Chapter 2
MAAGA AKO nagising dahil maglilinis ako ng bahay ko. Agad ko inayos ang mga kalat ko saka kinuha ang walis. Tiniklop ko ang mga damit na nag kalat sa maliit na aparador ko. Nag palit narin ako ng bed sheet at punda ng unan ko.
Nang matapos ako sa kwarto ko ay sinunod ko naman ang maliit kong kusina. Hinugasan ko lahat ng baso, kutsara, at kunting plato ko.
Nagsaing narin ako para mamaya bibili nalang ako ng lutong ulam.
Pawis na pawis akong umupo sa sahig nang matapos ako maglinis. Kinuha ko muna ang cellphone ko saka ako nag f*******:.
Nang makapagpahinga na ako ng kunti ay agad akong tumayo saka tinungo ang basket na lagayan ng mga marurumi kong damit. Binuhat ko yun papunta sa banyo. Isasabay ko narin ang paglilinis ng banyo sa paglalaba ko para tipid sa tubig.
Napatampal ako sa nuo ko ng wala pala akong nabiling fabcon. Walang choice akong kinuha ang wallet ko saka lumabas ng bahay.
Tinungo ko ang tindandahan nila Janine. Buti nalang wala si Anthony dito, kundi masasapak ko siya sa mukha.
"Ate, Audrey.."
Agad akong napalingon kay boyet ng tinawag niya ako. Isa itong batang palaboy na inaabutan ko ng pagkain or barya kapag nakikita ko. Naawa kasi ako sakanya.
"Ate, may ipapakita po ako sa'yo." Sabi niya sa 'kin. Kumunot naman ang nuo ko habang nakatingin kay boyet.
"Ano yun, boyet?" Tanong ko. Hinila naman niya ako. Nagpatianod nalang ako sa batang 'to kung saan niya ako dadalhin.
Hanggang sa makarating kami sa kabundok na basurahan. Agad nalukot ang mukha ko saka huminto sa paglalakad. "Ano ba kasi yun, boyet? Ang baho na dito." Reklamo ko sa batang 'to sabay takip sa ilong ko.
Tumingin naman siya na parang may hinahanap sa nakatambak na basura. Ngumiti pa siya saka may tinuro
sa 'kin. "Ayon, ate Audrey.. may lalaking walang malay do'n." Sabu niya sa 'kin.
Sinundan ng mga mata ko ang tinuro sa 'kin ni Boyet. Kahit mabaho ay agad ako naglakad sa sinasabi niya. Malapit na akong umatras ng wala naman akong makitang tao. Humarap pa ako kay Boyet saka naka pameywang na tumingin sakanya. "Ako ba talaga pinagloloko mong bata ka!" Inis kong sabi kay Boyet.
Dapat kasi hindi na ako nagpahila pa sakanya. Eh di sana nakapag laba na ako ngayon. Akmang hahakbang na sana ako nang may natapakan ako. Agad akong tumingin at napasigaw ng makita ko ang natapakan ko ay isang kamay.
"Ayan, ate.. siya yung sinasabi ko." Sabi ni Boyet sabay turo.
Umuklo ako saka tinanggal ang naka dagan sa taong puro basura. Tinulungan pa ako ni Boyet na alisin ang mga basura hanggang sa tumambad sa 'kin ang isang lalaki. Naka dapa siya habang nakasuot ng mamahaling suit. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa nakadapa ito.
Agad kong kinapa ang leeg niya kung buhay pa ba ang lalaki. Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong buhay ang lalaki. Wala nga lang itong malay.
"Halika, Boyet tulungan mo akong ipatihaya siya." Utos ko kay Boyet na mabilis namang tumalima sa utos ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mukha ng lalaki. Naka ilang pikit pa ako sa mata ko at baka kasi namamalikmata ako. Hindi ako makapaniwala na may ganito pala talagang ka gwapong nilalang. Maamo ang mukha niya habang natutulog, makakapal din ang kilay niya at matangos ang kanyang ilong. Napaka perfect din ng jawline niya na parang sa mga modelo. Matangkad din itong lalaki kaya hindi ko alam kung paano namin ito bubuhatin ni Boyet. Useless lang din kung hihingi kami ng tulong sa mga kapitbahay namin dahil hindi rin naman kami papansinin. Busy sila sa pag susugal kahit umaga pa nga lang yun na agahan nila.
"Tulungan mo ko Boyet na alalayan ang lalaking ito patungo sa bahay ko."
Napansin ko kasi na may sugat siya sa binti niya kaya kailangan niyang magamot. Tinulungan naman ako ni Boyet buhatin ang gwapong lalaking.
Inilagay ko ang isang braso niya sa balikat ko habang si Boyet naman sa kabila. Dahan-dahan lang kami naglakad at tinungo ang bahay ko. Medyo malayo pa ang bahay ko kaya malaking sakripisyo ang ginagawa namin ni Boyet. Sobrang bigat pa naman ng lalaki.
"Sino kaya siya ate, Audrey?" Tanong ni Boyet na halatang nahihirapan sa pagtulong sa 'kin. Hindi ako sumagot dahil sobrang sakit ng balikat ko. Kunti nalang din at makakarating na kami sa bahay ko. Kunti nalang din at magigiba narin ang balikat ko.
Muntik pa kaming matumba ng matisod si Boyet. Agad ko namang nahawakan ang lalaki para hindi siya bumagsak sa kalsada. Hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay ko. Tinulungan pa ako ni Boyet na ipasok sa loob ang lalaki.
Napasalampak kami ng upo ni Boyet sa sahig habang hinihingal na nakatingin sa lalaki.
Tumayo naman ako saka kumuha ng tubig para painumin si Boyet. Kinuha ko din ang binili kong slice bread kagabi saka ko inabot sa bata. "Kumain ka na muna, Boyet." Alok ko.
"Thank you po, ate Audrey." Naka ngiti niyang sabi saka ito tumayo at tinungo ang lababo ko at nag hugas ng kamay. Bumalik siya sa pagkakaupo sa sahig saka niya kinuha ang tinapay na inabot ko.
Kumuha naman ako ng towel para punasan ang lalaking walang malay. Agad ako lumuhod saka pinunasan ang mukha niya. Mas lalo pala itong gwapo kapag malinis ang mukha niya. Grabe, ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gwapong lalaki. Puro kasi nakikita ko ay mga feeling pogi na hindi naman talaga pogi.
Pero, ito.. hindi ko maialis ang tingin ko sakanya.
Agad kong tinungo ang binti niya. Natuyo na ang dugo do'n kaya mabilis ko pinunit ang suot niyang slocks. Tinignan ko kung anong klaseng sugat ang natamo niya. Para itong galing sa baril, daplis lang kasi siya.
Napahinto ako ng punas ng pumasok sa isipan ko ang baril. Baka naman kasi masamang tao ito. Pero hindi naman halata sa mukha niya na masama siya, para nga itong anghel na nahulog galing sa langit eh.
Bahala na nga, malapit lang naman ang tanod outpost kung sakaling may masama siyang gawin sa 'kin.
Nilinis ko ang sugat niya, inutusan ko pa si Boyet na bilhan ako ng betadine sa tindahan. Agad naman tumalima ang bata sa utos ko at umalis sa bahay.
Hinaplos ko ang mukha ng lalaki saka ko ito pinakatitigan. Ang haba pala ng pilikmata niya, bakit sa 'kin hindi.
Tumayo na ako saka ko kinuha ang planggana na dala ko saka tinungo ang banyo. Hinhintay ko lang na bumalik si Boyet dito sa bahay.
Nagbihis pa ako ng damit dahil kumapit sa damit ko ang basura. Nag simula narin ako maglaba muna sa banyo. Naabutan pa ako ni Boyet na naglalaba.
"Ito po, ate Audrey." Sabi niya ng makapasok ito sa bahay ko. Pinunasan ko muna ang kamay ko bago ko tinanggap ang betadine. Ibinalik pa sa 'kin ni Boyet ang 30 pesos na sukli.
"Sayo na yan, Boyet." Sabi ko sabay balik sa kanya ng sukli. Nakangiti naman siyang tumingin sa 'kin.
"Salamat po, ate Audrey. Sige po alis na po ako." Pagpapaalam niya sa 'kin. Tumango lang ako saka kumaway sakanya.
Dati gusto kong kupkupin si Boyet. Ngunit, tumanggi kasi siya, ayaw daw niya dahil hahanapin pa daw niya ang nawawala niyang mga magulang. Hindi ko nalang siya pinilit dahil yun naman kasi ang gusto niya.
Bumalik ako sa paglalaba, hinayaan ko lang ang lalaking walang malay na nakahiga sa sahig. Napalingon ako sa lalaki ng maisip ko na hindi ko man lang siya binigyan ng unan.
Agad naman akong tumayo at kumuha ng unan sa kwarto. Dahan-dahan ko binuhat ang ulo niya saka inilagay ang unan. Doon ko lang napansin na may sugat siya sa ulo niya. Tumigas na rin ang dugo niya do'n.
Dali-dali akong kumuha ulit ng towel para linisin yun at yung betadine na pinabili ko kay Boyet.
Ano kaya nangyari sa lalaking ito?
Nang matapos ako ay bumalik ulit ako sa paglalaba, hanggang sa sinampay ko ang mga damit ko sa labas. Nag-inat ako ng matapos kong isampay ang mga nilabhan ko.
Agad akong pumasok sa loob ng bahay para sana kunin ang wallet nang makabili na ako ng ulam sa kanto. Ngunit nakita kong gumalaw ang lalaki sa sahig. Nakapikit ito ngunit gumalaw ang kanang kamay niya.
Hindi ko maialis ang tingin ko sa lalaki at hinihintay ang pagbukas ng mga mata niya. Unti-unti itong nag mulat ng tingin. Nakatulala siya sa sirang kisame ko at hindi man lang gumalaw.
Unti-unti siyang tumingin sa paligid hanggang sa nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Shems.. ang gwapo niya. Mas gwapo pala siya kapag gising, ang ganda din ng kulay ng mga mata niya, kulay luntian ang kanyang mga mata. Ngayon lang ako naka kita ng ganun na kulay.
Hindi siya nagsalita habang nakatitig sa 'kin. Hindi ko din alam ang sasabihin ko sakanya kaya wala akong masabi. Titig na titig lang siya sa 'kin, maging ang makapal niyang kilay ay magkasalubong.
"Nasaan ako?" Ani nito sa baritonong boses. Ang lalim ng boses niya.
"A-hm nasa.. bahay po kita sir." Sagot ko agad. Naglakad ako papunta sakanya saka umupo sa harap niya. Tinulungan ko siyang umupo sa sahig dahil parang nanghihina pa ito.
"Ano po pala pangalan niyo sir?" Tanong ko. Para naman maipag-paalam ko sa ibang kamag anak niya para makauwi siya sakanila.
Nakatitig naman siya sa 'kin na parang walang maisagot sa tanong ko.
"H-Hindi ko alam.. Hindi ko alam ang pangalan ko." Sabi niya sa mahinang boses.
Nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig ko yun. Teka? Bakit hindi niya maalala ang pangalan niya? Pinagloloko ba niya ako?
Pinasadahan ko siya ng tingin, hindi parin ako makapaniwala na wala siyang maalala.
Tumingin pa siya sa paligid ng bahay saka ulit tumingin sa 'kin. "Nagugutom ako.." sabi niya sa 'kin.
"Dito ka lang, bibili lang ako ng pagkain sa kanto. Wag kang lalabas ng bahay, okay?" Sabi ko sakanya. Para naman siyang batang tumango-tango.
Agad akong tumayo saka lumabas ng bahay. Kailangan ko din palang maghanap ng damit para sakanya. Iniisip ko kung wala ba talaga siyang maalala. Hindi kaya dahil sa sugat niya sa ulo kaya siya nawalan ng memorya? Napabuga nalang ako ng hangin sa mga iniisip ko. Nagulat pa ako ng biglang may bumusina sa likod ko na trycle. Bwesit!
Agad akong bumili ng ulam nang makarating ako sa karinderya saka ko tinunggo ang maliit na palengke, nagbabakasakali na may tinitindang damit na panglalaki. Hindi naman ako nabigo dahil meron. Kunti lang binili kong tshirt sakanya dahil may malalaki naman akong tshirt sa bahay. Ang importante kong binili ay mga shorts at boxer niya. Napakamot pa ako sa ulo ko ng maubos ang 600 ko.
Agad akong umuwi sa bahay nang matapos ko bilhin ang kailangan ko. Nag-iisip parin ko kung talaga bang wala siyang maalala baka naman kasi pinagtri-tripan niya lang ako. Ipapahuli ko talaga siya sa mga tanod kapag nagkataon. Wala akong pakialam kong mukha siyang greek god na nahulog sa basurahan.
Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko lang ang lalaki na nakatulala. Nakaupo parin siya sa sahig at parang may pinipilit siyang iniisip. Napabuga nalang ako ng hangin ng makita kong naka ganun siya. Confirm nga na wala siyang maalala.