Chapter NINE: Nahulog

3846 Words
"Ayusin mo nga yung kwarto mo, Presley!" Dahil pumayag nga si Sir na dito nalang sya matulog, dun sya sa kwarto ni bunso. Alangan namang dito sya sa kwarto ko, diba? "Inayos ko na po, Madam!" "Mabuti naman." Nakita ko namang may dala syang banig at inilatag nya yun sa sahig sa kwarto ko. "Oy! Bakit dito ka?" Tanong ko sa kanya. "Gusto ko eh." Napailing nalang ako't natawa, hinayaan ko na sya. Na-miss ko rin naman to, kahit makulit. *** KINAGABIHAN, hindi na ako nakapagpaalam kay Sir, pinatulog sya ng maaga ni Mama at ako naman eto ako ulit naghugas ng pinagkainan.. "Nak, may tanong ako sayo." Nagulat naman ako kay Mama, lagi nalang basta bastang sumusulpot dito sa kusina. "Ano po yun?" "Wala bang namamagitan sa inyo ni Zayn?" Natawa naman ako kay Mama, kung anu ano talaga sinasabi nito. "Ma, syempre po wala po. Boss ko po sya at--" "OK, wala nga, pero may gusto ka ba sa kanya?" Pinangkitan ako ni Mama at napatungo nalang ako. Hindi ko rin naman kasi alam ang sagot dyan, hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko. "Wala rin po--" "Sigurado ka? Kasi naman, Pearl, napapansin ko na panay ang sulyap mo sa kanya.." Talaga ba? Hindi kaya, namamangha lang talaga ako sa pagbabago nya. Kasi naman, panay ang ngiti at tawa nya ngayon eh. "Ma, ganito po kasi yun, naninibago ako kay Sir. Ngayon ko lang sya nakitang masaya eh. Nasanay na kasi ako sa malamig nyang pakikitungo at pagiging seryoso nya." Tinignan naman ako ni Mama, na parang hindi sya naniniwala. Para naman syang si Presley eh, namana nya pala yun kay Mama. "Sige na nga Anak, kunwari naniniwala ako." "Si Mama naman eh!" "Pearl, makinig ka ha." Tumango naman ako. "Halos limang taon din akong nanilbihan sa pamilya nila.. At masasabi kong magulo talaga ang buhay nila. Sinasabi ko to sayo, para magsilbing babala. Hindi naman sa ayaw ko sya para sa iyo, pero ayokong mahirapan ka, dahil lang sa pagmamahal na yan. Ayos lang sa akin, kung maging magkaibigan kayo. Alam kong mailap talaga si Zayn sa tao, kaya sana lagi kang nandyan para sa kanya, parang anak ko na rin kasi ang batang yun. Lumaki syang mag-isa, maagang namatay ang Nanay nya at wala namang oras para sa kanya ang Tatay nya.. Hindi rin sya nagkaroon ng mga kaibigan sa eskwelahan dati, sa halip ay binubully pa sya. Pero kahit pa sa dami ng pinagdaanan nya, nanatili syang mabait na tao, kaya alam kong makakahanap din sya ng taong magmamahal sa kanya na makakasama nya. Kaya sana, hangga't hindi pa nya nahahanap ang taong iyon, ay samahan mo sya.. Maging kaibigan ka nya." Tumango tango naman ako kay Mama, kahit hindi ko talaga maintindihan ang ipinupunto nya. Gusto ko naman talagang maging kaibigan si Sir, kaya lang hindi parin ako makapasok sa buhay nya dahil hindi ko pa natitibag ang yelong nakaharang sa puso nya. "Basta tandaan mo yung sinabi ko, maging kaibigan ka nya pero wag kang lalagpas doon.. Alamin mo ang limitasyon mo." Muli nalang akong tumango at ngumiti. Hindi ko naman balak jowain si Sir, bukod sa wala akong pag-asa ay ikakasal na rin sya. Kaya ayun, hanggang tingin nalang muna siguro.. Naalala ko tuloy nung panahon nung high school, hanggang tingin lang ako sa malayo sa crush ko. Parang kay Sir Luhan, na-love at first sight ako sa kanya nun sa billboard at hindi ko naman inasahang magiging boss ko sya. Hanggang sa yung pagka-crush ko sa kanya ay na-develop sa love.. Lumalalim ang nararamdaman, kapag mas nakilala mo na sya at kapag naging malapit na kayo sa isa't isa.. Ah ewan! Si Mama kasi eh, kung anu ano na tuloy pinag-iisip ko ngayon. Hindi tuloy ako makatulog ngayon dito sa kama ko.. Kanina pa ako paiba-iba ng posisyon pero waley parin. Si Sir Zayn kaya, tulog na? Medyo matigas na rin kasi yung mga Kama namin dahil sa kalumaan. Wala rin kaming air con, baka hindi sya sanay. Electric fan lang, hmm.. Lamukin ba sya? Marami kasi talagang lamok dito sa bahay. Naiinitan kaya sya o nilalamig? Binigyan ba sya ni Mama ng kumot? Napatingin tuloy ako sa kumot ko, sanay na ko sa lamok at lamig.. Hindi ko naman na to kailangan, titignan ko na ba sya sa kwarto nya? Hay! Lintik naman! Bakit nya ba ginugulo isip ko? Lalo tuloy akong hindi makatulog. Ayos lang ba sya? Tulog naman na siguro tong kapatid ko sa sahig, hindi nya na mapapansing lalabas ako ng kwarto. Dahan dahan akong naglakad palabas ng kwarto ko, dala dala ang kumot. Papunta na sana ako sa kwarto nya, ng may marinig akong ingay sa kusina. Katakot naman oh! Ang dilim na eh! Ano bang uunahin ko? Pagsilip sa kusina o pagsilip sa kwarto nya? Pero baka kasi may magnanakaw eh.. Sinubukan kong maglakad ng walang ingay, patungo sa kusina.. Nakita ko naman ang isang pigura ng tao na papunta sa may refrigerator.. Agad ko namang itinali paikot sa kanya ang kumot. "Sino ka ha?!" Nagulat naman ako, ng maalis nya ang itinali kong kumot sa kanya patalikod at hinarap nya ako. "Ako lang to." Napalunok naman ako ng makitang sya lang pala iyon. Kinabahan naman ako. "Ay sorry, Sir! Ano ba kasing ginagawa nyo? Gabi na eh, hindi pa kayo tulog?" Binuksan nya na ang ilaw sa kusina saka ako sinagot. "Nauuhaw ako. Ikaw, bakit gising ka pa?" Kumuha sya ng baso at isang pitsel ng tubig sa ref. "Ah, hindi lang po kasi ako makatulog." Alangan namang sabihin kong inaalala ko sya, kaya hindi ako makatulog. "Ah, ayos lang po ang tulog nyo? Komportable naman po ba kayo?" Tanong ko pa. "Oo, kaya lang hindi rin talaga ako makatu-- Pwe!" Nagulat naman ako sa kanya ng bigla nyang idura ang ininom nyang tubig. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano eh. "Pfft. Anong nangyari, Sir?" Nakangiwi sya at parang akala mo'y may kung ano sa tubig. "Ang pangit ng lasa ng tubig.. Saka may ibang amoy." Nagtaka naman ako, kinuha ko naman ang baso nya na ikinagulat nya at ininom din. Natawa naman ako, pagkainom ko. "Anong nakakatawa?" Tanong nya pa. "Ah, hindi to tubig, Sir! Lambanog kasi to eh! Hahaha!" Naalala ko tuloy, nung bata ako, may ilang beses ko na ring napagkamalang tubig ang lambanog, parehas Kasi ng kulay, mukhang tubig. "Lambanog?" Ah, oo nga, syempre hindi nya alam to. Sanay sya sa alak eh. "Ganito po yung alak dito sa probinsya.. Ito ang iniinom ng mga mang-iinom dito. Gusto nyong uminom, Sir?" Alok ko pa. Hindi ko naman mabasa ang mukha nya. Parang bumalik sa normal eh. "Sanay kang uminom?" Tanong nya pa. "Hmm.. Hindi naman po, pero medyo haha." Sabay tawang sagot ko. Ikinuha nya naman ako ng baso at inilapag iyon sa mesa. "Then, let's drink." Napangiti naman ako samantalang sya ay nakangisi. "Sir, baka mauna kayong bumagsak ha." Biro ko. Sinalinan ko ang baso nya pati ang akin. "I have a high tolerance." Pinanood ko naman syang diretsong inumin ang isang baso. "Hmm.. Hinahamon nyo ba ko? Unang bumagsak, talo ha." Ang lakas kong manghamon pero sa totoo lang, mabilis lang din akong malasing. Nag-smirk lang sya sakin. Nagkatitigan kami habang sabay na lumalaklak.. Nakaubos na kami ng tatlong pitsel pero parang hindi parin sya tinatablan. Oo na, talo na ako. Pakiramdam ko pipikit na ang mga mata ko, pero eto ako kinakaya ko parin. "Kaya mo pa ba?" Tanong nya. Tumango naman ako at tumawa. "Syempre naman, Sir. Kayo baka pinipigilan nyo lang bumagsak ha. Pag di nyo na kaya, matulog na kayo ha, hindi ko kayo kayang buhatin." "Baka ikaw pa ang buhatin ko, lasing ka na." Sabi nya pa. Umiling iling naman ako. "Di pa kaya! Saka kaya ko naman po ang sarili ko eh." Pinilit ko pang ngumiti kahit sa totoo lang ay parang nasusuka ako. "Bumalik ka na sa kwarto mo, ako na mag-aayos nito." Sinimulan na nyang iligpit ang mga pitsel at baso kaya pinigilan ko naman sya agad. "Bakit nagliligpit na kayo? Ang bilis naman! Di pa nga kayo nalalasing! Ang daya nyo! Ano, ako lang?" Tumawa naman sya. "Sinabi ko naman sayo, na hindi ako basta basta malalasing." Ang yabang nya ha. "Basta ang daya nyo! Ang yabang nyo pa--" Dali Dali naman akong napatakbo sa lababo dahil bigla akong nasuka. "Anong sabi ko sayo? Lasing ka na, kaya magpahinga ka na." "Oo na, ako na lasing! Pero hindi pa naman ako bagsak eh!" Ngiti ko pa sa kanya. "Saka kapag natulog na ba ako, matutulog na rin kayo? Sabi nyo kanina, hindi rin kayo makatulog eh." Dagdag ko pa. Naalala ko kasi kanina ang sinabi nya. "Oo. Saka dapat hindi mo na ako niyakag uminom, kung ikaw din naman pala ang unang babagsak." Napakunot naman ang noo ko sa kanya. "Sige, Oo na! Kayo na nga panalo eh! Pero kahit ano pang lakas nyong uminom, hindi parin naman kayo marunong makipag-date. Hahaha!" Natahimik naman sya at ako naman ang tumawa. "Does it matter? Sige, kung hindi ako marunong, will you teach me?" Naging seryoso na naman sya. Tumango naman ako. "Mukhang madali naman kayong maka-gets eh, edi sige! Tuturuan ko kayo, tutal wala naman din akong magawa.. Wait, edi magda-date tayo?" Natatawang tanong ko pa. "Kung yan ang gusto mo, bakit hindi?" Nakangisi na naman sya. "Kailan naman? Lagi kaya kayong busy. Saka kapag nag-date tayo, bawal ang tahimik at seryoso. That's the rule number one!" Ngumiti naman sya at tumango. "Ok.. I'll try." Umiling naman ako. "No! Dapat hindi try! Dapat gawin! Ok?" Mahina naman syang tumawa. "Ok.. Bakit hindi tayo mag-date bukas? You said that you're going to tour me here in your province." Ah, oo nga pala! "Sure! Nami-miss ko na rin palang gumala rito. Saan kaya tayo unang pupunta? Ano bang hilig mong gawin o puntahan?" Tanong ko pa, para makapag-decide ako. "Kung anong gusto mo, its all fine with me." Napangiti naman ako. "OK, hindi kayo magsisi ng choice. Gagawin ko ang best ko, para mapasaya kayo at maging unforgettable ang date natin hehe.." Parang nai-imagine ko na, pero sana kapag nag-date kami, makita ko ang ulit ang mga ngiti nya. "Mas komportable ako sayo, kapag ganyan ka." Ha? Ano raw? Anong mas komportable sya sakin kapag ganito ako? "Gusto nyong lasing ako?!" Natawa naman sya. "No.. Mas gusto kita kapag ang kulit mo.." Para namang natigilan ako sa paghinga kasabay ng pagtigil ng oras nung narinig ko yun. Nag paulit-ulit ang sinabi nya sa isip ko na 'gusto kita'. Napapikit nalang ako, hindi. Mali lang siguro ang rinig ko.. Huminga ako ng malalim at pilit iyong kinalimutan kahit pa, labis na tuwa ang idinulot nun sa puso ko. "H-hindi ako, makulit ah! A-ah, matutulog na po ako. Goodnight!" Nagpaalam na ako sa kanya at tumayo. Pagewang gewang akong lumakad papunta sa kwarto ko. Inaantok nako at pakiramdam ko ay babagsak ako. Muntikan na akong bumagsak pero may sumalo sa akin. Nagkatitigan kami ni Sir, at dama ko na naman ang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa titig nya.. Hindi ko pwedeng hayaang lumalim ang nararamdaman ko, kaya sana mapigilan ko habang nagsisimula pa lang itong lumago. Bahagya ko syang itinulak palayo saka muling tumayo. "K-kaya ko na, Sir. S-salamat." Dali dali na akong tumakbo palayo sa kanya at agad na dumamba sa kama.. *** "Hoy, Ate! Ate Pearl! Gumising ka na!" Narindi naman ako sa sigaw ng kapatid ko, kaya napatayo ako agad. "Ingay mo! A-ah! Ang sakit ng ulo ko." Lumapit naman sya sa akin at parang inamoy Ako. "Nyay! Nako, nag-inom kagabi! Sabi pa naman ni Mama, igagala mo raw si Kuya Zayn ngayon kaya pinapagising ka na nya." "Oo, Sige, sabihin mo mag-aayos nako. Lumabas ka na nga ng kwarto ko!" Tumawa tawa pa sya saka umalis ng kwarto ko. Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko kagabi para mag-inom?! Hay! Ayan tuloy ang sakit ng ulo ko. Nagsuot lang ako ng maong shorts at white shirt.. Hindi ko naman kailangang mag-ayos ng bongga dahil dyan sa tabi tabi lang naman kami pupunta. Paglabas ko naman ng kwarto, nagulat naman ako ng makitang nakatayo si Sir sa may pintuan. Presensya pa lang nya pinapakaba na ako kaya agad ko na syang iniwasang tignan.. Pero napansin ko pa ring again gwapo nya lalo sa suot nya ngayon. Ang saya ko lang dahil suot nya ngayon yung pinili kong black hoodie na may naka-print na 'irresistible' sa gitna nung nagkita kami sa may mall noon. Pero ngayon mas hot sya tignan dahil wala na syang takip sa mukha, hindi katulad noon. Kaya lang, baka naman mamaya, mabali na ang leeg ng mga babaeng makakakita sa kanya mamaya kakatingin. Hay! Naiisip ko pa lang, nag-iinit na ang dugo ko. "Kumain na raw muna tayo bago umalis." Napalunok naman ako ng magsalita sya. Hindi talaga ako sanay na diretso sya magtagalog. Pero mas gusto ko yan, kasi pag nagtatagalog sya, less serious sya.. Lihim naman akong napangiti. "Uhmm, ok." Tipid na sagot ko. Naiilang tuloy ako ngayon dahil sa pinaggagawa ko kagabi, kainis nahihiya ako sa kanya. Matapos naming kumain ay nagpaalam na kami ni Sir kila Mama. "Ate, good luck sa date nyo ha. Yiee~" bulong pa ni Presley at kinindatan pa ako. Binatukan ko lang sya. "Baliw, hindi kami magda-date." Sagot ko. Tinawanan lang naman nya ako. "Pero umaasa ka.." Eto hindi ko alam kung trese anyos lang talaga tong bata na to eh, ang daming alam. "Ewan ko sayong bata ka, basta ikaw muna magbantay at mag-alaga kay Mama." Bilin ko pa.. "Mag-ingat kayo ni Zayn, Pearl." Tumango naman at ngumiti ako kay Mama. "Tara na, Sir!" Sabay ngiti ko sa kanya paglabas namin. Ngumiti rin sya ng kaunti na sapat na para lumabas ang dimples nya. Ngayon ko lang napansin na may dala pala syang camera at nakasabit iyon sa leeg nya. "Mahilig pala kayo mag picture?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. "Hindi, but I really love taking pictures of places that shows the real beauty of nature." Napangiti naman ako, talaga? May pagmamahal sya sa nature? Buti pa yung nature, mahal nya, eh ako ay ewan! "Hindi nyo naman sinabi na gusto nyong makakita ng yamang tubig at yamang lupa.. Pero, alam nyo may alam akong lugar na magugustuhan nyo. Dun nalang tayo pumunta kesa sa bayan!" Tinignan nya lang ako pero sumunod naman sya sa akin. "Malayo pa ba?" Hinihingal na tanong nya pa. "Hala! Sorry, sir! Di ko naman kasi alam na mahilig pala kayo sa adventure, ayan tuloy wala tayong baong tubig at pagkain.." Naglakad kasi kami ng halos isang kilometro para marating ang sinasabi kong lugar.. "Hayaan nyo, promise! Konti nalang, tapos ayun na po! Dun na tayo uminom!" Ngiti ko pa pero tumango lang sya. Halatang pagod na sya. Mahina tuloy akong natawa. "Hindi pa ako nakatikim ng ganitong kasarap na tubig." Bago kasi kami makaakyat ng bundok ay alam kong madadaanan namin ang isang river na dinadaluyan ng malinis at sariwang tubig. Ka-miss talaga to, manamis-namis! "Pahinga muna tayo, Sir?" Ngumiti sya ng bahagya. Umupo kami sa may isang malaking bato at sinilayan ang ganda ng tanawin kasabay ng pag-agos ng tubig mula sa river. Napatingin naman ako sa kanya ng simulan nyang kumuha ng litrato. Kung kanina ay tanawin ang sinisilayan ko ngayon ay sya na, ang sarap nya kasing tignan, parang amaze na amaze sya rito, samantalang ako kasi nung kabataan ko, dito kami nakatambay na magkakapatid. "Sir, gusto nyo ba ng remembrance? Picturan ko kayo!" Tinignan nya ako at kumunot ang noo nya saka umiling. "I don't want, ikaw nalang ang pi-picturan ko." Nagulat naman ako at napatulala sa kanya. "I hate having myself a photo.." Dagdag pa nya. "Bakit naman? Sayang naman ang pagkagandang lalaki nyo..." Sagot ko naman. "I just don't like it." Napaisip naman ako. "Hmm.. Alam nyo kesa ako lang ang kuhanan nyo ng litrato, bakit hindi nalang po tayong dalawa?" Pero agad din akong napaiwas ng tingin sa sinabi ko. Teka, talaga bang si-nuggest ko yun? Hala! Anong sinabi ko?! "Is that better?" Ngumiti ako at tumango. Nilapag namin sa inuupuan namin kanina ang camera nya at sinet ang timer nito. Pag tabi ko kay Sir, agad akong bumulong sa kanya ng.. "Wag nyong kalimutang ngumiti.." Nagkatiniginan kami at ngumiti sya sa akin. Napangiti nalang din ako kasi ang sarap talagang makita ng ngiti nya. Bigla na namang tumigil ang oras ng magkatitigan kami habang nakangiti sa isa't isa. Ramdam ko na naman ang paggalaw ng mga bulate sa tiyan ko na parang kinikiliti ako kahit wala naman akong bulate.. ang bilis din ng t***k ng puso ko. Pero basta ang alam ko lang masaya ako, pero muli lang kaming bumalik sa reyalidad ng mag-flash ang camera. Parang nagka-ilangan na naman tuloy kami, dahil nakuhanan kaming ganun. "A-ah, Sir, ulitin nalang natin!" This time naka-ready na kami, kaya lang hindi ko alam kung didikit ba ako sa kanya o ano. 3.. 2.. Nagulat ako ng akbayan nya ako dahilan para mahatak ako palapit sa kanya, kasabay ng pag-flash ng camera. Mabuti nalang at nakangiti ako roon kahit gulat. Kahit natapos na iyon, ay dama ko pa rin yung pagka-kuryente ng balikat ko sa paghawak nya kanina. Hoo! Parang pinagpawisan ako roon ha! "Sir, ah nakapag-pahinga na ba kayo? Ahm, tuloy na tayo?" Hindi naman sya sumagot. May naalala tuloy ako. "Naalala nyo pa ba yung rule #1 na sinabi ko? Akala ko ba susubukan nyo?" Ine-expect ko kasing parang magda-date kami, pero parang ako lang yata talaga ang may gusto nun. "Ayoko ng pilit, I want it to be natural, gusto kong makita at malaman mo, kung sino talaga ako.." Napatingin naman ako sa kanya. Sige, hindi ko na sya pipilitin. Paakyat na kami sa paanan ng bundok, nagulat naman ako ng makitang may harang na iyon. "Hala! Bakit sarado na to?" Takang tanong ko pa. "Why don't we find another way?" Napawi naman ang lungkot ko ng makitang nakangiti sya sa akin. Nahihiya kasi ako sa kanya, baka na-disappoint ko sya. Sabi ko pa naman ako ang magto-tour sa kanya. "Sanay kayong mag-hiking, Sir?" Tanong ko pa. Nakakita kasi sya ng ibang daan, mas matalino talaga sya sa akin. "Hindi rin naman, this is just my second time." Wow! Pangalawang beses pa lang nya. Ako dito ako lumaki, pero hindi ko alam na may iba pa palang daan dito. Napahinto ako ng bigla syang huminto, hindi ko alam na nakarating na pala kami ng tuktok... Ang sariwa ng hangin dito sa taas. Sinimulan nya na ulit mag-picture. "Ito na ang pinakamagandang tanawin na nakita ko.." Hindi ko inasahang sasabihin nya yun. Para sa akin, oo ito na talaga, pero sa kanya ito rin pala. Nakatingin ako sa kalangitan nung sinabi nya yun, nilingon ko naman sya at nagkatiniginan tuloy kami dahil nakatingin pala sya sa akin. "Nakalimutan ko palang sabihin, wag mo na akong tawaging Sir, wala naman tayo sa trabaho. Zayn nalang." Ngumiti ako. "Hi Zayn." Bati ko. Hindi ko alam pero parang komportable na ako. Dati kasi parang nahihirapan akong tawagin sya ng pangalan lang nya. "Hello, Pearl." Ngumiti rin sya. Para tuloy kaming baliw dito. Nakangiti sa isa't isa at akala mo ngayon lang kami nagkakilala. "Ah, Sir-- Este Zayn! Gusto mong dito muna tayo? Napagod kasi ako eh." Humiga pa ako sa lupa, at ginawa ko namang unan ang sling bag ko. "Humiga ka talaga? Madumi dyan." Sabi pa nya. Umiling naman ako. "Hay, napagod ako eh. Tagal ko na rin kasing di umaakyat." "Mabilis ka palang mapagod, kahit hindi naman ganung kataas ang bundok na inakyat natin." Napakunot naman ang noo ko, anong hindi mataas? "Ganun lang talaga, kapag hindi nag-e-exercise ang isang tao, hindi sanay at mabilis mapagod ang katawan." Dagdag nya pa. "Grabe naman kayo, syempre wala na akong oras sa exercise na yan gawa ng trabaho. Eh kayo meron pa?" Tumawa sya ng mahina at tumabi sa akin. "Yeah, that's part of my everyday routine cause I want to stay fit and healthy, so I'll live longer." Napatingin naman ako sa kanya ng makitang humiga rin sya sa tabi ko. "Madudumihan ka--" "So what? Eh diba madumi ka na rin naman." Ha? Ewan. Pero natawa na lang din ako sa kanya. "Oo nga, sige, baka hindi nyo pa nararanasang madumihan eh. Haha." Tinignan nya lang ako ng seryoso. Ano na naman? "May nasabi ba akong mali? Sorry, hindi ko naman sinasadya.." Nakatingin lang sya sa akin. "Kapag ba may mga bagay akong sinabi na hindi ko pa nararanasan at gusto kong gawin, pwede mo ba akong samahan?" Ilang beses pa akong napakurap bago ko ma-gets ang sinabi nya. Bigla namang kumabog yung dibdib ko tapos parang di ako mapalagay.. T-talaga bang sinabi nya yun? Ah, binibigyan nya na ba ako ng access papasok sa buhay nya? Parang ang simple lang marinig nung bagay na yun sa iba, pero para sa akin parang lumundag na agad yung puso ko sa saya. "Maliit na bagay! Syempre, pwedeng pwede! Baka may dagdag sweldo yan eh!" Biro ko pa. Ngumiti lang naman sya habang natatawa ako. "If that's what you want." Lalo tuloy akong natawa. "Luh? Joke lang! Diko naman kailangan ng dagdag sweldo, makasama lang kayo, masaya na ako." Natahimik kami roon saka ko lang naintindihan ang sinabi ko kaya pala napatitig sya sa akin. "Ang ibig sabihin ko, makita lang kayong masaya ok na ko! Este ay ewan! Mapangiti ko lang kayo, ayos na yun sa kin, kasi bibihira kayong ngumiti at tumawa.." Ngumiti sya habang nakakunot ang noo nya. Mukhang naguluhan din ata sya sa sinabi ko. "Kahit ang gulo mo, basta ang alam ko pumayag ka. Salamat.." Ngumiti na naman sya. Nakakainis. Hindi ako sa kanya naiinis, kundi sa sarili ko. Alam ko ilang beses ko ng di-neny na wala akong gusto sa kanya, pero ngayon hindi ko na alam. Ngiti palang nya, nagtatatalon na agad yung puso ko. Sa titig nya pakiramdam ko naman, matutunaw ako. Sa tuwing nahahawakan nya ako, nakukuryente ako. At minsan sa isang simpleng gesture lang nya, biglang mabubuhay ang mga bulate sa tyan ko. Ano ba to?! Pilit kong iniwasan, pero ano? Nahulog parin ako sa kanya. Tuluyan na akong nahulog sa kanya, kahit nung cold at seryoso palang sya. Kasi naman bakit may care sya sa akin? Bakit ang bait nya? Tapos ngayon lalo na nakita ko na, kung paano sya maging masaya... Hindi ko na alam ang gagawin ko! Bakit ba ang bilis mong ma-fall, Pearl? Nahulog ka na noon sa boss mo, at ngayon nahulog ka na naman sa panibagong boss mo. Tuluyan na nga akong nahulog, pero hindi ko naman alam kung may tsansang saluhin nya ako. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD