"MAMA nasaan po si Baby Gianina?" Tanong ni Georgina sa kanya. "Ha?" "Oh? Wala na po si Baby sa Tummy niyo, Mama. " wika nito sabay turo sa tiyan niya. Bumaba naman ang tingin niya sa kanyang tiyan at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita na wala na ang umbok niyon. Bubuka sana ang bibig niya para sana magsalita ng mapahinto siya ng unahan siya ni Georgina. "Mama si Baby Gianina ba iyon?" Mayamaya ay wika ni Georgina sabay turo sa likod niya. Hinayon naman ng kanyang mata ang itinuturo nito sa kanyang likod at nakita niya ang isang sanggol na hawak ng isang may edad na babae, katabi nito ay isang may edad na lalaki din. "Mama, Papa?" Wika niya ng makilala niya ang mga ito. Ngumiti ito sa kanya. "Georgette... anak," wika ng babae sa kanya. "Kukunin na namin

