Matapos nung gabing yun, ganun parin naman ang trato namin sa isa't isa ni Sir Zayn, in short ayun nga parang wala lang nangyari. Wala naman talagang nangyari eh, halik lang naman iyon.
Teka, late na ah? Hindi pa sya lumalabas ng kwarto nya, para kumain. Kumain na kaya sya? O dadalhan ko nalang sya.. Eh kakapasok ko lang kanina eh, dahil dinala ko ang schedule nya.. Naman oh! Basta iaabot ko nalang tong, bread and coffee nya. Di nako magsasalita, diko rin naman talaga kasi alam kung anong mas gusto nya kung tuwing tahimik ba ako o maingay.
Naisipan ko na ring lagyan ng palaman ang tinapay. So, naging egg tuna sandwich tuloy.. Hindi ko alam kung puede ba to sa diet nya, basta edi wag nya kainin kung ayaw nya. Nilagyan ko rin ng sticky note, wala shut ko muna mouth ko eh.
Good morning po. Happy Eating! :)
Teka, tama ba yung grammar? Happy eating? Eh basta! Nadala ko na yung tray eh! Tinignan lang naman nya ako at wala syang sinabi.
Ganun lang talaga ang naging set-up namin, mas naging tahimik kami sa isa't isa.. Dahil kaya yun dun? Sa ano? Basta sa ano! Ayoko ng banggitin!
Kaya dinadaan ko nalang sa note ang pagbati sa kanya.
"May invitation po pala kayo galing sa LM Apparel, 8PM po gaganapin yung fashion show of the year nila.. Presenting their new collection mula New York. Ah, pupunta po ba kayo?" Nakaka-miss, naalala ko dati dahil assistant ako ni Sir Luhan noon, nakakapanood ako ng fashion show. Kinuha ni Sir Zayn sa akin ang invitation at binasa nya yun.
"Were going." Yun lang ang isinagot nya. Ha? Were going?
"Sasabihan ko po sila Sir Wendell at Reese?" Tanong ko pa.
"Yeah, they will also go with us." Napanganga naman ako, teka, ang ibig ba nyang sabihin ay isasama nya ako?
"Sir Zayn, k-kasama po ako?" Nakangiting tanong ko. Hindi ko na talaga mapigilang mapangiti, gustong gusto ko kasing nakakapanood ng fashion show, nakakabano yung mga designs ng mga mamahaling damit..
"I said us." Muntikan naman akong mapasigaw sa tuwa, kaya tinitigan na naman nya ako.
"Sorry po, hehe. Excited lang po." Tinanguan nya lang naman ako.
NGAYON NA ang gabing iyon, kaya naman naghanda talaga ako. Nanghiram pa nga ako kay Chynna ng damit. Kailangan kasi talaga ng maayos na formal dress, tsaka kailangan mukha rin akong elegante dahil mga sosyaling tao ang dadalo dito.
Kaya lang medyo naasiwa rin ako sa suot ko, eto kasing pinahiram nya ay backless at medyo kita ang cleavage, itinataas ko nalang.. Pero ang ganda parin naman ng pagka-black nito.
Mabuti nalang hindi ako sumabay kay Sir Zayn, naiilang parin kasi talaga ako sa kanya. May sasakyan kasi si Reese kaya sabay kami. Sinundan namin ang sasakyan nila Sir Zayn at Sir Wendell.
Nauna na sila Sir doon sa loob. Magkatabi si Reese at Sir Zayn at kami naman ni Sir Wendell. Si Reese kasi ang assistant kaya sya ang katabi samantalang ako ay isa lang namang secretary.
Tahimik lang akong nanood at namangha. Mas maganda ang collection this year ah. Ibig sabihin kaya naman ni Sir Luhan, na wala ako sa tabi nya. Na-handle naman nya ito ng maayos.
Nang matapos ang show ay may ilang kausap sila Sir Zayn at Sir Wendell. Nagulat naman ako ng may kumulbit sa akin.
"A-ah, S-sir Luhan.. C-congrats po!" Nahihiyang bati ko pa. Ngumiti naman sya. Eto na ba yung sinasabi ni Chynna na mag-uusap kami kung sakaling magkita kami?
"Thanks. Long time no see, Pearl. By the way, can we talk?" Tumango lang naman ako at sumunod. Napatingin muna ako sa direksyon nila Sir Zayn, at nagulat ako ng magtama ang tingin namin. Hindi ko alam kung parang bakit ang sama ng tingin nya sa akin, lalapit sana ako sa kanya para magpaalam pero muli nyang ibinalik ang atensyon nya sa kinakausap nyang babae. Mahilig pala sya sa model? Tss. Dyan ka na nga muna, Sir.
"I am sincerely sorry, for not giving you a chance to explain. Pearl, natapos na ang investigation and I'm really sorry again kung hindi kita pinaniniwalaan.." Teka, nahuli na ba kung sinong gumawa nun?
"Edi sino pong may pakana nun?" Tanong ko. Napa-buntong hininga Naman sya.
"Napatunayang hindi mo nga ginawa pero hindi pa nila nahuhuli kung sino.. Napaka-linis ng pagkaka-ipit nya sa iyo. Baka matagalan pang malaman kung sino yun, pero hindi ko hahayaang makatakas yun, dahil nawala ka sa akin dahil sa kanya." Napaka-talino naman nun! Pero walang kriminal ang hindi nahuhuli.
"Kahit papaano gumaan ho yung pakiramdam ko na malaman nyong wala akong kasalanan.. Pero sana talaga ay mahuli sya, dahil ayoko na pong maulit pa to." Nginitian ko naman sya. Wala namang kasalanan itong si Sir, dahil maging sya ay biktima rin na pinaniwala nung babaitang yun. Lahat kami ay biktima lang rin.
"Pearl, hindi kita pipilitin o ano, pero babalik ka pa ba sa LM?" Napalunok naman ako, kasi maging ako hindi ko alam.. Kahit secretary lang naman kasi ang trabaho ko ngayon, kuntento at masaya naman ako sa ginagawa ko.
"Hindi ko po alam ang isasagot ko eh." Napakamot nalang ako sa batok ko.
"I'm giving you time to decide. Basta kapag nakapag-desisyon ka na, sabihin mo lang. Kasi naka-reserve lang para sa iyo ang posisyong iyon para sa LM." Natutuwa ako pero parang hindi ko kayang umalis sa kay Sir Zayn. Para tuloy akong torn between two billionaires, pero hindi pagdating sa love ah!
"Salamat po.." Yun nalang ang nasabi ko sa tuwa ko.
"And also you look very stunning and elegant.." Kung dati siguro, kikiligin na ako sa mga papuri nya, pero bakit ngayon hindi na?
"Thanks. Pero you don't need to bola bola me, Sir." Natawa naman sya. Na-miss ko tuloy syang ka-gantuhan sa opisina noon.
"I miss that in you. I miss your vibes. I miss your smile.. Sana bumalik ka na." Kulang nalang sabihin nyang na-miss nya talaga ako. Kulang nalang din ay umasa na naman ako.
"Sabihin nyo munang na-miss nyo ko, malay nyo bumalik na ako." Biro ko pa. Lalo naman syang tumawa.
"I miss you, Pearl." Para tuloy biglang tumigil sa pag t***k ang puso ko.
"Haha. Talaga tong si Sir, masyado akong sinasakyan! Bumalik na po kayo dun, baka hinahanap na kayo.." Pinilit kong tumawa sa harapan nya. Nakahinga na ako ng maluwag ng magpaalam na sya at iwan ako. Para kasing muling bumalik iyong nararamdaman ko para sa kanya.. Pero hindi, naka-move on na ako. Masyado lang siguro akong nadala sa pagbibiruan namin.
Bumalik na ako lugar na pinag-iwanan ko kila Sir, pero si Reese lang ang nadatnan ko.
"Nasaan si Sir Zayn?" Tanong ko pa sa kanya. Tinuro naman nya at napakunot naman ang noo ko. Kausap nya parin ang modelong iyon, hmm.. Akala ko ba silent type guy itong si Sir pero nawi-witness ko syang makipag-landian ngayon ha! At saka nakakalimutan nya yatang engage na sya! Isumbong ko sya kay Mam Arielle eh! Pero hindi nga pala kami close hehe.
"Uyy, Pearl! Bakit ang sama ng tingin mo kay Sir?" Gulat naman akong napatingin sa kanya.
"Hindi ah! Wala ang tagal lang kasi nya. Kanina nya pa kausap yun ah! Diba may fiancee na sya, bakit nakikipag-landian pa sya sa model?! Tagal nya eh! Gusto ko ng umuwi!" Nagulat naman ako ng batukan nya ako. Parang si Chynna to ah!
"Galit ka?! Alam mo kapag narinig ka nya, baka matanggal ka sige! Galit na galit, ha! Ikaw ba si Ms. Arielle para magselos dyan!" Tignan mo to, pati rin naman sya sinigawan ako. Di naman ako galit, medyo lang.
"Hindi nga ako si Ms. Arielle at hindi rin naman ako nagseselos. Bakit naman ako nagseselos?" Tanong ko sa kanya at inirapan naman nya ako.
"Tss. Ewan ko sayo, Pearl. Deny pa, halata ka rin naman." Ha? Anong halata? Bakit naman ako magseselos? Duh!
"Ewan ko rin sayo, Reese. Ayan na si Sir Wendell, magsama kayo!" Papunta na sa amin ang nakangiting si Sir Wendell na mukhang kakatapos lang din sa pakikipag-landian.. Buti pa to, tapos na! Eto kaya si Sir Zayn, may balak pang bumalik? Enjoy na enjoy yata eh! Kung gusto nya, isama nya na pauwi! Tapos ibahay na rin nya! Tapos! Para makauwi na kami, sya nalang hinihintay eh!
At dahil hindi ko alam kung bakit inis na inis ako, at parang sira na ang gabi ko ay nagpaalam na ako. Hindi naman ako masyadong kailangan dun, kaya puede na siguro akong umalis.
Napansin ko lang ah, wala si Mam Mariana dun? Tss. Buti nga. Kaya naman ni Sir Luhan, without her. Aish! Napapa-english na naman ako ah!
Lumabas na ako ng venue at nag-abang ng taxi sa may tabing kalsada.
Nagulat naman ako ng may puting BMW ang tumigil sa harap ko.
"Pearl, oh bakit mag-isa ka? Sumabay ka na." Si Sir Luhan pala. Napangiti tuloy ako, pero hindi parin mawala sa isip ko si Sir Zayn at ang haliparot na model nyang kasama.
Sasakay na Sana ako ng may humigit sa braso ko.. Gulat naman akong napatingin sa humihigit sa akin palayo.
"A-ano ba!" Ngayon lang ako nakasigaw ng makalayo na kami sa sasakyan ni Sir Luhan.
Ipinasok nya ako sa sasakyan nyang convertible at sumakay na rin sya.
"S-sir Zayn, ah uuwi na po ako." Sabi ko pa sa kanya. Pinaandar na nya ang sasakyan nya. Teka, nasaan na yung kasama nya kanina?
"Hindi ka na naman nagpaalam." Sagot nya. Ano naman? Kailangan ko pa bang magpaalam mismo sa kanya?
"Nagpaalam naman na po ako kila Sir Wendell. Saka busy pa po kayong makipag-usap kanina, enjoy na enjoy pa nga po yata kayo eh." Diretsong sagot ko na pinipigilan ang pagtaas ng boses ko.
"I'll take you home." Sabi nya pa. Mas lalo lang akong nainis. Inis na nga ako sa kanya eh, tapos iuuwi nya pa ako. Ano bang tingin nya sa akin? Hindi kayang umuwi.
"Kaya ko naman pong umuwing mag-isa eh. Hindi nyo nako kailangan ihatid.." Tinignan nya ko sa may salamin kaya nagtama na naman ang tingin namin. Agad akong nag-iwas ng tingin.
"Why are you acting like that?" Tanong nya. Natawa naman ako.
"Anong ibig nyong sabihin?" Tanong ko.
"Answering my question with another question." Tanong naman nya. Napa-buntong
hininga tuloy ako.
"Hindi ko naman kasi kayo maintindihan eh, ano bang acting like that?" Medyo napataas ang boses ko dun kaya napalingon naman sya sa akin.
"You act like I did something wrong to you. That I'm making you irritated. And its kinda making me feel weird." Ha? Bakit hindi sya sanay na ganito ako? Ano naman sa kanya yun? Eh boss ko lang naman sya! Hindi porket boss ko sya, hindi na ako pwedeng mainis sa kanya ah! Teka, bakit ba kasi ako naiinis sa kanya.
"Wala po. Gustong gusto ko lang po kasing umuwi na kanina pa.. Kaya ayun po--"
"What did the two of you talked about?" Tanong nya pa. Two? Oh did he mean, kami ni Sir Luhan? Bakit kailangan nya pa bang malaman yun?
"Does he wants you back?" Ha? Kung sya na-weweird-uhan sa akin, mas na-weweird-uhan ako sa kanya!
"Ahm, tungkol lang po yun sa pagkakatanggal nya sa akin dati at inaalok nya kong bumalik--"
"Did you accept his offer?" Tinitigan nya ako sa may salamin at ramdam kong hinihintay nya ang sagot ko. Kinabahan na naman ako sa titig nya.
"Ah, ang sabi ko po pag-iisipan ko pa." At muli na nyang ibinalik ang kanyang tingin sa daan at nakahinga naman ako ng maluwag.
"Then there's a chance that you'll leave me and you'll come back to him, am I right?" Bakit parang tinamaan ako roon? May part na kumirot sa puso ko ng marinig ko yun, mula sa kanya at sa mapait nyang pagkakasabi nun. Huminga ako ng malalim, hindi pa naman ako sigurado eh. Hindi ko naman kayo basta nalang iiwanan.
"Ha? Wala pa naman po akong desisyon.. Saka kakasimula ko pa lang naman po sa inyo. Maayos naman po ang trabaho ko sa inyo, kaya wala ring dahilan para basta ko nalang kayong iwanan." Hay! Paano ba kami napunta sa usapang to? Saka ano naman kaya sa kanya yun, kung umalis ako? Marami naman syang iba pang mahahanap na sekretarya ah!
Muli kaming natahimik sa byahe matapos nun. Eh, sila kaya anong pinag-usapan nila nung model na yun? Pero, wala rin naman akong karapatang magtanong, kung anuman ang pinag-usapan nila.
"Uhmm, Sir, umuwi na rin po sila Sir Wendell at Reese?" Tanong ko.
"Yeah." At tumango sya. Hay, ang tahimik nya parin talaga. Ano pa bang maio-open ko, para hindi awkward.
"Ah, Sir, dyan nalang po ako, ayan na po yung apart--"
"s**t! s**t! s**t!" Nagulat naman ako ng sumigaw sya ng mura. Bakit? A-anong nangyayari? Lagpas na ako, lagpas na kami.
"A-anong nangyari, Sir?" Kinakabahang tanong ko. Wala syang tigil sa pag sigaw ng mura. At lalo akong kinabahan sa itsura nya at sa nakikita ko. Wala yatang preno ang sasakyan nya.
"A-ah, t-tumalon na ho kaya tayo?" Dire-diretso lang ang sasakyan at naiiwasan parin naman nya ang mga nakakasalubong namin. Nagpa-panic na ako, at sana walang mangyaring masama sa amin.
Lord, please tulungan nyo po kami.. Alam ko pong hindi pa po namin oras, huhuhu. Iligtas nyo po kami sa kapahamakan.
"Can you jump?" Tanong nya habang pinipilit paring imaneho ang sasakyan.
"O-opo, a-ano sabay po tayong tumalon.. Hindi ko kayo iiwan." Pilit pa akong ngumiti para kahit papano mabigyan ko sya ng lakas ng loob.
"Be careful.. Sabay tayong tumalon kapag wala ng sasakyang dumadaan." Huminga naman ako ng malalim saka naghanda.
"Mag-iingat din po kayo." Paalala ko.
"One.." Sinimulan nyang magbilang at humawak na ako sa pintuan ng sasakyan.
"Two.."
"Three!" Sabay kaming tumalon mula sa sasakyan.
Ramdam ko ang sakit ng paggulong ko sa kalsada, hanggang sa mawalan ako ng malay.
***
Nagising nalang ako na nasa ospital na ako.. Tatayo na sana ako ng kumirot yung ulo ko.
"Mam, wag po muna kayong masyadong mag-gagalaw, baka ho magdugo ulit yung sugat nyo sa ulo." Paalala sa akin ng nurse rito sa emergency room.
"A-ah, teka, a-asan yung kasama ko?" Nasaan kaya si Sir? O-ok lang kaya sya? Ako kasi, may sugat lang naman ako sa ulo at konting gasgas sa may braso. Sya kaya? Kinakabahan ako. Baka mamaya may nangyaring masama sa kanya..
"A-ang alam ko po, dito sa may tabi nyo lang ho sya dinala.." Napatingin ako sa may kanang kurtina.. Tanging eto lang, ang harang namin.
Agad kong inalis ang nakatakip sa aking kumot, saka tumayo sa pagkakahiga.
"Mam! Saan po kayo pupunta?" Hindi ko na pinansin pa ang nurse at naglakad na ako papunta sa itinuro nyang kinaroroonan ni Sir.
Binuklat ko ang tabing na kurtina at bumungad sa akin ang katawang may taklob na kumot.. B-buong katawan ay nakatakip. T-teka, a-anong ibig sabihin nito?
"H-hala! S-sir? A-anong nangyari sa inyo? H-ha? I-imposible namang namatay na kayo sa pagtalon! B-bakit naman hindi nyo kinaya?" Nahihirapan na ako sa paghinga ko, imposible talaga eh. Pero posible ring, baka nabagok ba sya? At yun ang ikinamatay nya nung tumalon sya.
Namalayan ko nalang na lumuluha na ako..
"Ano ba yan! Umiiyak na naman ako eh! Bakit kasi hindi nyo kinaya, ha! Simple lang yun, Sir, tatalon lang naman tayo ng maingat ah! Ang talino nyo talaga pagdating sa negosyo, pero bakit parang ang dami nyo paring hindi alam.. Katulad sa dating, natawa talaga ako sa inyo, pero hayaan nyo kapag gumising kayo tuturuan ko kayo sa mga bagay bagay, libre lang tutorials ko, promise! Huhuhu.. Gumising na kayo dyan!" Niyugyog ko pa ang katawan nyang nakatakip, habang tuloy tuloy parin ang pag-agos ng luha ko.
"Saka bakit naman, namatay kayo agad? Hindi ko pa nga kayo nakikitang ngumiti eh, gusto ko pang masilayang tumawa kayo eh! Hindi ko pa kayo napangiti! Hoy, Sir! Tumayo na kayo dyan! Marami pa kayong gagawin, alam ko kaya ang schedule nyo! At hindi nyo pako nasuswel--" Natigilan ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran. Bumilis ang t***k ng puso ko. P-pamilyar ang amoy ng taong nakayakap sa akin ngayon.
Agad ko itong nilingon at nagulat naman ako, na halos humiwalay na yata ang kaluluwa ko. Sa gulat ko ay, napalayo ako sa kanya.
"S-sir Zayn?! A-ano--"
"Why are you shouting?" Parang naiiritang tanong nya. Pumupungay pa ang mga mata nya na parang kakagising lang nya. Tinignan ko talaga ang kabuuan nya. Yun parin ang suot nya, parehas din kaming may benda sa ulo. May mga konting galos sya sa mukha at gasgas din sa siko.. Sya to?! Sya yung yumakap sa akin?! Eh sino tong iniyakan ko?!
"B-buhay kayo?" Mahinahong tanong ko. Kumunot naman ang noo nya.
"You thought I'm already dead? You thought that its me?" Sabay turo pa nya sa katawang nakahiga roon.
Agad ko naman syang niyakap sa tuwa.
"Salamat, Lord! Akala ko, patay na talaga kayo eh! P-pinakaba nyo ako!" Tinignan nya lang ako at oo nga pala, bakit ko sya niyakap? Lumayo naman ako, at napalunok. Iniwasan ko ang titig nya, dahil nahihiya ako sa ginawa ko.
Natahimik na naman tuloy kami. Sya nga rin, niyakap din naman nya ako ah!
"Are you alright?" Tanong nya sa akin. Ngumiti naman ako.
"O-ok lang po, k-kayo?" Bakit ba lagi nalang kaming nagkaka-ilangan?
"I'm also fine. Then, we'll go home now." Sabi pa nya. Nauna na syang maglakad at sumunod naman ako sa kanya.
Sunud lang ako ng sunod sa kanya at parang wala parin ako sa wisyo. Bakit kaya nya ako niyakap kanina? Aish! Alisin ko na nga yun, sa isip ko!
"Are you still gonna follow me there inside?" Nagulat naman ako, ng makitang sa restroom pala sya nagpunta. Sabi nya kasi kanina, uuwi na kami eh. Yun pala ata yung sinasabi nya nung naglalakad na kami, hindi ko naman narinig. Masyado nya kasing ino-okupa ang isip ko.
Hinintay ko nalang sya sa labas. Nang makalabas sya, hindi ko na napigilang magtanong para matahimik na rin ako.
"Sir, bakit nyo ako niyakap kanina?" Mga ilang segundo pa muna siguro ang nakalipas, bago sya sumagot.
"You said that, when I saw someone crying, I should embrace her to comfort her..." Napatitig tuloy ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Tumigil ang oras kasabay ng lalong pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko na napigilang hindi ngumiti, dahil naalala parin pala nya ang sinabi ko.
Sya ang unang kumalas sa titig at agad na iniwas ang tingin sa akin.
"L-let's go.." Sabi nya. Maglalakad na sana ako ng tumigil sya, bigla syang humarap sa akin.
Inalis nya ang suot nyang coat at isinuot nya iyon sa akin..
"Its cold." Tipid nyang wika.
"Thanks." Napangiti nalang ako, pagtalikod nya sa akin. Bakit ba kasi parang lagi syang may care sa akin? Natutuwa ako na naiinis.. Cold, tahimik at seryoso talaga syang tao pero hindi mo maipagkakailang mabait sya. Para syang laging nandyan at concerned.
Naiinis ako sa pagiging mabait nya. Dapat kasi hindi sya ganyan. Dahil nararamdaman ko ang isang bagay na hindi ko dapat maramdaman para sa kanya. Hindi sya single at ikakasal na sya, pero ganyan sya umasta. Parang muli na naman akong umaasa kahit wala naman talaga akong dapat asahan..
May bagay siguro akong dapat na matutunan, at ayun siguro ang hindi dapat pagbibigay ng ibig sabihin sa bawat ginagawa ng isang tao..
---