CHAPTER 16

1997 Words
Chapter 16 MATAPOS akong harangin ni Kaede kanina ay hinila niya ako palabas ng mall hanggang sa makarating kami sa parking lot. Pilit ko hinihila ang braso ko na hawak niya ngunit mas lalo lang niya hinihigpitan ito. "Ano ba!! Bitawan mo ng ako!!" Sigaw ko sakanya ngunit hindi man lang siya nakinig. Naghanap lang siya ng tagong lugar saka niya lang ako binitawan. Galit ko siyang tinignan saka malakas na sinampal siya sa mukha. "Ano bang problema mo??" Sigaw ko sakanya. Matalim niya akong tinignan at agad na lumapit sa 'kin. "Really? Boyfriend mo si Reagan? Naka ilang rounds kayo?" Tanong niya na parang nang iinsulto sa 'kin. Napalunok ako ng ilang beses habang sinasalubong ko ng tingin ang mga mata niya. "Wala kang kwentang tao!" Sigaw ko sakanya na pilit pinapatapang ang loob ko. Ngumiti lang siya ng nakakaloko saka niya ako tinulak. Napasigaw ako ng tumama ang likod ko sa poste at mabilis siyang lumapit sa 'kin saka hinawakan ang dalawa kong kamay. "Ano ba!! Lumayo ka nga sa 'kin." Galit kong sabi sakanya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya naamoy ko ang mabangong hininga niya. "Alam ba ni Reagan na ako ang naka una sa'yo?" Nakangisi niyang sabi sa 'kin. "Eh, ano naman ngayon kung ikaw ang naka una sa 'kin?" Matapang kong tanong sakanya. "Ikaw nga ang naka una sa 'kin, oo..pero yun ang pinaka malaking pinagsisisihan ko sa buong buhay ko. Lalo na ng tinulungan kita. Sana pala, hindi na kita tinulungan no'n. Kung alam ko lang na gagawin mo lang 'to sa 'kin sana pinabayaan kita sa basurahan." Sigaw ko sakanya dahilan para mas lalo itong nagalit sa 'kin. Binitiwan niya ang dalawa kong kamay at mabilis na may dinukot sa bulsa niya. Inilabas niya ang wallet niya at kumuha do'n ng pera at mabilis na inihagis sa mukha ko. Hindi ko nasundan ang ginawa niyang yun kaya lahat ng perang hinagis niya sa mukha ko ay nahulog sa sahig. "That's my payment for helping me that day." Walang emosyon niyang sabi. Napatulala ako sa ginawa niya. Hindi ko aakalain na babatohin niya ako ng pera. Agad akong nakabawi sa pagkakagulat at mabilis akong umuklo para pulutin ang perang nag kalat sa sahig saka hinagis din sa mukha niya. Bwesit talaga siya. "Wala ka talagang kwentang tao!! Bagay kayo ng fiancé mo dahil pareho kayong alagad ng demonyo." Sigaw ko habang kinakapos ng hininga sa sobrang galit. Umangat ang sulok ng labi niya habang nakatitig sa 'kin. "Demonyo? Gusto mo bang makita kung gaano ako ka demonyong tao?" Tanong niya. Hindi ako naka sagot dahil pakiramdam ko ay may pinaplano siyang masama. "Tigilan mo na ako!" Sigaw ko sakanya. "Ayaw ko! Pababagsakin ko muna ang negosyo ni Reagan," naka ngisi niyang sabi sa 'kin na ikinalaki ng mga mata ko. "Wag mong idamay dito si Reagan! Ano bang problema mo talaga ha?" Sigaw ko ulit sakanya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa 'to sa 'kin. Ako nga dapat magalit sakanya dahil sa pang-iiwan niya tapos siya patong may ganang magalit. "Then, stay away from Reagan kung ayaw mong pabagsakin ko ang negosyo niya." Galit niyang sabu. "I can do that in an instant. So, don't try me, woman." Seryoso niyang sabi saka umalis sa harap ko. Tila nakahinga ako ng maluwag ng maka alis siya. Lumambot yata ang mga binti ko sa sagutan naming dalawa ni Kaede kaya agad akong napahawak sa poste para hindi ako matumba. Pinipilit ko lang kanina mag tapang-tapangan. Hanggang sa makababa ako ng trycle ay yun parin ang nasa isip ko. Hindi ko talaga maintindihan kung saan nang gagaling ang galit sa 'kin ni Kaede. Pati si Reagan ay pinag iinitan din niya. Dahil ba sinabi ni Reagan na girlfriend niya ako kaya ba siya nagagalit? Sumasakit lang ang ulo ko sakaka isip. Dapat kanina pa ako naka uwi pero dahil sa pisteng Kaede na yun ay natagalan ako dahil muka akong tangang nakatulala do'n sa parking lot ng isang oras dahil iniisip ko ang mga sinabi niya. Pinapalayo pa niya ako kay Reagan. Mas lalo pa akong napatulala do'n sa parking lot ng tumawag sa 'kin si Reagan at binalita niya ang kinakaharap niya ngayon sa companya niya. Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil naawa ako sa kaibigan ko. Alam kung si Kaede ang may pakana no'n. Kainis talaga ang lalaking yun ang sarap tadyakan sa mukha. Hinimas-himas ko ang batok ko habang naglalakad sa kalsada papasok ng eskinita. Sobrang stress ko ngayong araw na 'to dahil sakanilang dalawa. Ngunit, mas lalo lang pala akong ma s-stress sa nakikita ko ngayon. Agad akong tumakbo papunta sa mga nagkalat kong damit sa kalsada, pati narin ang mga gamit kong lutuan ay nandito din. Halos maiyak ako habang pinupulot ang rice cooker na matagal kong pinag iponan para lang makabili ako nito pero ngayon wasak na. Masama kong tinignan ang mga lalaking pinagtatapon ang mga gamit ko sa labas. "Bakit niyo pinagtatapon ang mga gamit ko??" Galit kong sigaw sakanila dahilan para mapalingon sila sa gawi ko. Lumabas mula sa loob ng apartment ko ang may-ari saka siya umapit sa 'kin. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya kaya inunahan ko na. "Bakit naman po ganito? Hindi naman ako nahuhuli sa payment sa renta kaya bakit niyo pinagtatapon ang mga gamit ko?" Inis kong sabi sa may-ari. "Pasensya ka na hija. Binili kasi itong apartment na 'to kanina lang. Pumunta dito ang bumili at sinabing ilabas lahat ng gamit mo. Pinipigilan ko ang mga lalaking yan ngunit hindi nila ako pinapakinggan." Mahabang sabi ng may-ari. Kaya naman pala hindi ko kilala ang mga lalaking nagtatapon ng mga gamit ko sa kalsada. "Sino po ba ang bumili? Hindi makatao ang ginagawa niya, irereklamo ko siya sa barangay." Galit kong sabi. "Si Ma'am Jasmine Uy, hija. Siya ang bumili. Hindi ko nga alam kung bakit niya binili ang apartment na yan eh, masyado namang mura. Kay ang ginawa niya pati ang lupa ay binili niya." Mahabang sabi ni ate. Napasapo ako sa nuo ko ng marinig ko ang pangalan ng demonyetang babaeng yun. Mukhang inutos pa yata na sirain ang mga kagamitan ko dahil pati initan ko ng tubig ay wasak-wasak na. Halos manlumo ako habang tinitignan isa-isa ang mga pinag iponan kung gamit dati. Pati electricfan ko ay pinutol ang saksakan tapos sinira ang elisi nito. Tumutulo ang luha ko habang pinupulot ang mga nagkalat na damit ko sa lupa. Kinuha ko ang bag at pilit na pinagkakasya ang mga damit ko do'n. Kinamumuhian ko talaga ang babaeng yun. Walang awa lang niyang ginawa 'to sa 'kin palibhasa kasi mayaman kaya hindi pinapahalagaan ang mga gamit na naipundar dahil nakukuha naman niya agad. Hindi katulad ko na mahirap, matagal makakabili ng gamit dahil pinag iipunan pa. Pinulot ko ang nag-iisang picture frame ng pamilya ko na ngayon ay basag-basag na. Tinitigan ko muna ito habang umiiyak. Tinanggal ko ang mga bubog na naka palibot sa picture saka ko yun ipinasok sa bag ko. Napatingala ako ng makita kung may nakatayo sa harap ko. Tumayo ako dahil baka may sasabihin siya sa 'kin. "Pinapa abot ni Ma'am Jasmine sa'yo." Saad niya habang may hawak na maliit na papel na naka tiklop. Inabot ko yun sa lalaki kaya agad itong umalis sa harap ko. Nakasunod lang ang tingin ko sakanila na naglalakad na paalis. Tapos na kasi nilang pinaghahagis ang mga gamit ko sa labas saka nila ikinandado ang pinto ng apartment. Binuklat ko ang papel na inabot sa 'kin ng lalaki kanina. Hindi kita titigilan hanggat hindi ka namamatay sa hirap Audrey Vargas. Nang mabasa ko yun ay agad kong pinunit ang papel saka yun itinapon sa lupa. Kailangan ko na talagang maghanap ng mangkukulam para ipapatay ko 'tong babaeng 'to. Pinagpatuloy ko ang pag pulot sa mga gamit ko. Tinitignan ko pa ang iba kung magagamit ko pa ba. Yung mga plato ko kasi ay basag na lahat pati ang mga baso ko. Yung aparador ko naman na maliit sinira din kaya talagang hindi ko na magagamit. Mukhang kanina pa yata nila sinisira ang mga gamit ko. Kaya siguro ako hinarang ni Kaede para hindi ako makauwi agad sa apartment ko para magawa ng fiancé niya ang gusto. Halos damit lang nakuha ko, ang iba ay hindi ko na pinulot dahil sobrang dumi na dahil sa potekan hinagis. Isinukbit ko ang malaking bag habang yakap-yakap ko ang isa kong unan. Kailangan kong bilisan dahil 8PM na. Kailangan ko pang maghanap ng apartment. Sana may mahanap akong ngayon agad. Naglalakad ako palabas ng eskinita habang patingin-tingin sa mga kabahayan kong may nakalagay ba na for rent. Halos abutin ako ng isang oras kakalakad dito sa lugar namin pero walang nakalagay na for rent. Lumapit pa ako sa paupahan malapit sa paradahan ng trycle at nag babakasakali na may bakante silang paupahan kahit bed space lang sana. Kaso wala daw available sabi ng may-ari. Ito pa naman ang kinaiinisan ko dito sa barangay na 'to dahil ang mga tao dito ay hindi tumutulong. Puro tsismis lang ang mga ginagawa nila sa buhay. Napabuga ako ng hangin habang nakatayo sa gilid ng kalsada habang hinihilot ang balikat ko dahil sa bigat ng dala kong bag. May pera nga ako pero wala namang gustong paupahin ako. Iniisip ko tuloy na baka si Jasmine na naman ang may pakana nito. Bumalik ako sa apartment na tinutuluyan namin ni Niko dati at nagbabakasakali na may bakante. Ngunit ganun parin, wala daw available sabi ng caretaker. Pambihirang buhay 'to halos dalawang oras akong naghahanap dito pero kahit isa wala. Alas dyes na ng gabi pero heto ako naglalakad parin sa kalsada. Iniisip ko nalang na lilipat nalang ako ng lugar. Pero gabi na. Nagugutom narin ako dahil hindi ako nakakain ng pananghalian kanina. Ang malas ko ngayong araw, pinagsabay-sabay na talaga. Isang bagsakan lang para isang sakitan nalang din. Natatakot naman akong bumyahe ng gabi at sumakay ng trycle mag-isa. May karanasan kasi ako dati na mag-isa akong umuwi ng gabi at sumakay ng trycle. Ang hindi ko alam sa ibang rota na pala ako dinala ng driver na may balak yata akong pag samantalahan. Mabuti nalang talaga ay may nakakitang tanod samin no'n ng iparada niya sa madilim na lugar kaya naka ligtas ako. Simula no'n ay hindi na ako sumasakay ng trycle na ako lang mag-isa. Tinanggap ko nalang ang kapalaran ko ngayong gabi na sa waiting sched ako matutulog. Bukas nalang ako aalis para lumipat na ng ibang lugar. Sana talaga ay hindi ako mahanap ni Jasmine aka demonyeta. Nakaupo ako sa waiting shed habang dahan-dahan na inilapag ang bag ko. Sobrang sakit ng balikat ko kaya napa ngiwi ako. Ayaw kong humingi ng tulong kay Reagan lalo na't may kinakaharap din siyang problema. Ayaw ko ng dagdagan ang iisipin niya. Alam kung mag-aalala lang yun sa 'kin kapag sinabi ko ang nangyari ngayong araw. Napasandal ako sa simento habang nakatingala sa kalangitan saka napa buga ng hangin. Sa edad kong 24 years old ay kinaya kong mag-isa ang mga problema ko sa buhay. Ngayon pa ba ako hindi lalaban sa babaeng yun. Sana suntukan nalang para masuntok ko ang mukha niya. Hindi ako matutulog ngayon dahil baka may lumapit dito sa 'kin na mga lalaki at pagsamantalahan ako. Kaya kailangan maging alerto ako. Ang dami pa namang adik at lasenggero na nagkalat dito sa lugar. Nakayuko ako habang nakaupo ng may marinig akong yapak na parang tumatakbo papunta sa waiting sched. Bigla akong kinabahan at baka masamang tao ang papunta dito. Nag angat ako ng tingin para makita kung sino ang papunta sa 'kin pero, hindi ko inaasahan ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko. Humahangos pa siya habang nakatitig sa 'kin. Tagaktak din ang pawis niya sa nuo habang ang buhok niya ay wala na sa ayos siguro dahil sa kakatakbo niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala kahit tanging street lights lang ang nagbibigay liwanag mula dito sa waiting shed. Kaede..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD