CHAPTER 5

1844 Words
Chapter 5 MAAGA AKONG umalis sa apartment para pumasok sa trabaho ko. Hindi na ako nakapag paalam kay Niko dahil tulog pa naman ito kanina. Naglagay lang ako ng note sa mesa para alam niyang pumasok ako ng maaga. Saktong pagkarating ko sa mall ay saktong bukas narin ng mall. Nagmamadali akong pumasok para hindi ako malate dahil kakaltasan ang sahod ko kapag na late ako ng five minutes. Nag time-in lang ako saka ko binuksan ang lock ng tindahan. Inayos ko lang ang mga paninda saka ako naka ngiting lumabas para humarap sa mga tao. Talent naming mga sales lady ang naka plastar na ngiti sa aming mga labi. Nagsimula ng may pumasok sa store namin. Nag a-assist lang ako ng mga customer hanggang sa dumating ang kasama ko, kasama din niyang dumating ang manager ng store. Nagtataka ako kung bakit nandito ang manager. Ang alam ko kasi ay sa isang buwan pa ang dalaw niya dito sa store. Agad akong lumapit sa kasama ko para sumagap ng chismis. "Ate.. bakit nandito si manager?" Tanong ko sakanya. Bumuga naman siya ng hangin bago humarap sa 'kin. "Pano naman kasi.. ilalagay niya ako sa ibang store. Mas malayo yun kaysa sa tinitirhan ko." Sagot niya sa malungkot na boses. "Huh? Bakit naman? rotation na ba?" Takang tanong ko. Mamaya pati pala ako ay ililipat, eh 'di na lugi ako sa pamasahe pag nagkataon, isama pa ang pagod sa byahe. "Ang sabi, may bagong hire daw. Dito daw ilalagay." Walang buhay na sabi ni ate Tess. "Pati ba ako ate ililipat?" Tanong ko. Kailangan kong manigurado at baka magulat nalang ako, ang layo pala ng paglilipatan ko. "Hindi yata beh! Ikaw yata ang mag tra-training sa bagong hire." Sagot ni ate agad. Nalulungkot naman akong nakatingin kay ate Tess. Matagal ko narin kasi siyang kasama sa store tapos ngayon, ililipat siya. Hindi na pala siya mag du-duty ngayon. May kinukuha lang silang items ng manager para dalhin sa isang store. Habang ang manager naman ay nasa labas, hinihintay yata ang bagong hire. Ayos din 'tong bagong hire, siya pa hinihintay ng manager. Ang kupal naman yata. Sana lang talaga.. hindi tamad ang magiging ka partner ko dito sa store, kundi titirisin ko talaga siya. Tinulungan ko na si ate Tess maglagay ng mga items sa malaking supot. Napansin ko naman ang manager na may kausap sa labas ngunit hindi ko makita kung sino. Pinagdadasal ko nalang talaga na hindi lalaki para hindi ako mailang. Nong una kasing hire ako dito ay lalaki ang kasama ko sa store, at ang gago niligawan pa ako kaya ilang na ilang ako no'n kapag pumapasok na ako ng trabaho. Buti nalang talaga ay nilipat ako sa ibang lugar kaya nakasama ko si ate Tess. Napatigil kami ni ate Tess nang makita naming pumasok ng store ang manager. "Audrey, ikaw na bahala mag training sa bagong hire. Ituro mo sakanya lahat ng natutunan mo at pagkatapos no'n ay bigyan mo ako ng feedbacks sa mga galaw niya." Seryosong sabi ng manager sa 'kin. "Okay po sir." Sagot ko agad. Palinga-linga ako sa labas para makita ang bagong hire, nang hindi ko siya makita ay tumingin ako kay manager. "Sir, nasaan po ang bagong hire?" Magalang kong tanong. Hindi pa nakakasagot si manager ng may pumasok sa loob ng store. "Oh, There he is. I want you to meet, Niko Vargas. Magka apelydo pa talaga kayo." Nakangiting sabi ni manager. Nanlaki naman ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaki na seryosong nakatingin sa 'kin. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses dahil hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko. Nabalik lang ang diwa ko ng may sumundot sa tagiliran ko, si ate Tess pala. "Good luck, beh. Ang pogi ni kuya." Kinikilig niyang sabi. Inirapan ko nalang si ate Tess, kinkilig pa siya eh may asawa't anak naman na siya. Nagpaalam lang ang manager samin at si ate Tess na at agad na lumabas ng store. Agad akong lumapit sa nakatayong si Niko at mahinang hinampas ang balikat niya. "Aray! Para saan yun?!" Tanong niya sabay himas sa balikat na pinalo ko. "Bakit ka nandito ha? Ano na naman trip mo sa buhay?" Inis kong tanong sakanya. "Bakit bawal ba ako magtrabaho?" Masungit niyang tanong sa 'kin. "Bakit ka pumasok rito, eh alam mo namang maluwag ang turnelyo mo sa utak." Sabi ko kaya agad niya akong tinignan ng masama. "Este, may amnesia ka. Dapat nasa bahay kalang at nagpapahinga." Naka pameywang kong sabi. "Turuan mo na ako." Pag-iiba niya ng usapan. Napabuga nalang ako ng hangin saka naglakad patungo sa counter. Good luck sa 'kin, sana lang ay makinig siya sa 'kin. Halata naman kasing trip niya lang mag aplay dito ng trabaho. Ang sarap niyang pektusan sa mata. Dumating ang hapon at stress na stress ako. Paano ba naman kasi.. hindi ako tinutulungan ni Niko. Nakaupo lang siya sa gilid at tahimik na kumakain ng tacos. Kanina pa ako naiinis sakanya dahil imbis na mapa gaan ang trabaho ko ay mas lalo lang lumalala. Hindi ko yata kaya kung siya ang kasama ko. Mauubos ang dugo ko sa ulo dahil sakanya. Pagdating ng gabi ay mas lalo lang dumami ang customer. Siguro ay galing ang mga ito sa work at dumeritso lang dito sa mall para mawala ang stress. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko si Niko na tinutulungan akong magbalot ng mga pinamili ng mga customer. Ako ang nasa cashier habang siya naman ay taga supot ng mga damit. Hanggang sa dumating na ang 9:00PM ay agad ko ng binilang ang pera sa kaha para makauwi na kami ni Niko. Nang matapos kami ay tinulungan ako ni Niko magsara ng store. Pagod akong naglalakad palabas ng mall. Nasa gilid ko naman si Niko na tahimik din na naglalakad. "Hindi naman pala nakakapagod ang trabaho mo." Sabi niya sa 'kin na ikinalingon ko sakanya. Pinaningkitan ko naman siya ng dalawa kong mata. "Pano ka mapapagod, eh wala ka namang ginawa kundi kumain sa gilid." Inis kong sabi sakanya. Tumawa naman siya ng mahina bago lumingon sa 'kin. "Nagutom ako eh," sagot niya. Inirapan ko nalang siya saka mabilis naglakad palabas ng mall. Bahala siya sa buhay niya, stress lang inabot ko sakanya ngayong araw. "Wait, Audrey," pagpipigil niya sa 'kin sabay hawak sa balikat ko. Sinimangutan ko naman siya ng makalingon ako. "Bakit ba?" Tanong ko sakanya. Hindi naman siya sumagot ngunit bumaba ang tingin niya sa pantalon ko. "Ano? Naiirita na ako sa'yo, Niko." Inis kong sabi. "May stain ang pants mo." Sabi niya sabay nag iwas ng tingin sa 'kin. Naguguluhan naman akong tumingin sa likod ng pantalon ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong may tagos ako. Naka white pants pa naman ako kaya kitang-kita. "Teka.. anong gagawin ko." Nagpa-panic kong sabi. Palinga-linga pa ako sa paligid para tignan kung marami pa bang tao sa mall. Wala pa naman akong dalang jacket kay mas lalo lang ako na stress. Napatingin ako kay Niko ng hawakan niya ang dalawa kong balikat at pinatalikod sa gawi niya. "Relax," bulong niya sa teynga ko. "Sabayan mo lang ang lakad ko," sabi niya at agad akong tinulak ng mahina. Wala na akong nagawa ng mag simulang maglakad si Niko. Dahan dahan lang kaming naglalakad. Hindi pinapahalata na may tinatago kami sa likod. Hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng mall. Agad naman nag tawag si Niko ng trycle. Akmang hahakbang na sana ako ng mabilis akong binuhat ni Niko. "Ibaba mo nga ako, Niko." Saway ko sakanya. Hindi naman siya nakinig at mabilis siyang naglakad saka ako pinaupo sa loob ng trycle. Pumasok din siya at umupo sa tabi ko. Sinabi ko nalang sa driver kung saan kami baba. Kainis, basang-basa na ang pantalon ko dahil sa tagos ko, nanlalagkit na talaga ako. Nagulat naman ako ng inilagay ni Niko ang isa niyang kamay sa tyan ko. "Masakit ba ang puson mo? Gusto mo ba ng chocolates? Milk tea? pizza? or donuts?" Sunod-sunod niyang tanong. Napakurap-kurap naman ako sa tanong niya, natakam naman ako sa mga sinabi niya kaya agad akong sumagot. "Pwede bang both," naka ngiwi kong sagot. "Sure, bibilhan kita." Sagot niya agad. Kinausap naman ni Niko ang driver ng trycle. Pagdating sa bahay ay agad kong nilantakan ang binili ni Niko. May mga binili din siyang sanitary pad. Hinahanap ko nga siya dahil hindi ko siya makita. Kumagat nalang ako sa binili niyang turks. Napapikit nalang ako ng sumabog sa bibig ko ang sarap. "Here, drink your milk, para mainitan ang tyan mo." Biglang sulpot ni Niko sa gilid ko. May dala siyang mug saka inilapag sa mesa. Napangiwi nalang ako ng makita ko ang milk na binigay niya. Hindi naman kasi ako umiinom ng milk, mas gusto ko ang black coffee. Walang choice ako kundi inumin ang gatas na tinimpla niya. "Gusto mo?" Alok ko sabay lapit ng turks na hawak ko. Tumingin naman siya sa 'kin hanggang sa bumaba ang mata niya sa hawak kong pagkain. Inilapit niya ang mukha niya at agad na kumagat sa pagkain ko. "Hindi siya masarap," naka simangot niyang sabi habang ngumunguya. Kumunot naman ang nuo ko habang nakatingin sakanya. "Masarap naman ah," Umiling naman siya habang nakatingin sa 'kin. "Kumagat ka." Utos niya sa 'kin. Naguguluhan naman akong sumunod sa utos niya. Agad akong kumagat sa turks, akmang magsasalita na sana ako ng mabilis na inilapit ni Niko ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko nasundan ang ginawa niya. Ang alam ko lang ay magkadikit ang mga labi namin, naka pikit ang mga mata niya habang ako naman ay naka dilat. Agad naman niyang hiniwalay ang mukha niya sa mukha ko. Napakurap kurap ako ng ilang beses, nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi ako agad nakapag react. "Mas masarap kapag galing sa labi mo," seryoso niyang sabi. Doon lang ako natauhan sa nangyari, agad akong umiwas ng tingin sabay kuha ng mug at agad na uminom. "Aray!" Daing ko dahil napaso ang dila ko. Putcha! Katangahan naman kasi. "Are you okay? Let me see," sabi ni Niko sabay hawak sa magkabilang pisngi ko at pilit na binubuksan ang bibig ko. Inilabas ko naman ang dila ko habang si Niko ay tinitignan ito ng mabuti. Ngunit, nanlaki ang mga mata ko ng ilabas niya ang dila niya at dinilaan ang dila ko. Mabilis naman niyang sinipsip ang dila ko dahilan para mapaungol ako sa loob ng bibig niya. Napapikit nalang ako at napakapit sa leeg ni Niko para kumuha ng supporta. Sinusundan ko lang ang galaw ng dila niya na parang may hinahanap sa loob ng bibig ko. "Ayyy.." Sigaw ko ng malaglag ako sa kinauupuan ko. "Are you okay?" Tanong niya sa nag-aalalang boses. Uminit ang pisngi ko habang umiiling sakanya at agad na tumakbo papunta sa banyo. Agad kong ni lock ang pinto ng makapasok ako sa loob ng banyo. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa nangyari kanina. Doon lang nag sink in sa isip ko ang nangyari. Napatampal nalang ako sa nuo ko habang inaalala ang nangyari kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD