CHAPTER 1

1907 Words
Chapter 1 I'M LOOKING at the big glass window while sipping my vodka. Nakikinig lang ako sa report ng isa kong tauhan. Walang emosyon akong lumingon sakanya sabay upo sa swivel chair. "What is your plan with Mr. Gomez, boss?" I smirked at him then put the glass I was holding on the table. "Kill that bastard." "Yes, boss." Sagot niya saka yumukod sa 'kin. Mabilis naman siyang lumabas sa opisina ko. Umiinom lang ako ng alak ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko yun dinampot at tinignan kung sino ang tumatawag. Sinagot ko ang tawag ng makita ko ang pangalan ng aking ina. "Hey, Mom." "Son, can you come home later? I heard that you are going home to the Philippines tomorrow. I want to have dinner with you," mahinahong sabi ng aking ina. "Okay, Mom." Tipid kong sagot. Agad naman akong nagpaalam sa aking ina saka ako lumabas ng office. Nilapitan ko ang secretary ko na seryosong nakaharap sa computer niya. Lumingon naman siya sa 'kin at dali-daling tumayo saka yumukod. "Sir.." "Ready my private plane tomorrow." Utos ko. Tumango naman siya sa 'kin kaya agad akong naglakad patungo sa elevator. Pinindot ko ito saka sumakay sa loob. Kinuha ko ang phone ko saka nag text sa matalik kong kaibigan na nasa Pilipinas ngayon. Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay agad akong lumabas. Nakayukod pa sa 'kin ang mga empleyado ko habang binabati nila ako, ngunit hindi ko sila pinapansin. Nang nasa entrance na ako ay nakita ko agad si Lilith, my-ex fiancé. Agad nalukot ang mukha ko ng lumapit siya sa 'kin. "What the hell are you doing here?" Tanong ko sa walang emosyong boses. "I'm here for you, Kaede. Please, babe come back to me. I swear, hindi ko na uulitin yun." Nilagpasan ko siya saka tinungo ang naka park kong kotse. Nakasunod naman siya sa 'kin at pilit hinahawakan ang kamay ko. "Kaede.." "Stop it, b***h. I'm done with you, go to hell and don't bother me again." I said as I shouted her. Mabilis ako pumasok sa kotse ko at iniwan si Lilith na parang maiiyak na. Agad kong tinungo ang bahay ng aking ina. Simula ng namatay ang aking ama ay umalis ako sa mansion namin. Nang makarating ako sa harap ng gate ay agad kong pinark ang kotse ko. Lumabas agad ako saka tinungo ang gate ng bahay. Pinagbuksan pa ako ng isa sa body guard ng aking ina. Pagpasok ko palang sa bahay ay bumungad sa 'kin ang nakakainis na pagmumukha ni Lawrence. Putangina! Bakit hindi pa namatay ang walang silbing 'to. "Son," Agad akong napalingon sa aking ina ng tinawag niya ako. "Hey, Mom." Bati ko sabay lapit sakanya. "Are you hungry?" Tanong sa 'kin ng aking ina. "Yeah." Tipid kong sagot. "Buti nalang nakaluto na ako, come on, let's eat." Naka ngiting sabi ng aking ina. Pumasok kami sa dinning area at nag simula ng kumain. Naiirita naman ako sa mukha ni Lawrence na nasa likod ng aking ina nakatayo habang kumakain kami. "Ilang days ka do'n sa Pilipinas, anak?" "One week, mom." Tipid kong sagot. Tumango naman ang aking ina saka inilapag ang hawak niyang tinidor. "Isama mo si Lawrence sa'yo." Agad akong napalingon sa aking ina ng sabihin niya yun. "Bakit ko naman dadalhin yan? Baka naman pati ako ay ipahamak ng palpak na body guard na yan." "Kaede.." sita ng aking ina. "What? Totoo naman diba?" I said. Tumayo ako saka ako lumapit kay Lawrence habang nakayuko naman ito. "Kasalanan mo kung bakit namatay ang daddy ko. Dapat ikaw nalang ang namatay." Madilim ang mukha ko habang nakatingin sakanya. Tumayo naman ang aking ina at hinila ako. "Anak, tama na yan. Walang kasalanan si Lawrence sa nangyari. Ginawa niya ang lahat para maisalba ang ama mo, ngunit mas marami ang mga kalaban." "Stop it, Mom. Wag mo ng pagtakpan ang palpak na body guard mo. I'm leaving now." Agad ako naglakad palabas ng bahay. Tinungo ko ang kotse ko saka ko yun pinaharurot. Mahigpit ang hawak ko sa manibela ng maalala ko ang araw na namatay ang ama ko. Hinding-hindi ko mapapatawad si Lawrence sa nangyari. Huminto ako sa isang sikat na bar dito sa Spain, agad ako pumasok at tinungo ang vip room. Kakilala ko ang may-ari ng bar kaya pwede akong pumasok dito kahit wala siya. Nilulunod ko ang aking sarili sa alak at pilit kinakalimutan ang sagutan namin ng aking ina. Lagi niya nalang pinagtatanggol ang body guard na yun sa 'kin. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang anak niya, ako ba o yung body guard. Agad kong tinawagan ang secretary ko dahil balak ko ngayon na umalis patungo sa Pilipinas. Naka ilang ring lang ito nang sagutin niya ang aking tawag. "Ready my plane now." Utos ko sabay patay ng tawag. Tumayo ako saka lumabas ng vip room. Nakita ko agad ng makalabas ako sa bar ang lima kong tauhan na hinihintay ako. "Good Evening, boss." Bati sa 'kin ng isa kong tauhan. Tumango lang ako saka sumakay sa passenger seat. Sumakay naman ang iba ko pang tauhan saka ito pinausad ang kotse. Napapikit ako habang tinutungo ng sasakyan namin ang airport. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kung hindi ako ginising ng isa kong tauhan. Agad ako bumaba ng kotse at tinungo ang naka handang private plane ko. Nakatayo pa ang secretary ko na parang hinihintay ang pagdating ko. "Take care of my company." Sabi ko sakanya saka ko siya nilagpasan at sumakay sa private plane ko. Nang makapasok ako ay agad akong umupo dahil inaantok ako. Hindi ko namalayan na nakarating kami sa bansang Pilipinas, buong byahe ay nakatulog ako. Bumaba ako sa private plane ko at tinungo ang naka handang sasakyan. Nakapalibot naman ang mga tauhan ko sa kotse. Binuksan ng isa kong tauhan ang pintuan ng back seat kaya agad akong pumasok. Sumakay ang ibang tauhan ko habang may nakasunod din sa likuran namin na sasakyan. Binabaybay namin ang highway hanggang sa palapit ng palapit kami sa isang tunnel. Kinuha ko ang phone na nasa bulsa ko ng maramdaman ko ang pag vibrate nito. Nakakunot ang nuo ko habang binabasa ang message ng aking ina. Agad kong pinatay ang phone ko saka tumingin sa labas ng bintana. Madilim ang loob ng kotse dahil sa tunnel. Napahawak ako sa upuan ng malakas na nag break si Arnaldo. "What the hell are you doing?" Galit kong sigaw sa driver ko. "Sorry sir, may naka handusay po kasi sa gitna ng kalsada." Sabi niya habang nakatingin sa unahan. Agad kong tinignan ang sinasabi niya. May nakahiga do'n na lalaki na parang walang malay. "Sagasaan mo nalang." Utos ko kay Arnaldo. "P-Pero, boss." "Gawin mo nalang utos ko." Sabi ko sabay sumandal sa likod ng upuan. Akmang mag mamaneho na si Arnaldo ng biglang tumayo ang lalaking naka handusay sa kalsada. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung may hawak itong baril. "f**k!" Yumukod ako nang bigla niyang paulanan ng bala ang sasakyan namin. Napatingin ako sa bintana ng makitang may mga nagsidatingan pang kasama ang lalaki. Maging ang nasa likod naming sasakyan ay pina-ulanan ng bala. "Boss.. kailangan nating maka alis dito." Sabi sa 'kin ng isa kong tauhan na nasa tabi ko. Kinuha ko ang baril sa ilalim ng upuan saka binuksan ang pintuan ng kotse. Sumunod naman sa 'kin lumabas ang dalawa ko pang tauhan. "Tumakas na kayo, boss." Sabi sa 'kin ni George. Agad akong tumakbo at hindi alam kung saan tutungo. Nakikipag palitan din ako ng putok ng baril sa mga humahabol sa 'kin. Putangina! Pilit kong tinungo ang labasan ng tunnel na ito. Napa-igik ako ng maramdaman ko ang pagtama ng bala sa isa kong binti. Agad kong binaril ang lalaki na nakasunod sa 'kin saka ako mabilis na tumakbo. Nakita ko ang dulo ng tunnel kaya napangiti ako. Napansin kong may tatlong lalaki na nakatayo do'n. Kumaway ako sakanila at nagbabakasakali na matulungan nila ako. Ngunit napamura ako ng mabilis nila akong pinaputukan ng bala. Agad akong tumakbo sa gilid ng tunnel. Pilit kong iniiwasan ang putok ng baril na pinapakawalan ng mga kalaban ko. Napahinto ako ng makita ko ang nasa ibaba ng tunnel. s**t, wala akong pwedeng madaanan dahil high way ang nasa ilalim. Pilit akong umakyat sa bakod at tinitignan kung may pwede ba akong akyatan. Ngunit nakita ako ng mga humahabol sa 'kin. Napamura ako ng pinaputukan nila ako ulit. "f**k!" Hindi ako nakahawak sa gilid ng tunnel dahil na out of balance ako, napasigaw nalang ako ng mahulog ako. Puta! Katapusan ko na. Pinikit ko nalang ang aking mga mata at ang sunod ko nalang naramdaman ay ang pagtama ng ulo ko sa matigas ng bagay. KAGAGALING KO lang sa trabaho sa isang department store sa isang malaking mall dito sa Manila. Pagod akong umupo sa sira-sira kong upuan na kulang nalang ay pirma ng langaw para magiba. Matagal na akong naninirahang mag-isa dito sa inuupuhan kong apartment. Maliliit lang ang space ng mga bahay dito. Sa unahan naman ay may malaking basurahan. Kahit mabaho ay tinitiis ko dahil mura lang ang upa ko. Hindi naman masyadong mabaho dahil ilang kilometro pa naman ang layo ng tabundok na basura. Nagpahinga lang ako saglit dahil sobrang sakit ng mga binti ko. Halos buong maghapon ako nakatayo dahil bawal kaming umupo kahit saglit sa pinapasukan kong trabaho. Tumayo ako saka ko tinungo ang lababo para maghugas ng kamay. Bumili lang kasi ako ng ulam sa kanto para hindi na ako magluto. Hinanda ko lang ang pagkain ko saka ako kumain. Kinuha ko pa ang phone ko habang nag scroll sa f*******: habang kumakain. Napatigil naman ako sa pag subo ng marinig ko na may kumatok sa labas ng pinto ko. Agad akong tumayo saka tinungo ang pinto. "Sino yan?" Tanong ko pa. Mamaya masamang tao pala ito eh di napasok ako sa bahay. "Audrey, si Janine 'to." Sabi niya kaya agad kong binuksan ang pintuan. Bumungad sa 'kin ang kaibigan ko na may dalang ulam. "Uy.. mukhang masarap yan ahh." Nakangiti kong sabi kay Janine. "Para sa'yo daw sabi ng kuya ko." Nakasimangot niyang abot sa 'kin. Tinanggap ko parin naman ito kahit galing sa kuya niya. Matagal na kasi nanliligaw sa 'kin si Anthony na lagi ko namang binubusted. Pano ko naman kasi siya sasagutin kung puro tambay lang ang ginagawa niya sa buhay. Umagang-umaga palang alak na ang hawak. Sino kaya papatol sakanya. "Sabihin mo sa kuya mo last niya na 'tong bigay sa 'kin." Sabi ko kay Janine. Tumawa naman siya sabay paalam sa 'kin. Malapit lang naman kasi ang inuupuhan ko at ang bahay nila. Siya ang una kong naging kaibigan dahil may tindahan kasi sila at do'n ako bumibili ng shampoo ko. Isinirado ko ang pinto at sinigurado kong naka lock. Marami pa namang loko-loko sa lugar na 'to. Bumalik ako sa lamesa saka pinagpatuloy ang pagkain ko. Buti nalang talaga bukas wala akong pasok. Makakapag laba ako ng mga madudumi kong damit at makakapaglinis ako ng tinitirahan ko. Hindi ko alam kung bakit ko natiis tumira sa bahay na ito. May mga butas na nga ang bubong nito kaya kapag umuulan ay bumabaha sa loob ng sala ko. Halos wala akong ginawa kundi maglagay ng balde para lang masalo ang mga tulo. Wala naman akong choice lalo na't ang mamahal ng ibang paupahan. Kululangin ang sahod ko kapag lumipat ako ng ibang apartment. Hayy.. kailan kaya ako yayaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD