Chapter 3
ONE WEEK NA ang nakalipas simula ng matagpuan ko ang lalaking ito sa basurahan. Napatunayan ko na wala talaga siyang maalala dahil lagi lang siyang tulala sa kawalan. Binigyan ko din siya ng pangalan para naman may maitawag ako sakanya. Ang pangit naman kasi kung tawagin ko siyang hoy kaya nag-isip ako ng pangalan na madali lang matandaan.
Nag-aayos ako sa lamesa ng plato para makakain na kami. Napatingin ako kay Niko na nakatitig na naman sa labas ng bintana. Napabuntong hininga nalang ako dahil naaawa ako sakanya.
"Niko, kain na tayo." Aya ko sakanya. Agad naman siyang lumingon sa 'kin saka siya tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa 'kin.
Shems.. ang gwapo talaga ng lalaking 'to. Simula nga ng kinupkop ko siya sa bahay ko ay panay ang punta ng mga kapitbahay namin dito lalo na ang mga babae matanda man or dalaga. Nagpapa-cute sila kay Niko na mabilis ko namang sinisirado ang pinto. Nakakainis kasi sila. Panay din sila bigay ng sando kay Niko, sando talaga hindi tshirt dahil gusto yata nila makita ang muscle ni Niko. Malas lang nila, ako ang laging nakaka kita no'n. Hindi ko pa nakakalimutan ang nakita ko n'ong isang araw. Ang perpekto niyang katawan at ang kanyang vline. Ang sarap siguro haplusin no'n.
Umupo si Niko sa pwesto niya kaya umupo narin ako. Nilagyan ko muna ng kanin ang plato niya at ulam.
"Salamat!" Sabi niya sa 'kin kaya napangiti ako. Tumango lang ako sakanya at naglagay narin ako ng kanin at ulam sa plato ko.
Tahimik kaming kumakain dalawa ng bigla akong nabulunan. Agad naman inabot sa 'kin ni Niko ang isang basong tubig. Ininom ko naman yun agad kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Kamusta ka naman dito habang wala ako?" Tanong ko kay Niko. Siya lang kasi mag-isa dito kapag pumapasok ako sa trabaho. Nag-iiwan narin ako ng makakain niya para hindi na siya magluto. Pinapagpapahinga ko kasi siya dahil panay sakit ng ulo niya. Gusto ko man siya dalhin sa hospital para macheck up sana ang ulo niya ngunit wala naman akong pera.
"Ayos lang naman, kaso nabo-boring ako kapag wala ka." Seryoso niyang sagot. Napatitig naman ako sakanya. Tumigil siya sa pagsubo ng pagkain saka nag angat ng tingin. Nagkasalubong ang tingin naming dalawa kaya bumilis ang t***k ng puso ko.
"Bakit?" Tanong niya sa 'kin.
Agad naman akong napa-iling bago nagsalita. "Wala naman. Di bale, wala akong pasok bukas kaya hindi ka mabo-boring sa bahay bukas," sabi ko.
Ngumiti naman siya sa 'kin saka bumalik sa pagkain. Buti na nga lang maaga ang out ko kanina kaya 7PM palang ay nakauwi na ako sa bahay.
Nang matapos kami kumain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan namin. Si Niko naman ay pinupunasan ang lamesa saka siya kumuha ng walis.
Natawa ako ng maalala ko n'ong isang araw. Hindi niya kasi alam kung para saan yung walis. Hindi ko alam kung dahil ba sa may amnesia siya or talagang hindi niya talaga alam yun. Halata kasi na mayaman siyang tao, sa kutis palang niya ay masasabi kong anak mayaman siya.
Nang matapos ako maghugas ay agad kong kinuha ang t'walya ko para mag half bath. Pumasok ako sa banyo saka ginawa ang dapat gawin.
Mabilis lang akong nag sabon sa katawan. Tumingin pa ako sa t'walya ko na nakasabit sa pinto habang hinahaplos ko ang aking katawan.
Naglakad ako para sana abutin ang twalyang sinabit ko sa likod ng pinto ng may natapakan ako. Huli na ng mapagtanto ko kung ano yun. Malakas akong bumagsak sa sahig. Sa sobrang lakas no'n ay namanhid ang pang-upo ko.
"Aray!" Daing ko sabay himas sa pang-upo ko.
Narinig ko naman ang pagkatok ni Niko sa labas ng banyo. "Audrey, ayos ka lang ba?" Tanong niya mula sa labas ng banyo.
Shuta! Hindi ako makatayo dahil sa sobrang lakas ng pagkabagsak ko. Hindi ako sumagot kay Niko dahil nahihiya akong humingi ng tulong sakanya. Wala pa naman akong saplot kahit isa. Bwesit na sabon yun!
"Audrey.." tawag niya ulit sa 'kin ngunit hindi parin ako sumagot. Pinilit kong tumayo ngunit hindi talaga kaya, mukhang pati balakang ko ay sumakit. Buti nalang talaga hindi tumama ang ulo ko sa toilet bowl.
Napapikit nalang ako dahil no choice ako kundi humingi ng tulong kay Niko.
"N-Niko.. tulong!" Mahinang sambit ko.
Malakas naman bumukas ang pintuan ng banyo, mukhang sinipa ni Niko yun. Tinakluban ko nalang ng isang kamay ko ang dibdib ko habang ang isa ko namang kamay ay nasa maselang parte ko. Agad namang nag-iwas ng tingin si Niko saka kinuha ang t'walya ko na naka sabit sa likod ng pintuan ng banyo.
Inilagay niya yun sa katawan ko saka niya ako binuhat. Walang imik siyang naglakad papunta sa kwarto ko saka niya ako inilapag sa kama.
Nahihiya naman akong nakayuko sabay ayos ng t'walya sa katawan. "S-Salamat.." Nahihiya kong sabi.
Hindi naman siya umalis sa harap ko. Naglakad siya papunta sa likod ko bago umupo sa kama. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, para niyang hinihilot ang balakang ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko nang maramdaman ko na para akong nakikiliti sa ginawa niya. Hindi naman siya nagsasalita habang hinihilot niya ako.
"Ahm.. okay na ako." Naiilang kong sabi sakanya.
"Sa susunod mag-iingat ka." Sabi niya. "Pano kung nabagok ang ulo mo at mawalan ka ng malay." Dagdag pa niyang sabi. Nakanguso naman akong nakikinig kay Niko na pinapagalitan ako. Hindi ko naman kasalanan kung nadulas ako eh, kasalanan kaya ng sabon.
Tumayo si Niko at naglakad papunta sa maliit kong cabinet. Kumuha siya ng damit ko at naglakad ulit papunta sa 'kin. Nahihiya naman akong nakatingin sakanya ng iangat niya ang kulay red kong panty.
Nanlaki ang mata ko ng umupo siya sa sahig saka inayos ang panty ko na parang pinapasuot ako.
"K-Kaya ko naman magbihis, Niko. Akin na yan." Sabi ko sabay agaw sa hawak niyang panty ko. Mabilis naman niyang inilayo yun sa 'kin saka itinaas ang isa kong binti. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ko man lang natakluban ang p********e ko sa sobrang bilis niyang pag-angat ng binti ko. Kainis!
Agad kong inilusot ang dalawang paa ko sa panty ko para matigil na siya. Itinaas naman niya ang panty hanggang sa legs ko. Pinigilan ko ang kamay niya kaya napahinto siya. "Ako na!" Sabi ko kay Niko.
Tumayo naman siya saka inabot
sa 'kin ang cotton short ko. Inabot ko naman ito at mabilis na sinuot.
"Sige na, pwede ka ng lumabas." Sabi ko kay Niko. Tumango naman siya bago siya naglakad palabas ng kwarto ko.
Kinuha ko ang tshirt na inilagay ni Niko sa kama at isinuot yun. Nakakahiya ang nangyari kanina, ang tanga ko talaga.
Sinubukan kong tumayo ngunit masakit parin talaga. Humiga nalang ako sa kama kahit hindi ko pa nagagawa ang skin care routine ko. Kahit mahirap ako, may skin care routine parin ako. Yun nga lang mumurahin, hindi ko afford ang mamahalin. Sabon nga na kojic hinahati ko pa eh.
Hinilot-hilot ko ang balakang ko gamit ang isa kong kamay. Tumagilid pa ako ng higa para maayos kong mahilot ang likod ko. Natakot talaga ako kanina, buti nalang talaga hindi nabali ang spinal cord ko kung hindi, hindi na ako makakapasok ng trabaho.
Kinabukasan, pinakiramdaman ko ang balakang ko kung masakit parin ba. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na siya sumakit. Agad akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto ko.
Hinahanap ko si Niko dahil hindi ko siya nakita sa higaan niya. Nasa sala kasi siya nakahiga. Bumili ako ng mahihigaan niya n'ong isang araw, banig lang ang nakayanan ng budget ko, bumili din ako ng unan niya at kumot.
Naglakad ako palapit sa lababo saka ako naghilamos. Kumuha ako ng baso para mag mumog narin.
"Nasaan kaya yun." Sabi ko habang hinahanap parin si Niko. Wala din kasi siya sa banyo.
Naglakad ako sa pinto para sana hanapin si Niko ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Niko.
"Saan ka galing?" Tanong ko sakanya.
Naglakad siya papunta sa 'kin saka niya hinawakan ang kamay ko. Naguguluhan naman akong tumingin sakanya. "Teka.."
Naputol ang sasabihin ko ng may inilagay siya sa kamay ko. "Saan mo nakuha ang ganito karaming pera?" Tanong ko kay Niko.
"Hanap tayo ng ibang apartment." Seryoso niyang sabi sa 'kin.
"Huh?"
"Gamitin natin yang pera na yan para makahanap ng bagong apartment." Saad niya.
Naguguluhan naman akong nakatingin sakanya. "Ayaw mo naba dito sa apartment ko?" Tanong ko.
"Hindi sa ayaw. Baka madulas ka na naman ulit sa banyo." Seryoso niyang sabi. Lilipat lang dahil sa nadulas ako sa banyo.
"Pero?"
"Nakahanap na ako. Nakausap ko narin ang may-ari ng paupahan." Sabi niya sabay alis sa harap ko. Lumapit siya sa mga gamit ko saka binuhat.
"Teka.. agad-agad." Pagpipigil ko sakanya. Hindi naman niya ako pinansin saka naglakad palabas ng bahay. Abnormal talaga!
Umupo nalang ako habang hinihintay si Niko na bumalik. Umabot ng 30 minutes saka siya bumalik at nag hakot na naman. Hindi man lang ito nagsasalita at seryosong naghahakot ng gamit, basa narin ang suot niyang tshirt.
Tumayo ako saka ako naglakad papunta kung saan nakalagay ang damit niya. Kumuha ako ng tshirt niya saka ko yun inabot kay Niko. Natigil naman siya sa pagbubuhat saka kinuha ang inabot kong damit sakanya.
Kinuha ko ang mga unan namin saka naghanap ng malaking plastic para ilagay do'n.
Bumalik ulit si Niko sa bahay at kinuha ang iba pang gamit. Sumama ako sakanya habang dala-dala ko ang malaking supot.
Hanggang sa huminto kami sa magandang apartment. Ito ang Romualdez apartment. Mabilis kong hinila ang damit ni Niko dahilan para mapahinto siya. Naka kunot naman ang nuo niya na tumingin sa 'kin.
"Bakit dito tayo lilipat? Ang mahal ng upa dyan." Sabi ko kay Niko.
"Don't worry about that. Binayaran ko na ang limang buwan na stay natin." Seryosong niyang sabi.
Akamang sasagot pa sana ako ng biglang sumulpot ang may-ari ng paupahan. "Ayy, buti naman Mrs. nandito ka na. Sabi kasi ng asawa mo nadulas ka daw sa banyo kaya naghanap siya ng bagong paupahan." Sabi sa 'kin ng may-ari. Nanlaki naman ang mga mata ko sabay tingin kay Niko. Pinagsasabi nito! Lumapit sa 'kin si Niko at inilagay ang isang kamay niya sa balakang ko.
"Masakit parin ba asawa ko?" Tanong niya sa 'kin. Gago talaga! Inirapan ko siya sabay tingin sa may-ari saka piking ngumiti.
Mamaya ka talaga sa 'kin Niko.
Nauna akong pumasok sa apartment namin. Halos namangha ako dahil ang aliwalas tignan ng bahay. First time ko makalipat ng ganito ka gandang bahay. May kusina, sala, banyo at isang kwarto. Wait, bakit isang kwarto lang?
Lalabas sana ako para magtanong sa may-ari kung bakit isang kwarto lang ang nandito ng makasalubong ko si Niko. "Where are you going?" Tanong niya.
Napa-atras naman ako dahil sobrang lapit niya sa 'kin. "Ahh.. itatanong ko sa may-ari kung meron ba silang for rent na dalawang bedroom." Nahihiya kong sabi.
Tumawa naman ng mahina si Niko sabay hila sa 'kin sa loob ng apartment saka niya isinara ang pinto. Napabuga nalang ako ng hangin dahil malamang sa sala ako matutulog nito.
"Saan mo nga pala nakuha ang ganun kadaming pera?" Tanong ko, curious talaga ako kung saan niya nakuha yun.
Naglakad naman siya sa sala saka binuhat ang isang karton. "Sinangla ko ang relo ko." Sagot niya bago naglakad papunta sa kusina.
Hindi ako makapaniwalang sinangla niya ang mamahaling relo niya. Sinearch ko kasi yun sa google at umaabot ng 30 million ang presyo no'n. Kaya nga nasabi ko na mayaman talaga ang taong 'to.
Kipit-balikat nalang akong tumulong sa pag-aayos ng gamit kay Niko. Bahay niya ito hindi sa 'kin, siya ang nagbayad ng upa eh. Good luck sa 'kin mamayang gabi dahil sa sala ako matutulog.