CHAPTER 15

2005 Words
Chapter 15 ONE WEEK ang nakalipas ng mangyari ang birthday party na pinuntahan namin ni Reagan. Pero, hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang mga sinabi ni Kaede n'ong gabing yun. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun kaya talagang nasaktan ako. Mabuti nalang at pinag tanggol ako ni Reagan n'ong gabing yun. Baka iyak lang ang gagawin ko kung ako lang mag-isa. Paalis na ako sa apartment ko para pumasok sa trabaho. Pang closing ang schedule ko kaya tanghali na ang pasok ko. Naglalakad ako palabas ng kanto namin para maghanap ng trycle. Medyo matagal ako nakasakay dahil walang naka pilang mga trycle. Mabuti nalang at hindi ako na late kundi babawasan ang sahod ko. Naglalakad na ako papasok ng mall at mabilis tinungo ang store na pinapasukan ko. Ngunit agad akong napa atras ng makita ko ang familiar na babae. Agad akong nagtago sa gilid saka ako sumilip ulit. Ano naman kayang ginagawa ni Jasmine dito sa store? Tanong ko nalang sa sarili ko. Pinagmamasdan ko lang ang babae na maarteng pumipili ng damit habang ina-assist ng kasama ko. Hindi ko tuloy alam kung papasok ba ako o hindi. Baka kasi pinuntahan niya ako dito sa store pero pwede ding nagkataon lang. Pero.. kasi, halata namang hindi niya gusto ang mga tinitinda naming brand. Sosyal siya manamit kaya alam kung hindi pasok sakanya ang design ng mga binebenta namin. Napatingin ako sa relo na nasa pulsuhan ko at agad napa buntong hininga, five minutes nalang at kailangan ko ng mag in. Wala akong choice kundi pumasok sa loob. Huminga muna ako ng malalim saka ako naglakad papasok sa store. Napangiti agad ang kasama ko ng makita ako sabay senyas sa 'kin na maarte ang customer. Mahina akong natawa at agad na inilapag ang bag ko sa maliit naming aparador na nasa gilid lang ng pinto. Kinakabahan naman ako ng magkasalubong ang tingin namin ni Jasmine. Ngumiti siya sa 'kin na nakakaloko kaya mas lalo akong kinilabutan. "Hi!" Bati niya sa 'kin. Magiliw parin akong ngumiti dahil customer namin siya. Baka pag hindi ako ngumiti at nag suplada sakanya ay baka magreklamo pa ito sa manager ko. "Hello po, Ma'am." Bati ko sabay yukod sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay saka may kinuhang damit na naka display at tinawag ako gamit lang ang kamay niya. Napabuntong hininga ako saka ako lumapit sa babae. "May XS ba nito?" Tanong niya sa maarteng boses habang ang kamay niya maarteng hinawakan ang damit. "Ahm, meron pa po yata, Ma'am. Check ko lang po stocks namin." Naka ngiti kong saad at agad na umalis sa harap niya. Lumapit ako sa malaking lagayan namin na stock na katabi ng counter at agad hinanap ang katulad na damit na tinatanong niya. "Ang bagal mo namang kumilos." Dinig kong sabi niya sa 'kin. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang paghahanap. Pawis akong tumayo at kinuha ang XS na blouse at agad na lumapit kay Jasmine. "Ito po, Ma'am. Pasensya na po kung natagalan." Sabi ko. Hindi naman niya inabot ang damit na inaabot ko sakanya. "I change my mind. I want small size na. Go! Hanapan mo ko." Utos niya habang naka ngisi sa 'kin. Bwesit na babaeng 'to. Mukhang anghel pero demonyeta. Bagay na bagay talaga sila ni Kaede. Mga kampon ni satanas ang ugali. Bumalik ako sa lagayan ng stocks namin saka hinanap na naman ang small size. Kakapasok ko palang sa duty pero mukha na akong pauwi dahil sa hitsura ko. Tagaktak ang pawis ko na bumalik sa demonyetang babae na pumipili ng damit sa rack. Agad naman niyang hinagis sa 'kin ang damit na napili niya ng makalapit ako sakanya. Tumama pa sa mukha ko ang kahoy na hanger kaya agad akong napa ngiwi. "Excuse me po, hindi naman po tama ang ginagawa mo sa kasama ko." Saad ng kasama ko kay Jasmine. Tumigil siya sa pagpili ng damit saka nilingon ang kasama ko na hindi na yata naka tiis sa ginagawa sa 'kin ni Jasmine. Hinulog ni Jasmine ang mga damit sa sahig kaya sabay kaming napatingin do'n ng kasama ko. "Why? May reklamo ka?" Naka taas na kilay niyang sabi saka nilapitan ang kasama ko sabay duro nito sa nuo niya kaya napa atras ang kasama ko. Mas matangkad kasi si Jasmine samin dahil model 'to at talagang naka high heels pa. "Kilalanin mo ang binabangga mo ha!" Sigaw ni Jasmine sa kasama ko sabay duro ulit sa nuo ng kasama ko. Agad akong lumapit saka hinawakan ang kamay ni Jasmine. "Tumigil ka na!" Pag pipigil ko sakanya kaya agad siyang bumaling sa 'kin. "Gusto mo yatang matanggal sa trabaho?" Naka taas na kilay niyang sabi kaya agad kong binitawan ang kamay niya. Akmang magsasalita pa sana siya ng may narinig kaming boses dahilan para mapalingon kaming tatlo sa may pintuan. Agad akong napa-iwas ng tingin ng magkasalubong ang tingin naming dalawa ni Kaede. Maarte namang umiyak si Jasmine sa harap namin ng kasama ko at agad na lumapit kay Kaede. "Pinagtutulungan nila ako babe." Umiiyak niyang sabi kay Kaede sabay turo samin. "Gusto ko lang namang bumili ng damit pero ayaw nilang makinig sa sinasabi ko. I want XS size, pero nagalit sila ng utusan kong hanapan nila ako ng xs." Maarte niyang sabi na may paiiyak-iyak pa. Ang sarap hampasin ng tabo sa bumbunan. "Acting spoiled brat again, Jasmine." Malamig na sabi ni Kaede sa babae kaya napatigil ito sa pag-iyak. Hindi ako makapaniwala na sinabi yun ni Kaede sakanya. Gusto ko tuloy tumawa. "Stop acting like that. Kanina pa kita pinapanood na pinapahirapan ang dalawang sales lady dito." Malamig na sabi ni Kaede saka tumingin sa 'kin. "Really, Kaede? Kinakampihan mo ang mga walang kwentang yan kaysa sakin na fiancè mo?" Tanong niya sabay turo samin. Hindi naman sumagot si Kaede na nakatitig lang sa 'kin. Hindi ako nagpatalo sakanya kaya sinalubong ko ang mga tingin niya. Ayaw kong makita niya na may epekto pa sa 'kin ang presensya niya. Ilang minuto kaming magkatitigan saka ito nag iwas ng tingin saka tumalikod. "Let's go, Jasmine. I want to go home." Saad niya saka naglakad palayo. Lumingon naman ang malditang babae samin na lumaki ang mata na halos lumabas na sa galit niya samin. "Babalikan ko kayo!" Galit niyang sabi at agad na umalis. Napabuga ako ng hangin saka kami nagkatiniginan ng kasama ko. "Napaka salbahe ng babaeng yun. Porke't mayaman ay ganon nalang tayo kung tratuhin." Saad ng kasama ko saka pinulot ang mga damit na hinulog ni Jasmine sa sahig. "Hayaan mo na yung impaktang yun," saad ko sa kasama ko. Tinulungan ko siyang pulutin ang mga damit saka pinagpag ito para matanggal ang dumi. Kukulamin ko talaga ang babaeng yun kapag tinanggal kami ng boss ko. Babaliin ko talaga leeg niya saka ililipat ang mukha niya sa likod para magtanda. Nag aalala naman ang kasama ko at baka magsumbong daw si Jasmine sa manager namin at baka bigla kaming tanggalin sa trabaho. Kaya hindi siya mapakali lalo na't may isa siyang anak na binubuhay. Single mom kasi siya kaya hindi siya pwedeng matanggal sa trabaho. Bwesit kasi 'tong Jasmine na 'to. Ako lang naman ang pakay niya, dito pa talaga nag hasik ng lagim sa store. Pwede naman sanang abangan nalang niya ako sa labas para masuntok ko mukha niya. Ilang oras lang ang nagdaan at hindi nga kami nagkamali. Tumawag ang manager namin at naka tanggap daw ito ng report. Hinihintay namin ang manager na dumating dito sa store dahil kakausapin daw niya kami ng personal. Halos maiyak ang kasama ko ng malaman niya yun. Napabuntong hininga nalang ako sabay hilot sa sentido ko. Nadamay pa tuloy ang kasama ko kahit wala naman itong kinalaman. Nang dumating ang manager ay agad siyang pumasok sa store. "Ano ba talaga nangyari?" Malumanay na tanong ng manager samin. "Tumawag sa 'kin si boss at may tumawag daw sakanya at sinabing kinawawa niyo daw ang customer at hindi pinansin kahit bumibili lang naman daw siya. At ikaw, Audrey." saad niya sabay turo sa 'kin. "Dinuro-duro mo daw siya sa nuo at sinisigawan." Saad ni manager. "Hindi po totoo yun, sir." Pagtatanggol ng kasama ko sa 'kin. Kahit anong gawin naming explain, malamang hindi kami paniniwalaan lalo na't hindi pa nakakabit ang mga cctv dito sa store dahil nga sa bago palang bukas ito. Bumuntong hininga naman si manager saka hinilot ang sintido niya. "Alam ko yun, alam kung hindi niyo magagawa yun. Ngunit mismong may-ari na ng store ang nag utos sa 'kin. Kung ako lang ay papanigan ko kayo. Pero hamak na manager lang din naman ako. Kapag hindi ko naman sinunod si boss baka pati ako ay tanggalin din niya." Mahabang saad ni manager. Talagang legwat na talaga kami ng kasama ko kaya napa-iyak ang kasama ko. "Ako po talaga may kasalanan, sir. Kaya ako lang po ang tanggalin niyo." Pag-aako ko kaya napalingon sa 'kin ang kasama ko. Ngumiti ako sakanya para sabihing ayos lang ako. "Ako po talaga ang umaway sa babae. Pasensya na po talaga." Saad ko sabay yukod kay manager. "Alam kung inaako mo lang 'to, Audrey. Kilala kita, matagal ka ng nag tra-trabaho sa store na 'to kaya alam kung hindi mo magagawa yun. Pero hanga ako sa pinapakita mo. Kaya mong akuin kahit wala ka naman talagang kasalanan. Pero.. talagang may mga spoiled brat na gumagawa ng kwento para lang manira ng ibang tao." Mahabang saad ng manager ko. "Ayos lang po sa 'kin ang matanggal, sir. Basta't hindi lang madamay ang kasama ko lalo na't may anak itong binubuhay." Saad ko. "Sige. Kakausapin ko si boss at pakiki-usapan para magbago ang isip." Sabi ni manager at agad na kinuha ang cellphone sa bulsa niya habang naglalakad palabas ng store. Mukhang tatawagan yata ang boss namin. "Sigurado ka ba sa desisyon mo, Audrey? Pano kung wala kang mahanap na trabaho agad." Naiiyak na sabi ng kasama ko. "Ayos lang. Hihingi nalang ako ng tulong sa kaibigan ko. Baka papasukin niya akong janitress sa companya niya." Naka ngiwi kong sabi ng maalala ko ang sinabi sa 'kin ni Reagan. Kinuha ko ang cellphone ko at agad nag tipa ng message saka sinend yun sa kaibigan kong baliw. Alam ko namang hindi niya ako pababayaan. At isa pa, parang gusto ko narin talagang umalis sa trabaho para mag simulang mag negosyo. Alam ko kasing babalik at babalikan lang ako ni Jasmine dito sa store kung hindi ako aalis. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun. Dahil ba sa sinabi ni Reagan ng gabing yun kaya siya gumaganti sa 'kin. Eh, hindi naman ako ang nagsabi na maraming nakatikim sakanya kundi si Reagan. Kaya bakit ako ang pinupunterya niya. Para siyang tanga! Bibili talaga ako ng manika para kulamin ang babaeng yun. Bumalik sa loob ang manager at sinabi samin na pumayag si boss na isa lang ang tatanggalin. Inako ko naman ang kasalanan kaya alam kung kwenento yun ng manager ko sa boss ko na ako ang may kasalanan. Kaya siguro nagbago ang isip. Hindi ko na tinapos ang duty ko at agad kinuha ang bag ko na nasa aparador. Nagpaalam lang ako sa kasama ko at sa manager ko saka ako tuluyang umalis sa store. Hindi naman ako nalungkot sa nangyari dahil matagal ko naman ng planong umalis sa trabaho. Magpapahinga nalang muna siguro ako sa bahay saka ako mag-iisip ng gagawin or kung mag nenegosyo nalang ba ako o kukulitin ko si Reagan na papasukin ako ng trabaho sa companya niya. Habang naglalakad ako ay binabasa ko ang reply ni Reagan sa 'kin. Tinawanan pa ako ng loko sa sinabi kong kukulamin ko si Jasmine. Nakayuko akong naglalakad at nag re-reply sa message ni Reagan ng may na bunggo ako. Agad akong napa-atras saka inangat ang mukha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng makita ko si Kaede na seryosong nakatingin sa 'kin habang ang dalawang kilay niya ay magka salubong. Hindi ba nila ako titigilang dalawa? Bagay na bagay talaga sila ng fiancé niya, parehong panira ng araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD