Kabanata 31
S U N N Y
Pagdating sa bootcamp, sabay-sabay naming inabangan ang announcement. Mabilis na nag trending ang tungkol sa pagiging new member ko ng team. Naging maingay ang usap-usapan dahil baguhan lamang ako sa pro-scene at hindi pa kilala. Mas lalo tuloy nakukuryoso ang mga tao. I think isa iyon sa dahilan kung bakit kumuha ng baguhan lang sa pro-scene ang president, para mas makuryoso ang mga tao, s'yempre ganoon na din ang ibang mga team na pwede naming makalaban sa tournament.
Hinanda ko na ang sarili ko para sa mga bad comments, dahil paniguradong hindi iyon mawawala. S'yempre may mga babatikos talaga sa pagiging bagong member ko ng Gladiators. Ang daming gustong makapasok sa team na iyon tapos ang mapipili lang ay ang tulad ko na baguhan sa pro-scene?
Tanggap ko naman iyon na marami talagang hindi matutuwa sa pagiging bagong member ko ng Gladiators pero walang hihigit sa tuwa ko kapag nakakabasa ng mga pagbati mula sa ibang mga pro-players din. Hindi ako makapaniwala na isa na talaga akong pro-players. Pangarap ko lang naman ito pero heto na ako ngayon. Sobrang sarap sa pakiramdam kahit na minsan nahahalinlinan ng guilt ang pakiramdam ko dahil mas madaming tao na nag niluluto ko ngayon.
Sikat na sikat ang Esports sa panahon ngayon, hindi lang sa Pilipinas o Asya. Kaya nga siguro kapag isa ka ng pro-players nagiging instant celebrity ka na din. Nakikilala ka ng mga tao. 'Yong iba sinasamantala iyon para mas lalong kumita ng pera. S'yempre kapag sikat ka na mas madali na lang kumita ng pera. Bukod sa sahod mo sa pagiging pro-players, pupwede ka pang kumita sa pag lilive stream o minsan pag-eendorso ng mga produkto. Sa Pilipinas pa naman kapag sikat ka na madali na lang kumita ng pera. Hindi mo na kasi kailangan maghanap ng trabaho dahil trabaho na ang kusang lalapit sa'yo pero nakakapagod din 'yon, ah.
Maagang natapos ang araw na iyon. Pagkatapos ng announcement ay binati ako ng mga kasama ko sa team at kumain na kami. Pumayag na din si coach na magkaroon ng party dito sa bootcamp bilang celebration ng pagiging new member ko at ayon sa kanya pwede kaming mag-imbita ng mga kaibigan namin. S'yempre, sino lang ba ang kaibigan ko na pupwede kong imbitahin, kundi si Silver lang. Hindi naman pwede iyong ka-duo ko na sa internet ko lang naman nakakausap. Saka ang alam no'n nasa ibang bansa ako. Wala siyang kaalam-alam tungkol sa pagpasok ko sa pro-scene. Hindi ko pa masabi sa kanya dahil gusto ko ding mag-ingat. May tiwala naman ako sa kanya kahit na sa social media at laro ko lang siya nakakausap pero mas maganda na iyong nag-iingat. Iba na kasi ang panahon ngayon.
S'yempre tuwang-tuwa nanaman 'yong mga kasama ko. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa party at sobrang gustong-gusto nila iyon. I mean I get it, masaya nga naman minsan lumbas at makihalubilo sa marami pero ako kasi hindi talaga ako sanay makisalamuha sa madaming tao. Komportable ako sa mga malalapit lang sa akin pero sa ibang tao na hindi ko pa kilala, medyo hindi pa ako komportable pero marunong naman akong makisama. Mabilis ko ngan lang nakasundo ang Gladiators, eh.
Kinaumagahan ay naabutan kong nakaharap na agad si Alistair sa PC niya, naglalaro na agad. Bumangon ako para magtungo sa banyo, sobrang sakit ng puson ko, sa tingin ko magkakaroon pa ako ngayong araw.
"Good morning," bati ko sa kanya pero nagmadali nang nagtungo sa banyo para maghilamos at tignan na din kung mayroon na akong buwanang dalaw.
Wala pa naman. Baka bukas pa ito. Madalas naman talagang delay ang menstruation ko. Nakapag toothbrush at hilamos na ako nang lumabas sa banyo. Nakangiti akong humarap kay Alistair na ngayon ay busyng-busy sa ginagawa niya sa computer. Doon ko lang nalaman na hindi naman pala siya naglalaro. May kung ano siyang binabasang documents pero nang maramdaman niya ang presensya ko ay agad niya akong nilingon. May bakas ng pagtatanong sa kanyang mukha.
"Uh, nag breakfast ka na?" atubiling tanong ko.
Simple siyang umiling.
"Ganoon ba? Hmm, breakfast na muna tayo?" sabi ko sabay turo sa labas.
Muli siyang umiling habang nakaharap pa din sa computer niya.
"I'm good. Mauna ka na."
Kinagat ko ang ibabang labi ko.
"Uh, ano ba 'yang ginagawa mo? Ano 'yang binabasa mo? Importante ba 'yan kaya hindi mo maiwanan? Gusto mo dalhan na lang kita ng breakfast dito sa kwarto?"
Muli niya akong binalingan na parang iritado na. Ano ka ba, Sunny! Sabing mauna ka na nga daw, bakit kung ano-ano pa ang inuusisa mo d'yan. Mamaya ang aga-aga mabwisit na agad sa'yo 'yan. Buti nga at nag-iimprove na ang pakikipag-usap niyan sa'yo tapos bubwisitin mo nanaman.
Gusto ko lang naman makatulong. Masama ang nagpapalipas ng gutom saka ang breakfast kaya ang pinakamahalagang meal sa isang araw. Baka lang kasi hindi siya makalabas para kumuha ng pagkain dahil madami siyang ginagawa dito kaya dadalhan ko na lang siya ng makakain.
Tinignan niya lang ako na para bang alam niyang kusa akong titigil sa pang-uusisa ko kapag ginawa niya iyon.
Ngumiti ako. Iniligay ko ang dalawang kamay ko sa likod ko at pinagsalikop iyon doon.
"Sige. Una na ako. Iwan na muna kita ditodito baka importante talaga 'yan. Pero huwag kang mag skip ng breakfast, ah? Mag skip ka na ng dinner huwag lang ng breakfast. Alam mo bang mahalaga ang breakfast? For sure alam mo 'yon, ikaw pa ba? May training pa naman tayo ngayong araw. Baka hindi ka makalaro ng maayos kapag hindi ka kumain ng breakfast kaya pagkatapos mo d'yan, sunod ka na, ah?"
Tinitigan niya lang ako at walang sinabi. Muli kong nakagat ang labi ko.
"Uh, sige, mauna na ako," paalam ko bago tumalikod pero agad din uling humarap sa kanya.
Naiirita niya akong tinignan.
"Are you sure ayaw mong magpahatid na lang ng pagkain?"
Suminghap siya at mas lalong naging iritado ang ekspresyon. Patay! Mukhang badtrip na 'to. Ngumiti ako ng pilit.
"Uh, sige. Maiwan na kita dito. Tawagin mo lang ako kapag gusto mo magpahatid ng breakfast."
Napahilot siya sa kanyang sintido. Dali-dali naman akong nagpaalam at lumabas na sa wakas ng kwarto.