Chapter Four (The Kiss)

1751 Words
Ritchie Napapailing at namumula pa rin ang muka ni Rc sa tuwing naaalala ang nangyari noong isang araw sa Hong kong bago sila lumipad patungong Thailand. Mabuti na lang at umuwi na ang walang hiyang si Salvador dahil kung hindi ay panay ang asar sa kanila ng kanilang mga kasama, laking palasamat niya rin at hindi nag-kwento ang kanilang nanay Este. Hindi niya talaga lubos akalain na magagawa ni Salvador sa kaniya 'yon kahit nasa iisang kwarto lang sila kasama ang matanda. FLASHBACK Matutulog nga si Salvador sa kanilang silid kahit labag sa loob ni Rc. Wala siyang nagawa ng pumayag ang nanay Este nila. Panay ang irap niya rito para sana kahit papano ay makaramdam ito na ayaw niya na naroon ito ngunit kahit bumaliktad na ata ang eye balls niya ay walang ipekto ito dito. "'Nay. Sa sofa na lang po ako kung ayos lang sa inyo," magalang na sinabi ni Salvador. - Aba'y dapat lang! Kapal mo naman kung si nanay ang mahihiga sa sofa, nakikitulog ka na nga lang.- piping sagot niya sa sinabi ng binata. "Nako! Di ne ka na sa kama at ako'y tatabi na lang ri ne kay Rc. Napakaliit ng sofa sa'yo, baka sumakit pa ang likod mo at ako'y iyong sisihin. Di ne kana." "Sa sofa na po ako, 'nay." pilit ni Salvador. Tahimik lang siya dahil wala siyang balak makipag-usap sa lalaki lalo at inis na inis siya dahil pakiramdam niya ay nagbabait-baitan lang ito. "Aba'y hindi puwede. Halika na! Rc, anak. Magtabi na la-ang tayo. Pero kung iyong gusto naman ay maari kayong magtabi na lang ni Salvador." Mabilis pa sa alas quattro na tiningnan niya ang matanda. "Este. Ang ibig kong sabihin ay kami ang magtatabi nitong si Salvador," dugtong nito na mukang naaliw pa. Minsan talaga hindi mo maintindihan ang matatanda. Si Salvador naman ay pasimpleng tumawa kaya muli ay iningaran niya ito. Pasimple siyang umirap bago bumuga ng hangin. Inayos muna ni Nanay Este ang kamang tutulugan ni Salvador bago lumapit sa kama niya. Nauna na siyang nahiga at tumalikod sa banda ng dalawa. Itinaas niya ang kumot hanggang dibdib at saka ipinikit ang mga mata. Pinilit niyang makatulog. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang pag-lundo ng kama niya marahil ang nanay Este niya na ito kaya hinayaan niya na lang hanggang sa igupo na siya ng antok. Malaking pasalamat niya dahil nakatulog siya ng maayos kahit kasama nila sa kwarto ang lalaking kinaiinisan niya. Wala siyang pakialam kahit pa nakita nito kung gaano siya kalikot matulog at kung naghihilik man siya, gusto niya 'yon para ma-turn off ito at ito na mismo ang umiwas sa kaniya. Tulog pa siya ng bumangon ang kaniyang nanay Este para pumunta ng banyo, pagkasara pa lang nito ng pinto ay mabilis namang tumayo si Salvador para lumipat sa kaniyang kama at walang ano-ano'y kumibabaw ito sa kaniya. Itinukod nito ang mga siko sa gilid niya para hindi nito maipit si Rc. Ngunit matalas ang pakiramdam ni Rc at nagising siya, dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at ng makita ang muka ni Salvador ay nagulat siya kaya napaawang siya ng bibig. Nakakulong siya sa ilalim nito, pati ang babang parte ng katawan nito ay dumagan na sa kaniyang puson kaya ramdam niya ang naroon, hindi siya pinanganak kahapon para hindi 'yon alam. Iyon ang hudyat na binaba ni Salvador ang muka at mabilis na inangkin ang kaniyang mga labi. Napatili siya at nanlaki ang mga mata, itinulak niya si Salvador ngunit hindi ito nagpatinag. Damang-dama niya ang malambot nitong labi at lasang mint na laway na humahalo na sa kaniyang basang bibig. Ilang sandaling naghinang ang kanilang mga labi, punong-puno ng pananabik at pagnanasa ang mga galaw ng labi ni Salvador. Hindi ito maari, nag-init ang kaniyang buong katawan dahil sa inis, bumukas ang pinto ng banyo hindi niya na tinignan kung sino 'yon, inipon niya ang kaniyang lakas at malakas na itinulak si Salvador. Napaangat ang katawan nito kaya nakaalis siya sa ilalim, ng makaupo na siya ay bumwelo siya para malakas na sampalin sa muka ang lapastangan. Naglikha ng malutong na ingay ang paglapat ng kaniyang palad sa pisngi ni Salvador. Napabaling ang muka nito sa lakas ng ginawa ni Rc, narinig din niya ang pag-singhap ng kaniyang nanay Este na nakatayo sa paanan ng kama. Taas baba ang dibdib niya gawa ng hindi normal na paghinga dala ng galit at inis. Bumaba si Salvador sa kama at tumayo, hinimas nito ang may dugo ng labi. Gusto niyang sabihin na buti nga sa'yo ngunit hindi na niya ginawa. Pinukol niya lang ito ng masamang tingin, walang salitang gustong mamutawi sa kaniyang mga labi sa sobrang pagka-inis. Nakita niya si Nanay Este na nakatakip sa mga labi nito at nagtatakang salitang tumitingin sa kanila. Napalunok siya, nakita ba sila ng matanda? Nakita ba nito ang ginawa ni Salvador sa kaniya? Mabilis siyang tumayo at itinulak papunta sa pinto si Salvador. "You get out of this room!" bulyaw niya. Nagpatiaanod naman ito at tinungo ang pintuan, nang makita niya ng nakalabas na ito ay bumalik siya para tunguhin ang banyo. Sinalubong siya ni nanay Este. "Anak?" anito. ngunit nilagpasan niya lang ito at pumasok na sa banyo. Wala siyang mukang maihaharap sa matanda. Napasandal siya sa pintuan ng banyo at napatingala. Naghahalo ang galit at inis sa dibdib niya, hindi niya matanggap na sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan siya ni Salvador at hindi lang basta halik kundi nilamutak nito ang bibig niya. END OF FLASHBACK Ilang beses niyang ipinaling ang ulo upang kalimutan ang sinaryong 'yon. Iginugol niya ang kaniyang oras sa pag-check ng kaniyang cellpnone sa mga pa-order niyang libro. Marami pa namang inquiries ngayon lalo na at naraming bagong published na libro. Tinapunan niya ng tingin ang mga nagsasayahan ng mag-anak sa swimming pool. Wala pa siya sa mood na magtampisaw at maki-join kaya dito muna siya sa malaking sofa at magpapahinga. Tumihaya siya at ipinatong ang mga kamay sa kaniyang tiyan, iginala niya ang paningin sa kisame na gawa sa anahaw. Maganda ang buong paligit at masarap ang simoy ng hangin kaya nare-relax ang isip niya kahit papaano. Nakapag-pasya siyang kalimutan na lang ang nangyari dahil wala din naman ang lalaki dahil nauna na itong umuwi sa Pilipinas na labis na ikinatuwa niya. Mabuti na rin 'yon dahil baka hindi niya alam kung ano ang magagawa niya sa lalaki kung narito ito. Pasalamat din siya dahil hindi na nag-usisa pa si nanay Este. "Baks! Tara, ligo na tayo!?" "Halika na! Sarap ng tubig, oh!" tawag ni Shiela at Helena sa kaniya mula sa pool. Bumalikwas siya at tiningnan ang mga ito. Ang gaganda at sexy ng mga kaibigan sa mga soot ng mga ito. Tumango siya at tumayo, bakit ba nga naman buburuhin ang beauty niya at hindi irampa ang swimsuit na binili ng kinaiinisan niyang bayaw sa kaniya? Nilapitan niya ang mga ito. Tinanggal niya ang maong shorts bago lumusong sa tubig, nasa dulo ng pool ang mga lalaki sa parteng pinakamalalim, si Shiela at Helena naman ay nakaupo sa gilid. Nilapitan ni Rc ang nanay Este at mga inaanak para makipaglaro sa mga ito. "Akala ko ay hindi ka na maliligo anak," sabi ni Nanay Este. "Wala lang po ako sa mood kanina, 'nay." "Dahil ba 'yan kay Salvador? Huwag mo ng isipin 'yon 'nak." Napailing siya. "Hindi po 'nay. Kayo talaga," tugon niya. Kinuha niya ang kamay ng nakasalbabidang si Mia. "Ninang, gusto ko don sa malalim," anito. "Sige. Halika, sampa ka sa likod ko at lalangoy tayo doon." "Ninang! Ako rin po mamaya, ha!?" sabi naman ni Chichi. "Sure! Salitan kayo ni Mia." Nang makasampa si Mia sa likuran niya ay lumangoy siya sa papunta sa parteng medyo malalim. "Huy. Baks! Ingtan mo 'yang anak ko baka malunod," sigaw ni Helena. Malaki ang pool kaya medyo malayo ito sa kanila. "Tse! Nakakahiya naman daw sa'yo na magaling lumangoy. Kahit dalawa pa kayong sumampa sa akin hindi tayo malulunod," ganting sigaw niya. Alam niya na hindi marunong ang pinsan sa pag-langoy, ilang beses niya na itong napatunayan sa tuwing nagpupunta sila sa mga beach. "E, "di wow!" ani Helena. Natawa siya. Inilangoy niya si Mia at inikot-ikot, muka namang tuwang-tuwa ito. Hindi niya na rin alintana ang bigat nito dahil ayaw niyang ma-offend ang bata. Nakita niya sa dulo sina William at Sison na mukang seryoso ang pinag-uusapan. Ilang sandali pa niyang inilangoy si Mia. "Ninang! Ang galing niyo po mag-swim. I love you po," malambing na sabi nito at humalik pa sa pisngi niya. Napaka-sweet talaga ng batang ito, masiba nga lang. "I love you too, bebe." Lumangoy sila pabalik sa banda nila nanay Este na ngayon ay kasama na sina Helena, pagkababa ni Mia ay isinunod naman niya si Chichi, tulad ng ginawa niya kanina kay Mia ay ganon din dito. Matapos 'yon ay naglaro na sila ng pasahan ng bola, nasa kalagitnaan sila ng kasiyahan at tawanan ng dumating ang hindi inaasahang tao na paniguradong sisira na naman sa maganda niyang araw. "I'm back! Do you miss me guys?" malakas at masayang pahayag ng kararating. Halos magkakasabay nilang nilingon ito. - Tangnang parusa 'to. Ganon ba ako kasama para parusahan ako? Bakit ka na naman naditong hudas ka!- tili niya sa kanyang isipan. And at her disappointed face ay tiningnan niya ito. Nakabukas ang dalawa nitong kamay sa ere, malinis din ang itsura nito ngayon dahil naka man bun ang buhok nito at hindi makapal ang balbas. Siniko siya ni Shiela. "Halla! Bakla, may nagbabalik," pang-aasar nito. "Manahimik ka..." mariing sabi ni Rc sa kaibigan. Kapag hindi pa ito tumigil sa pang-aasar sa kaniya ay bibigwasan niya na ito. "Do you miss me, my love?" walang babalang tanong ni Salvador sa kaniya habang nakangiti pa. Nag-init ang ulo niya ng marinig 'yon na sinundan pa ng hiyawan ng mga kasama. - Ha-yup talaga. Kapal ng apog ng gago.- Napatiim bagang siya at mas dinoble ang masamang tingin sa lalaki, kung nakamamatay lang ang tingin niya ay kanina pa ito bumulagta sa sahig. "Nice one, dude!" rinig niyang buska ni William. "Mana lang ako sa'yo," nakatawa namang sagot ni Salvador habang sinasalubong ang mga tingin niya. Naiinis na talaga siya at gustong-gusto ng pagmumurahin ang anak ni hudas na ito. Saan ito humuhugot ng kakapalan ng muka at hindi siya malubay-lubayan kahit anong sama na ng ugaling ipakita niya? Kailangan niya na yatang i-level up pa ang pagsusungit dito lalo na at mukang diterminadong makuha siya na hindi naman maaring mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD