Rutchiel
Magmula ng araw na sinundan sila ni Salvador sa Thailand ay hindi na siya tinigilan nito. Hindi na rin niya alam kung anong gagawin para iwasan ito. Minsan ay pinagsasarhan niya na lang ito ng pinto at nagkukunwaring walang naririnig na tao sa labas. Alam niyang kabastusan ito ngunit gusto niya lang naman itong iwasan dahil baka mas makapagsalita at makagawa pa siya ng mas hindi kaaya-aya.
Hindi niya na ito mapigilan, palagi na lang itong nangungulit sa kaniya kaya mas lumalaki ang galit niya dito. Isa pang kinaiinisan niya ay akala mo kung sinong makabakod ito sa kaniya samantalang may babae naman ito noong nagpunta sila ng Hong Kong. Hindi niya makalimutan ang tagpong 'yon noong nasa AMC sila kung saan sila dinala nila William para sa maghapunan.
Matapos ang gabing 'yon ay hiniling niyang magtulo-tuloy na sana upang lubayan na siya ngunit mali siya. Kaya nag-isip din siya ng paraan para hindi na siya lapitan pa nito at nakaisip nga siya. Balak niyang pumunta ng pet shop at bibili ng tarantula para panakot kay Salvador naalala niya na takot ito sa insekto.
Siguro naman kung inilagay niya ito kung saan na makikita nito ni Salvador ay matakot na itong magpunta sa bahay na tinutuluyan niya.
Pero ipagpapaliban niya muna ito ngayon dahil abala siya ngayong araw, marami siyang bagong dating na libro at kailangang i-sort out, kaya hindi na siya nakapaghanda ng hapunan. Nagpa-deliver na lang siya ng Mcdonald.
Habang kumakain ay isinabay niya na ang mga ginagawa. Nasa tabi niya ang mga pagkain at inumin na soft drinks. Pinasakan niya rin ng headphone ang tainga niya at saka nag-unpisang mag-asikaso ng mga ipapadala niyang sa mga ritskid niyang buyers.
Maya-maya pa ay muntik na siyang napatalon at hiyaw dahil sa gulat kay Shiela at Helena. Magkasabay ba naman siyang ginulat ng dalawa kaya eto na naman siya at hindi maipinta ang muka at nanlilisik ang magagandang mata.
"Mga buset kayo!" she frowned at her friends.
Nagtawanan lang naman ang dalawa sa inasal niya. Ayaw na ayaw pa naman niya ang ginugulat. Naupo ang dalawa at tinignan ang mga libro na nasa lapag.
"Ganda ng quality ng papel ng libro ni Miss G, ano?" ani Shiela at akmang bubuklatin ang isang libro.
"Hep! Hep! Huwag mung buklatin 'yan. 'Yung iyo ang buklatin mo mamaya magmuka pang luma 'yan," inis niyang sabi sa kaibigan. Sabi niya lang 'yon dahil sa inis dito.
"Asus... Ako'y 'yong tigilan ng pagtataray mo RC,"
"Bakit nga pala ang sungit mo? Red day ba?" si Helena.
"Lumayas kayo kung magtatanong lang kayo," Inis niyang tugon sa dalawa. Sinimangutan niya lang ang mga ito at pinagpatuloy ang ginagawa. Nang lingunin niya ang pinsan ay nainis na naman siya dahil sarap na sarap ito sa iniinom nitong soft drinks na kasama ng in-order niya kanina.
Bahagyang tumigil si Helena sa pagsipsip sa coke. "Ay. Sorry, baks. Nauhaw kasi ako nakiinom lang, eto na may natira pa naman," anito at akmang aabot sa kaniya ang naka cup na softdrinks.
Bigla siyang nandiri dahil sa kaniya ay kapag-ininom niya ito ay para na rin niyang natikman ang laway ng asawa nito. Nakakadiri! At isang bagay pa ang iniisip niya, oo na green minded na kung green minded pero hindi man siya sigurado na ginagawa ni Helena sa asawa nito ang tumatakbo sa utak niya ay hinding-hindi niya susubukang inumin pa ang ininuman na ng kaniyang pinsan.
"Eww... Iyo na 'yan. Nalawayan mo na, e."
Napalabi naman si Helena at napatingin kay Shiela na abala sa librong hawak.
"Arte mo naman. Anong problema? Dati naman na tayong nagsasalo sa iisang inumin diba?" may tampong tanong nito.
Tinaasan niya ng kilay si Helena bago sagutin ang sinabi nito. "Dati 'yon neng. Noong wala ka pang asawa, iba na ang sitwasyon ngayon."
Napatingin naman si Shiela sa kanilang dalawa. Samantalang si Helena ay mukang hindi na-ge-gets ang point niya.
Bigla naman humagalpak ng tawa si Shiela dahil mukang nakuha nito ang pinupunto niya.
"Huy! Ano ba? Bakit ka ba tumatawa, Shie?" tanong ni Helena sa kaibigan nila.
Muli niyang tinapunan ng tingin si Shiela na halos mapaubo na sa kakatawa. Kapag-hindi pa ito tumigil ay baka mabatukan niya na ito.
"Seryoso ka, Helena? Hindi mo gets ang punto ni Rc kung bakit ayaw niyang inumin pa 'yan? Ang slow mo, bakla!"
"Magtatanong pa ba ako kung alam ko?" tugon naman ni Helena.
"Sa tingin mo iinumin ko pa 'yan? Hindi sa ayaw ko pero yucky, baks. Para ko na ring natikman laway ni William, wahhh!"
Dahan-dahang napangiwi si Helena sa sinabi niya.
"Maka-yuck ka naman... Ano naman akala mo sa kaibigan natin hindi nag-sisipilyo at na-stocked ang laway ng asawa niya sa bunganga niya? Ang arte mo pero nung nag-french kiss raw kayo ni Salvador, hindi ka naman umangal. Sarap ba, teh!? Kung sabagay magkaibang flavor sila," pang-aalaska ni Shiela sa kaniya na ikinainis na naman niya. Nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi nito. Konti na lang susuntukin niya na ito sa bibig para tumigil.
"Gaga! Manahimik ka na nga, nakakabanas ka," pagtataray niya sa kaibigan para maitago ang hiyang nararamdan niya.
"Sus! Denial Queen!?" pahabol ni Shiela.
"Uy... tama na 'yan. Palitan ko na lang baks. Gusto mo ba ng milk tea?" tanong ni Helena sa kaniya. Inilabas nito ang cellphone sa bag nito at may tinignan sa screen.
"Ako. Hindi ako tatanggi, gusto ko 'yan baks. Macha milk tea with pearl. Nga pala kay Salvador ka mag-order may Milktihan daw 'yon e, sabi ni Son," ani Shiela.
Humugot siya ng hininga at pasimpleng umiling. Pinakalma niya ang kaniyang sarili, nag-iinit talaga ang ulo niya kapag nasasama sa usapan ang lalaking kinaiinisan niya.
Nakita niya ang reaksiyon ng muka ng pinsan niya, napamaang ito na parang mali ang narinig.
"Ano? Si Salvador may Milktihan? Kelan pa? E, ang alam ko lang na negosyo non ay bars at nightclub."
Ayon na nga, siya rin ay 'yon ang alam na negosyo nito. "Ikaw ba talaga ay nang-aasar Shiela? Kanina ka pa, e!" sita niya sa kaibigan.
Nginisian lang naman siya ni Shiela. "Hindi, a! Sabi ng asawa ko minsan raw narinig niya silang nag-uusap ng asawa ni Helena na omo-order ng milktea. Malay natin makalibre tayo 'pag doon tayo bibili, 'di ba?"
"Ayan... Sa libre ka na naman, mahiya ka nga! Kahit pa libre'yan hindi ako interesado, may pera akong pambayad. Mahirap na baka may lason pa ang ibigay non sa akin," aniya.
"Sus! FYI, ma-pren, wala ako non. Hiya is not in my vocabulary. Kaya sige na Helena order ka na. Hayaan mo 'yan si Miss pakipot. Dalawahin mo na 'yong akin, tutal libre mo naman, siya pang mabawas sa 500k mo kada buwan," pabirong sabi ni Shiela sa kaniyang pinsan.
Natawa naman si Helena habang nag-ta-type ng kung ano sa screen ng cellphone nito.
"Wait lang, nagtanong muna ako kay William baka nga naman totoo at makalibre tayo, sabihin lang natin pangalan ni Rutchiel Magbanua," sakay naman nito kaya sabay na nagtawanan ang dalawa at nagawa pang mag-high five na parang aliw na aliw.
Napatirik na lang siya ng mata sa inis. Tinatanong niya ang kaniyang sarili kung anong nakita ng mga ito sa lalaking 'yon para magustuhan nila na hindi niya naman makita.
"Sa kakairap at ingar mo sa amin, Rc. Nagmumuka ka nang dimonyita, ay! Sakto, 'di ba demonyo tingin mo kay Salvador? Oh... 'di bagay na bagay na kayo," tumatawang pang-aasar ni Shiela sa kaniya.
Nginitiang aso niya ito saka inirapan. "Buang ka, kamo!" sambit niya.
"Uy! Tama na, lakas mo mang-asar Shiela. Parang good mood ka ngayon?" anaman ni Helena sa kaibigan.
"Naman, alam mo na kapag hindi, tigang... Laging maganda ang mood," tugon ni Shiela na idiniin pa ang salitang tigang. Tinapunan siya ng tingin ng dalawa.
"Huwag niyo akong tignan. Kayo na! Kayo na ang 'di tigang. Paki ko ba?" inis niyang pahayag.
Nag-high five muli ang dalawa at talagang nagbulungan pa sa harap niya at saka malakas na tumawa.
Sa halip na pag-aksayahan niya ng lakas ang dalawa ay hindi niya na lang pinansin ang mga ito. Wala siyang panahon para makipag-kulitan ngayon dahil marami pa siyang tatapusin. Kung bakit ba naman kasi narito ang mga ito ngayon at may baon pang pam-bu-bwisit.
Hinayaan niya ang dalawa at tinapos ang mga kailangang tapusin, ilang sandali lang ang nakalipas ng may pumasok sa pintuan. Napaangat siya ng tingin sa tumayong si Helena para salubungin ang bagong dumating.
Hindi niya pinansin kung sino 'yon nakilala niya na lang kung sino ito ng masayang binati ng pinsan niya ang bisita. Hindi niya kita kung sino ito dahil nakatalikod siya sa pintuan.
"I brought your order asawa ko. Hi, Shiela, Rc," anang baritonong boses ng kaniyang bayaw.
Itinaas niya lang ang kaniyang kanang kamay tanda ng pagbati rin niya kahit hindi nililingon ito.
"Thank you, asawa ko. Andami naman nito," malambing sa sabi ni Helena.
Pasimple niyang pinaikot ang kaniyang mata sa ka-baduyan ng mag-asawa. Hindi niya alam kung bakit ganito siya, bitter ang tamang itawag sa kaniya pero hindi niya mapigilan.
Natawa naman si William. "Actually there is more in the car, kinukuha lang ni Salvador," anito na nakapagpahinto na naman sa kaniya.
Nag-sama pa talaga ito ng insekto? Puro na lang ba pambu-bwisit ang dumarating ngayong araw sa kaniya?
"Talaga? Halla, andami naman yata?"
"Nandiyan din pala si Salvador? Masaya, to! Rc, nandiyan rin daw ang future mo. Salubungin mo rin kaya?" ani Shiela, alam niyang iniinis lang siya nito na umeepekto naman sa kaniya.
Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. "Ikaw na! Ikaw naka-isip 'di ba? Excited ka, e." sarkastiko niyang tugon. Tumayo siya at akmang aalis na ng makita niya kung sino ang papasok sa may pintuan na may dala-dalang mga pagkain.
And speaking of the devil Salvador enter the house with his panty-dropping smile.
Bahagya nitong itinaas ang mga dala na parang pinapakita sa kaniya. "Hi, babe! I brought your favourite milk tea and doughnuts!"
Parang gusto niya na lang mag-mura.