"Kamusta na raw yung imbestigasyon, Reese?" Nandito ako ngayon sa Javier Corp. at kausap si Reese. Nakikibalita lang, si Reese kasi ang kumausap sa mga pulis.. Dahil sa nangyari kahapon.
"May nakita nga raw sa CCTV, isang lalaking umaaligid sa may parking lot, posibleng iyong lalaking yun ang may kagagawan kung bakit nawalan ng preno ang sasakyan ni Sir." Sana mahuli na yun, dahil muntikan ng mapahamak si Sir ng dahil sa kanya.
"Teka, ikaw ok ka lang? Kasama ka ni Sir kagabi, diba?" Tanong naman nya.
"Ah oo, buti nalang minor injuries lang ang tinamo namin. Nakatalon kami agad, bago bumangga ang sasakyan." Nakangiting sagot ko. Ayos naman na ako, kaya nakapasok na rin ako kinabukasan. Si Sir kaya? Hindi ko pa sya napupuntahan ngayon sa bahay nya. Naayos ko naman na kasi ang schedule nya, kahapon pa..
Nakatanggap naman ako bigla ng text galing kay Mama.
Anak, uuwi ka ba? Sa isang araw na ang death anniversary ng papa mo.. Hindi makakauwi ang Kuya mo, sana makauwi ka.
Hmm.. Kakasimula ko lang kasi sa trabaho, hindi ko alam kung papayagan ako ni Sir na mag-leave. Gusto ko sanang magbakasyon sa amin kahit isang linggo lang.
"Reese, sa tingin mo papayagan akong mag-leave ni Sir?" Tanong ko sa kanya. Napaisip naman sya.
"Diko lang sure ha, pero baka, mukha ka naman kasing malakas sa kanya eh." Ako malakas? Hindi kaya. Hindi naman kami close.
"Kung alam mo lang, nakakailang kaya talaga sa bahay nya. Sobra kasing tahimik nya talaga. Pero mabait naman si Sir, sana nga payagan ako." Ngiti ko pa. Kinunutan naman nya ako ng noo.
"Mabait? Paano mo nasabi? Hindi ka pa napapagalitan?" Napagalitan na ba ko? Hindi ko rin alam.
"Diko sure, diko pa naman sya nakitang magalit.. Saka laging blanko ang mukha nya, paano mo malalamang galit sya?" Nagalit na kaya sya sakin? Katulad ba yun, nung kagabi? Nung hindi ako nagpaalam sa kanya.
"Basta alam ko nagagalit si Sir, syempre pag hindi mo nagawa yung inuutos nya at ang alam kong lalong ayaw nya ay kapag hindi ipinaalam o nagpaalam sa kanya." Kinabahan tuloy ako. So, nagalit nga sya kagabi?
"K-kagabi pala, ah diba nagpaalam naman ako sa inyo ni Sir Wendell.. Sinabi nyo naman kay Sir Zayn diba?" Mahina naman syang natawa.
"Hinanap ka nga nya sa amin, sinabi namin umuwi ka na, tapos sinabi nyang pwede na daw umuwi. Tapos nung nabalitaan namin yung nangyaring aksidente, kasama ka pala nya. Umuwi ka na diba? Paano kayo nagkasabay?" In-ignore ko yung tanong nyang yun at muling ibinalik ang usapan tungkol sa trabaho.
***
Pumunta ako sa bahay ni Sir Zayn, at balak ko syang kausapin.. Sana talaga payagan nya ako.
Bumungad sa akin ang napaka-daming bodyguard sa labas palang ng bahay nya. Maging sa loob ay may maids na rin ha.. Mabuti nalang at pinapasok ako.
Dumiretso na ako sa kwarto nya at kumatok.
TOK! TOK! TOK!
"Sir? Si Pearl po ito, papasok na po ako.." Pagpasok ko, walang tao. Umalis sya? Hindi ko naman sya napansin sa baba. Magtatanong nalang siguro ako sa mga tao rito.
"A-ate, nakita nyo si Sir Zayn?" Tanong ko sa nakasalubong kong maid.
"Ah, si Sir nasa garden yata.." Nagpasalamat ako at dumiretso na sa sinabi nyang lugar.
Nakita ko nga si Sir sa labas, nakatayo sya sa may terrace ng garden at parang pinagmamasdan ang ganda ng mga bulaklak sa Hardin nya. Napangiti naman ako, ang ganda naman talaga rito at sariwa ang hangin.. Napakaganda rin ng tanawin.
Tinawag ko sya pero hindi nya yata ako narinig.. Kaya lumapit na ako at kinulbit sya.
Gulat naman syang napatingin sa akin.
"Ah, Sir may itatanong lang po sana ako." Nakatingin naman sya sa akin.
"P-pwede po bang mag-leave ng isang linggo po sana, magde-death anniversary ho kasi yung Papa ko.. At bibisitahin ko rin po ang pamilya ko sa probinsya." Kinakabahan ako sa harap nya, nakatingin lang sya sa akin at hindi ko alam ang magiging desisyon nya.
"OK." Nanlaki naman ang mga mata ko kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi ko.
"Salamat po, Sir.. Ah, may ipapagawa pa po ba kayo? Para po sana, maasikaso ko na po ng maaga." Muli nyang ibinalik ang tingin nya sa mga halaman, saka sya sumagot.
"Do I have important appointments this week?" Tanong nya. Sa pagkakaalala ko, halos wala syang gagawin ngayong linggo. Kaya siguro, nagpapahinga sya ngayon at nagre-relax dito sa bahay nya.
"Hmm.. Wala po. Wala po kayong kahit anong naka-i-schedule ngayon, kaya makakapagpahinga kayo." Ngiti ko pa. Ngayon talaga libre ang schedule nya, dati kasi kung walang mga meet ups, ang dami naman nyang paperworks.
"Then, I want to have a vacation." Napatingin tuloy ako sa kanya. Bago to ah! Nagta-travel din pala sya. Akala ko taong bahay lang sya eh.
"Ah, ibo-book ko na po kayo, saan po ba ang punta nyo?" Muli nya akong nilingon.
"In your province." Nagulat na naman ako. A-ano raw?
"I wanna go with you tomorrow.. Can I?" Nagpapaalam ba sya saking sasama sya? Naguguluhan talaga ako.
"Ah, kayo po. Ito-tour ko kayo, alam nyo po ibang iba ang lugar sa amin, kumpara dito sa Manila. Sariwa ang hangin dun at marami ring mga puno at halaman, parang dito sa garden nyo na alagang-alaga." Nakangiting sagot ko pa. Parang nae-excite tuloy ako, hindi naman ako nabingi diba? Ang sabi nya sasama sya.
"Is it far?"
"Hmm.. Medyo po siguro. Tatlong oras po yung byahe ko sa bus, tapos isang oras po sa jeep." Magco-commute kaya kami? Pero sa tingin ko, hindi.
"I'll be the one to drive, just tell me the location." Sabi ko nga. Aba nga naman, nakatipid pa ako ng pamasahe.
"Pero sure talaga kayo, Sir? Kasi walang gaanong mga establishment dun, try ko nalang sigurong maghanap ng hotel baka naman meron na po siguro ngayon.." Naiisip ko lang, pwede naman sa bahay namin sya tumira kaya lang baka hindi sya maging komportable dahil hindi sya sanay.
Hindi na sya sumagot, dahil ako naman na ang bahala roon. Syempre yun ang trabaho ko eh..
***
KINABUKASAN maaga akong nagising para maghanda sa pag byahe namin.. Hindi na ako magdadala ng gamit, dahil may mga damit naman ako roon sa bahay sa probinsya.
Palabas palang ako ng ng apartment ko ng may bumusinang sasakyan, napasilip ako sa bintana ko at nagulat.
Ha? Talagang sinundo nya pa ako rito?! Nahihiya na talaga ako sa kanya. Saka ano ba kasing trip nya at gusto nyang sumamang magbakasyon kasama ako?
Para ko talaga syang hindi boss, para ko syang ______! Napangiti na naman ako habang nakasilip sa bintana. Pero agad na rin akong lumabas dahil ayoko syang paghintayin. Nakakahiya naman, nakikisabay na nga lang ako eh.
Nakatayo sya sa labas ng kotse nya at naka-disguise na naman. Naalala ko tuloy, yung ayaw nya pang ipaalam kung sino sya hahaha.
"Sir, hindi nyo na kailangan mag-ganyan.." Sabi ko sa kanya. Kasi naman ang init kaya, naka-facemask pa sya, cap and shades.
"Sayang naman ang gwapo nyong mukha kung tinatakluban nyo lang.." Sabi ko pa. Nakita ko namang tinanggal nya na ang mga iyon kaya napangiti ako.
"Ayan! Tara na po! Wala naman po sigurong makakakilala sa inyo roon, probinsya naman ho yun." Tumango sya at pinagbuksan nya ako ng pinto. Hay! Gentleman ba talaga sya? Naalala ko nung Una naming kita sa restaurant, pinag-hila nya pa ako ng upuan eh.
***
"I'm not familiar in this place.." Sabi nya ng makarating kami at saglit na tumigil. Halos dalawang oras lang ang byahe namin at napakabilis naman talaga nun kumpara sa normal na byahe.
"Pero magiging pamilyar din kayo rito, once na magala na natin, Sir! Welcoming to Cordovalles City!" Ang tahimik ng lugar at ang ganda ng tanawin dito sa tinigilan namin. Kitang kita kasi ang bundok dito.. Mukha tuloy liblib dahil sa dami ng puno at halaman. Halatang hindi talaga alam ni Sir ang lugar na ito dahil parang namamangha ang mga mata nya sa paligid habang pinagmamasdan nya ito.
"Ahm, ayos lang kayo, Sir?" Para kasing natulala sya.
"What city is this again?" Tanong nya.
"Cordovalles po."
"I think, I know someone here, but I don't know if she still remembers me." She? Hmm.. First love kaya? Baka matulungan ko sya, kung sino man yun dahil maliit lang naman ang lugar na ito at saulo ko. Marami rin akong kakilala rito.
"Baka makatulong ako, sir. Sino po ba? Anong pangalan? Kaya natin yung hanapin, kasi maliit lang naman tong bayan namin.." Tumayo na sya mula sa pagkakaupo sa bench sa shed at dumiretso ng kotse nya. Sabi ko nga, ayaw nyang sagutin.
"Maghahanap na po ba tayo ng hotel nyo?" Umiling naman sya.
"Ihahatid na kita sa inyo."
"Paano po kayo? Baka maligaw kayo, kapag inuna nyo ko.. Ah, alam ko na! Sa min nalang muna kayo!" Kaya lang, hindi ko talaga alam kung ok lang sa kanya.
"Kung ok lang sa inyo." Mahinang dagdag ko.
"It's fine. As long as I'm with you." Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko, hindi ko alam kung anong ibig sabihin nya, pero muntikan na naman akong mapangiti..
"Ah, kumaliwa po kayo.. Tapos, diretso lang po. Dyan po kami sa may red na gate.." Hindi ko na napigilang ngumiti ng masilayan ko muli ang bahay ba kinalakihan ko.
"Tara po, pasok kayo." Medyo napakunot ang noo ko, nung makita ko na parang bahagya syang nakayuko. Nahihiya ba sya?
"Yung Mama ko lang po yung nandyan, at saka po yung bunso kong kapatid.. Wag po kayong mahiya ah, mabait naman po sila." Nginitian ko sya at tinanguan naman nya ako.
Sinalubong kami ni Mama at niyakap naman nya ako.
"Oh anak, may kasama ka pala.. Teka, ikaw ba yan, Zayn?" Nagulat naman ako ng makilala ni Mama ang kasama ko? Bakit nya kilala si Sir? Napatingin naman ako kay Sir, at nakatingin din sya kay Mama.
"Manang Sella?" Takang tawag ni Sir kay Mama. Kilala nya rin si Mama?
Nagulat naman ako ng yakapin sya ni Mama.
"Ang laki mo ng bata ka! Kay gwapo mo talaga! Kamusta na?" Niyakap nya rin si Mama at nagulat ako ng makitang ngumiti sya.
"Ok lang po. Naalala nyo parin po pala ako.." Ha? Mababaliw na yata ako, bakit magkakilala sila? Saka si Mama ba yung sinasabi nya kanina na taong kakilala nya rito?
"*ehem*! Excuse nga po muna, ah, Mama, bakit kayo magkakilala ni Sir?" Sabay turo ko pa kay Sir Zayn na nakangiti.. Ang gwapo nya lalong tignan kapag nakangiti sya. Buti pa si Mama nginingitian nya.
"Anak, naalala mo ba nung maliit ka pa, iniwan kita sa Tita Melissa mo. Nag trabaho ako sa Manila noon at naging yaya nitong gwapong bata na to.." Oo nga pala, nagtampo ako noon kay Mama, sabi ko pa pinili nya pang alagaan ang ibang bata, kaysa sa akin, pero naintindihan ko na rin naman sya nung lumaki nako.
"Zayn, Pearl, halina kayo!" Eto si Mama, katampo na naman, minsan na nga lang akong umuwi, si Sir pa mas inaasikaso nya kaysa sa akin.
"Paano pala kayo nagkakilala?" Tanong nya sa amin.
"Ma, sa kanya na po ako nagtatrabaho ngayon at sya na po ang boss ko." Nagkatinginan kami ni Sir.
"Ikaw na ang may hawak ng negosyo ng Papa mo?" Tanong nya pa kay Sir. Edi sila na close.. P.S. hindi ako selos ah.
"Opo, pagka-graduate ko po ng college, ako na ang pinag-manage nya." Hindi ko maiwasang hindi mapatitig kay Sir. Naninibago kasi talaga ako eh, ngumingiti sya, napakagalang, at nagtatagalog. Ganun siguro talaga sila ka-close ni Mama.
"25 ka na ngayon diba? May nobya ka na ba?" Daldal naman nito ni Mama. Saka isa pa, na-o-out of place na ako rito ah.
"Wala pa po--" Nakisabat na rin ako.
"Pero soon to be married na kayo diba, Sir?" Takang tanong ko pa. Napakunot naman ang noo nya sa akin.
"Pearl, wag mo ngang pangunahan etong si Zayn, hindi ba boss mo sya? Bakit naman wala kang galang? Isa pa bisita natin sya, hindi naman kita pinalaking ganyan." Hindi ko naman pinapangunahan si Sir eh. Grabe si Mama, sinermunan talaga ako. Na-amazed na naman tuloy ako, nung makita kong tumawa si Sir. Sige tawa ka lang, nakakainis naman kasi eh, bakit sa harap nya pa ako pinagalitan?
"Ma, nagluto na po ba kayo?" Tanong ko.
"Hindi pa.. Ang aga nyo naman kasi. Ikaw na ang magluto, hindi ba specialty mo ang Tinola? Patikimin mo naman itong si Zayn. Zayn, alam mo bang ang galing magluto ng batang to." Nakakahiya.. Baka nga sawa na si Sir dun eh. Ang saya ko nga nung malaman kung nagustuhan nya, lagi kasing iyon ang pinapaluto nya, parang naging paborito nya nga yata ang luto ko eh.
"Kasing sarap nyo pong magluto ang anak nyo." Nagulat naman ako sa isinagot nya. Nakakainis talaga na nakakatuwa, hindi ko maintindihan yung pakiramdam. Parang may kung ano na naman tuloy sa tyan ko..
"Naku, masyado mo namang pinuri tong si Pearl, kinilig tuloy. Mas magaling parin ako dyan syempre."
"Ma! Hindi ako kinilig!" Napalunok naman ako bigla. Hala! Bakit ako sumigaw?! Pero kasi ramdam ko na yung pamumula ng pisngi ko eh.
"Mama, mahiya naman po kayo sa kanya please.. Boss ko po sya eh." Bulong ko kay Mama.
"Na-miss ko lang talaga tong alaga ko.." Sagot naman nya. Hinayaan ko na nga lang sila roon. Sila nalang ang nagkwentuhan, kaya nagluto na ako. Si Sir nalang anak nya.
Bago ko naisipang magluto, pinuntahan ko muna ang kwarto ko. Aba nga naman! Nagulat naman ako, dito natutulog ang bunso kong kapatid.
Alas-diyes na ng umaga ah! Tulog parin tong bata na to! Kaya pinalo ko agad ang pwet nito para magising.
"Inaantok pako eh!" Inis na sabi pa nito.
"Hoy, Presley! Hindi ka gigising?! Hindi ko bibilhin sapatos mo!" Maluho rin kasi tong bata na to, dahil malakas nga sya sakin, ayun pinagbibigyan ko minsan ang mga hiling nya. Na-miss ko tong makulit na to, kaya lang binata na rin.
"Ay, Ate Pearl! Ikaw pala yan?" Nagkukusot kusot pa sya ng mata nya.
"Wag mo kong ma-Ate ate, tulungan mo nga akong magluto dun." Ngiting ngiti naman at tignan mo nga naman napapasunod ko dahil syempre may kapalit naman.
"Ate, sino pala yung lalaki? Boyfriend mo? Buti may pumatol sayo! Hahaha!" Agad ko naman syang nabatukan habang naghahanda ng rekado.
"Sira! Boss ko yun, kilala pala ni Mama. Kaya ayun dinaldal na naman nya." Tinignan naman nya ako ng parang hindi sya naniniwala.
"Weh? Boss lang? Bakit kasama mo?"
"Eh gusto nyang sumama eh!"
"Yun lang?"
"Paki mo ba!"
Natigilan naman kaming dalawa ng pumunta sa kusina si Mama at si Sir.
"Nagsisigawan na naman ba kayo? Pearl, Presley, mahiya kayo sa bisita. Presley, si Zayn pala, boss ng Ate mo." Ngumiti lang si Sir, at ito namang si Presley, feeling close.
"Hello po! Ako po pala si Presley, kapatid ni Ate Pearl. Ano po bang itatawag ko sa inyo, Sir o Kuya nalang?"
"Sir ang itawag mo kay Sir Zayn.." Bulong ko sa kapatid ko. Aba! Hindi marunong mahiya ang batang to.
"Sige, Kuya nalang." Sagot naman ni Sir. Alam nyo kung pwede lang mahimatay sa gulat, kanina pa ako nahimatay. Ibang iba talaga si Sir Zayn ngayon. Ngayon lang sya ganito. At sa akin lang sya hindi ganyan, siguro kasi nga empleyado nya lang ako. Pero bakit kina Mama at Presley, nakangiti sya? Naiinis ako.
Sabi ko sa kapatid ko, tulungan akong magluto, pero wala, nakipagdaldalan lang din sya kina Sir. Hay! Galing nyo, sige, ako nalang dito MAG-ISA! Tutal, kaya ko namang MAG-ISA!
Pero inhale, exhale, hindi ka pwedeng magalit.. Wala akong karapatang magalit sa boss ko. Pero baka pwede naman, kasi nasa pamamahay namin sya. Charot. Nahihiya nga ako sa kanya eh.
Nagsalo salo kaming magtanghalian, at eto tahimik lang akong kumakain sa sulok. Hindi naman nila ako pinapansin, silang tatlo lang ang nag-uusap. Minsan nagtatama ang tingin namin ni Sir, pero ako agad ang unang umiiwas. Kahit pa ang gwapo nya pag nakangiti, naiinis parin ako, parang naagaw nya yung atensyon nila Mama.
Pero napag-isip isip ko rin, na dapat parang intindihin ko rin sya. Mukhang minsan lang syang maging ganyan, wala rin syang kasama sa bahay, wala na syang Nanay at sa pagkakaalam ko wala rin syang kapatid kaya hahayaan ko nalang siguro. Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng ganyan..
Matapos naming kumain ay ako na rin ang nagligpit at naghugas ng plato.
"Pearl." Nagulat naman ako kay Sir, alam ko kasi mag-isa nalang ako rito sa kusina eh.
"A-ano po yun, Sir? A-ah, maghahanap na po ba tayo ng pag-s-stay-an nyo?" Ngumiti sya at umiling.
"Maswerte ka sa pamilya mo.. Hindi ko alam na anak ka pala ni Manang Sella." Napangiti na rin ako. Hindi ko inasahang sasabihin nya yun.
"Ah, Sir, talaga po bang malapit kayo ni Mama? Parang mas itinuturing nya pa kayong anak kaysa sa akin." Narinig ko naman syang mahinang tumawa.
"Nagtatampo ka ba, kaya ang tahimik mo kanina?" Agad akong umiwas ng tingin. Napansin nya ba?
"Hindi po, hindi lang po talaga--"
"Nagselos ka?" Agad naman akong napailing.
"Lalo naman pong hindi. Selos? Tss." Sagot ko.
"Sana maintindihan mo, si Manang Sella, sya lang din ang tinuring kong Nanay ko. Inalagaan nya ako noon na parang tunay nyang anak.. Kaya ang lapit at gaan ng loob ko sa kanya. Ngayon lang ulit din kami nagkita, makalipas ang 15 years." Naiintindihan ko naman. Nalaman ko kasing namatay ang Mama nya, nung pagkapanganak sa kanya.. At masaya rin talaga ako kasi ang saya nya tignan.
"Ayos lang po yun. Ibang iba po kayo ngayon, hindi ako sanay. Nakangiti at tumatawa kayo, samantalang sa trabaho, napaka-seryoso at napaka-bihira nyong magsalita. Sana lagi nalang kayong ganyan." Muli syang ngumiti. Hindi ko talaga inakala na magkakausap kami ng ganito. Pati yung masisilayan ko ang ngiti at tawa nya..
"Kailangan ko bang palaging ngumiti, para magustuhan ng ibang tao? Kung yun ang iniisip mo." Hindi naman sa ganun, kaya lang nagiging iba ang impression nila sayo, Sir.
"Opo, alam ko naman pong hindi nyo kailangang gawin yun para magustuhan ng iba, pero nag-iiba po kasi ang tingin nila sayo. Sa totoo lang po, naiinis ako sa mga nababasa kong articles tungkol sa inyo, nagbabase lang sila sa itsura nyo kaya nasasabi nilang, masungit, arogante raw kayo.. Masyado nila kayong jinu-judge kahit hindi pa nila kayo kilala.. Para sa akin po kasi ang bait nyong tao, may busilak kayong puso kahit hindi pa po tayo ganung kalapit sa isa't isa." Nung una rin, nainis din ako sa kanya, dahil kaaway sya ni Sir Luhan. Nung magkikita kami, nagbasa ako ng tungkol sa kanya sa internet, at puro kung anu ano ang mga nabasa ko. Pero nung magkasama kami at mag trabaho ako sa kanya, ibang iba sya dun. Kasi may pakialam sya sa ibang tao, lagi nya akong tinutulungan kahit pa ganung ka seryoso syang tao. Masyado ko syang ji-nudge nung araw na in-offer nya akong mag-espiya.
"Mabait ako, para sayo?" Takang tanong nya. Ngumiti ako at tumango.
"Lahat naman po ng tao ay mabait.. Lalo na si Mama po pala ang nagpalaki sa inyo, pero kasi.. Lagi kayong nandyan, tapos yung mga beses na iniligtas nyo ako. Tapos, binigyan nyo pa ako ng trabaho. Hindi ko rin po alam kung paano kayo papasalamatan." Muli kaming nabingi sa katahimikan. Nagkatitigan kami na para bang nag-uusap ang mga mata namin. Naputol lang iyon ng bigla kaming mapatingin sa dumating na si Mama.
"Oh, ano pa lang ginagawa nyo dyan?" Tanong nya sa amin.
"Ah, wala po. Kakatapos ko lang pala maghugas, Ma." Ngumiti si Mama at muli nyang ibinaling ang tingin nya kay Sir.
"Zayn, dito ka na kaya matulog sa amin?" Nagulat naman ako kay Mama.
"Ma, baka hindi sanay si Sir saka baka hindi sya komportable rito sa bahay. Maliit lang kasi ito at--"
"Sige po, kung ok lang naman po sa inyo, bakit hindi." Gulat akong napatingin kay Sir. Tinignan nya ako at hindi ko alam kung nginitian nya ba ako o parang ngumisi sya..
---