"Magbigay ka nga ng halimbawa ng mga bagay na gusto mong gawin." Pababa na kami ng bundok at syempre nakakailang naman ang katahimikan habang naglalakad kami. Saglit nya akong nilingon saka muli syang tumuloy sa paglalakad.
"Maligo sa ulan.. Hindi ko pa kasi nagawa yun dahil bawal akong lumabas ng bahay nung bata pa ako." Nalungkot naman ako sa kanya, kaya siguro naging tahimik na tao sya dahil wala syang masyadong nakakasalamuhang tao noon.
"Uhh, hindi ka naman sakitin? Baka mamaya lagnatin ka pag naligo tayo sa ulan.." Sabi ko pa sa kanya, syempre nag-alala ako kasi nakita ko na syang apuyin ng lagnat noon at ayaw ko ng maulit pa yun.
"Hindi naman ako basta basta nagkakasakit."
"Eh bakit kayo nilagnat nung nakaraan?" Tanong ko pa.
"So many paperworks, na hindi na ako nakatulog sa pagtatrabaho. I'm so tired.." Ang hirap pala talagang maging businessman, puro nalang negosyo ang iisipin mo. Hindi mo ito dapat pabayaan, kasi baka mamaya bumagsak nalang ito bigla. Kaya lang..
"Pero kahit busy pa kayo, hindi nyo parin dapat kinakalimutang magpahinga, akala ko ba gusto nyong mabuhay ng mahaba? Edi dapat magkaroon parin kayo ng sapat na tulog para hindi nyo rin mapabayaan ang sarili nyo." Napatingin naman sya sa akin kaya parehas kaming napatigil sa paglalakad.
"Do you care for me?" napalunok tuloy ako. Syempre naman. Ngumiti ako.
"Syempre, boss ko kayo eh." Bigla namang nawala ang ngiti sa labi nya, muli na syang naunang maglakad at hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Para na naman akong may nasabing masama.
"Saglit lang, Zayn! Ang bilis mo namang maglakad, hintayin mo ko!" Sigaw ko pa. Nilingon nya ako, pero patuloy parin syang naglakad kaya naman hinabol ko sya.
Hindi ko naman napansin ang isang kahoy habang mabilis akong naglalakad kaya nadapa tuloy ako.
"Ah! Ang sakit!" Hinawakan ko naman ang kaliwang tuhod at paa ko, at hindi ko iyon magalaw. Hindi tuloy ako makatayo.
Napatingin sya sakin at agad naman syang tumakbo sa direksyon ko at lumuhod sya sa harap ko para magkapantay kami.
"I'm sorry. Does it hurt?" Napatango nalang ako. May sugat din ako sa tuhod dahil naka-short lang ako.
Napa-buntong hininga sya at may kinuha sya sa bulsa nya. Nakaupo parin ako at nakaluhod parin sya. Hinawakan nya ang paa ko at idiniresto nya iyon.
"Ah. Dahan dahan lang, please.." Pakiusap ko.
"Sorry."
"Aray." Itinali nya yung panyo nya sa sugat ko, kaya ang sakit.
"We need to stop the bleeding. Can you walk?" Tinulungan nya akong tumayo, at grabe ang sakit parin.. Parang na-twist yung kaliwang paa ko nung nadapa ako eh.
"Ah, susubukan ko." Pinilit kong ngumiti dahil parang nag-aalala ang itsura nya.
Bumitaw ako sa kanya, pero agad na nanlambot ang tuhod ko, dahilan para bumagsak ako, pero agad nya naman akong nasalo.
Hindi naman ako makahinga ng maayos sa sobrang lapit nya at amoy na amoy ko sya. Naku-kuryente ako sa hawak nya sa akin pero kailangan ko yung tiiisn dahil sya lang ang makakapitan ko.
Pinakapit nya muna ako sa may puno at nagulat ako nung tumalikod sya sakin at muling lumuhod.
"Sakay na." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ipi-piggy back ride nya ba ako?
"Aabutin tayo ng dilim, kapag hindi ka pa sumakay." Gusto ko sanang tiisin nalang yung sakit ng tuhod at paa ko, pero hindi ko talaga kaya. Bakit naman no choice ako?!
Habang buhat nya ako ay ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko, nakadikit pa man din iyon sa likod nya, dama nya kaya? Rinig ko rin ang paghinga nya ng malalim, pagod na yata sya. Ang bigat ko ba? Ang tahimik lang namin, gusto kong mag bukas ng topic pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.. Iniiwasan ko na nga ring huminga, dahil naaamoy ko sya at gusto ko syang singhut singhutin..
Namalayan ko nalang na nasa kama nako. Teka, nakatulog ako?! Buhat buhat nya akong inuwi habang naglalakad? Kainis. Nakakahiya sa kanya..
Tatayo sana ako, ng may dumating at magsalita.
"Wag mo munang pilitin.." Sabi nya pa. Napatungo naman ako, nahihiya talaga ako sa kanya.
"Sorry talaga, Zayn. Ang bigat ko pa naman tapos buhat buhat mo kong inuwi, nakakahiya talaga sa inyo." Mahina kong sabi na hinihiling ko na narinig nya.
"You don't need to be sorry. It's my fault. Hindi kita hinintay kaya hinabol mo ako." Umiling naman ako.
"Hindi, kasalanan ko talaga yun kasi hindi ko napansin yung kahoy--"
"Again, it's my fault. I'm really sorry, Pearl. I should've waited for you.." Nag-aagawan pa kami kung kaninong kasalanan, parehas nalang kaming nay kasalanan.. Natawa tuloy ako.
"Is there something funny?" Hay, seryoso na naman sya.
"Natawa lang kasi ako, dahil pinag-aagawan pa natin kung kaninong kasalanan yun, kahit pa parehas lang naman tayong may kasalanan. Ah, may tanong pala ko, bakit ba kayo nagalit?" Para naman syang nagulat sa sinabi ko, at nag-iwas sya ng tingin sa akin.
"Am I?" Napatango naman ako.
"Eh kasi biglang nagbago yung expression nyo at nagseryoso kayo. Tapos, bigla nyong binilisan maglakad at nauna kayo." Muli ko syang tinignan at napansin kong napalunok sya.
"I am not. It's just, a-ah-- I'll just get you some food, stay there." Napatingin nalang ako sa kanya ng tumayo sya at nagmadaling maglakad palabas. Nagtaka naman ako, unang beses nyang mag-stutter at parang bigla nyang iniwasang sagutin yun, bakit naman?
Ang weird nya.. Hinintay ko syang bumalik pero si Presley ang nag dala sa akin ng pagkain sa kwarto ko.
"Musta date, Ate? Disaster ba?" At tinawanan nya pa ako.
"Mang-aasar ka pa? Hindi ka ba man lang naaawa at nag-aalala sa akin? Tignan mo nga to." Turo ko pa sa sugat ko na naka-band aid na..
"Hindi. Mas naawa ako kay Kuya Zayn, mukhang pagod na pagod sya nung inuwi ka nya rito.. Buhat buhat ka nya eh. Ang bigat mo pa naman, Ate." Nai-imagine ko nga, paano nya natiis yun? Medyo malayong lakarin pa yun, ah. Dinala nya kong mag-isa rito sa bahay.
"Teka, asan pala sya? Ang huli nyang sabi sa akin, sya raw ang magdadala ng pagkain ko." Tumingala muna sya saka ngumiti na parang ewan.
"Bakit mo muna hinahanap?" Kinunutan ko muna sya ng noo.
"Natural, sya nag dala sakin dito diba? Saka gusto ko pa syang makausap." Sagot ko.. Muli na namang tumawa ang batang to.
"Umalis na, Ate. May sumundo sa kanya ritong mga sasakyan at parang mga bodyguard ang datingan, tapos ayun sumama na sya. Sabi emergency daw, nagpaalam naman na sya samin bago sya umalis." Nagulat naman ako. Bakit hindi sya nagpaalam sakin? Kapag ako hindi nagpapaalam sa kanya, nagagalit sya.. Hindi pa nga kami tapos mag-usap at hindi nya pa sinasagot ang tanong ko, umalis na sya at wala pang paalam.
"Oh, anyare? Natulala ka na, Ate."
"Syempre, hindi sya nagpaalam sakin eh!" Inakbayan naman nya ako at hinimas himas pa ang likod ko.
"Oh, wag kang magalit.. Kalma lang. Kailangan pa ba nyang magpaalam sayo? Eh empleyado ka lang naman nya."
"Presley!" Agad naman syang lumayo sa akin.
"Lalabas nako!" Tatakbo takbo syang umalis ng kwarto ko.
Aaminin ko, tinamaan ako sa sinabi ng kapatid ko. Oo nga naman, empleyado lang nya ako, kailangan pa ba nyang magpaalam sa akin? Pero sa akin, oo! Dapat! Kasi nandito sya samin at sumama sya saking magbakasyon..
Baka nga nagalit sya sakin kanina, kahit hindi ko naman alam ang dahilan. Pero bakit parang ayos naman kami? Kasi nag-sorry pa nga sya, kaya lang hindi naman nya sinagot ng malinaw ang tanong ko kanina.
Argh! Basta naiinis ako! Basta nalang syang umalis! Ay hindi, hayaan ko na nga lang sya! Kaya lang hindi naman ako mapalagay, bakit kaya biglaan? Anong emergency?
Habang nakahiga ako, nakita ko ang cellphone ko na naiwan ko pala kanina kaya ayun nalang ang pinagdiskitahan ko.
Nagulat ako sa trending topic sa social media, eto siguro ang emergency nya.. Sa tingin ko lang.. Puro kasi sila ni Ms. Arielle Valenzuela ang nasa internet.
Miss Universe First Runner up, Arielle Valenzuela, secretly dating a billionaire?
Arielle Valenzuela, engaged na nga ba?
Base sa ilang nakakita, Arielle Valenzuela ka-date ang isa sa mga pinakabigating negosyante at bilyonaryong si Zayn Javier na President and CEO of Javier Corporation.. May ilang nakuhanang litrato na natagpuan nga silang magkasama sa isang restaurant.
Arielle Valenzuela, soon to be Javier na nga ba?
Pinatay ko na ang cellphone ko dahil puro yun lang naman ang nakikita ko sa socmed.. Hindi ko alam pero naiirita ako.
Karamihan sa mga tweets and comments, ay natutuwa at cino-congratulate sila.. Hindi naman nila alam na arrange marriage lang naman yung dalawa. Pero napaisip ako, gusto o mahal kaya nila ang isa't isa?
Kung hindi pa man, sa tingin ko magkakagustuhan din sila. Mabait, maganda at sexy si Ms. Arielle, lahat ng tao ay nagugustuhan sya kaya posibleng mahulog din ang loob sa kanya ni Zayn. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Napapikit nalang ako at napahinga ng malalim.
Bakit ba kasi nahulog pa ako sa taong ikakasal na? Lagi nalang eh! Ganito rin ako noon kay Sir Luhan, na mukhang pagdadaanan ko na naman, suskopo!
Ayoko na nito, ayoko ng magkagusto.. Hindi pa pwedeng tumibok ang puso ko sa taong single, ha?!
Eto naman kasing si Zayn, ang pa-fall eh! Pabago bago sya, kung minsan ang seryoso nya, pero kahit ganun pa man, may pakialam pa rin sya sakin, nakakainis, bakit ang bait nya? Tapos ngayon na ang saya saya ko kasi nakita ko na syang masaya, bakit biglang binawi yun? Bigla syang umalis dahil sa emergency na yan, ng hindi man lang nagpapaalam sa akin.
Alam ko sya ang boss ko, at empleyado lang ako pero ang sakit lang, kasi bakit parang ayan na lumalapit na yung loob namin sa isa't isa, kaya pakiramdam ko may pag-asa na ako, tapos bigla syang binawi sa akin. Pero naalala ko bigla, na hindi pala sya sa akin, parang hiniram ko lang kaya agad din syang binawi, ng tunay na may ari.
Lumipas ang dalawang araw na parang wala ako sa sarili.. Hindi naman napansin nila Mama. Ngayon ay pupunta kami ng sementeryo dahil bibisitahin namin si Papa.
"Mauna na kami?" Takang tanong ni Mama sa akin. Pinapauna ko na silang umuwi ni Presley dahil gusto ko lang sanang makausap mag-isa si Papa.
"Opo. Susunod na rin naman po ako pauwi.. Ingat po kayo ni Presley." Nang umalis na sila ay umupo ako sa tapat ng puntod ni Papa.
"Papa, may gusto sana akong sabihin sa inyo.. Alam kong nakikinig kayo dahil ramdam ko kayo rito sa tabi ko." Napangiti nalang ako saka nagsimulang magkwento sa kanya.
"Pa, naalala ko pa sabi nyo, sa ming magkakapatid ako ang su-swertihin sa pag-ibig pero bakit po ganito?"
"Sabi nyo, may dadating na lalaking mamahalin ako ng sobra sobra balang araw. Pero kasi po, pasensya na kung naiinip na ako, 24 na ko, Pa. Kailan ko pa po kaya sya makikita? Kasi sawa na po akong umasa, at magkagusto sa taong taken.. Bakit ang malas ko? Eto kasing kupido na to, kung sino sino ang pinapana, lagi nalang mga nagiging boss ko.. Tapos, Pa, sa tingin nyo po ba mapipigilan ko pa bang mahulog sa kanya? Paano kaya yun, lagi ko kasi syang kasama eh, secretary nya ako. Bakit ba kasi ang bilis kong ma-attach?! Bakit ang bilis kong ma-fall? Hindi ko na po alam ang gagawin ko.. Pa, please tulungan nyo ko, gabayan nyo rin ako. Buti pa kayo ni Mama, unang pag-ibig nyo ang isa't isa.. Bakit ang swerte nyo? Ka-inggit naman po, huhuhu.." Ganito ako lagi, ang dami kong ka-drama-han kay Papa, aaminin ko mas close kasi talaga ako sa kanya kesa kay Mama, kasi sya ang nakasama ko nung maliit pa ako. Si Mama kasi nagtrabaho sa Manila, kaya nya kilala si Zayn.
At least ngayon, kahit papaano nailabas ko na yung mga gusto kong sabihin..
Kaya lang ngayon, ang iisipin ko, paano ko iyon haharapin?
Nung araw na rin na yun, ako umuwi sa Manila.
Sandali lang naman ako sa amin, pero parang na-miss ko tong apartment ko ah!
Bigla akong may naalala, hala! Papasok na pala ko bukas. Makikita ko na naman sya...
***
"Aba! So, pinayagan ka ngang mag-leave?" Yun ang bungad na tanong ni Reese sa akin nung magkita kami sa opisina.
"Ah, oo. Kamusta?" Bigla namang parang naging pagod ang mukha nya. Napa-buntong hininga nalang sya.
"Eto pagodang pagoda na sa trabaho.. Alam mo naman na siguro diba? Yung biglaang pagkalat ng engagement nila Sir at Ms. Arielle.. Wala tuloy ngayon dito si Sir, kaya ayun puro ako muna ang nag-aasikaso ng mga gawain nya." Nasaan kaya sya? Magkasama kaya sila ni Ms. Arielle? Kinakabahan akong makita sya pagpasok ko ng opisina, na may halo ring excitement dahil gusto ko rin naman syang makita, kaya lang wala naman pala sya dito.
"Anong nangyari sayo? Bakit bigla kang--"
"Nasaan si Sir?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang sya.
"Hindi sinabi, pero hula ko dahil yun dun sa issue.. Baka mapaaga yata ang kasal nila." Natigilan ako sa paghinga ko dahil sa gulat.
"Ah, teka, may ipapagawa ka ba sakin? Wala si Sir diba? Edi ikaw muna ang boss ko ngayon!" Inilayo ko na ang topic dahil ayoko ng makarinig pa ng tungkol dun. Pinilit ko nalang ngumiti saka ginawa ang trabaho ko.
Nagka-kwentuhan kami ni Reese, at nasabi ko rin tuloy kung ano ang tea ko noon. Kaya pinaghatian namin ang trabaho nya, ka-miss maging assistant. Kasi kapag secretary ka, konti lang naman gagawin mo, saka para ka lang din utusan. Pero kapag assistant ka, halos kapantay mo na rin ng ginagawa ang boss mo.
Maaga kaming umuwi dahil maaga naming natapos ang trabaho..
Nagulat naman ako ng makita ko si Chynna, sa labas ng apartment ko.
"Pearl! Buti nandito ka na!" Nagtaka naman ako kung bakit sya nandito.
"Ah, tara pasok!" Yakag ko pa. Pero bigla nya akong hinigit palabas saka pumara ng taxi.
"Bakit ba?!" Sigaw na tanong ko sa kanya. Kakarating ko lang tapos bigla bigla syang manghihigit at sasakay sa taxi.
"Sumakay ka na.." Hinigit nya rin ako papasok sa loob.
"Kailangan ka namin, hindi na rin namin alam ang gagawin. Nagbabaka-sakali kaming baka ikaw ang muling makapag-pabangon sa min.." Naguguluhan na talaga ako sa kanya. Ayaw nyang linawin ang pinagsasabi nya.
"Linawin mo nga! Saka saan tayo pupunta, ng ganitong oras?!" Magni-nine na ng gabi eh! Wag nyang sabihing magba-bar kami, talagang mababatukan ko sya.
"Sa LM Group of Companies! Ano okay na? Wag ka ngang sumigaw!" Mas nabingi nga ako sa sigaw nya.
"Makinig ka, Pearl. Bumalik ka na, hindi na alam ni Sir Luhan, kung paano pa mapapabangon ang negosyo nya. Nanakaw ang halos kalahati ng kita ng buong LM." Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala. Pinaghirapan pa naman yun ni Sir Luhan.. Bigla nalang nanakaw?!
"S-sinong nagnakaw? Saka paanong... Paano nanakaw?" Tanong ko pa. Napa-facepalm muna sya saka ako sinagot.
"Sino pa ba?! Sino sa tingin mo?" At talagang pinahulaan pa nya ah!
"Si Mam Mariana?" Tanong ko. Sya naman kasi talaga sa tingin ko ang may pakana kung bakit ako natanggal sa LM eh.
"Korekek ka, girl! Bwisit na bwisit talaga kami ni Sir Edward! Si Sir Luhan kasi eh, masyadong nabulag sa pag-ibig. Mahal na mahal, hinayaan nya kasi yun mangialam sa negosyo nya eh! Ayan! Pero syempre hindi naman namin sya masisi, lalo na ngayon, he looks like a mess." Agad tumaas ang dugo ko sa mga sinabi nya. Pag nakita ko yung Mariana'ng manggagatso na yun!
"Teka, kung nawala ang pera, ibig sabihin, naitakbo nya? At hindi pa nahuhuli yung Mariana'ng yun?!" Gigil na gigil na tanong ko pa.
"Oo, dear. Sa kasamaang palad, nakalabas ng bansa agad, dala dala ang bilyones na pera. Ang sarap gilitan eh! Hindi pa rin nahahanap, nung isang araw pa sya nakaalis at kanina lang namin nalamang nanakawan ang kumpanya." Mapapa-facepalm ka talaga oh.
"Nakakainis naman yang balita mo!" Minsan na nga lang kami magkita ganito pa ang bungad nya. Pero may halong lungkot, kasi nung huli kaming nagkita ni Sir Luhan, nakangiti pa sya nun.. Eh ngayon kaya?
"Ano, babalik ka na ba? Pearl, please.. Bumalik ka na sa LM! Ikaw lang talaga ang alam naming makakatulong kay Sir Luhan! Ang galing mo kayang mag-manage! Saka limang taon ka ring nag trabaho bilang assistant nya at kung kailan ka nawala, saka naman nangyari to. Ikaw talaga ang kailangan namin, girl!" Napahinga ako ng malalim. Babalik ba ako? Kailangan ba talaga nila ako? Eh sa Javier Corp. kailangan din ba nila ako para hindi ako umalis dun? Hay! Ang hirap magdesisyon, pero gusto kong tulungan si Sir Luhan.
Nagsimula sya nun sa mababa, isang kumpanya pa lang. Milyonaryo pa lang sya nun, ng itayo nya ang LM Apparel.. Sinubukan nya lahat ng iba't ibang industriya. Hanggang sa maitayo ang LM Group of Companies..
Nasaksihan ko ang mga pinagdaanan nya noon, na nalagpasan din namin dahil sa pagtutulungan naming dalawa. Napangiti ako ng maalala ko yun.
Eh kung sakaling bumalik nga ako, matulungan ko pa rin kaya sya? Kaya ba naming patatagin muli ang negosyo nya?
"Pearl, Tara na!" Kakaisip ko namalayan ko nalang na nandito na kami.
"Ha? Sure kayo umuwi na?" Rinig kong tanong ni Chynna sa guard. Tumango naman iyong guard na hindi ko kilala, bago yata.
"Kasama po ni Sir Edward, iuuwi na raw ho nya si Sir Luhan." Nagkatiniginan kami ni Chynna.
"Nakauwi na pala sila, bukas ko nalang sya--"
"Hindi! Pupuntahan mo si Sir. Tara na--" Natigilan sya nung mag-ring ang cellphone nya. Sinagot nya iyon at parang bigla syang nagulat.
Pagkababa nya ng cellphone nya. Lumungkot ang mukha nya.
"Ah, bakit may nangyari ba?" Tanong ko sa kanya.
"Pearl, si Nanay kasi eh sinugod daw sa ospital.. I-ikaw nalang ang pumunta kay Sir, sorry ha. Basta puntahan mo sya." Iniwan nya na ako at tumakbo na sya. Napaisip ako, di man lang sya nag-taxi?
Pero gumugulo sa isip ko, pupuntahan ko pa ba si Sir Luhan? Eh hinatid naman na sya ni Sir Edward, kailangan nya pa ako roon? Bakit naman kasi ako pinapapapunta ni Chynna?
Kahit gulong gulo ay pumunta pa rin ako.. Mabuti nalang at kilala ko yung nasa may reception dun.
"Ikaw si Pearl diba?" Ngumiti naman ako at tumango. Madalas kasi akong pumunta sa pent house noon ni Sir, kapag may dinadala akong importante.
"Nandito pa ba si Sir Edward? Sabi kasi sa akin, sya raw ang nag-uwi kay Sir Luhan."
"Kanina pa sya umalis. Mukha pa ngang nagmamadali." Ha? Nagtaka naman ako, iniwan nyang mag-isa si Sir Luhan? Hindi ko pa naman alam kung anong pwede nyang gawin ngayong depressed sya.. Nag-aalala tuloy ako. Kasi hindi basta basta pwedeng iwan ang taong problemado, hindi ko naman sinasabing may chance syang maging suicidal pero hindi ko alam eh. Parang masama ang kutob ko. Che-chekin ko lang talaga sya, pero kapag mahimbing naman na syang natutulog ay uuwi na rin ako.
"Hindi ka binigyan ng access or ng permission kaya saglit ka lang. Kundi ako ang mapapahamak dito, alam mo namang mahigpit ang security dito.. Bilisan mo ha." Paalala nya. Napangiti naman ako.
"Salamat, Phoebe." Ngumiti naman sya.
"Malakas ka sa kin eh. Sya go na!"
Naka-lock ang pinto ni Sir, mabuti nalang may pinahiram din sa aking susi.
Nagulat naman ako, sa mga nakita ko pagpasok. Nagkalat ang mga basag na gamit at mga punit na litrato.. Ang dami ring bote ng alak.
Sa laki ng pent house nya, nasaan kaya sya? Bakit kasi sya iniwan eh.. Wala naman sanang nangyari kay Sir Luhan.
Sumilip ako sa kwarto nyang medyo bukas ang pinto. Nakita ko sya roong nakahiga sa kama nya.. Tulog na ba sya?
Dahan dahan akong pumasok, at maingat na naglakad upang hindi ako makagawa ng ingay.
Agad naman akong nag-panic ng makitang may mga sugat sya. Dahil siguro to dun sa pagbabasag nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganito at naaawa talaga ako sa kalagayan nya.
Agad akong naghanap ng first aid kit.. Dahil yung kamao nya dumudugo. May mga konti rin syang sugat sa mukha at sa may paa rin para syang nakaapak ng bubog.
Habang ginagamot ko yung mga sugat nya, pakiramdam ko tutulo na yung luha ko. Hindi ko pa sya nakitang ganito..
May dugo tuloy sya sa damit at gulo gulo rin ang buhok nya. Natapos ko syang gamutin, pero hindi man lang sya nagising.. Tulog na tulog sya. Dahil sa pagod at problema.
Inayos ko ang tulugan nya at pinatay ko na ang ilaw sa kwarto nya.. Payapa naman na syang natutulog. Kaya lang bukas ay kailangan nya muling harapin ang mga yun.
Hindi muna ako umalis at nilinis ko muna lahat ng kalat. Delikado kasi ito.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako rito sa sofa nya sa Sala. Nagising nalang ako at ramdam ko na may nakatitig sa akin.
"Good morning." Bati ng nakangiti sa akin na si Sir Luhan. Mukhang dinadaan nya lang ang lahat sa isang ngiti.
Agad naman akong umayos ng upo.. Saka nginitian sya pabalik.
"Sir Luhan, ayos na po ba kayo?" Alalang tanong ko pa.
"Ikaw ba ang gumamot sa akin at nag-ayos dito?" Tanong nya. Sasagot pa lang sana ako ng muli syang magsalita.
"Ibig sabihin ba nun, bumalik ka na? Sa akin ka na ulit magtatrabaho? Tutulungan mo na akong mai-balik sa ayos ang lahat?" Masiglang tanong nya pa. Tipid akong napangiti. Hindi ko kasi alam ang isasagot, pero alam ko sa sarili ko na hindi ko rin naman sya kayang tanggihan. Pero, hindi ko rin alam kung kaya kong bumalik ng tuluyan.
Mahalaga rin sa akin si Sir Luhan, inaamin ko.. Matagal kaming nagkasama, at nagkagusto rin ako sa kanya noon.
Kaya lang, importante na rin sa akin si Sir Zayn, kahit secretary nya lang ako ay parang hindi ko rin sya kayang iwan.. Dahil alam kong nahulog na ako sa kanya.
Pero syempre dapat, isa lang. Isa lang ang pwedeng pagtraba-huhan ko, ibig sabihin, isa lang ang pwedeng piliin ko.
Ang hirap mag desisyon.. Kung pwedeng parehas nalang. Pero ano nga kaya, mag-s-stay ba ako kay Sir Zayn o babalik na ako kay Sir Luhan?
---