CHAPTER 4

2017 Words
Chapter 4 MAAGA akong nagising para pumasok ng work. Nag-inat muna ako ng katawan ko bago ako tuluyang bumangon sa sofa. Oo, sa sofa ako natulog. Gusto pa nga sana ni Niko na siya nalang daw ang matutulog sa sofa at ako nalang daw ang sa kwarto. Hindi ako pumayag dahil nakakahiya naman sakanya. Siya na nga nagbayad ng renta tapos ako pa hihiga sa kama niya. Hindi naman makapal ang mukha ko, may hiya din akong taglay. Buti nalang talaga ang banyo ay malapit sa kusina kaya hindi ko na kailangan pumasok sa kwarto ni Niko. Kinuha ko lang ang t'walya ko at mabilis ang kilos na tinungo ang banyo. Agad akong naligo dahil ako ang opening ngayon sa trabaho ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang din ako agad sa loob ng banyo. Baka kasi biglang lumabas si Niko at makita akong nagbibihis. Hirap na hirap akong isuot ang pantalon ko dahil nasasayad sa basang sahig ng banyo kaya no choice ako na sa labas nalang suotin. Isinuot ko lang ang polo tshirt ko saka itinapis ang twalya sa beywang ko. Agad kong isinuot ang pantalon ko nang makalabas ako ng banyo. Ngunit, biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Niko. Napatigil tuloy ako sa pagsuot ng pantalon. Nag-angat ako ng tingin dahilan para magka salubong ang tingin naming dalawa na agad naman siyang nag iwas ng tingin at agad na bumalik ng kwarto at mabilis na isinara ang pinto. Napa-iling nalang ako saka mabilis na itinaas ang pantalon ko. Naglakad ako papunta sa couch para kunin ang lagayan ng mga make up ko at suklay. Inayos ko muna ang buhok ko bago ako nag simulang mag make up. Bumukas ang pintuan sa kwarto ni Niko at lumabas siya mula do'n. Dumeritso siya sa kusina kaya hindi ko nalang siya pinansin. "Kumain ka muna, bago ka pumasok sa trabaho mo." Biglang sabi niya. Agad akong napalingon kay Niko ng marinig ko ang baritonong boses niya. Hindi siya nakatingin sa 'kin dahil nag iinit siya ng tubig sa kettle. Naglagay pa siya ng dalawang baso para siguro magtimpla ng kape. Tumingin siya sa 'kin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. "Bibili lang ako ng pandesal, para makakain ka muna." Sabi niya at agad naglakad papunta sa pinto saka lumabas ng apartment. Napatayo ako sa upuan ng marinig kong kumulo na ang tubig na pinakuluan ni Niko. Hinugot ko ang saksakan no'n saka isinalin ang mainit na tubig sa dalawang tasa na hinanda ni Niko. Hinalo-halo ko ang kape ng makabalik si Niko ay may dalang pandesal. Lumapit siya sa 'kin at umupo sa katapat kong upuan. Inilapag niya ang pandesal sa mesa saka kumuha ng isa at nilagyan niya ng palaman at inabot sa 'kin. "Thank you!" Sabi ko sakanya sabay kagat ng binigay niya sa 'kin na pandesal. "Anong oras out mo mamaya?" Tanong niya sa 'kin habang nagpapalaman ulit siya. "5PM out ko mamaya. Bakit?" Kunot nuo kong tanong habang ngumunguya. "Susunduin kita mamaya." Seryoso niyang sabi. Kumunot naman lalo ang nuo ko at tumingin sakanya. "Bakit.. alam mo ba kung saang mall ako nag tra-trabaho?" Hindi naman siya naka sagot. Napaka imposible naman kasi na alam niya eh, wala nga siyang maalala sa pangalan niya or buhay niya. Kaya pano niya malalaman saan ako pumapasok eh, hindi ko pa naman siya dinala sa work ko. "Basta. Susunduin kita." Seryoso niyang sabi. Kipit balikat akong kumagat sa pandesal ko. Baka naman kasi magtatanong nalang siya sa mga trycle kung paano pumunta do'n sa mall. Inabutan ulit ako ni Niko ng tinapay na tinatanggap ko naman. Nang matapos akong kumain ay agad akong bumalik sa couch para mag ayos ng mukha ko. Naglagay lang ako ng light make up saka itinali ang buhok ko. Nang matapos na ako mag ayos ay kinuha ko ang mumurahin kong pabango saka inispray sa katawan ko. Nagulat pa ako ng pagharap ko ay nasa likod ko pala si Niko nakatingin sa 'kin. "A-ahm.. alis na ako." Nauutal kong sabi sakanya. Hindi naman siya nagsalita ngunit may inabot siyang maliit na paper bag. Tinanggap ko naman ito saka sinilip ang laman. "Baunin mo na yang pandesal. Baka magutom ka sa trabaho mo." Seryoso niyang sabi. Tumango nalang ako saka ko inilagay yun sa bag ko. Nahahalata ko talaga kay Niko na seryoso siyang tao. Hindi ko pa nga siya nakikitang tumawa or ngumiti. Kung ngumiti man ay pilit ang pinapakita. Siguro seryoso talaga siyang tao. Halata din sakanya na hindi siya palasalita. Buti nga ngayon nagsasalita siya sa 'kin, n'ong una talaga ay hindi niya ako kinakausap. Nakaupo lang siya sa gilid, kapag tinatawag ko naman na kumain ay tumatango lang siya. Para bang may iniisip siya, siguro pinipilit niyang makaalala. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon niya. Wala siya maalala kahit isa. Gusto ko sanang pumunta sa malapit na hospital dito para ipa-check up siya. Ngunit sabi naman ni Niko ay hayaan nalang daw dahil babalik naman daw ang alaala niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako sakanya dahil hindi naman ako expert sa mga ganyan. Sa tv ko lang napapanood yang mga amnesia thing na yan. Nang makalabas ako ng apartment ay agad kong tinungo ang paradahan ng trycle. Sumakay agad ako dahil kulang nalang ng isang pasahero para lumarga. Ako ang pinakahuling hinatid ni kuya dahil mga estudyante ang kasabayan ko. Pagpasok ko sa mall ay nagmamadali akong tinungo ang store. Kinuha ko ang susi na nasa bag ko para buksan ang mga lock dahil nagsisimula ng pumasok ang mga tao. Inayos ko lang ang pintuan at nag simula muna akong linisin ang paligid ng store para naman hindi madumi. Sales lady kasi ako sa isang department store, mamaya pang 2PM ang pasok ng isa kong kasama dahil siya ang closing. Maaga palang ay naka benta agad ako. Nang dumating na ang pananghalian ay inilabas ko lang ang ibinigay sa 'kin ni Niko na pandesal. Mamaya nalang ako kakain ng kanin pag out ko. Hanggang sa dumating na ang kasama ko. Maghapon akong nakatayo sa harap ng store at tumatawag ng customer. Pagdating ng 5PM ay agad akong nag out. Nagpaalam lang ako sa kasama ko na uuwi na ako. Tinungo ko muna ang banyo para mag ayos ng hitsura ko. Bawal kasi kami sa store mag ayos or mag pabango do'n dahil baka daw dumikit sa mga damit ang pabango namin. Nasa harap na ako ng salamin at naglalagay ng lipstick sa labi ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko yun kinuha sa bag ko, kumunot ang nuo ko ng makita kong unregistered number ang tumatawag. Kahit hindi ko kilala ay sinagot ko parin. "Hello," sabi ko sakabilang linya habang inaayos ang buhok ko gamit ang isa kong kamay. Tinanggal ko na kasi ang pagkakatali ng buhok ko. "Nasaan ka?" Tanong niya sa baritonong boses. Agad bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang boses niya. Hindi ko alam kung bakit, eh lagi ko naman siyang nakikita. "Niko? Ikaw ba yan?" Paninigurado ko. "Yeah." Tipid niyang sagot. "Where are you?" Tanong niya ulit. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Nasa rest room lang ako. Bakit?" "Hinihintay kita sa labas." Sagot niya agad. Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Punyemas naman kasi. May gwapong sumusundo sa 'kin, kinikilig tuloy ako. Agad akong lumabas ng rest room at tinungo ang exit ng mall. Seryoso pala talaga siya sa sinabi niya na susunduin ako. Hindi ko parin binababa ang tawag hanggang sa makalabas ako ng exit. Nakita ko agad ang napaka gwapong lalaki na nakatayo sa gilid. Agad akong lumapit at kinalabit ang pisngi niya. Lumingon naman siya sa 'kin habang nakakunot ang nuo. Ano na naman kaya problema niya. "Kanina ka pa?" Tanong ko dahil hindi na naman siya nagsasalita. "Kanina pang alas kwatro." Sagot niya sa seryosong mukha. Pinaningkitan ko siya ng mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Bakit kasi ang aga mo akong sinundo. At teka.. pano ka nag ka cellphone? At paano mo rin nalaman ang phone number ko?" Sunod-sunod kong tanong. Nakakapagtaka naman kasi. Hindi naman niya ako sinagot bagkos ay hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako hinila at nagsimula ng maglakad. Nagpatianod lang ako sakanya hanggang sa makarating kami sa harap ng restaurant. Akmang papasok si Niko ng pigilan ko siya. "Saglit, Niko.. 200 lang laman ng wallet ko. Ayaw ko makahugas ng plato pag nagkataon." Sabi ko sakanya. Seryoso naman ang mukha niya habang nakating sa 'kin. Hinila niya ulit ako papasok ng restaurant. Umirap nalang ako sa hangin dahil hindi naman nakatingin sa 'kin si Niko. Sinasabi ko talaga, kapag pinaghugas ako ng plato.. ihahampas ko sa ulo niya ang plato para maka-alala na siya. Inassist pa kami ng waiter at hinanap kami ng bakanteng table. Pinaupo ako ni Niko at siya naman ay umupo sa katapat kong upuan. Inabot samin ng waiter ang menu kaya agad kong tinanggap. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang presyo ng mga pagkain. May ginto yata ang pagkain nila dito. Maging ang mineral water nila ay 100. Ano yun.. kapag uminom ako ng mineral water may kasama yung collagen? Takte ang mahal. Inangat ko ang mukha ko para sana kausapin si Niko at sabihin na sa labas nalang kami kumain. Hanggang kwek-kwek lang ang kaya ng pera ko kaya do'n nalang. Ngunit umorder na siya habang ang waiter naman ay naglilista sa mga order ni Niko. Agad kong tinapakan ang paa niya sa ilalim ng mesa dahilan para mapatingin siya sa 'kin. Pilit naman akong ngumiti. "Doon nalang tayo sa labas kumain." Nakangiwi kong sabi habang pekeng tumatawa. Pero ang poging butchokoy na 'to ay pinagpatuloy ang pag order. Hayst.. napa sabunot nalang ako sa buhok ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Kalma Audrey, mabilis naman maghugas eh. Bulong ng isip ko. Umalis ang waiter dala ang order namin. Agad kong kinalabit si Niko na naka harap sa cellphone niya. Tumingin naman siya sa 'kin saka bumuntong hininga. "Ako magbabayad. Okay?" Inis niyang sabi sa 'kin. Siya naman pala magbabayad. Eh, kung sinabi niya sana ng mas maaga, eh hindi sana ako parang tanga na hindi mapakali dito sa upuan. First time kung kumain sa mamahaling restaurant kaya kinakabahan ako. Kinakabahan nga ako kapag umo-order ako sa fast food eh, pano nalang kaya sa ganito ka kagandang restaurant. Halata din ang mga kumakain dito ay mga mayayaman. Tinitigan ko si Niko na tahimik lang habang nakatuon ang mga mata niya sa cellphone niya. Paano kaya niya nalaman ang number ko? Hindi ko talaga siya maintindihan. Nahihirapan akong intindihin siya, lalo na ang mga kilos niya. Feeling ko wala siyang amnesia, pero sabi naman niya wala siyang maalala at bigla-bigla din sumasakit ang ulo niya. Pati tuloy ako ay sumasakit ang ulo ko sakanya. Pinagtataka ko lang, wala man lang nag post sa social media na may nawawalang kamag-anak. Kung may pamilya si Niko ay malamang hinahanap na nila ito pero wala. Wala akong mahanap sa social media na may naghahanap ng nawawala. Dumating ang mga order namin, sobrang dami ng pagkain, halos maglaway ako dahil mukhang masasarap lahat. Hindi na ako nagsalita at mabilis akong kumain. "Salamat sa pagkain." Sabi ko kay Niko habang ngumunguya. Nakatitig naman siya sa 'kin saka inabot ang mukha ko. Napatigil ako sa pag nguya ng maramdaman ko ang daliri niya sa pisngi ko. "Dahan dahan lang sa pag nguya." Seryoso niyang sabi. Agad kong tinabig ang kamay niya dahil biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Tumatawa naman akong inabot ang tissue paper saka pinunasan ang gilid ng labi ko. "Ang sarap kasi ng pagkain." Sabi ko saka bumalik ulit sa pag subo. Kumain narin naman siya. Grabe ang sasarap ng pagkain. Tuwang tuwa ang tummy ko nito, sisiguraduhin kong magpapakabusog ako dahil ang mahal pa naman ng pagkain nila. Uubusin ko lahat ng inorder ni Niko para walang sayang. Mabagal naman kumain si Niko, halata talagang mayaman siya sa galaw palang niya. Hindi katulad sa 'kin na laki sa kanto, kung gumalaw nga ako ay parang hindi babae. Salamat kay Niko, na experience kung kumain sa mamahaling restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD