. Napa-buntong hininga nalang ako. "You're not going to work today." Sagot nya na ikinataka ko, hindi naman sya ang boss ko ah, para magdesisyon kung may pasok ba ako o wala. Napamewang naman ako sa bewang ko. "Ha? Bakit naman?" Lumiwanag ang mukha nya kasabay ng paglabas ng dimples nya dahil sa pagngiti nya. "Because today, you're mine." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya kaya napaiwas ako ng tingin agad sa kanya. Nakakainis na talaga sya ah! "Ngayon lang?" Bulong ko pa sa sarili ko. Napatingin ulit naman ako sa kanya ng magsalita sya. "Do you want to be mine forever?" Nagulat naman ako sa sinabi nya. Teka, wag mong sabihing narinig na naman nya ang sinabi ko?! Ang lakas talaga ng pandinig nya! "Walang forever no. Tss." Sabay irap sa kanya. Wala naman talagang forever eh. Saka isa pa, ano ba kasi na namang trip nya? Nandito na naman sya sakin, umaasa na naman tong puso kong parang ewan! Bakit ba kasi di ako maka-move on sa kanya eh! Isang buwan lang naman akong nagtrabaho sa kanya, at isang buwan lang kaming nagkasama pero ang lalim ng pagkahulog ko sa kanya. Ang tindi na rin ng pagkagusto ko sa kanya... Saka paano ako makaka-move on, kung lagi nyang ginugulo ang araw ko! Pupuntahan nya ako, kakausapin,at syempre guguluhin at ookupahin nya lalo ang isip ko! Kaya paano ko sya makakalimutan, kainis naman oh! "Then I'll make you believe to it." Ngumiti na naman sya, at kulang nalang ay maghumirentado na naman ako... Mabuti nalang at kaya kong kontrolin ang nararamdaman ko sa tuwing kaharap ko sya. Pero hindi ko na napigilang mainis sa inaasta nya. "Zayn naman! Bakit ka ganito? Ngiti ka ng ngiti! Natawa ka pa. Salita ka na ng salita. Ano ba yan! Hindi ako sanay." Nawala ang ngiti nya at napalitan iyon ng lungkot. Napalunok tuloy ako, hindi ko rin naman kayang makitang ganyan ang itsura nya, dahil nalulungkot din ako. "But you said you want me to smile." Sagot nya. "Oo, sinabi ko yun pero ngumiti ka lang tuwing masaya ka, at hindi dahil sinabi ko lang." Pinilit kong maging mahinahon sa kanya. Sya naman ay napa-buntong hininga nalang din dahil sa mga sinabi ko. "Can't you see? I'm happy. That's why I'm smiling and laughing." Pero bakit nga kasi! Ano bang ibig sabihin nya, masaya sya sa tuwing kasama nya ako? Argh! Umaasa na naman ako eh! "Tigilan mo na nga ko! Ano ba to? Nanaginip ba ako? Gisingin mo naman ako!" Tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko para hindi ko sya makita. Kasi naiinis ako eh, panggulo sya! Yung gusto mo na ngang kalimutan pero ayan lapit pa rin ng lapit sayo! At nginingitian ka pa, gusto nya yata akong matunaw nalang dito. Nagulat naman ako ng dahan dahan nyang alisin ang dalawang kamay ko sa mukha ko at lumapit sya. Ano na naman ba?! Kinakabahan ako.. Ano bang gagawin nya? Bubulong ba sya? Sobrang lapit nya kasi. Nagulat nalang ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa pisngi ko. H-hinalikan nya ko sa pisngi ko?! Gosh! Ano ba! Lalo nyang pinapapalala ang nararamdaman ko para sa kanya eh! "Bakit mo naman ako hinalikan?!" Gulat na tanong ko. Ngumisi na naman sya. Jusmiyo, pwede bang tigilan nya na ang pag-smirk dahil ang pogi at hot nya lalo! "You said na gisingin kita, and I think that kissing you can wake you up.." Napaiwas nalang ako ulit ng tingin, grabe naman eh! Gusto ko ng umiyak! Kasi pakiramdam ko sasabog na yung nararamdaman ko at higit sa lahat gulong-gulo na ako sa ikinikilos nya sakin eh. Pumikit nalang ako at paulit-ulit na iniling ang ulo ko. "Why do I feel, I'm making you irritated? What did I do wrong?" Rinig kong takang tanong nya pa. "Wala. Kasi naman, naninibago ako sayo eh.." Tinitigan nya ulit ako na para bang binabasa nya ang nasa isip ko, napaiwas nalang ulit ako ng tingin. "Pearl..." Mahinahong tawag nya sa akin. "I know there's something wrong.. Please tell me." Argh! Naiinis ako, pakialam ba nya kung magalit ako sa kanya? Makaasta akala mo jowa ko! Kairita sya eh! Yung feelings ko para sa kanya kaya ko pang pigilan pero yung inis ko baka sumabog na talaga. Diko na kaya eh! Napahinga muna ako ng malalim. "Zayn, naiirita ako... Sayo. M-mas gusto kong bumalik ka nalang sa dati. Maging tahimik ka nalang ulit, tapos wag ka ng maging mabait sa akin! I-ignore mo nalang din ako! Wag mo na kong puntahan dito sa bahay ko. Wala lang naman ako sayo eh! Hindi naman na kita boss! In short wala na tayong koneksyon sa isa't isa, except dun sa in-agree-han ko alam ko yun.. Pero kasi ano ba tayo?! Ni hindi ko nga alam kung friends ba tayo o ano! Naguguluhan ako! Naguguluhan ako... Pinapasaya mo ako! Pinapakilig mo ako! Tapos ida-date mo pa ko diba? Pero ikakasal ka na tapos nilalandi mo pa ako! Nakakainis ka talaga! Mababaliw ako nang dahil sayo!" Napatitig lang sya sakin ng blanko ang expression.. Ako naman medyo hinihingal dahil sa kakasigaw ko pero parang may part sa akin na gumaan yung loob ko dahil sa wakas ay nailabas ko na rin kahit papaano. Umisod naman sya palapit sa akin kaya napalayo ako. "Wag kang lalapit.. please.." Mahinang sambit ko. Sya naman mukha syang malungkot.. Nanghina na naman tuloy ako, iba rin talaga ang hatak nya sakin eh, sa tuwing nakikita ko syang malungkot, pati ako nadadama ko.. Pero kasi sya ang dahilan kung bakit naguguluhan ako, sasaya tapos masasaktan kasi nga taken sya.. tapos ikakabaliw ko! Suskopo! Napatingin ako sa kanya, akma syang magsasalita pero pinigilan ko rin sya dahil ayokong marinig ang boses nya. "Wag ka ring magsalita, ayaw kong makarinig ng kahit ano mula sayo.." Sandali syang napapikit. Siguro pati sya naiirita din, pero tama lang din yan. Mairita ka rin, para fair. "Paalisin mo nalang kaya ako." Malamig na lintanya nya. Oo nga, good idea! Nagkusa talaga sya ah! "Oo, sige! Tama ka, mabuti pa nga! Umalis ka na.." Alam ko may utang na loob pa ako sa kanya este kami.. Pero ayaw ko na eh, saka hindi naman nya isinumbat.. At isa pa, magbabayad din naman kami. Tumayo na sya pero hinarap nya parin ako. "Can't you let me explain first?" Mahinahong tanong nya sa akin. Gusto ko sana, pero hindi.. Kasi baka pairalin ko na naman ang karupukan ko pagkatapos nyang magpaliwanag. "Sabi ko diba, umalis ka nalang." Ulit ko pa. "Is that how mad are you to me?" Hindi ba nya maintindihan? Nakakainis naman eh! Paulit-ulit na kami rito! "Oo, galit talaga ako sayo dahil gus-- basta!" Muntikan pang madulas ang lintik kong bibig.. Malalaman nya pa ng biglaan. "Fine. I'll just--" Natigilan sya ng parehas kaming magulat sa biglang pag-ulan ng malakas. "I'll go now. Bye." Umalis na sya. At kinabahan naman ako, bakit tumuloy parin sya? Ang lakas nga ng ulan eh! Alam ko naka-motor sya, baka maaksidente sya dahil madulas ang kalsada! Pero hindi, hindi ako makikialam, kusa naman syang umalis eh. Kusang umalis na pinaalis ko din. Hay! Kaya lang napakabwisit talaga ng pusong to, hindi ko sya kayang tiisin.. Agad akong tumakbo palabas ng bahay at hindi naman ako bigo dahil naabutan ko pa sya. Parehas na kaming basa ng ulan dahil, hindi na ako nakapagdala pa ng payong, maabutan ko lang sya. Pasakay pa lang sya sa motor nya. "Zayn!" Hindi nya yata ako naririnig. "Zayn!" Nilingon nya ako pero tuloy parin sya, papaandarin nya na ang motor nya pero hinigit ko ang braso nya. "Zayn! Ano ba!" Bumaba sya bigla ng motor nya at matalim nya akong tinitigan. "Why the hell did you follow me?" Inis na sabi nya. Aba! Naiinis na rin sya sakin ah! "Kasi naulan! Hindi mo ba naisip na pwede kang madisgrasya? Magpatila ka muna--" "Papaaalisin mo ko tapos hahabulin mo ko." Talagang lalo nyang pinapainit ang ulo ko sa mga sagot nya. Basa na nga kami eh.. At hindi parin talaga tumitila, sobrang lakas pa rin. "Ang dami mo pang sinasabi... Halika na! Baka magkasakit ka pa--" "Pero gusto kong maligo sa ulan." Eti ba yung sinabi nya? Sinabi nyang gusto nyang maranasan? Pwes, hindi ito ang magandang timing. Mamaya magkasakit pa sya eh. "Tapos ano lalagnatin ka?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. Bahagya namang kumunot ang noo nya. "Nag-aalala ka ba?" Oo! Syempre! "Oo." Tipid na sagot ko. Hindi parin naman namin alintana ang ulan dahil patuloy parin kami sa pag-uusap dito sa labas. Ayaw nya pumasok eh. "Pero hindi mo na ko boss ngayon, bakit ka pa nag-aalala sakin?" Ano bang gusto nyang ipunto? Gusto nya ba akong paaminin? "Pag hindi na kita boss, bawal na mag-alala?" "Bakit ka nga nag-aalala? Damn. Answer me." Matigas na sabi nya. Maikli rin ang pasensya nya ah. Pwes, bahala kang isipin ang sagot ko. "Bakit mo naman gustong sagutin ko yan?" Asar na tanong ko. Natutuwa ako sa itsura nyang naiinis. "Kasi gusto ko." Napailing nalang ako "Tigilan mo ko." Saad ko pa. "Then, just answer this question.." Ano naman kaya yun? Naiirita na yata talaga sya sakin, di bale parehas lang naman kami. "Do you like me?" Bumilis naman ang t***k ng puso ko sa gulat at nanlaki ang mata ko sa tanong nya. Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Natahimik tuloy ako at iniwasan ko ang titig nya sa akin. Sabi ko na eh, talagang hinuhuli nya ako. Argh! Bwisit sya! "Silence means yes." Ngumisi pa sya. Yan na naman sya eh.. lalong ang hot nya. Lalo na ngayon na dahan dahan pang tumutulo ang patak ng ulan sa mukha nya pababa sa katawan nya. "I knew it you like me." Agad na napa-kunot naman ako ng noo. Ano?! Ngayon lang ako nagising! "A-ang yabang mo! Nakakainis ka na talaga!" Talagang nakangisi sya pa ha... Nang-aasar yata sya eh! "You. Like. Me. That's the reason why you're mad at me." Kabadong kabado naman ako dahil sa mga sinasabi nya ngayon. Halata na ba ako? Hay! Bwisit naman kasi tong nararamdaman ko para sa kanya eh, akala ko mapipigilan ko pa pero lumalabas na rin pala... Huhu "B-bahala ka na nga dyan. Kung ayaw mong pumasok--" akmang tatalikuran ko na sya nang higitin nya ko sa braso ko at mapalapit ako sa kanya. Halos hindi na ako makagalaw dahil ramdam ko ang katawan nyang nakadikit ngayon sa katawan ko. Tumungo nalang ako pero hinawakan nya ang baba ko at itinaas nya iyon... Lalo namang bumilis ang t***k ng puso ko.. Omeged! Hahalikan nya ba ako?!! "Hindi ka aalis hangga't hindi ko pa nagagawa to.." Sinabi nya yun habang nakatitig sya sakin. Sa lapit namin sa isa't isa ay ramdam at amoy ko ang init at bango ng hininga nya. Samantalang, parang kabayo na ang puso ko na hindi maawat sa pagtakbo ng mabilis... Kanina ay nakatitig sya sa mga mata ko hanggang sa bumaba ang titig nya sa labi ko. Napalunok nalang ako ng makitang inanggulo nya na ang ulo nya at napapikit nalang ako ng maramdaman ko na ang labi nya sa akin. Dinama ko ang init ng halik nya sa gitna ng panlalamig ko sa walang humpay na pagbuhos ng ulan. Grabe, a-ang sarap sa pakiramdam! Hinalikan ako ng taong gusto ko, hindi ko na maintindihan.. Gusto nya rin ba ako? Ang lambot ng mga labi nya na sinisiil ako ng halik. Hindi parin nya ako tinitigilan hanggang sa lumalalim pa ang halikan namin, aminado akong hindi ako marunong humalik dahil sya palang naman ang nakahalikan ko pero ramdam kong tinutugon ko na sya. Bahagya naman akong napa-"ah" sa gulat ng makagat nya ang ibabang labi ko hanggang sa maramdaman ko nalang ang pagluboy ng dila nya sa loob ng bibig ko. Iba na talaga ang nararamdaman ko para akong naiinitan kahit ang lamig. Nalalasing ako sa halik nya at nanlalambot ang mga tuhod ko pero buti nalang at hindi ako matutumba dahil hawak naman nya ako. Pero napaisip ako, bakit ang galing nya sa halikan? May mga naging babae na ba sya noon? Alam ko naman wala, except sa fiancee nya pero iniwasan naman sya nun nung hahalikan nya na eh! Hay! Naiinis ako sa naiisip ko. Bakit ba kasi kung anu ano ang naiisip ko?! Saka dito pa talaga nya naisip sa labas ha! At habang naulan pa! Sya na talaga ang malakas! Natulala nalang ako ng bitawan nya na ang mga labi ko... Para akong nabitin, parang gusto ko pa... Pero, hay baliw na ba ako sa kanya?! Zayn naman kasi eh! "B-bakit mo ko hinalikan?" Tulalang tanong ko pa. "Because that's how I express my feelings.." sagot nya habang nasa usual face nya. Medyo hinihingal ako pero kinakabahan parin talaga ako dahil, eto na naman kasi ako nag-a-assume.. "A-ano?" Hindi ko naman talaga naintindihan. Anong 'express my feelings?' Ano ba yun? Feelings nya towards me? "You are mine now, Pearl." Dahil ba nahalikan nya na ako, ay kanya na ako? Pero eto ba yung version nya ng 'I love you'? .. Pero hindi ako dapat magpadala! Tandaan, hindi sya single! "A-ayoko, h-hindi mo ko pagmamay--" "Why? Is that because of that fvcking Luhan?!" Medyo tumaas ang boses nya kaya nagulat ako. Dinamay nya pa si Luhan, akala ko ba alam nyang sya ang gusto ko pero parang hindi rin naman pala sya sigurado. "Hindi. Wag mo nga syang idamay." Pinilit ko muling maging mahinahon. Ayoko na ng sigawan, dahil baka lalong hindi kami magkaintindihan. Napa-buntong hininga nalang sya. At muling naging kalmado. "Then why?" Hindi nya parin naiintindihan. Pinapahiwatig nyang parang may gusto sya sakin pero nakakalimutan nya yatang.. "K-kasi nga engaged ka na! Engaged ka na kay Miss Arielle--" "I already called off our engagement.. for you.. So, will you be mine now?" Nagulat naman ako. G-ginawa nya ba yun, para sakin? Kasi gusto nya nga ako? "Edi single ka na ngayon?" Paninigurado ko pa. At sa hindi ko na mabilang na beses, muli syang nag-smirk. "I'm not." Napakunot naman ako ng noo. "Ano?!" "I'm not single anymore, kasi tayo na diba?" Yun talaga ang kinagulat ko. Wow ah! Hindi ko maitatanggi na, oo gustong gusto ko sya pero.. a-ambilis nya! "Ang bilis mo naman! Ni hindi mo pa nga ako nililigawan eh." Tipid syang ngumiti. Bakit ba, gusto nyang kami agad? Ang daya naman kasi nun! Hindi ko pa kaya nararanasang maligawan tapos boyfriend ko na sya agad?! "You want me to court you?" Bakit naman tinatanong pa nya? Hindi ba kakasabi ko lang. Baka naman, napipilitan lang sya. "Kung labag sa loob mo, wag na--" "I will give you all the things you want, so if that's what you want, then I'm courting you now.." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD