bc

Crazy or You

book_age18+
96
FOLLOW
1K
READ
billionaire
comedy
bxg
witty
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Man hater, suplada at matapang. ilarawan ang isang tulad ni Rutchiel. Dahil sa kaniyang unang beses na pagkabigo sa pag-ibig ay minabuti niyang manatiling single na lang buong buhay.

Ngunit nang pilit siyang ipakasal ng ama niya sa lalaking hindi niya man kilala ay naglayas siya at tinungo ang siyudad, umaasang siyang magkaroon ng sariling buhay upang magsimulang muli.

Namuhay siya kasama ng kaniyang pinsan at pamangkin. Sa pananatili sa Maynila ay makikilala niya ang matalik na kaibigan ng kaniyang bayaw na asawa ng kaniyang pinsan na si Helena. Sino ba naman ang magkakagusto rito sa itsura nitong dinaig pa ang taong nakatira sa loob ng kuweba ng ilang taon dahil sa haba ng buhok at balbas nito.

Isinumpa niya rin sa kaniyang sarili na kahit kailan ay hindi magmamahal at magkakagusto sa isang lalaking kamuka ni Hudas na nag-ngangalang Salvador.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil hindi niya inaasahan na sa isang gabing pagkakamali ay nagbunga at ang masaklap pa ay ang kinaiinisan niyang tao ang magpapakilalang ama ng dinadala niya. Walang iba kundi si Salvador na tinatawag niyang anak ni satanas.

Tahasan man nitong sabihin ang totoong nararamdaman nito sa kaniya ay hindi niya alam kung dapat niyang paniwalaan ito kasama ng idinidikta ng puso niya ngunit hindi niya kayang dayain ang kaniyang mga mata at memorya na nagsasabing hindi ito ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon.

Tunghayan ang kwento ni Rutchiel Magbanua at Salvador Demetriou. Na tinaguriang aso't pusa sa kwento nina Helena at William.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Rutchiel Matapos maglayas ni Rutchiel sa Bukidnon ay pinili nitong manirahan sa siyudad. Nasa hustong gulang na siya kaya may karapatan na siyang magdisisyon para sa sarili niya. Hinanap niya ang kaniyang pinsan na matagal ng hindi nakikita, minsan niya lang itong nakasama noong 3 taon ang pinsan niya at siya ay anim. Natatandaan niya na ito kaya hinanap niya ang address nito sa Maynila. Walang idiya ang pinsan niya sa pagiging magkamag-anak nila dahil hindi naman siya nagpakilala. Ayaw rin naman niyang makilala siya nito at baka pati ito ay madamay sa kasunduan ng magaling niyang mga magulang sa hindi naman niya kilalang tao. Mula ng umalis siya sa puder ng kaniyang mga magulang ay natuto na siyang maghanap buhay para hindi umasa sa allowance na ibibigay ng ama niya. Hindi siya tanga para tumanggap pa gayong naglayas na nga siya, ayaw niyang may isumbat sa kaniya. Sa pamamalagi niya sa Maynila ay hindi niya aakalaing magiging malapit siya sa kaniyang pinsan, naaawa siya rito dahil sa murang edad nito ay mapipilitan ng mag-alaga ng pamangkin. Iniwan kasi ni ate Helga ang anak nito sa kapatid noong nangibang bansa ito kaya walang nagawa si Helena kundi alagaan ang bata. Hindi na rin ito nakapagtapos ng pag-aaral dahil mas inuna nito ang kapakanan ng pamangkin nila. Kaya nangako siya sa sarili na kahit anong mangyari ay tutulungan, aalagaan at proprotektahan niya si Helena at ang pamangkin nila. Siya ang naging katuwang nito sa pagpapalaki sa pamangkin nilang si Mia hanggang sa makapag-asawa na ang pinsan niya ay hindi pa rin siya titigil na protektahan ang mga ito. Labag man sa loob niya na nakipag-asawa ito sa isang saksakan ng yabang ay wala na siyang magagawa. Aminado siya na hindi naman lahat ng mayaman ay matapobre at pare-pareho pero ayaw niya lang masaktan ang kaniyang pinsan sa huli, inisip niya kasi na baka matapos siyang pagsawaan nito ay ibabasura na lang ng bigla. Ngunit sa paglipas ng mga araw ay napatunayan niyang mahal ni William ang pinsan niya kaya susuportahan niya na lang ang mga ito kahit banas na banas siya sa bayaw niya. Katatapos lang nakipag-usap ni Rc sa kaniyang ama dahil raw sa may sakit ito ng mamataan niya ang papasok na si Salvador sa bakuran ng bahay ng kaniyang kaibigan na si Helena. Kasalukuyan siyang nakatayo sa hardin at pinagmasdan ang papalapit na lalaki, ibinulsa niya ang hawak na cellphone. Inis na inis siya rito sa hindi niya malamang dahilan. Kung naglilihi nga lang siya ay baka maging kamuka ito ng magiging anak niya. Banas siya rito marahil na rin sa pisikal nitong kaanyuan. Sa tingin niya ay gwapo naman ito kung maglinis ng muka. Pero muka kasi itong hindi naliligo dahil napakahaba ng buhok nito at pati na ang mga balbas na akala mo ay ermitanyo na nakatira sa kuweba kaya hindi na nakakapag-ahit. Ngumiti ito ng makita siya na ikinasimangot naman niya. Inirapan niya ito at akmang papasok na sa bahay ng tawagin siya nito. Napatirik tuloy siya ng mata at saka humingang malalim sabay buga. Kung maari ay ayaw niya itong makasama o makausap hindi niya alam pero talagang hindi niya kayang itago ang pagka-inis dito. "Rc! Wait," habol nito Tumigil naman siya at pilit pinakalma ang sarili. Nag-inhale exhale muna siya at hinintay ang paglapit nito. Nang makatapat na ito sa kaniya ay saka ito muling nagsalita. Naiinis siya dahil sa kabila ng pagiging mabaho ng itsura nito ay napakabango naman nito sa pabango nitong Hugo boss. Napalunok siya dahil pakiramdam niya ay bumilis ang pintig ng puso niya. "Anong kailangan mo?" iritang tanong niya. Hindi niya ito nilingon dahil baka mainis lang siya lalo kung makita nito ang mga balbas nito. "I just want to ask something, if it's okay with you." "Go... Shot! Ano 'yan?" "Do you have a boyfriend?" Walang ano ano'y tanong nito. Biglang uminit ang ulo niya sa tanong nito. Huminga siya ng malalim at hinarap niya si Salvador kasama ang matang naiinis. "Bastos ka rin, ano? You asked me that? Wala! Wala akong boyfriend at wala akong balak lalo na kung katulad mong mukang hindi naliligo at kamag-anak ni hudas!" diretsiyohan niyang sagot. Ang ngiting kanina ay nasa labi ni Salvador ay biglang naglaho nagdilim ang muka nito sa sinabi niya. Laking gulat niya na lang dahil sa mga sumunod nitong ginawa. Mabilis itong nakalapit sa kaniya at kinabig nito ng marahas ang kaniyang batok at mariing hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata niya sa una ay nagulat siya kaya bahagyang nakabuka ang kaniyang bibig. Naramdaman at naamoy niya ang malambot at mabangong bibig ni Salvador. Halos mangamatis ang muka niya sa hiya kaya wala pang kinse sigundo ay naitulak niya ito. Malakas niyang sinampal sa muka si Salvador. "Bastos!" bulyaw ni Rc. Nanlilisik ang kaniyang mga mata habang nakatingin dito. Napailing habang nakangiti si Salvador Napahimas ito sa pisngi nitong nasampal niya. "Bastos ka rin sumagot," medyo malakas na sagot nito habang nakatingin sa mga mata niya. "Bastos ka rin naman magtanong!" nagpupuyos na sabi niya. Taas baba ang kaniyang dibdib dahil sa naghalong inis at galit sa lalaking nangahas na halikan siya. Iyon ang tagpong inabutan ni Helena kaya nagtataka itong nilapitan sila. "Nandito ka pala Salvador? Kanina ka pa hinihintay ni William sa loob," nakangiting sabi ni Helena kay Salvador na ngayon ay nakatingin na sa kaniyang pinsan. "Yes. Kadarating ko lang, sige. Pasok na ako sa loob. Bye, Rc." Nakangiting paalam nito na parang nang-aasar pa. Pilit niyang pinakalma ang sarili dahil ayaw niyang makita ni Helena na naiinis siya at malapit nang makalmot si Salvador. Pumasok na ito sa loob ng bahay na parang walang nangyari o ginawang hindi maganda. Napahawak tuloy siya sa kaniyang mga labi. Hindi siya makapaniwala na nahalikan siya ng lalaki, sa isip niya ay kailangan niyang mag-mumug ng holy water dahil dimonyo ang tingin niya kay Salvador. "Oh. Anong problema mo?" usisa ni Helena sa kaniya. Umiling siya at pilit na umiwas sa pinsan. "Pasok na tayo sa loob nagugutom na ako, baks." "Sandali nga! Nag-away na naman ba kayo ni Salvador?" "Hindi! Wala naman kaming pag-aawayan ng gagong 'yon," yamot niyang tugon sa pinsan. "Wala nga..." ana man ni Helena na mukang hindi rin naniniwala. Nauna na siyang naglakad ngunit pinili niyang dumaan sa gilid na konektado sa kusina ng bahay nila Helena para makaiwas kay Salvador. Naiinis pa rin siya mauupakan niya talaga ang lalaking 'yon kung wala lang ibang tao. Humanda ito sa kaniya dahil sisingilin niya ito ng mahal sa ginawa nitong paghalik sa kaniya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.3K
bc

His Obsession

read
76.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook