Rutchiel
Gustong-gustong batukan ni Rc ang pinsan dahil sa nag-disisyon na naman ito ng hindi hinihingi ang opinyon niya.
Narito sila ngayon sa airport at lilipad patungong Hong Kong para daw i-celebrate ang birthday ng kaniyang pamangkin at anak ng kanilang kaibigan na si Shiela. Wala naman sanang problema na sumama siya ang labis na kinaiinis lang niha ay kasama pati si Salvador dahil sa kagagawan ng magaling niyang bayaw.
"Baks, sige na. Sumama ka na. Ngayon na nga lang ito mangyayari sa buhay natin na mag-travel. Diba nga pangarap natin 'to!?" Kumbinsi si Helena sa kaniya.
"Siya nga naman anak. Sige na, tama na ang simangot hindi bagay sa iyong magandang muka," ani nanay Este.
"Huwag kang kill joy, Rc. Moment na natin 'tong makatapak sa ibang lupain kaya 'wag kanang mag-inarte. Hindi ikadadagdag ng ganda mo 'yan, teh." ani Shiela.
Napasimangot siya sa sinabi ng kaibigan. "Okay lang naman sana kung wala tayong kasamang anak ni Hudas," yamot niya.
Nakita niya ang sabay-sabay na pag-iling ng mga kausap niya. Sunod niyang nahagip ang nag-uusap na William, Sison at Salvador. Inirapan niya ang mga ito.
"Grabe ka kay Salvador. Mamaya kainin mo 'yang mga sinasabi mo at siya ang makatuluyan mo," ani Shiela.
"No way!"
"Oh, pala? Ano pang issue mo? Basta sumama ka na lang, hindi para kay Salvador kundi sa mga inaanak mo," ani nanay Este.
Bigala siyang nahiya kaya nanahimik na lang siya. Ilang sandali pa ay tinawag na ang kanilang flight. Actually, hindi ito ang unang beses niyang bumiyahe sa ibang bansa. Ilang beses niya na ring nabisita ang Hong kong dahil palagi naman may business trip ang papa niya at sinasama sila ng kaniyang mama.
Sa loob ng eroplano ay parang nanadya ang mga kasama nila. Hindi niya napansin na magkatabing upuan pala ang kinuha nila William para sa kanila ni Salvador. Hindi man sila totally na magkadikit ayaw pa rin niya dahil sa bawat lingon na gagawin niya ay muka ng bagong ahit na si Salvador ang makikita niya.
Bagong ahit man ito ay naiirita pa rin siya. Ewan niya pero nakakabanas talaga ito pagmasdan. Para itong trying hard rock star s***h leader ng gang s***h bodybuilder.
Tumayo siya at lumapit sa pinsan na kanina pa mukang timang sa lawak ng pagkakangiti nito.
"William. Doon ka nga sa tabi ni Salvador tutal kayo naman ang magkalahi," aniya. Napatingin naman si William sa kaniya.
"This seat is under my name so dapat lang na ako ang maupo dito and besides I want to be with my wife lalo na at ito ang unang biyahe namin magkasama."
Napasimangot naman siya. "Oo nga naman, baks. Huwag mo na lang pansinin si Salvador kung ayaw mong maistorbo. Sige na balik ka na doon, ilang oras lang naman. Tiisin mo na."
Pinigilan niya ang sariling magsungit dahil wala siya sa lugar para gawin iyon. Sinubukan rin niyang makipagpalit ng upuan kina Sison, Nanay Este, Daisy at Shiela ngunit ang lahat sa kanilaay walang gusto dahil nas gusto raw ng mga ito ang mga napiling upuan para sa kanila. Mukang pinagkaisahan siya ng nga ito. Kaya sa huli ay bumalik siya sa kaniyang upuan.
Nakita niya na napatingin si Salvador sa kaniya at may naglalarong ngiti sa mga labi na parang sinasabing I told you so. Tinaasan niya ito ng kilay at saka inirapan. Padabog siyang naupo sa kaniyang upuan. Napabungisngis naman ito na akala mo ay natuwa pa sa inasal niya.
Hindi nagtagal ay inanunsiyo na ang nalalapit na pag-alis ng eroplano.
Ladies and gentlemen, the Captain has turned on the Fasten Seat Belt sign. If you haven’t already done so, please stow your carry-on luggage underneath the seat in front of you or in an overhead bin. Please take your seat and fasten your seat belt. And also make sure your seat back and folding trays are in their full upright position.
Ikinabit niya na ang kaniyang seat belt at naupong maayos. Naramdaman niya na ang unti-unting pag-angat ng eroplano. Nang nasa himpapawid na sila ay Ipinikit niya ang kaniyang mga mata para mawala ang inis sa kaniyang dibdib. Ngunit hindi pa nagtatagal ay narinig na naman niya ang boses ni Salvador.
"Are you okay? Is this your first time, Rutchiel?" napapikit siya ng mariin. Alam niyang nakadungaw ito sa kaniya kaya nanatili siyang nakapikit.
"'Wag mo akong kausapin. Nagdadasal ako dahil my katabi akong maligno at pwede ba... Manahimik ka, hindi tayo close." Iritadong sagot niya. She know it's rude pero wala siyang oras makipag-plastikan dito.
Hindi na muling nagsalita pa si Salvador alam niyang dismayado ito sa sagot niya pero wala siyang pakialam.
Nagpapasalamat siya na sa buing biyahe ay hindi siya pineste nito hanggang sa makarating na sila ng Hong Kong. Parang natauhan ito sa kasungitan niya at mukang iniilagan na siya.
Iyon naman ang gusto niya ang lumayo ito sa kaniya. Pagkarating nila sa airport ay kaagad silang sinundo ng mga van na magdadala sa kanila sa isang hotel sa city.
Tahimik lang siya hanggang sa makarating, hindi naman siya excited dahil hindi niya ito unang beses. Nakisakay na lang siya sa mga kasama na kunwari ay masayang-masaya siya. If only she can tell her real identity. Napahinga na lang siya ng malalim sabay buga.
"Anak. Okay ka lang ba?" tanong ni Nanay Este habang nag-aayos sila ng mga dala.
Nakaupo siya sa kaniyang kama habang tahimik na nakatingin sa matanda. Ngumiti siya at tumango. "Opo, 'nay. Bakit niyo po naitanong?"
"Kanina ka pang tahimik. Baka kako'y may problema ka."
"Nako! Wala po 'nay. Napagod lang po ako at saka nagutom sa biyahe," pagdadahilan niya.
"Gano-on ba anak? Siya nga pala. Ika'y maging mabait naman kay Salvador. Mabait naman a-reng bata anak, bawasan mo ang iyong pagsusungit. Hindi bagang maganda 'yon lalo na at hindi ka naman pinapakitaan ng hindi maganda nireng bata."
Pati ang nanay Este nila ay nakukuha na ang loob ng lokong si Salvador. Kung alam lang nito ang paghalik nito sa kaniya ay baka maintindihan pa siya nito ngunit hindi niya 'yon sasabihin. Hindi pa siya nasisiraan ng ulo. Ayaw niya ng issue at gumawa ng tsismis tungkol sa kaniya.
May araw din ang Salvador na 'yon sa kaniya. Kailangan niya lang tiisin ang prisensiya nito at pagkukunwaring mabait nito sa harap ng iba.
"Opo, 'nay. Huwag niyo na pong alalahanin 'yon. Pipilitin ko pong maging mabait sa kaniya," aniya na lang upang mahinto na ang matanda sa pangangaral sa kaniya.
"Mabuti naman dahil kaunti na la-ang ay maniniwala na ako sa kasabihang the more you hate, the more you love," ani Nanay Este na sinabayan pa ng hagikgik.
Napangiwi naman siya sa sinabi nito para siyang nakaramdam ng pandidiri na may halong kaunting kilig. Gusto niyang sampalin ang sarili dahil sa iniisip. Tumayo siya at mabilis na tinungo ang banyo upang maghilamos at mahimasmasan.