Chapter FIVE: Secretary

2500 Words
Hindi parin talaga ako makapaniwala sa nangyari kahapon, bukod sa alok nyang trabaho whoo! Kasi naman eh, sabi ko na nga ba at talagang pamilyar sya. Para tuloy nahiya ako kahapon, nagpaka-feeling close pa naman ako sa kanya pero dapat naman talaga na maging palagay na rin ako sa kanya lalo na't magiging boss ko na sya at magiging secretary nya na ako. Nung pagkatanggap ko sa alok nyang trabaho bigla nyang hinubad yung takip nya sa mukha at ako naman nalaglag ang panga. Sya talaga ang nakasama ko? Yan ang tanong ko sa sarili ko. Pero, erase! Erase! Erase! Ayoko ng alalahanin pa yung mga nangyari nung araw na yun kung paano ako nagulat. Basta kailangan kong maghanda ngayon para sa unang araw ko sa bago kong trabaho. * * * "G-good morning po!" Mas lalo akong kinabahan nung pagpasok ko sa 50th floor dahil wala si Zayn, ang mismong boss ko. Bumungad sa akin ang nakangiting chinito na ka-edaran nya at pinaningkitan pa ko ng mata, akala mo tuloy nakapikit na. May kasama rin itong babaeng, mukhang model sa ganda, nasa mid 30's na siguro at mukhang masungit, hindi kasi ito nakangiti. "A-ako po yung bagong secretary ni Mr. Javier.." Dagdag ko pa. Nakatitig lang sila sakin, ganito ba talaga sila rito? "Hi! Ikaw si Ms. Rivera?" Tumango naman ako rito kay Sir.. Ah! Hindi ko kilala huhuhu.. "Good morning din, Ms. Rivera.. I'm Wendell Javier, cousin ni Zayn and the Vice President of Javier Corporation. And this lady beside me, Ms. Concepción, she's Zayn's executive assistant. By the way, napasa mo na lahat ng requirements?" Ngumiti naman ako. "O-opo." Ano pa bang kailangang gawin? "A-ah, Sir Wendell, may interview pa po ba?" Tanong ko. "Wala na, kasi sya naman yung pumili sayo. Hmm.. Saan ka nya nakilala?" Muli akong pinangkitan ni Sir Wendell. Bakit ganun para syang si Sir Edward, naalala ko lang. Parang may nase-sense agad syang iba. A-ano kayang isasagot ko? "Ay bawal ba raw sabihin?" At tumawa sya samantalang ang assistant ay seryoso parin. "Si Ms. Concepción na ang mag-aasikaso sayo.." Sinamahan na ako palabas ni Ms. Concepción.. Mabait naman sya kaya lang hindi talaga sya pala ngiti.. Lahat ay ipinaliwanag nya sa akin ng maayos, lahat ng nakatoka sa akin at ang mga importanteng bagay na hindi ko dapat makalimutang gawin. Mali rin pala ang pinasukan ko kanina dahil yun ang opisina ng Vice President.. Hay! Bakit ba hindi ko nabasa ang nakalagay sa pintuan?! "Ms. Concepción, nasaan po ba si Sir Zayn?" Tanong ko pa. Nandito kami ngayon sa opisina ni Sir Zayn kaya lang wala namang tao rito. "Isang linggo na syang nagtatrabaho sa bahay nya.. At saka, tawagin mo nalang akong, Reese. Ang haba kasi ng Ms. Concepción." Nagulat naman ako ng nginitian nya ako. "S-sige, Reese. Teka, paano ko pala sasabihin yung schedule ni Sir Zayn sa kanya? Pati pala ang dami nya pang kailangang pirmahan." Mahina naman syang tumawa. "First time mo bang mag-secretary? Ako kasi sa pagiging secretary ako nagsimula bago naging executive assistant nya, kapag ganyan syempre pupuntahan mo sya sa bahay nya." Nanlaki naman ang mata ko, shocks! Pupunta na naman ako sa bahay nya? Kinakabahan ako.. "Kinakabahan ka ba? Eh parang magkakilala naman na kayo ah! Kasi sya ang nag-recommend sayo, mabuti at hindi mo na kailangang pumunta sa briefing at interview.. Basta reminder ko lang sayo, kapag ok sa kanya, sasagot at tatanguan ka nya pero kapag hindi ok sa kanya, tititigan ka lang nya." OK! Aalalahanin ko lahat ng yan! *** Dala-dala ko na lahat ng importanteng bagay.. Saka ko tinahak ang daan papunta sa bahay ni Sir Zayn. Muli akong napatingin sa kabuuan ng bahay at saglit na nagdasal, kinakabahan talaga ako. Magdo-doorbell sana ako pero kusa ng bumukas ang pinto. Kilala na ako nito? Kasi nga, dalawang beses naman na akong nakapunta rito. Aba! Maalalahanin pala tong pinto nya. "Sir Zayn? Sir Zayn?" Wala sya rito sa living room at dining area, ibig sabihin nasa kwarto nya sya? Oopps! Papasukin ko ba sya roon? Hindi ba ako nag-i-invade ng privacy? Pero kasi nung nakapasok ako roon, nakita kong may mini office sya dun. Baka dun sya nagtatrabaho, saka kakatok naman muna ako eh, bago pumasok. TOK! TOK! TOK! "Sir? Sir?" TOK! TOK! TOK! "Sir? Si Pearl po ito, papasok na po ako.." Pumasok na nga ako at ang dilim pa ng buong kwarto.. Hindi pa bukas ang ilaw at mga kurtina rito. Nakita kong nakahiga pa si Sir sa kama nya at natutulog pa yata.. Gigisingin ko ba sya o hihintayin ko nalang syang magising? Ipinatong ko muna sa isang lamesa nya ang mga dala dala kong folders at envelopes.. Napalunok pa muna ako bago lumapit sa kinahihigaan nya. Hahawakan ko sana sya sa nay bandang balikat nya nang mapansin ko na parang nanginginig sya at nakabalot sya sa kumot nya. Teka, nilalamig ba sya? Agad kong pinatay ang air con nya pero nilalamig parin sya. May sakit ba si Sir? Kinapa ko ang leeg nya at sobrang init nya. Inaapoy sya ng lagnat! Kailangan nya ng doktor! Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko, saka tinawagan si Reese. "A-ano, Reese, kailangan ni Sir Zayn ng doktor, ngayon na! M-mataas ang lagnat nya!" Hindi ko na napigilang mapasigaw dahil nag-aalala ako kay Sir.. "S-sige, papupuntahin namin agad. I-ikaw muna ang magbantay sa kanya." Binaba na rin nya ang tawag. Ako naman, natataranta ngayon at hindi ko alam ang gagawin ko. Kumuha nalang ako ng twalya saka isang bowl na may tubig. Lumapit ako kay Sir, saka sya pinunasan gamit ang basang towel. Ito ang tanging alam ko para bumaba ang lagnat. Tulog parin ba sya? Umupo ako sa kama, sa tabi nya at sinimulan kong punasan ang mukha nya pababa sa leeg nya at.. Kinapa ko ulit sya at ang init parin nya. Pupunasan ko rin ba ang katawan nya? Eh, eh kaya lang baka... Ano kasi-- Minadali ko nalang ang pagpupunas sa katawan nya habang nakapikit.. Hindi ko na rin sinubukan pang pagpantasyahan ang maganda at matigas nyang katawan dahil hindi makakabuti na magtagal syang walang suot.. Hindi na ako namili pa ng damit nya, basta nalang akong kumuha ng T-shirt nya sa isa sa mga cabinets. Nahirapan man akong suotan sya pero nagawa ko parin.. Hindi parin sya nagigising. Matapos ko syang punasan, ay nilagyan ko ng basang towel ang noo nya. Pinagmasdan ko syang mahimbing ng natutulog muli, ibinalik ko ang kumot nya para hindi sya malamigan at pawisan sya. Tinext ko si Reese at tinanong ko kung nasaan na ang doktor pero hindi sya nagreply.. Kailangan ko sigurong mapainom ng gamot si Sir pag nagising na sya. Pero dapat muna syang kumain bago uminom ng gamot. Muli ko syang tinignan at mas ayos na ang pakiramdam nya ngayon kumpara kanina na nanginginig sya sa lamig. Kahit papano'y napalagay ang loob ko. Iiwanan ko muna sya saglit dahil kailangan nya nang makakain. Nakakita ako ng isang recipe sa may fridge na madali lang, yun nalang ang iniluto ko dahil wala na akong oras pa para mag-decide.. Simpleng mushroom soup nalang ang niluto ko. Naglagay ako sa isang mangkok at ipinatong ko na yun sa isang tray kasama ng isang basong tubig. Pagpasok ko sa kwarto nya ay pinatong ko ang tray sa table na katabi ng kama nya.. Muli akong umupo sa kama nya saka mahinang tinapik ang balikat nya. "Sir, kailangan nyo pong kumain.. Sir, Sir.." Tawag ko sa kanya. Pinilit naman nyang imulat ang mga mata nya kasabay ng paghawak nya sa ulo nya. "My head aches.." Rinig kong bulong pa nya. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata nya ng makita ako. Agad syang napaiwas ng tingin saka nagmadaling umupo mula sa pagkakahiga. "Dahan dahan lang.." Paalala ko dahil baka mahilo sya. Napatingin din sya sa damit nya, nagtaka siguro sya kung bakit iba na ang suot nya. Inalis din nya yung towel sa noo nya. Kinuha ko naman ang tray at inabot ko yun sa kanya. "Sir, kumain na po kayo para makainom na kayo ng gamot.. Baka mamaya pa po kasi dumating yung doktor nyo." Inabot nya ang tray, at sa tingin ko ay kaya naman nyang kumain mag-isa. Tumayo na ako at nagpaalam. "Wag nyo pong kalimutan inumin yan ah.." At tinuro ko ang gamot na katabi ng basong tubig. "Lalabas po muna ako, hindi pa naman po ako aalis, hihintayin ko pong dumating ang doktor nyo. Tawagin nyo nalang po ako, kapag may kailangan kayo." Ngumiti ako sa kanya habang nakatingin lang naman sya sa akin. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa pintuan. "Pearl, t-thanks.." Sa unang beses ay narinig kong tawagin nya ako sa pangalan ko. Saka talaga bang narinig kong nagpasalamat sya sa akin? Ang simpleng bagay lang, pero ang saya ko na agad dun, kahit yun lang ang sinabi nya. Muli ko syang nilingon at nginitian ko sya saka lumabas na ng kwarto nya. NAKAUPO LANG ako sa sofa rito sa living room at talagang nababagot na ako. Hmm.. Puntahan ko ba sya sa kwarto nya? Tignan ko lang naman kung ok na sya eh. Kanina ko pa kasi tine-text tong si Reese pero hindi parin sya nagre-reply.. Hindi na yata pupunta ang doktor dito. Napagdesisyunan ko ngang akyatin na sya, kapag OK na si Sir, iiwanan ko nalang sya ng pagkain at gamot. Kakatok palang sana ako ng bumukas ang pinto. "A-ah, ii-itanong ko lang p-po sana kung maayos na yung p-pakiramdam nyo?" Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kinakabahan ako lagi sa presensya nya.. Parang hindi ako mapalagay. Ngayon lang ako nag-stutter ng ganito. Tinitigan nya lang ako. Kaya naman naisipan kong kapain ang noo nya pero agad nyang hinawi ang kamay ko. Nagulat naman tuloy ako. Ayaw nya yata ng hinahawakan sya. "I'm fine now." Tipid nyang sagot. Saka ako nilagpasan. Teka, ano nang gagawin ko ngayon? Uuwi na ba ako? Hinabol ko naman sya at nakarating kami sa kusina. "Ah, sir, nagugutom pa po kayo? Ako na po ang magluluto kasi baka mabinat pa po kayo.." Alok ko pa kasi napansin ko na parang nahihilo sya nung naglalakad sya. Pinanood ko syang uminom ng malamig na tubig. Hinintay ko syang lingunin ako saka sya nagsalita. "You're going to cook for me?" Tumango naman ako. Ahm, ayaw nya ba? "Then, I want some Chicken Tinola.." Medyo nagulat ako nung banggitin nya yun. Lihim tuloy akong napangiti dahil parang lumundag ang puso ko sa saya. Nagustuhan nya kaya yon? Yun kasi yung niluto ko sa kanya dati.. At naalala parin nya. "Sige po, ihahatid ko nalang sa kwar--" "No, I'd like to watch you cook." Bakit? Hindi ko naman lalagyan ng lason to ah! Dami kong gustong sabihin kaya nga lang, boss ko na sya. Parang natataranta tuloy ako habang nagluluto, hindi kasi ako makagalaw ng maayos, dahil ramdam ko ang pagsunod ng titig nya sa bawat ginagawa ko. Naisip ko lang, pwede na kaya akong mag-cooking show? Habang hinihintay ko nalang maluto ang Tinola ay nilingon ko sya kaya nagkatiniginan kami. Ang tahimik talaga kasi, baka pwede ko naman syang kausapin. "Ibig sabihin po ba nun, a-ah nagustuhan nyo yung Tinola ko?" Nahihiyang tanong ko. "I don't really like it, when it comes to its presentation.." Syempre, hindi naman po kasi ako nag-aral ng culinary arts eh.. "But I love its aroma, and also it tastes good." Hindi ko na napigilang ngumiti, napansin kong inalis nya ang tingin nya sa akin, kaya sinundan ko ang tinignan nya. Agad naman akong napatakbo sa niluluto ko, nang mapansin kong umuusok na talaga iyon. Pinatay ko na ang kalan, saka ko sya saglit na tinignan, parang narinig ko syang tumawa. Wala lang siguro, baka guni-guni ko lang. "Uhm, pwede po ba kayong mag-rice?" Tumango naman sya. "Mabuti naman po, para magka-taba naman kayo sa katawan este para pang-palakas na rin po hehe.." Ano ba yan? Parang naguluhan sya sa sinabi ko. Oo nga, ano ba yung sinabi kong kabaliwan? Kasi naman, para magkataba sya, hindi yung puro sya muscles. "Para magka-taba? Why, do I look thin to you?" Nagulat naman ako. Kasi naman eh, bakit ko pa kasi sinabi yun? Huhuhu "Huh? Hindi po. K-kasi ang a-ano, ah ang sexy nyo kasi kaya ayun p-para magka-taba naman kayo, g-ganun po." Mahinang sagot ko.. Sana wala nalang syang naintindihan. Namumula na yata ako sa kahihiyan. Teka, sinabi kong sexy sya? "Tss. Join me." He smirked.. Ngumisi talaga sya?! Ang hot nya tignan! Este ano, sasabayan ko nga syang kumain, kasi nagugutom na rin ako. Tahimik lang talaga kami, hindi ko alam kung paano magsisimula ng usapan eh. "Why aren't you talking? Is that because, I'm your boss now? But when I'm that stranger guy named Gus, you treated me friendly..." Napatigil ako sa pag-nguya at napatingin sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil totoo ang mga sinabi nya. Pero hindi ko inasahang sasabihin nya iyon. Akala ko, wala naman syang pakialam dun.. Pero ang hindi ko talaga inasahan ay yung sya ang unang magsalita sa gitna ng katahimikan. "Ah, pwede po pa lang magsalita. Akala ko po kasi ayaw nyo nang maingay ako eh." At ngumiti ako para gumaan ang usapan. Nagkuwento nalang ako ng tungkol sa kung anu anong bagay, sa totoo lang.. Ngayon lang ako nahirapan ng ganito, sa kanya lang, sa kanya lang ako nag-s-stutter, pinapakaba nya ako at parang nahihiya at naco-conscious ako. Why naman? Kapag naman tinatanong ko sya, tumatango lang sya. Naalala ko yung sabi ni Reese, ok ang ibig sabihin nun diba. Kaya nga lang, kapag nagbibiro ako, ako lang yung tumatawa. Hay! Try harder pa, Pearl! Hmm.. Parang may mission tuloy ako. Mission: Mapatawa Si Sir Zayn Daya nga rin nya, ako lang yung daldal ng daldal dito, hindi sya sumasagot para tuloy akong baliw dito.. "So you're the one, who changed my clothes.." Ha? Nagulat naman ako, napunta ba kami sa topic na yun? Bakit yun pa ang in-open nya? "K-kasi nga po, k-kailangan k-ko po k-k-kayong palitan, gawa pinunasan ko po kayo.. Mataas po kasi talaga ang lagnat nyo kanina." Parang pinagpawisan ako sa pag-e-explain kong yun ah. Tumango lang naman sya. Nasasawa na ako ah, lagi nalang syang si Tango. *** "Ah Sir, babalikan ko nalang po siguro yung papers dito, kapag ayos na kayo. Hindi ko po kayo, pipiliting gawin agad yun, baka mabinat po kayo eh.. Sige po, aalis na po ako." Palabas na sana ako pero nagsalita pa sya. "You're my secretary, right?" Nilingon ko sya muli saka sya tinanguan. "Then from now on, you'll be working with me here, in my house." Bahagya naman akong napanganga, teka, dito na ako sa bahay nya papasok? ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD