CHAPTER 6

1904 Words
Chapter 6 HINDI KO ALAM kung paano ko haharapin si Niko sa nangyari kagabi. Nang makalabas nga ako sa banyo ay hindi ako bumalik sa sala. Sa kusina ako tumambay, hinihintay ko na makapasok siya sa kwarto niya. Buti nalang talaga ay hindi siya sumunod sa 'kin sa kusina. Nagmamadali akong nagbihis para maka alis na sa bahay. Ayaw kung makasabay si Niko papasok ng trabaho. Nakakainis kasi, iniiwasan ko siya sa bahay tapos kasama ko naman siya sa trabaho. Agad akong lumabas ng apartment, hindi na ako nag paalam kay Niko. Naglalakad ako papunta sa paradahan ng trycle ng may humawak sa kamay ko. "Ayy kabayo!" Sigaw ko sa sobrang gulat. Magugulatin pa naman ako kaya talagang napapasigaw ako. Nilingon ko ang lapastangang humawak sa kamay ko para sana sapakin ng makita ko kung sino. Si Niko. Nanlaki ang mga mata ko at agad na ibinaba ang isang kamay ko na handa na sanang manapak. "Bakit ka ba nanggugulat? Buti nalang hindi kita nasuntok." Naka simangot kong sabi. Tinaasan naman niya ako ng isa niyang kilay kaya mahina akong natawa. "Bakit ka natatawa?" Tanong niya habang seryosong nakatingin sa 'kin. Tumigil naman ako sa pagtawa saka nagsalita. "Para ka kasing bakla," natatawa kong sabi. "Bakla? Gusto mong umungol?" Seryoso niyang tanong sa 'kin. Agad ko naman tinakpan ang bibig niya ng may dumaan na mga estudyante sa gilid namin Agad ko namang inalis ang palad ko sa bibig niya ng maramdaman kong dinilaan niya ang palad ko. Pinukol ko siya ng masamang tingin at agad ko siyang tinalikuran. Ang init ng magkabilaang pisngi ko ng maalala ko ang sinabi niya. Ako uungol? Hmmp.. Pumasok ako sa loob ng trycle at agad na inabot kay manong driver ang pamasahe ko. Hindi pa naman aalis 'to kasi kulang pa ng pasahero. Agad nanlaki ang mata ko ng pumasok si Niko sa loob ng trycle saka ibinigay kay kuya driver ang pamasahe niya. Nakatitig naman siya sa 'kin kaya napalunok ako ng ilang beses. "Gusto mo yatang masipsip ang dila mo ulit kaya sinabihan mo ako ng bakla," pilyo niyang sabi. Inirapan ko siya saka tinulak ang mukha niya. "Tumigil ka nga, itutulak talaga kita palabas ng trycle." Pananakot ko sakanya. Inilabas naman niya ang dila niya at agad na dinilaan ang gilid ng labi ko. Nanlaki ang mata ko at mabilis na tinulak ulit ang mukha niya. Palinga-linga ako sa paligid at baka may naka kita samin. "Hindi kana nakakatuwa Niko ha!" Seryoso kong sabi. "Bakit mo ko iniiwasan?" Tanong niya sa 'kin. Napakaseryoso ng mukha niya. Wala na ang pilyo niyang mukha kanina. "Iniiwasan? Hindi ah— "Sinungaling. Umalis ka sa bahay na hindi ako kasabay, kahit alam mo naman na do'n din ang punta ko." Sabi niya. "Malay ko ba. Akala ko kasi tulog ka pa kaya hindi na ako kumatok." Sagot ko at agad na umiwas ng tingin. Mahirap na baka mabasa niya sa mukha ko na nag sisinungaling ako. "Talaga lang ha!" Bulong niya. "Talaga." Sagot ko naman sabay irap sakanya. "Maduling ka sana kakairap sa 'kin." Sabi niya at agad na tumingin sa labas. Sumimangot naman ako at hindi na siya sinagot. Mauntog ka sana kapag naka daan tayo sa humps. Natatawa kong sabi sa isipan ko. Matangkad kasi si Niko. Nakayuko nga siya habang nakaupo sa tabi ko dahil talagang mauuntog siya pag nagkataon. Tatawa talaga ako bali one forth kapag na untog siya. Nang maging kompleto na ang pasahero ni manong ay agad niyang pinaandar ang trycle. Tahimik lang ako habang si Niko naman ay nakatingin sa labas. Malakas akong natawa ng mauntog ito dahil sa biglang pag daan ni kuya sa humps. Tinignan naman niya ako ng masama habang hinihimas niya ang na untog niyang ulo. Binelatan ko siya at agad na umiwas ng tingin. "Pano nga ulit yung pag dila?" Biglang tanong niya sa 'kin. Ako naman na uto-uto ay dinilaan siya ulit. Nanlaki ang mata ko ng mabilis na hinuli ni Niko ang dila ko. Sinipsip pa niya ito at agad akong hinalikan sa labi. Natulos yata ako sa kinauupuan ko ng marealize ko na naghahalikan kami ni Niko. Napapikit nalang ako habang sinusundan ang galaw ng labi ni Niko. "Ehem.." Agad kong tinulak si Niko ng marinig ko ang boses ni manong. Napayuko nalang ako sa sobrang hiya na nararamdaman ko. Inilagay ko ang dalawa kong palad sa magkabilang pisngi ko saka mahinang sinampal ang mukha ko. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Niko kaya agad ko siyang pinukol ng masamang tingin. Ang gagong 'to, nagawa pang tumawa. Nahihiya na nga ako kay manong driver. Nang makarating kami sa harap ng mall ay agad kong tinulak si Niko at agad na lumabas ng trycle. Naramadaman ko pa ang pagkaka untog ko pero hindi ko na yun ininda. Ayaw kong makita si manong driver na nakita kami ni Niko na naghahalikan. Tumatakbo ako patungo sa entrance ng mall, pinakita ko lang sa guard ang id ko at agad na tumakbo papasok. Naisipan ko na muna pumasok sa restroom. Nang makapasok ako sa restroom ay agad akong napatitig sa mukha ko mula sa salamin. Kahit hindi ako naka blush-on ay namumula ang mukha ko. Hindi ko tuloy alam kung papasok ba ako o hindi. Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Nang maramdaman ko ng ayos na ako ay agad akong lumabas ng restroom. Kahit ayaw kong pumasok ay no choice ako, sayang din ang araw na kikitain ko. Bagsak ang balikat ko habang naglalakad papaunta sa store. Naka bukas na ang store kaya agad akong pumasok, napansin ko naman si Niko na nag wawalis sa gilid. Hindi ko nalang siya pinansin at agad na nilagay ang bag ko sa lagayan ng mga gamit namin. Kinuha ko ang malinis na punas at nag simula ng maglinis sa paligid. Naka nguso akong nag pupunas habang iniisip ang nangyari na naman kanina. "Bakit ka naka nguso? Gusto mo ba ulit halikan ko yan?" Biglang tanong ni Niko. Muntik kong mabitawan ang hawak kong punas ng marinig ko ang sinabi niya. Napa atras ako ng ilang hakbang bago nag salita. "Lumayo ka nga sa 'kin." Seryoso kong sabi. Nagtaas ako ng tingin sabay turo ng cctv na nasa harap ng kahera. "Gusto mo bang makita ka na nilalandi ako ha?!" Naka pameywang kong sabi sabay turo sa cctv. "Sinong tinakot mo dyan sa cctv na yan. Siraan ko yan eh," bulong niya kahit dinig na dinig ko naman. Hindi nalang ako nagsalita at agad umalis. Kung kinakailangan ay ako na ang iiwas kay Niko. Ano ba kasing trip niya sa buhay at ginagawa niya ito sa 'kin. Sumasakit tuloy ang ulo ko, umagang-umaga palang ay stress na ako. Lumabas ako ng store at nag tawag ng customer. Si Niko ang naka toka ngayon sa kaha kaya ako ang taga tawag at mag aassit ng mga customer. Tinutulungan ko lang ang babaeng customer na nagsusukat, sinasabihan ko pa na bagay sakanya ang dress para magka benta pa kami. Napadako naman ang tingin ko kay Niko na mataman lang na nakatingin sa 'kin kaya tinaasan ko siya ng isa kong kilay. Ngumuso naman siya sa 'kin na para akong hinahalikan kaya agad akong umiwas ng tingin. Naka ngiti akong tumingin sa customer, hindi ko nalang pinapansin si Niko at baka masakal ko lang siya ng tuluyan. Nakahinga ako ng maluwag nang lahat ng sinukat ng customer ay binili niya. Hinatid ko ang babae sa may counter, agad naman siyang inassist ni Niko. Naglakad ako sa pintuan ng store ng makitang may pumasok na dalawang babae. "Good morning po, Ma'am. Welcome to Deborah's boutique." Nakangiti kong bati pero ang mga letcheng 'to ay panay pa cute kay Niko. Sila yung nakatayo kanina pa sa labas ng store namin. Mukhang target lock nila si Niko. Napa-irap nalang ako ng makita ang babae na may pahampas-hampas pa sa kasama niya na akala mo ay bulate na nalagyan ng asin sa sobrang kilig kay Niko. Sess, kung pwede lang si Niko na lang ang bilhin nila para mawala na siya sa landas ko. Tumayo nalang ako malapit sa pinto at pinagmamasdan ang dalawang babae na kunwaring namimili ng damit. Hindi ko nalang sila nilapitan dahil halatang nagpapa-cute lang naman ang mga 'to kay Niko. Dumaan ang inassist ko kanina na bumili ng damit kaya agad akong yumukod para magpasalamat. Tumingin ako sa dalawang babae na nag susukat ng damit sa harap ng salamin. Napa-irap nalang ako saka tumingin kay Niko na nakangiti habang nakatingin sa 'kin. Sa sobrang inis ko ay itinaas ko ang kaliwa kong kamay at ipinakita ko ang gitnang daliri ko, malakas naman siyang tumawa dahilan para lumingon ang dalawang babae na tuwang-tuwa ng makita nila ang pagtawa ni Niko. "Later," naka ngising sabi ni Niko sa 'kin. Pinandilatan ko siya ng mata ko at agad na tumalikod. "Ahm, Miss, may ibang size ba kayo nito?" Maarteng tanong babae kaya lumingon ako sa gawi nila. Nakita ko pang hinawi niya ang buhok niya at nag iinarte. Napipilitan naman akong lumapit at tinignan ang hawak niyang blouse. "Anong size po ba Ma'am?" Magiliw kong tanong. "Size large sana." Sagot niya agad. Agad naman akong naglakad palapit sa stocks namin at nag halungkat do'n. Tinignan ko pa ang inventory kung nandoon ang hinahanap ko, ngunit wala do'n. Napapikit nalang ako at agad na tumayo saka naglakad patungo sa counter, nandoon kasi sa ilalim ang ibang stocks. Nakatingin naman sa 'kin si Niko na hindi ko nalang pinansin. Yumuko ako habang hinahanap ang size na large. Seryoso akong naghahanap ng makita kong sinadyang nilaglag ni Niko ang hawak niyang ballpen. Akmang pupulutin ko na sana para iabot sakanya ng bigla siyang yumuko at agad akong hinalikan sa labi. Napakurap kurap ako ng ilang beses at napag tanto ang ginagawa niya. Napasinghap ako ng mahinang kinagat ni Niko ang ibaba kong labi dahilan para maipasok niya agad ang dila niya sa loob ko. "Uhmmm.." napaungol ako sa loob ng bibig ni Niko, napahawak ako sa balikat niya para kumuha ng supporta. "Miss.." Agad kong tinulak si Niko ng marinig ko ang boses ng babae. Naka ngisi namang nakatingin sa 'kin si Niko at agad na tumayo ito. Nakatulala naman ako na parang nawawala sa sarili. Naramdaman ko naman na pinitik ni Niko ang nuo ko dahilan para mabalik ako sa katinuan. Agad akong tumayo at nagmamadaling lumapit sa babae, muntik pa akong matisod sa kakamadali ko. "Ma'am, wala na po palang stocks." Seryoso kong sabi sabay yuko. "Ayos ka lang ba miss?" Tanong niya sa 'kin. Nag angat naman ako ng tingin sa dalawang babae at agad tumango. "Yes Ma'am, ayos lang po ako." Sagot ko habang pilit na nakangiti sa harap nila. "Kasi.. kumalat ang lipstick mo sa labi, ayos ka lang ba?" Sabi ng isa niyang kasama. Nanlaki naman ang mata ko at agad na lumapit sa salamin. Napa pikit nalang ako sa inis na nararamdaman ko at pilit na pinapatay si Niko sa isipan ko. "Ah, eh.. kasi nasubsob ako kanina sa paghahanap ng stocks," tumatawa kong sabi sa dalawang babae sabay punas ng lipstick na kumalat sa labi ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil naniwala naman ang dalawa. Umalis ang dalawang babae dahil wala naman ang hinahanap nilang size. Agad kong nilingon si Niko saka masama siyang tinignan. Iumpog ko kaya ang ulo niya sa mesa para bumalik na alaala niya para maka uwi na siya sakanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD