Chapter SIX: Kiss

3070 Words
ONE WEEK na ang nakalipas at isang linggo na rin nya akong secretary.. At dito na nga rin ako sa bahay nya. Pero hindi stay-in ha! Syempre may uwian. Kahit secretary nya lang ako, binigyan nya ako ng sariling opisina. Kahit hindi naman kailangan, kasi pabalik balikat din ako sa bahay nya at sa Javier Corp. Taga-dala ng papers at papipirmahan, at syempre taga-check ng schedule nya. Parang exercise narin, pero nasanay na rin ako at nag-e-enjoy ako sa trabaho ko. May libreng food dito sa bahay nya, kasi binigyan nya ako ng access sa kusina nya. "Cook what you want, just don't forget to cook for me." Yan ang sinabi nya na tandang tanda ko pa. Grabe, nagustuhan nya talaga ang luto ko? Kung puede nga lang humingi ng dagdag sweldo eh, pero hindi naman ako ganung kakapal.. Secretary na cook pa, saan ka pa? Pwede ko na ring lagyan ng gayuma ang pagkain nya oh! Charot lang. "8 AM in the morning, may meeting po kayo kay Mr. Torrealba.. Then after po nun, a-attend naman po kayo ng inspection sa bagong mall nyo sa QC. Tapos may board meeting with the investors naman po kayo at 3 PM. And ang last schedule nyo po tomorrow ay, Dinner date with Ms. Valenzuela.." Pagbasa ko sa schedule nya, for the whole day tomorrow. Kailangan nyang lumabas ng bahay nya bukas ah! "You'll go with me." Tipid nyang sabi. Ano? Kasama ako? "Ah saan po?" "Sa lahat, you'll join me." Tinitigan nya ako at parang hinihintay nya ang sagot ko. "Opo, sabi ko nga po sasama ako." Makausap nga mamaya si Reese, dapat kaya sya ang kasama kasi sya ang assistant, secretary lang naman ako eh. Bakit kailangan nya pa akong isama? *** NAPAAYOS naman tuloy ako ngayong araw.. Kailangan maging presentable ako. Dumaan muna kami ni Sir Zayn sa Javier Corp. kaya nakausap ko naman si Reese. "Kailangan ko ba talagang sumama?" Tanong ko. "Sinabi nya diba? Edi syempre oo, lagi kang susunod, ok?" Alam ko naman, kaya lang diko lang talaga maintindihan. "Pero patingin nga ulit sa schedule ni Sir.." Sinilip nya pa ito at medyo natawa sya. "Sasama ka sa lahat? Pati sa date nila ng fiancee nya?" Napanganga ako kasabay ng pagkunot ng noo ko. "May fiancee na si Sir?!" Tinakpan naman nya ang bibig ko. "Shh! Ang ingay mo! Oo, pero ang alam ko, parang arranged marriage lang sila nung Presidential daughter.." Natahimik nalang ako, hindi ko alam ikakasal na pala sya. Parang may part sa akin na malungkot pero hindi ko naman alam kung bakit. Parang lahat nalang yata ng boss ko'y ikakasal na.. Akala ko tatandang binata na sya eh. Pero sasama pa nga rin kaya ako dun? Dun sa date nila? Ano, third wheel na naman ang papel ko?! Sunud lang ako ng sunod sa tabi o sa likuran ni Sir kapag may kausap sya.. Natapos na ang board meeting nya at hindi ko alam kung sasama parin ba ako pati sa huli nyang pupuntahan. Napansin ko lang na, nagsasalita naman talaga sya. Syempre, kailangan eh. Pero ang seryoso nya talagang tao, kapag kailangan at importante lang sya magsasalita. Tapos, may ilan din akong nakitang napahiya, may ilan kasing kumausap at nagkomento tungkol sa kanya na hindi nya pinansin na parang hindi talaga nya narinig. Nakakahiya naman yun. Tumigil ako sa paglalakad ng papunta na kami sa sasakyan nya. "What are you waiting for?" Tanong nya sa akin ng lingunin nya ako. Nauna na kasi syang maglakad pero napansin nyang hindi ako sumunod sa kanya. Ako naman na-tuod na yata rito. "A-a-ah--" Eto na naman, lagi nalang akong ganito sa kanya. Bago pa ako makasagot ay nagsalita syang muli. "Can't you walk properly? Do you want me to carry you, inside my car?" Nagulat naman ako sa kanya, papalapit na sya sa akin ngayon at agad naman akong umiling iling. "S-sir! A-ano kasi, hindi ko maintindihan.. Sasama parin ako sa huli nyong pupuntahan ngayon?" Takang tanong ko. Sinubukan ko syang basahin, pero hindi ko talaga malaman kung anong nasa isip nya, dahil wala talaga syang facial expressions. "Yesterday, what did I told you?" "Sa lahat?" Alam kong yun ang sinabi nya dahil natatandaan ko pa. Pero nagmukhang hindi ako sigurado sa sagot ko. "Let's go now." Hinawakan nya ako sa wrist ko, pero agad ko ring tinanggal ang hawak nya na parang ikinataka nya. Kasi naman para akong napaso nung hawakan nya ako.. Bakit ba kasi kailangan nya pa kong hawakan? "Sasama na nga po ako, hindi naman po ako tatakas eh." Mahinang bulong ko pa, at napatingin sya sakin. Teka, wag mong sabihing ang lakas ng pandinig mo ha! Pero narinig nya nga kaya? *** Muli akong namangha sa ganda ng lugar na pinuntahan namin. Sobrang mamahalin talaga siguro dito sa restaurant na to.. Pang donya lang yata puede dito. Sikat ang presidential daughter na si Ms. Arielle Valenzuela na anak ng kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Arthur Valenzuela.. Sobrang ganda at bait nya, base sa mga napanood ko sa TV. Sumali na sya noon sa Miss Universe and she won first runner up.. Sumikat din sya dahil sa dami ng charity events nya.. Kaya kilala ko na sya, nakita ko na syang nakaupo sa may sulok mag-isa kaya nung papunta na si Sir Zayn sa direksyon ni Ms. Arielle ay umiba ako ng direksyon.. Napatingin pa sa akin si Sir, pero nagkunwari akong hindi sila kilala at umupo sa ibang table. Isang lamesa lang naman ang pagitan namin kaya rinig ko ang pinag-uusapan nila.. Akala ko sa sobrang ganda ni Ms. Arielle ay tatamaan na si Sir pero wala, rinig ko rito na puro si Ms. Arielle lang din ang nagsasalita mag-isa. Wala talagang alam sa pakikipag-date si Sir Zayn pero mahilig naman syang magbasa ng romantic novels, Bakit ganun? Napakunot naman ang noo ko ng marinig ko na syang magsalita. "You still look sexy as ever." Napatingin tuloy ako sa sarili kong katawan, syempre wala akong panama roon.. Katamtaman lang naman ako. "Donation drive isn't my stuff but I'll attend, just for you." Ganun ba sya bumanat? Pwe! Wala syang dating! Pero mahilig ba syang manood ng musical noon? O pumunta lang din naman sya noon para sa akin? Syempre hindi! Bored lang siguro talaga sya nung time na yun, kaya pinagdiskitahan nya ako. At ngayon na narito na ulit ang fiancee nya, edi sila na magsama! "Yeah, this place is romantic." Oo nga, Sir Zayn. Buti pa tong lugar, romantic, daig ka! "The night is beautiful, like you." Ayoko na ngang makinig! Bakit ba kasi nya ako isinama pa rito? Ano, para inggitin? Edi kayo na may love life! P.S. Hindi ako bitter. Nakatalikod lang ako sa kanila.. Wala akong magawa kaya pinaglaruan ko nalang tong kubyertos sa lamesa. Bakit kaya bigla silang tumahimik? Hindi ko na natiis na lingunin sila. Nagulat ako nang makitang hahalikan na ni Sir Zayn si Ms. Arielle, kaya nahulog ko ang hawak kong kutsara na nakagawa ng ingay para mapatingin sa akin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin, at nakita kong umalis na si Ms. Arielle. Nag-walk out yata, para kasing nagulat yata sya nung hahalikan sya ni Sir. Bakit kasi ang bilis mo agad?! Ganito pala to si Sir, akala nya makaka-isa sya agad! HAHAHAHAHAHA! Wala lang, ewan ko kung bakit biglang ang happy ko, na hindi sya naka-isa. Natawa tuloy ako mag-isa hanggang sa naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. "Is it funny to you, that my date left me?" Napalunok tuloy ako. Saka napakagat sa ibabang labi ko, sinusubukan kong pigilang tumawa sa harapan nya. Pinilit kong maging seryoso pero hindi ko rin kinaya. "H-hindi po, Sir." With matching iling iling. "K-kasi napansin ko lang naman po, alam nyo masyado pong mabilis ang da-moves nyo kanina. Kaya ayun! Nagulat si Mam sa inyo, nag-walk out tuloy." Tinitigan naman nya ako. Tama naman ako eh, saka binibigay ko lang naman opinion ko. "Is there something wrong about that? That's what I know about dating. Talking then kissing." Nagulat ako sa sagot ni Sir pero natawa talaga ako kaya tinitigan na naman nya ako. "Luh? Sir, saan nyo nabasa yun? Ngayon ko lang nalaman yun. Alam nyo may kaunting alam po ako tungkol sa dating.. Pwede kong i-share sa inyo, libre lang po yung tips ko walang bayad." Tumawa ako para gumaan yung atmospheric pero sya, ayun serious parin as ever. Natatawa talaga ako sa kanya, ang talino nya sa business pero wala talaga syang alam sa love thingy. Pero hindi ko sya jinu-judge ha! Just saying the truth. Bigla namang lumundag ang puso ko sa gulat ng lumapit sya sa akin. "If you're Arielle, iiwan mo rin ako, kapag hinalikan kita?" Ano ba yan, bakit ang husky ng boses nya kapag nagtatagalog para nya tuloy akong inaakit. Pero syempre hindi, hindi ako magpapadala. "Syempre hindi. Parang ang bastos ko naman kung basta ko nalang kayong iiwanan, kaya papagaanin ko nalang ang tensyon. Sasabihin ko, marunong ba kayong humalik?" Bahagyang kumunot ang noo nya sa sinabi ko. Teka, nagalit ba sya? Hindi naman kasi eh, sabi nya kanina kung ako lang naman si Arielle. Pero hindi ko naman talaga gustong sabihin yun sa kanya. Hala! Baka nasaktan ko yung ego nya. Nagbibiro lang naman kasi ako eh, kasi nga diba wala syang alam sa dating kaya baka lang, baka hindi rin sya marunong. Hindi na nakakunot ang noo nya pero ngayon lagpas isang minuto na yata syang nakatitig sa akin. Parang matutunaw tuloy ako, hindi ko alam kung ano bang nasa isip nya, kung ano bang gagawin nya. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko ng unti unti nyang inilalapit ang mukha nya sa mukha ko. Napalunok nalang ako hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng labi nya sa akin. Napapikit ako kasabay ng paggalaw ng labi nya. Malambot, mabagal at mainit ang halik nya. Omg! Kinuha nya ang first kiss ko! Pero hinayaan ko lang sya! Ano na bang nangyayari sakin?! Dapat bang itulak ko na sya palayo, pero parang gusto ko rin... Parang nawala ako sa katinuan dahil sa halik nya. Hindi ko alam ang gagawin ko pero talagang hinayaan ko lang sya. Pero bakit??? Ano ba, gumising ka, Pearl! Nanaginip yata ako eh! 1, 2, 3, 4, 5, nakalipas na ang mahigit limang segundo pero hindi parin nya pinapakawalan ang labi ko. Eto na ba yung tinatawag na kissing? Hindi na kiss, kasi isa lang yun! Eto bakit naman ang tagal? Saan sya natuto humalik?! Saka lang ako napamulat ng tumigil na sya. Hindi parin ako makapaniwalang hinalikan nya ako.. Kaya nakatulala lang ako sa kanya. "Did you like it? Do I know how to kiss?" S-sabi ko na nga ba, na-offend sya sa biro ko. Bastos man kung bastos, pero tumayo ako sa upuan ko at tumakbo palayo sa kanya. Hindi ko na sya pinansin. Ginulat nya talaga ako roon, basta basta nalang nya ako hinalikan. Hindi ko rin alam kung nagustuhan ko ba yung halik nya? Ayaw ko na, parang ginusto ko rin naman. Kasi kung ayaw ko, pwede ko naman syang itulak na hindi ko nagawa. Hanggang ngayon, parang nararamdaman ko parin yung lambot at paggalaw ng labi nya. Napahawak pa ako sa labi ko, saka napailing. Dapat pala kalimutan ko na yun! Argh! Naiinis talaga ako sa sarili ko, hinayaan ko lang sya! Hinayaan ko lang sya! Nagpunta muna ako sa restroom, nagulat naman ako ng may humigit sa akin papasok sa restroom. "Ohmy! Ikaw nga, Pearl! Na-miss kita! Kamusta ka na?" Si Chynna lang pala. Ano naman kayang ginagawa nya rito? "Hala! Wait! Anong nangyari sa lips mo, girl! Bakit ano, parang kumalat ang lipstick mo? Gosh! Di kaya may ka-chuk-chakan ka rito?!" "Ha? Sira ka ba! Syempre wala!" Napatingin nga ako sa salamin, hala! Agad naman akong nag-ayos, kalat nga ang lipstick ko. Teka, dahil ba yun dun? Dun sa ano? Basta sa ano! *** Lumabas kami ni Chynna at sa isang convenience store nagpunta. Nagkamustahan kami at naikwento ko na rin ang nangyari.. Hindi ko talaga naitikom ang bibig ko, naikwento ko parin. "Omg! H-hinalikan ka nga nya? May gusto kaya sayo si Mr. Javier?" Napaka-imposible naman nun. "Wala! Natamaan ko lang talaga siguro yung ego nya." "Grabe naman sya! Kailangan ka talaga nyang halikan.. Eh teh, ano namang feeling ng mahalikan nya?" Parang muli na naman tuloy bumalik ang pakiramdam ng halik nya sa akin. "Hala sya! Hoy! Gustong gusto mo no? Mukha ka ng tanga kakangiti dyan!" Inirapan ko naman sya. Nakangiti ba ako? Napaka ano talaga nito eh! "Pero ano nga? Nagustuhan mo?" Nag-shrug lang ako. Ewan ko rin talaga eh. "Dapat bang magustuhan ko?" Pilosopong tanong ko sa kanya. "Napaka-in denial mo! Base sa pagkakwento mo sa akin, hinayaan mo lang syang kusang bumitaw sa halik.. Kung ayaw mo, malamang tinulak or sinampal mo sya pero anong ginawa mo, hinayaan mo LANG.. HINAYAAN mo LANG!" Eto talaga ang nakakainis dito kay Chynna eh. Hay! Ginulo nya tuloy lalo ang isip ko. "Tseh! Tigilan mo kong babae ka! Paulit ulit, nakakarindi--" "Aminin mo na kasing nagustuhan mo--" "Hindi nga sabi--" "O'sya eto nalang, may gusto ka ba sa kanya?" Parehas kaming natahimik at napaisip naman ako. Syempre wala, wala akong gusto kay Sir no! "Hindi ako magkakagusto sa kanya, lalo na't may fiancee na sya katulad ni Sir Luhan.." Sagot ko. "Sus! Hindi raw! Echos mo lang yan or undiscovered pa ang feelings mo for him.. Nagkagusto ka nga kay Sir Luhan noon kahit may fiancee na rin sya eh! Basta fighting! I feel something na magkakagusto rin sya sayo eh.. Yieee! At saka sabi mo, arrange marriage lang naman sila ni Arielle Valenzuela." Hindi! Hindi talaga ako magkakagusto kay Sir Zayn at hindi rin pwede.. Dahil kasi sa paghalik nya sa akin, ginulo nya ang utak ko. Hindi ba sya napapagod? Kanina pa sya takbo ng takbo sa isipan ko eh! Pwedeng umalis ka na, please! Alam ko marami ka pang gagawin.. Alam ko schedule mo, hoy! "Uyy, Pearl! Hindi ka na nagsalita dyan!" Tinakpan ko ang na ang tenga ko, dahil lahat nalang ng sinabi ni Chynna sa akin ay lalo lang pinapagulo ang isip ko. "Ewan ko sayo, Chynna! Ikaw yata ang magpapabaliw sa akin eh!" Sigaw ko sa kanya, tumayo na ako at akmang aalis na ng magsalita syang muli. "Wait! May ikukwento pa pala akong importante--" "Aalis na ako, baka kung ano lang naman--" "Tungkol kay Sir Luhan." Yun ang nagpatigil sakin at nagpabalik sa upuan ko. "Ano naman yun?" Tanong ko sa kanya. Muli namang sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha nya. "So, hindi ka pa rin nakaka-move on sa kanya, really? Bakit? Hindi ka na-a-attract sa bago mong boss?" Naka-move on na ako, alam ko yun. At saka syempre oo, aaminin ko attractive talaga iyong si Sir Zayn, pero hindi ko sya gusto, alam ko rin yun. "Akala ko ba importante?" Mataray na tanong ko pa. "Sorry naman! Eto na talaga, may tiwala parin talaga sayo si Sir Luhan, hindi pa dun yata tapos ang lahat nung matanggal ka, dahil pina-imbestigahan nya ang nangyari." Natawa nalang ako ng mapait. "Sabihin mo, wag na. Tapos na eh, nangyari na. Saka tinanggal na rin naman nya ako, bakit papa-imbestigahan pa?" Natatawang tanong ko pa. Napailing iling naman sya sa akin. "Galit ka ba kay Sir Luhan? Hindi naman kita masisi kung may sama ka ng loob sa kanya eh. Pero kaya nya pina-imbestigahan yun, dahil may tiwala parin sya sayo, kaibigan ka din naman nya na hindi ka nya hahayaang basta nalang mawala.." "Alam ko, hindi naman ako galit sa kanya. Kung ako rin naman yung nasa sitwasyon nya, syempre kailangan ko ring tanggalin ang empleyadong muntikan ng magpahamak sa negosyo ko. Naiintindihan ko naman sya, pero hindi na kailangan pang imbestigahan yun. Basta alam ko sa sarili ko na wala akong ginawa.. Saka maayos na rin naman ako ngayon, may trabaho na ko." Nginitian ko naman sya. Sya naman, hindi ko maintindihan ang mukha nya. "Alam nyang kay Mr. Javier ka na nagtatrabaho, pero inaasahan nyang babalik ka sa kanya, Pearl, kapag napatunayan ng wala kang kasalanan. Naalala ko pa yung sinabi ni Sir Luhan na, naninibago syang wala ka na at nag-iba na rin tuloy ang takbo ng plano nya sa negosyo dahil iba na ang kasama nya ngayon. In short, parang hindi nya kayang wala ka sa tabi nya." Hindi ko alam kung babalik pa ako. Parang wala naman akong utang na loob kay Sir Zayn, kung basta ko nalang syang iiwanan kapag pinabalik na ako ni Sir Luhan. Sya na ang boss ko ngayon, at nasa sa akin din naman ang desisyon kung babalik ako o mag-s-stay na ko sa bago kong trabaho. "Saka pala, gustong sabihin ni Sir Luhan sayo na gusto nyang mag-sorry. Masyado raw syang nadala ng gulat at galit nung araw na yun, hindi raw nya sinasadya. At kung sakaling, magkita raw kayo, sya raw mismo ang kakausap sayo. Nakita ko sa mga mata nya yung sincerity nya nung sinabi nya yun. Pansin kong nalungkot din naman sya nung tanggalin ka nya, at syempre lalo naman ako. Ikaw ang best friend ko eh, saka hindi ko makasundo ang bago nyang assistant, masyadong suplada at maarte. Alam mo, na-miss talaga kita." Sana nga magkausap kami ni Sir Luhan, kung sakaling magkita kami.. Sana rin ay bigyan nya na ako ng pagkakataong makapag-paliwanag. Pero talaga bang nalungkot sya nung nawala ako? Kasi kung oo, at ako pa ang dating ako, malamang ay kinilig na ako sa sinabing yun ni Chynna. "Kahit ako rin naman, na-miss din kita no! Pati yang kalandian mo ha! Hahaha!" Niyakap ko naman sya. Kasi nung wala sya, wala talaga akong ibang makausap. "Kitakits nalang ulit tayo, next time!" Paalam nya. "Oo, magtext ka naman kung di ka busy! Sige, una na ako!" GRABE ANG daming nangyari ngayong araw na to. Yung halik nya at kung babalik pa ba ako kay Sir Luhan? Ewan ko ba! Bakit ginugulo nung mga bagay na yun ang isipan ko! Dapat siguro mag focus na lang talaga ako sa work, at pumasok bukas ng parang wala lang nangyari. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD