Chapter ELEVEN: His Style

3849 Words
"Ha? Bakit biglaan?" Tanong ni Reese sa akin. Inabot ko kasi sa kanya yung resignation letter ko. "Ah, ano kasi eh.. Kailangan ako sa dati kong pinagtatrabahuhan." Sagot ko. Pinili nyang manahimik at hindi na magsalita pa. Nginitian nya lang ako at muli na syang bumalik sa trabaho. "Pearl, sigurado ka na? Iiwan ko na to sa mesa nya." Napalingon naman ako sa kanya, akala ko iniwan nya na ko rito sa labas ng opisina. "Oo, sige salamat.. Pakisabi rin kay Sir Zayn ah, maraming salamat." *** "Dito ka na nga talaga ulit, Girl? For real na?" Kanina pa itong si Chynna, paulit-ulit. "Tigilan mo na ko, magtrabaho na tayo." Pumunta na ako sa opisina ni Sir Luhan, at nakangiti nya akong sinalubong. "Welcome back.. Salamat ulit, Pearl, dahil pinili mo kaming balikan at tulungan." Tinapik ko sya sa braso nya at nginitian sya. "Wala po yun, Sir. Hindi ko kaya na mawala lahat ng pinaghirapan nyo sa isang iglap lang, kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya kong maitulong sa inyo." Nagulat naman ako ng bigla nya akong yakapin. "Why are you so kind to me, Pearl? Why are you always there for me? I'm really thankful, that God gave me you.." Ginagawa ko to, dahil mahalagang tao sya para sa akin.. Mahalaga sya para sa kin, pero hindi na gaya ng dati.. Kaibigan ko sya at alam kong hanggang dun nalang yun. "Stop the drama na tayo, Sir. Magsimula na tayong mag work!" Saad ko kasabay ng pagbitiw nya sa yakap. "Sige, but starting today.. Wag mo na akong tawaging Sir, you are my friend, a very loyal friend, so Luhan nalang." Medyo napakunot ang noo ko, dahil hindi ako sanay doon. Pero sige i-t-try ko, naalala ko tuloy si-- na gusto rin nyang sa pangalan ko nalang sya tawagin, kahit nung Una pa lang naming pagkikita.. Na inalok nya pa akong mag-espiya. Natawa tuloy ako, pero-- Ay! Dapat ko na nga pala syang kalimutan, at hindi na rin ako nagtatrabaho sa kanya, okay? "Sige, Luhan." Tumango naman ako. Binasa at inayos namin lahat ng papers.. At may naisip na akong pwedeng pagsimulan, kaya naisip ko yung ipaliwanag sa kanya. "Bale, sa tingin ko kailangan muna nating mag-loan sa banko para may pang sweldo tayo sa employees at sa mga nawalang puhunan ng ibang kum--" Napatingin naman ako kay Luhan, teka, nakikinig ba sya? Nakatitig lang kasi sya sa akin, medyo na-weird-uhan lang tuloy ako. "Ah, nakikinig ka pa ba? Or may dumi ako sa mukha?" Pilit pa akong ngumiti para hindi maging awkward. "C-continue. I-I'm still listening, a-and you d-don't have any dirt on your face." Diko nalang pinansin ang pagiging weird nya lalo at tinuloy ko nalang ang pagpapaliwanag. Naging ayos naman ang plano, at ako na ang kumausap sa mga banko. Kinausap ko lahat ng mga banko except sa isa, dahil kailangan subukan ko lahat, hindi naman kasi namin alam kung kayang ipahiram lang ng iisang banko ang laki ng hinihiram namin. Dun parin ako nagtrabaho sa dati kong lugar, sa opisina kasama sya.. May sarili lang akong cubicle, kaya kita parin namin ang isa't isa. Ramdam ko tuloy ang titig nya pero hindi ko nalang din pinansin.. Hindi ako sanay kaya medyo nailang tuloy ako, bakit kaya? Bakit nya ba ako tinititigan? Binabantayan nya ba ang ginagawa ko? *** Hinatid nya pa ako sa bahay. Nang magkapaalaman na kami, nagulat naman ako ng may makita akong nakaparadang motor sa tapat ng gate ng apartment ko. Kinabahan tuloy ako, naalala ko kasi si ano-- pero hindi lang naman sya ang may motor eh. Hay! Napahinga nalang ako ng malalim at tinahak ko na ang daan papasok ng apartment ko. Hahawakan ko palang ang doorknob nito ng biglang magbukas ang pinto, nalaglag naman ang panga ko. "Paano ka nakapasok?" Gulat na tanong ko sa kanya. So, kanya nga iyong motor dun sa labas? Kinakabahan naman ako, kaka-resign ko lang ah, bakit nandito sya. Nasa labas parin ako habang nakatitig sya sa akin. "Using the door." Tipid nyang sagot na bahagya kong ikinairita. May pagkapilosopo rin pala sya.. Lagi ko namang inilo-lock to ah. Saka, bakit nya ako pinuntahan? Bakit sya nandito? Diba umalis sya? "Bakit ka nandito?" Muli kong tanong. Tumabi sya para makapasok ako. Umupo ako sa sofa, sya naiwang nakatayo habang seryosong nakatingin sa akin. "You resigned. And again, you left me without saying goodbye." Napalunok ako. K-kailangan ko bang magpaalam ng personal sa kanya? "A-a-ah--" Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko sa kanya, bakit ba parang ang big deal nun sa kanya? Lalo akong kinakabahan sa titig nya eh. "You said that you're not going to leave without any reason.." "Sinabi mo rin na sasamahan mo pa ako na gawin ang mga bagay na gusto ko." "But then, you resigned. You left me." Napaiwas ako ng tingin. Bakit ba sya ganito? Mahalaga ba ako para sa kanya? Hindi ko rin naman kasi talaga sya gustong iwanan eh, kaya lang kailangan ako nina Luhan saka mas magandang layuan ko nalang din sya para makapag-move on na rin agad ako sa kanya. Ikakasal na sya, pero nilalapitan pa rin nya ako, lalo lang akong nahuhulog sa kanya eh, anong gagawin ko? Kaya mas pinili ko nalang na lumayo. "May rason ako para mag-resign sayo, kailangan nila ako--" "So you think that I don't need you?" Muli akong napatingin sa kanya. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko, nakakainis sya gusto ko nang lumayo eh. Kasi ayoko ng mahirapan, bakit ba sya ganito?! Gusto nya ba ko? "Kung kailangan nyo ako, marami naman kayong ibang mahahanap na secretary bukod sakin.. Mas maganda, mas matalino, mas masipag, mas maasahan at--" "What if you're the only one I want?" Naramdaman ko na naman ang bulateng kinikiliti ang tyan ko. Bwisit! Pinapakilig nya ba ako? Ha! Hindi na naman ako nakasagot. Kaya muli kaming nagkatitigan na akala mo'y tila tumigil ang oras. "Luhan is really important to you, that you resigned just to help him. He's your boss again and also I know you have feelings for him. Well, while me I'm just your ex-boss, nothing more to it." Parang naramdaman ko ang pait sa boses nya. Kung mag-a-assume ako, iisipin ko na nagseselos sya. Kung pwede ko lang ding sabihin, na wala na akong gusto kay Luhan at sya na ang gusto ko. Pero hindi ko naman alam kung gusto rin nya ako. Ngayon, nakatitig sya sakin na para bang may tampo sya sa akin. Bakit ganito, parang natutunaw na naman ang puso ko, hindi ko sya kayang tignan na ganito. Na parang may sama sya ng loob sa akin. "Wala akong gusto sa kanya, kaibigan na rin ang turing ko sa kanya kaya hindi ko kayang mahirapan sya at wala man lang akong naitutulong sa kanya." Hindi ko maintindihan, kung bakit kailangan kong magpaliwanag sa kanya. "Hindi lang naman ikaw ang kaibigan nya, bakit kailangang ikaw pa ang tumulong sa kanya na kailangan mo pa akong iwan." Nahihirapan na tuloy ako. Parang galit sya sakin.. Nahihirapan na rin akong magpaliwanag. Saka, akala ba nya gusto ko rin nalang sya iwanan ng ganun nalang? Kahit sa isang buwan lang na pagtatrabaho ko sa kanya, na-attach din ako sa kanya no. Ang bait nya sakin kahit napakatahimik nya. Kahit ganun sya ay ang saya ko sa tuwing kasama ko sya. Kaya nga ang dali kong nahulog sa kanya eh, na hindi nya alam. "Zayn, a-ano alam ko hindi ako nagpaalam sayo, na basta nalang akong nag-resign. Sorry, saka salamat sa mga natulong mo at sa mga oras na nandyan ka sa tabi ko. Pero ang hindi ko kasi maintindihan, bakit kailangan mo pa akong puntahan dito dahil lang nag-resign ako, bakit kailangan kong magpaliwanag sayo, eh diba empleyado mo lang naman ako dati?" Tinignan nya ako na para bang ipinapaintindi nya sa akin ang sagot nya sa pamamagitan ng tingin nya. Pero hindi ko parin maintindihan eh. "I'm not your boss now, and your not my employee anymore, so can I date you?" Napanganga naman ako sa tanong nya. Hindi nya sinagot ang mga tanong ko pero a-ano to? Gusto kong kiligin na inaya nya akong makipag-date pero may isang bagay talagang gumugulo sa isip ko eh. Engaged na sya tapos ida-date nya pa ako. "May fiancee ka na diba? Bakit ida-date nyo pa ko? Bakit hindi si Ms. Arielle?" Napapikit sya at mahinang napa-buntong hininga. Sya pa ang nairita? Eh parang gusto nyang mag-two time eh, pagsasabayin nya kami ha! Nakakainis sya, gusto ko sya tapos parang gusto nya rin ako na ewan ko ba, baka trip lang nya ako. "But you're the one I wanna date, not her." "I don't like her. Cause she's not you." No, Pearl! Hindi ako dapat magpadala sa mga sinasabi nya, gusto ko sya, gustong gusto pero alam kong mali eh. In a relationship sya, tapos makikipag-date ako sa kanya. Kapag alam kong mali, mali iyon. Ganun ako pinalaki, kaya hindi ko papairalin ang puso ko ngayon.. Ang mali ay mali, ok? Saka nya ko landiin kapag single na sya. Huminga ako ng malalim saka naglakas loob na sabihin ang mga gusto kong sabihin sa kanya. "W-wala akong oras makipag-date, saka umalis na rin kayo. Gabi na, delikado. Alam mo namang may mga death threats kang natatanggap, kaya mag-ingat ka.. U-umalis ka na." Bigla syang ngumisi at muli akong tinitigan. "Is this your way of saying no?" Tanong nya pa. "A-ano, oo." Matapang ko pang sagot kahit kinakabahan ako. "Just wait, and I'll make you say yes." Lalo akong kinabahan, anong gagawin nya? Umalis na sya pero pakiramdam ko nandito parin sya dahil sa patuloy nyang paggulo sa isipan ko. Ano ba kasing gusto nya? Gusto nya ba ako? Kainis eh, pinag-a-assume nya ako! Napailing iling nalang ako at agad na ring isinawalang bahala ang sinabi nya. *** Kinabukasan, nagising naman ako sa ke-aga aga may nagdo-doorbell. Hawak ko pa lang ang doorknob ng pinto ko, kinabahan na ako. Hindi naman siguro sya to, diba? Dahan dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang isang delivery guy. "Mam, delivery po kay Miss Pearl Rivera.." Nagtaka naman ako, hindi naman ako um-order eh. "Sure kayo, Kuya? Hindi naman po ako um-order--" "Sa inyo nakapangalan eh, saka Ma'am bayad na po." Pinirmahan ko na iyon ng matapos na. At kinuha ang dala ng lalaki. Grabe ang bango naman ng pagkaing to! Nagulat ako ng makita ang laman. Omg! Mga paborito ko to! Agahan pa lang ah, Pero teka kanino ba galing tong mga to? May napansin naman akong sticky note, at saka ko iyon binasa. Good morning ? Yun lang naman... Gusto kong isipin na siya ang nagpadala nito pero hindi eh, bakit naman sya mag-e-effort ng ganito para lang sa akin? Dahil ba gusto nya akong i-date? Kikiligin na sana ulit ako pero baka naman gusto lang nya akong pagpractican, practice date lang. Bigla naman akong nakatanggap ng text habang kumakain. From: Unknown Number Good morning. Did you enjoy your breakfast? Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko. Akala ko yun lang pero may sumunod pa syang text. From: Unknown Number I almost have everything cause I always get what I want but you only rejected me last night. Just like choosing Luhan over me. Tss. Halos mabulunan na ako pagkabasa ko ng text nya. Kahit text lang nya to, rinig ko ang boses nya sa isip ko. May isa pang sumunod na text ulit. From: Unknown Number By the way, I always have my own style of getting what I want. Kinabahan naman ako, hindi sa assuming ako pero ako ba yung tinutukoy nya ritong "I want". Banta ba to? At anong style? Pero ang dapat ko palang tanong, ay kung paano nya nakuha ang number ko? Kay Reese? Pwede, syempre dun sya nagtatrabaho eh. Napailing nalang ako, inalis ko muna yun sa isip ko dahil papasok pa ako sa trabaho. Hindi ko naubos lahat ng pagkain kaya tinabi ko muna iyon para mamaya. *** Hindi ako mapakali dahil sa paggulo ni Zayn sa isip ko, pero kailangan kong magfocus s trabaho ko. "Did you already eat breakfast, Pearl?" Ngumiti at tumango nalang ako kay Sir Luhan. Grabe, busog na busog pa kaya ako sa kanina, tapos may natira pa. "Are you okay?" Tanong pa nya ulit. Muli akong ngumiti. Teka, halata bang hindi ako mukhang okay? "Ok lang po ako, Sir. Don't worry hehe." Pinilit kong ngumiti buong araw dahil buong araw na naman akong pinanood ni Sir... Lagi syang nakatitig sa akin. "Hindi ba sinabi kong, Luhan nalang ang itawag mo sa akin." Kunot noong sabi pa nya. Mahina tuloy akong natawa at napakamot sa batok. Hindi kasi ako sanay kaya nakalimutan ko. "Oo, Luhan." *** Nung araw din yung, hindi ko naman inaasahan na ganito ba kami kamalas? Talaga ba?! Nakakainis! Hindi ko tuloy alam ang sasabihin kay Sir Lu--, este kay Luhan. "May updates ka na ba about sa loan natin, Pearl?" Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko samantalang sya ay nakangiti parin ng malawak sa akin. "K-kasi a-ano, hmm... " Lumunok muna ako saka sya diniretso. "Wala pong nagpahiram sa atin." Hindi naman sya nagalit o ano pero nawal ang masigla nyang ngiti. "Sinubukan ko po silang kausapin ulit lahat pero, h-hindi raw po nila kayang mag-risk para sa atin, sabi nila baka hindi tayo makabayad at maging sila ay malugi tulad natin." Napatungo tuloy ako. Maging ako ay nasaktan sa mga sinabi ng mga nakausap kong taga-banko, yung isa pa nga ang sinabi property ang pwedeng kabayaran pero sino ako para pumayag ng walang permiso ni Luhan. Parehas kaming natahimik at ang tanging solusyon na nasa isip ko nalang ay.. "Luhan, bakit hindi nalang--" Agad naman syang umiling. "Pearl, I know what you're thinking.." Pero yun nalang ang natitira eh. "Pero malaki ang chance na maka-loan tayo dun, dahil yun ang pinakamalaking banko dito. K-kung gusto nyo ako nalang, ako nalang ang kakausap dun." Tinignan naman nya ako. Pilit akong ngumiti sa kanya. Napa-buntong hininga naman sya at parang bumigay na sya. "Is that our only option left?" Tanong nya pa. "Oo, wala na talaga eh." Alam ko naman ang dahilan nya kung bakit ayaw nyang mag-loan sa bankong yun. Sino ba naman ang manghihiram ng pera sa karibal nya diba? Pero kailangan mong magpakababa ngayon, Luhan. "Alam ko namang alam na nila ang nangyayari sa atin, but I dont know if they'll let us loan--" Muli akong ngumiti dahil parang pinanghihinaan na namaj sya ng loob. "Kailangan nating maging positibo lagi, Sir ay Luhan.. Gagawin ko lahat ng makakaya ko." Mabagal syang tumango tango nalang. Sana maging ayos na ang lahat, para maging masaya na rin sya. "Hindi ko alam kung paano pa magiging positibo ngayon, niloko ako ni Mariana, ang pinakamamahal ko.. Malulugi na tayo.. At natalo na rin ako. Wala na ang pinaghirapan kong pwesto sa Business World. Zayn will surely be happy, that he's the number one now." Bigla naman akong nasamid ng mabanggit nya ang pangalan nun. Naalala ko na naman tuloy ang lalaking yun. Saglit akong kinabahan nang maisip ko na naman yung mga sinabi nya sa akin kagabi at sa text messages. Pero napailing iling nalang agad ako, hay! Lagi nalang nyang ginugulo ang isip ko, kainis! Mukhang alam naman nga nung lalaking yun, ang nangyayari rito. Naalala ko nung una naming pagkikita at pag-uusap, sinabi nyang may source sya rito. Hmm.. Pero, wala na sa oras pa ang isipin kung sinong tagabalita nya rito. Ang iniisip ko nalang ngayon, mapapahiram nga kaya nila kami ng ganung kalaking halaga? Oo, sila ang pinakamalaking banko dito sa bansa pero, kasi kilala kaming karibal at matinding ka-kumpitenysa sa business industry ng may-ari nila... Pero hindi, just think positive lang, self! Pilit akong ngumiti saka nag-ayos ng nga dadalhin kong mga papeles. Magpapaalam na sana ako kay Luhan, na aalis na ako ng tumayo sya sa kinauupuan nya. "Sasamahan kita." Bahagya naman akong nagulat. Labag nga sa loob nya ang desisyon kong ito kaya napilitan lang sya, tapos ngayon, sasama sya? "Don't worry, I'm fine." Ngumiti sya. *** Nagkatinginan naman kami ni Luhan, pagdating namin sa main bank ng Jargon. Huminga ako ng malalim kasabay ng pagpasok namin sa loob. Magsasalita pa lang ako ng sya na ang makipag-usap sa Officer-in-Charge. Hay, sya yung sumama ha pero sya na ang gumawa. Gusto kong mapa-facepalm. May appointment naman kami kaya diretso na kaming pumasok sa opisina nila kung saan daw mag-uusap. Nauna kaming pinapasok sa loob at nagulat ako ng hindi sumama sa amin ang OIC, bakit? Sumara na ang pinto, pagkaupo namin sa mga upuan sa tapat ng mesa. Parehas kaming nagtaka ni Luhan, napa-buntong hininga nalang sya. Sabay naman kaming napatingin nt bumukas ang pinto.. Nagulat ako ng makita kung sino iyon kasabay ng pagkabog ng puso ko. Nagkatinginan kami pero agad din akong umiwas. Bakit sya ang nandito?! Ano to, sa busy nya, may time pa syang galain lahat ng negosyo nya? At talagang nagkataon pang, etong banko nya ang binisita nya? Muli ko syang sinulyapan, at nahuli nya ang tingin ko. Ngumisi naman sya kaya lalo akong kinabahan. Umupo na sya sa tapat namin at harang sa amin ang mesa sa gitna. "I'll sign the papers now." Napatingin ako kay Luhan, parehas na naman kaming nagtataka. Ang bilis namang um-oo ni Zayn. Hindi pa nga namin napag-uusapan ang tungkol dito. "What do you mean? Pumapayag ka na ba? We still haven't talk about--" Natigilan si Luhan ng agad syang tignan ng matalim ni Zayn at sumagot. "Not yet. I only have one condition to let you loan." Napaiwas ulit ako ng tingin, ng dumapo ang tingin nya sa akin. "What's that condition?" Parang tinatamad na tanong ni Luhan. Tinignan ko nalang ang paa ko na suot ang itim kong sapatos pamasok, Nang ako na naman ang tignan nya. Bakit ba ako ang tinitignan nya? Hindi nga ako ang kausap nya at hindi pa nga rin ako nagsasalita rito. "Date me, Pearl." Napa-angat ako ng tingin kay Zayn. Bahagya naman akong napanganga sa sinabi nya. Tinignan ko si Luhan at agad na kumunot ang noo nya. Tulala ako sa kawalan ng higitin ako sa pulsuhan ni Luhan para tumayo. "No, she'll not date you. Let's go, Pearl, we'll just find another--" Hinihigit nya na ako palabas ng muling magsalita si Zayn. "I can give you the money you need right now. If you declined, there's no more bank that will let you loan. I can always pull some strings whenever I want." Sya ba ang dahilan kaya walang nagpahiram sa amin kahit isa? Inipit nya talaga kami sa sitwasyong to dahil sakin? Binitiwan ako ni Luhan at muli nyang hinarap si Zayn. Nanatili ako sa likod ni Luhan, at hindi parin ako makahinga ng maayos dahil sa narinig ko. Zayn, seryoso ka ba kasi talaga? Nakakainis naman eh! Ginamit mo pa talaga tong paraan na to ha! Ito ba yung sinasabi nyang 'style' nya?! Pwes, sya na talaga maparaan at matalino! "Why do you want to date her?" Tanong pa ni Luhan. "You don't care." Inirapan sya ni Zayn at muli na naman nya akong tinignan. Bwisit! Hindi ko talaga kinakaya ang mga tingin nya, pakiramdam ko kasi talaga natutunaw ako. "I care, because I'm his boss." Mahinahong sagot ni Luhan sa kanya. Pinagtatanggol lang naman ako ni Luhan pero hindi ko na alam, parang gusto ko namang pumayag sa kondisyon ni Zayn. Matutulungan ko si Luhan, tapos ikakasaya rin yun ng puso ko. Pero, hindi ko alam kung bakit may pumipigil din sa akin na um-oo. "Just shut up, bastard. I'm not talking to you. She's the one I'm talking to." Kabadong kabado ako ngayon dahil parehas silang nakatitig sa akin at hinihintay ang sagot ko. Ang hirap namang magdesisyon eh! Bakit kasi kailangang ako pa ang sumagot? Ayoko pa naman sa lahat, ang pagdedesisyon! Tinignan ko ulit si Luhan, at wala syang reaksyon, sakin din sya naka-base. Sya pa naman sana ang hihingan ko ng sagot pero.. Ibinaling ko ang tingin ko kay Zayn. Yung titig nya, ang lakas talaga ng dating sa akin. Mga mata nya na parang lagi akong inaakit at kahit ang seryoso nya, ang hot parin nya lagi! Ah! Ano ba to?! Umalis ka ngang espirito ng kalandian! Gosh! "Pearl.." Mahinahon nyang binanggit ang pangalan ko. Natulala naman ako sa kanya, at dun ko na nalaman ang sagot ko. "Ah, oo." Mahinang sambit ko. Hindi ko alam kung narinig ba nila pero eto na ang desisyon ko. Nagpadala man ako sa damdamin ko ngayon, matutulungan ko rin naman si Luhan sa pamamagitan ng simpleng pag oo ko sa alok nya. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko para mapigilan ang pagngiti ng magliwanag ang mukha nya at ngitian ako. Natigilan ako sa paghinga dahil muntikan na akong maghumirentado sa isang ngiti nya lang.. Iba na talaga to, ganito katindi na ba ang pagkagusto ko sa kanya? Bwisit! Parang sa ngiting yun, bibigay agad ako! Sana naman saluhin nya ako! Nakita ko naman ang pagsulyap ni Luhan sa akin habang nakakunot noo. Nagtataka siguro sya sa dahil sa sagot ko. Nagulat naman ako ng higitin nya na naman ako. Nagulat din si Zayn sa amin, hindi ko na narinig pa ang sinabi nya dahil agad kaming nakalabas ni Luhan ng opisina nito. "Hindi ko inasahan ang mabilis mong pag-oo." Hindi ko naman alam amg isasagot ko kay Luhan. Nagtataka parin ang mukha nya. "If you want to help me, you don't have to do that, if you don't want it. Hindi kita pinipilit, Pearl." Bahagya ko syang nginitian. "Hindi mo naman ako pinilit, saka ako ang nagdesisyon nun diba? Hindi naman ikaw. Saka makakabawas to sa problemang kinakaharap ng LM ngayon." Parang hindi parin kumbinsido ang mukha nya at lalo lang itong sumeryoso. "Pearl, are you into him? Do you like him?" Hindi ko naman inasahan ang tanong nya kaya nanlaki ang mata ko sa gulat. "I saw him smiled at you, while you almost smile at him. Is there something that I don't know? Something's going on between the two of you?" Napalunok naman ako kasabay ng agad na pag-iling ko sa kanya. "You sure?" Pinaningkitan nya pa ako ng mata. Bakit? Halata ba ako? "Wala akong gusto sa kanya..." Pinilit kong diretsuhin ang sagot ko para hindi na sya maghinala pa. "I'm worried. Just don't fall for him.. We don't know if he's just playing, we don't know what he's thinking now and I just don't want you to get hurt." Ngumiti naman ako sa kanya, ganun din sya. Inaalala nya pa ako. Alam ko naman yun, pero paano ko naman iiwasang mahulog kung noon pa naman ako nahulog sa lalaking yun? ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD