Rutchiel
Excited ang lahat maliban kay RC dahil itinabi na naman sa kaniya si Salvador sa upuan, papunta sila ngayon sa Disneyland para ipagdiwang ang kaarawan ni Chichi na anal ng kaibigan nilang si Shiela.
Humalukipkip siya at isiniksik ang katawan sa dulo ng upuan para makasandal sa bintana ng van.
Naramdaman niya ang bahagyang pag-usod ni Salvador palapit sa kaniya. Tinapunan niya ito ng tingin at saka inirapan. Pasimple nitong kinuha ang kamay niya at pinagsaklop niya ito. Sa inis niya ay bigla niyang binawi ang kamay ngunit pasimple pa ring kinuha ni Salvador iyon at hinawakan ng mahigpit.
Dahil sa ayaw niyang gumawa ng eksena ay pinabayaan niya na lang ito. Ilang paghingang malalim at pagbuga ang ginawa niya para pakalmahin ang nag ngungit-ngit niya ng damdamin.
Kapal naman ng muka mo para hawakan ang kamay ko. Gustong-gusto isatinig ni Rc ngunit ayaw niyang makuha ang atensiyon sa loob ng van gayong sina Helena at William ang mga kasama nila ang nakasakay panigurado aalaskahin lang siya nito.
Nilingon niya si Salvador na tahimik lang at parang walang ginagawa sa kaniyang mga kamay. Ibinalik niya ang tingin sa labas ng bintana, pasimple noya ring hinihila ang mga kamay, ngunit sa tiwing ginagawa niya 'yon ay mas humihigpit ang pagkasalikop ng mga kamay nila kaya sa huli ay hinayaan niya na lang.
Pagkarating nila sa Disneyland ay akala niya makakaiwas na siya kay Salvador pero laking pagkakamali niya dahil lantaran pa siya nitong itinangay sa mga kaibigan. Nagpupuyos siya sa galit pero pinigilan niya ang sariling ipakita ito sa iba.
"Bitiwan mo nga ako, Salvador. Ano bang eksena mo at gusto mo pang humiwalay sa mga kasama natin? At tinanong mo man lang ba kung gusto jitang makasama?" Inis niyangboahayag at pilit hinila ang kamay sa palad nito.
Tinignan niya ito ng masama bago ginala ang mga mata sa paligid, maraming tao na tulad nila ay namamasyal kasama ang pamilya. Para tuloy silang mag-nobyong may hindi pagkakaintindihan.
"Stop talking like a nagging wife."
"I'm not! Diyan ka na, babalikan ko na sila." Akmang tatalikod na siya ng akbayan siya nito, para siyang nabato dahil damang-dama niya ang katawan nito mula sa mga kamay nito na nakadantay sa kaniyang balikat papunta sa tagiliran nito.
"No. You are not going anywhere. We will tour the place together until the end of the day," baritonong pahayag bito.
Napaigting na lang siya ng panga dahil gusto na niyang sigawan ito. Hindi ba aware ito na naiinis siya rito?
Naglakad na ito at pilit siyang isinasama sa paghakbang. Ayaw niya itong lingunin dahil naiinis lang siya sa itsura nito, para siyang maybkasamang ermitanyo na pang wrestling ang katawan sa laki nito. Isa sa kinaiinisan niyabtalaga ay ang balbas nito dahil para sa kaniya ay napakadugyot nitong tingnan.
"And who do you think you are to tell me what to do?"
Natawa ito na nagpainit na naman ng ulo niya.
"I'm your soon to be boyfriend and future husband," deretsahan nitong pahayag.
Napahinto siya at tiningnan ito. Ngumiti siya ng nakakaloko at tinaasan ito ng kilay. "Really, huh!? Don't be too confident of yourself, Salvador dahil you are not my type!"
Napalabi naman si Savaldor at nagkibit balikat. "Let see," anito.
Sa buong maghapon ay hindi na nawala sa tabi niya si Salvador, naiibis siya pero hindi puwedeng ganoon siya buong araw kaya in-enjoy na lang niya ang pamamasyal.
Sa sumunod na araw naman ay namasyal sila sa mga tourist attraction ng bansa. Ang iba ay napuntahan niya na ngunit nanahimik lang siya dahil ayaw naman niyang magbida-bida at wala naman alam ang mga kasama niya sa tunay niyang pagkatao.
Pagod siya maghapon ngunit wala siyang nagawa ng hilain siya ni Salvador upang maglakadlakad sa sea side na malapit lang sa hotel na tinutuluyan nila.
"Umamin ka nga sa akin, Salvador."
Lumingon ito sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya. Nakapamulsa ito at cool na cool lang sa kasootan nitong denim long sleeve na itinupi hanggang siko at black pants. Gwapo sana ito kung marunong lang mag-ahit.
"Gusto mo ba ako?" deretsiyahan niyang tanong.
Salvador smirked and look at her eyes. "Do I need to answer that? I think you already know what I want," seryosong tugon nito kaya napaiwas siya ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito.
Tumikhim siya para mawala ang bumarang laway sa kaniyang lalamunan. Pinaglapat niya ang kaniyang mga bibig at saka ngumiti rito. "Well, if I'm not mistaken. Sorry to pop your bubbles but to be honest. I have a boyfriend and hindi ko siya kayang mawala." pagsisinungaling niya.
Nakita ni Rc ang pagtiim bagang ni Savador, tinitigan pa siya nito na hindi kayang halubungin ng mata niya. Para siyang nakaramdam ng kaunting pagkabahala.
Ilang sandali itong nanahimik. Napabuntong hininga ito at muli siyang tinitigan sa mata. "Where is he and what is his name?" baritonong tanong nito.
Naglumikot ang mga mata niya sa kadahilanang wala siyang maisagot. Patay siya nito kailangan niyang mag-isip kung anong isasagot niya dahil kung hindi ay mabubuking siya ng wala sa oras.
"Bakit kailangan mo pang malaman? Sino ka ba sa inaakala mo?" sinabi niya ito na kunwari naiinis para mapagtakpan ang pagsisinungaling niya.
"Huwag mo akong sagutin ng tanong din Rutchiel. Sagutin mo muna ang tinatanong ko sa'yo," seryosong sabi nito.
Hinawakan nito ang mga kamay niya pakiramdam niya ay parang may dumaloy na bultahe ng koryente sa mga kamay niya. Hindi niya maintindihan ang pakiramdam niya.
"Okay! His name is Ryan. Masaya ka na? Kaya 'wag mo na akong gambalain, tigilan mo na ang pamemeste sa akin. Maghanap ka na lang ng walang sabit, huwag na ako Salvador dahil mahal namin ang isat-isa."
Muling napahugot si Salvador ng hininga, mukang nagtitimpi ito na hindi malaman. Nakita niya ang pag-alon ng adams apple nito na siya namang pag-iwas niya ng paningin.
Did she make him believed?
Dahan-dahan nitong binitawan ang mga kamay niya. Mapapangiti na sana siya dahil sa wakas ay maniniwala na ito sa kaniya ngunit ang ikinabigla niya ay iniakbay nito ang malalaking kamay sa kaniyang balikat na parang payakap pa kaya muling nagdikit ang katawan nila. Hindi niya inaasahan ang ibinulong nito.
"Wala akong pakialam kong mahal niyo ang isa't-isa, welling naman akong maging third wheel at ang importante gusto kita. Kaya masanay ka na, dahil hindi ako tumatanggap ng pamba-basted."
Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa at sinabi nito. Hindi ba talaga ito marunong umintindi sa mga sinabi niya? Pati ang paraan ng pag-akbay nito ay hindi simpleng akbay ngunit akbay ito na may halong pag-aakin sa kaniya.
Pinagtinginan sila ng mga dumaraan sa sea side marahil iniisip ng mga ito ay mag-nobyo sila. Bigla na naman dumagundong ang bilis ng t***k ng puso niya. Parang may mga paru-parung nagliliparan sa kaniyang tiyan. Bakit sa halip na mainis siya ay kinikilig pa siya?
Ano bang meron sa lalaking ito?
Hinayaan niya itong umakbay sa kaniya hanggang sa makabalik na sila sa hotel. Naiinis man siya sa itsura nito ay iba naman ang sinasabi ng kalahating parte ng puso niya sa tuwing may pagkakataon na dumidikit ito sa kaniya.
Ihinatid siya nito sa silid na kanilang tinutuluyan, bago pumasok ay malamig niya muna itong tinignan ngumiti naman ito sa kaniya.
Pagkapasok niya ay nakita niya ang kanilang nanay Este na mukang naghihintay sa kaniya, kinulit siya nito kung saan sila nagpunta ni Salvador. Hindi naman siya nagsinungaling kaya pati ang matanda ay natutuwa sa mga sinabi niyang nangyari. Malihim siya ngunit hindi sa pagkakataong ito, akala niya ay magagalit ang matanda kapag sinabi niyang basta na lang siya nito inakbayan ng walang pahintulot ngunit kabaliktaran ang nangyari. Mas ikinatuwa pa nito.
"Sige po, 'nay. Maglinis lang po ako ng katawan, maiwan ko po muna kayo," paalam niya at binitbit na ang mga damit na pamalit at dalang sariling tuwalya dahil ayaw niyang gumamit ng tuwalya ng mga hotel na pinupuntahan niya.
Habang nasa banyo at nagsasabon pakanta-kanta pa siya, ganito siya tuwing nasa loob ng banyo. Banyo ang nakakasaksi sa maganda niyang boses, oawang concert hall niya ito lalo at feeling singer pa naman siya. Ilang sandali pa siyang nanatili sa loob para makompleto ang beauty session niya.
Pagkatapos niyang magpatuyo ng buhok ay nagoasya na siyang lumabas upang makapagpahinga ngunit pagkabukas niya ng pinto ay hindi niya inaasahan ang nabungaran. Naroon ang lalaking namemeste sa buhay niya na masayang nakikipag-kwentuhan sa nanay Este niya.
Sabay na lumingon ang mga ito sa kaniya. Ngumiti ang matanda sa kaniya at tumayo para lapitan siya.
Sinamaan niya naman ng tingin si Salvador na feel na feel pa ang pagkakaupo sa kama niya.
"Anong ginagawa niya dito, 'nay?" iritang tanong niya.
"Ah. Anak, makikitulog raw si Salvador, may mga insekto raw kasi sa kwarto niya," nakangiting sabi ng nanay nila.
Napalingon siya bigla kay Nanay Este. "Ho?! Bakit hindi niya sabihin sa room service?"
"Gabi na anak wala ng room service, hayaan mo na ngayong gabi lang naman, hindi ba Salvador anak?"
Parang bata naman itong tumango sa matanda. Gusto niya itong batuhin ng kung anong mahawakan ngunit pinigilan niya ang sarili dahil malaki ang respeto niya sa matanda.
Ano na naman ang pakulo ng lalaking ito na pati ang matanda ay napapaniwala niya sa style nito? Sa halip na makapagpahinga siya ng payapa ay mukang malabo na dahil sa presensiya nito. Wala na talaga itong ginawa kundi pestihin ang buhay niya.