032

2181 Words
Kabanata 32 S U N N Y Nang buksan ko ang social media na ginawa ko gamit ang pangalan ng kakambal ko ay nagulat ako dahil nagdagsaan ang mga followers ko. Kagabi lang na announce ang pagiging new member ko ng Gladiator pero umabot agad sa fifty thousand ang mga naka follow sa akin at tuloy-tuloy pa ang pagtaas noon. Hindi ko maiwasang mamangha sa dami ng notification na pumapasok sa account ko. Siguro mamaya lang ay nasa hundred thousand na ito dahil tuloy-tuloy pa din sa pagtaas ang nag f-follow sa akin. Grabe! Alam kong maraming fans ang Esports pero hindi ko pa din maiwasang mamangha sa mga ganitong bagay. Ngayon mas lalong nagsisink-in sa akin na isa na nga akong pro-player at sobrang nakakataba ng puso maisip iyon. S'yempre matagal ko din naman talagang pinangarap na maging isang professional player. Tapos biglang ito na ako, o! Sobrang nakakataba lang ng puso. Sobrang sarap sa pakiramdam kapag iniisip ka na noon pinapangarap ko lang ito tapos narito na ako ngayon. Si Bren ang kasabay kong nag-almusal. Sino pa nga ba? Palagi namang kami ang nagkakasabay na mag-almusal. Maaga kasi lagi gumising ang isang ito kaya siya lagi ang una kong naaabutan sa salas. Si Alistair maaga din pero hindi agad iyon bumababa o nagpupunta sa kusina para mag-almusal. Saka lang kapag siya ang nakatoka na magluto ng almusal namin. Maya-maya lang ay bumaba na din si Alistair para mag-almusal. Naupo siya sa kaharap na upuan namin ni Bren. Mabuti naman at bumaba ang isang ito para mag-almusal. "Tapos ka na sa ginagawa mo?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagsasandok niya ng fried rice. Nag-angat siya ng tingin sa akin. May iritasyon akong nababasa ngayon sa mga mata niya. Iritado pa din siguro dahil sa pangungulit ko sa kanya kanina. Ang bilis naman mairita ng isang ito parang iyon lang. "Hindi pa," simpleng sabi niya, mukha pa ding iritado. "Ano ba iyong binabasa mo?" "Wala," suplado niyang sabi. Ngumuso ako. Suplado talaga ng isang ito lalo na sa umaga. "Ano nga palang balak mo, Rain? Sa linggo na ang celebration party mo. Sinong iimbitahan mo?" Nagkibit balikat ako. "Si Silver lang naman ang kaibigan ko kaya siya na lang ang iimbitahan ko." Nagpatuloy ako sa pagnguya ng kinakain ko. "Mukhang sobrang close niyo nga no'n. Matagal na ba kayong magkaibigan?" Ngumiti ako at sumimsim sa baso ng tubig bago sinagot ang tanong na iyon ni Bren. Magaang ang loob kong magkwento tungkol sa nag-iisa kong kaibigan. "Mula mga bata pa kami magkaibigan na kami kaya ganoon talaga kami ka-close sa isat-isa. Saka bago ako makapasok sa team na ito siya lang talaga ang kaibigan na maituturing ko. Hindi kasi ako pala labas. Palagi lang ako sa bahay kaya hindi din sanay makisalamuha sa madaming tao. Iyon siguro ang dahilan kung bakit wala akong masyadong kaibigan. Mabuti na lang at nakapasok ako dito nadagdagan ang kaibigan ko." "Hindi ka pala talaga mahilig gumimik, 'no? Tignan mo masasanay ka din. Ganyan din noon itong si Ali, di ba, tol?" Bumaling siya kay Alistair. "Gusto lagi magpaiwan kapag lumalabas kami pero wala din siyang magawa kapag kinukulit na namin siya. Hanggang sa nasanay na lang siya na sumama lagi sa gimik namin." Ngumiti ako. "Mas enjoy pa nga ito kaysa sa akin kapag gumigimik kami. Paano laging may nadadaling chicks. Hindi na kailangang mag effort pumorma, chicks na mismo ang kusang lumalapit." Ngumisi ng malawak si Bren, samantalang ang ngiti ko naman ang biglang naglaho. "Iba din ang isang ito pagdating sa babae, kung alam mo lang, Rain. Magugulat ka na lang biglang nawawala sa kalagitnaan ng gabi habang nag paparty kami." May malisyosong ngisi sa mga labi ni Bren. At ang dahilan kung bakit siya biglang nawawala sa kalagitnaan ng gabi? Ayaw ko ng isipin pa. Ayaw ko na ding alamin ang sagot dahil sa palagay ko alam ko naman na talaga kung ano ang ibig sabihin noon. "Stop it, Bren," kalmado ngunit may bahid ng iritasyong sabi ni Alistair. Ngunit imbes na tumigil si Bren ay tinawanan niya pa si Alistair. "Kaya kung gusto mo na magkaroon ng karanasan, d'yan ka magpaturo." Hilaw akong ngumiti bago yumuko para pagtuunan ng pansin ang pagkain sa harapan ko. Parang bigla na lang pumait ang lasa ng kinakain ko sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko akalain na may magiging epekto ang mga sinabing iyon ni Bren sa akin. Crush ko lang naman si Alistair, saka tanggap ko naman na madami talagang babae ang patay na patay sa kanya kaya malabong wala pa siyang karanasan tungkol sa bagay na 'yon. Hindi na din nama kami mga bata. "I said stop it." May diin ang pagkakasabi noon ni Alistair kay Bren bago niya inilipat ang tingin sa akin. Yumuko akong muli para iiwas ang tingin sa kanya. Suminghap ako at ipinagpatuloy na lang sa kinakain. Binaliwala ko na lamang iyon. Nasabi na din naman ito ni Kean sa akin ang tungkol sa mga babae ni Alistair. Bigla din tuloy sumama ang tiyan ko. Nagpaalam ako sandali sa kanila para magtungo sa banyo. Napasinghap ako nang makitang may tagos na pala ang short na suot ko. Damn! Nakita kaya ng dalawa ito? Pero kung nakita naman nila paniguradong pupunahin nila ito kaya baka hindi din nila napansin. Pero paano na ito? Hindi na ako pwedeng lumabas ulit ng banyo ng may ganito dahil siguradong mapapansin na nila ito. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Napakagat ako sa ibabang labi ko at nag-isip ng solusyon kung paano ako makakalabas ng banyong ito at makakaakyat sa kwarto ng hindi napapansin ng dalawa ang tagos sa shorts ko. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nagbabakasakaling maahanap ng tuwalya na pupwede kong ipantapal sa likod ko. Kaya lang sa kalagitnaan ng paghahanap ko ay narinig ko ang maingay na boses nina Kean, Dylan at Marcus. Fvck! Mas nadagdagan na sila ngayon sa kusina, mas lalong hindi ako pwedeng lumabas ng ganito. Napasapo ako sa noo ko. Sobrang kabado ko na at hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko ito na ang katapusan ng lahat ng pangarap ko. Ganoon kalala ang nasa isip ko. Sobrang dami na agad tumatakbo sa isip ko na mga negatibong bagay. Hindi na ako makapag-isip ng matino dahil inuunahan na ng mga ganoong pag-iisip. Pumikit ako ng mariin, pilit kinakalma ang sarili ko para mas makapag-isip ng tama. Hindi pwedeng ganito. Mas lalo lang akong hindi makakaisip ng paraan kung ganito na agad ang mga tinatakbo ng isip ko. Mahigit kalahating oras na yata ako sa loob ng banyo nang may marinig akong kumatok. Mas lalo lang tuloy kumalabog ng malakas ang dibdib ko. "Uh, sandali lang…" sagot ko habang nagpapabalik-balik na ng lakad. Ugh! Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. Pakiramdam ko talaga ito na ang katapusan ng lahat. Sabihin na nating OA ako pero doon naman talaga papunta ang lahat kapag nalaman nilang babae talaga ako. "Are you okay? Kanina ka pa nand'yan. Do you need anything?" ang mababang boses ni Alistair ang narinig ko. Agad akong nakaisip ng paraan. Hindi ko nga lang alam kung gagana iyon sa taong ito. Kung si Bren sana ito mas madali pa. "Uh, pwede bang makisuyo? Nabasa kasi ang shorts ko. Pwede bang pakikuha ako ng bago?" Bumilang ng mga tatlong segundo bago siya sumagot. "Okay. Is there anything else you want me to get aside from your shorts?" Actually, meron pa. 'Yong pads ko pero s'yempre hindi ko naman iyon pupwedeng ipakuha sa kanya kaya okay na ako doon sa shorts na lang. Kapag nakataas na ako sa kwarto namin saka na lang ako maglalagay ng pad. Ang kailangan ko lang talaga sa ngayon ay bagong shorts dahil puno na nga ng dugo ang shorts na suot ko ngayon. Mabuti na lang talaga at pumayag itong si Alistair na ikuha ako ng shorts. Akala ko kanina ay hindi siya papayag. S'yempre, sino ba naman ang nasa matinong pag-iisip ang uutusan ng gano'n-gano'n na lang ang isang Alistair? Nawalan lang talaga ako ng choice kaya humingi na ako ng tulong sa kanya. Sana hindi niya pagdudahan ito. "W-Wala na. Salamat." Hindi ko maiwasang mautal. "Alright. I'll be back." Narinig ko ang mga yapak niya palayo sa banyo. Medyo nakahinga ako ng maluwag doon. Pinahid ko ang pawis sa bandang leeg ko. Hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako pinagpapawisan dito dahil sa sobrang kaba ko. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan? Akala ko talaga katapusan ko na kanina. Akala ko mabibisto na nila ako. Mabuti na lang talaga at medyo maayos na kami ni Alistair. Paano kung masama pa din ang loob ng isang iyon sa akin? Malamang hindi niya susundin ang utos ko. Ilang sandali lang ay narinig kong muli ang mga yapak niya palapit sa restroom kung nasaan ako. Agad kong binuksan ang pinto, pilit ibinabalik sa normal ang ekspresyon para hindi niya mahalata ang napakalaki kong problema. Nang magtama ang mga mata namin ay may kung ano akong nabasa sa mga iyon pero hindi ko na iyon pinagtuuna pa ng pansin. "Here," sabay lahad niya sa akin ng shorts ko. Agad ko naman itong tinanggap at nginitian siya. "Salamat, Alistair. Pasensya ka na at naistorbo pa kita. Medyo sumama lang kasi ang tiyan ko kaya napatagal ako dito tapos bigla pang nabasa ang shorts ko." "It's fine," tipid niyang sabi. "Salamat. Sandali lang, isusuot ko lang ito." Isang simpleng tango lang ang isinagot niya. Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahang sinarado muli ang pinto ng restroom para makapagpalit na. Nakahinga na ako ng mas maluwag ngayon dahil makakapagpalit na din ako wakas at makakalabas na ng banyong ito. Jusko! Kahit suplado ang isang iyon, hulog talaga siya ng langit sa akin ngayong araw na ito. Nang nakapagpalit na ako ay lumabas na din agad ako ng restroom suot ang shorts na pinasuyo ko kay Alistair. Buong akala ko nakaalis na siya ngunit laking pagtataka ko nang maabutan ko siyang naroon lang sa labas ng restroom, prenteng nakasandal sa pader habang hinihintay ako. Baka gagamit siya ng banyo? Pero kung gagamit man siya bakit hinintay niya pa ako ng napakatagal kung mayroon namang bathroom sa loob ng kwarto namin. Umayos siya ng pagkakatayo nang lumabas ako. “You done?” Tumango ako. “Salamat nga pala ulit.” Tipid siyang tumango lang bago nag-umpisang lumakad paalis, agad naman akong sumunod sa kanya. Dahil sa may bandang kusina ako nagbanyo, hindi pupwedeng hindi ko madaanan ang kusina bago ako makaakyat sa kwarto namin. Gusto ko pa naman sana makaakyat na agad bago pa man ako matagusan ulit dito. Bumati lang ako sa ibang kagigising lang bago ako muling nagpaalam at umakyat sa kwarto namin ni Alistair, habang siya ay nagpaiwan sa kusina. Buti hindi na ako inusisa oa ni Bren kung bakit nagtagal ako sa restroom. Halos kalahating oras yata ako doon. Grabe sobrang tagal ko bago nakaisip ng solusyon mabuti na lang talaga at dumating iyong si Alistair, kung hindi, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nang makapagpalit ulit at sa wakas makapaglagay na ng pads ay bumaba na ulit ako. Nakasabay ko pa si coach sa pagbaba ng hagdan kaya nakipagkwentuhan na din ako sa kanya habang patungo kami sa kusina. “I’m so glad nagiging okay na kayo sa isat-isa ni Alistair,” aniya. Ngumiti ako at tumango. “Ganoon din ako, coach Ry. Kung alam niyo lang sobrang saya ko na medyo nagiging maganda na ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko nga ho alam kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Pero siguro napagtanto lang niya na deserve ko din naman mabigyan ng chance.” “Pasensya ka na talaga kung ganoon ang naging unang asal ng isang iyon sa’yo. Pero alam mo sa totoo lang, mabait naman talaga ang taong ‘yon. Duda lang siguro siya sa kakayahan mo noong una. Saka malaki kasi ang kagustuhan niyang manalo sa World Championship kaya siguro ganoon.” Tumango ako. “Naiintindihan ko naman iyon, coach Ry. Ako din naman po malaki ang kagustuhan na manalo tayo sa World Championship dahil pangarap ko po talaga iyon. Sino naman po kasing hindi nangangarap na manalo sa ganoon? Hindi lang pambansa kundi pang buong mundo na ang contest na iyon. Isang malaking karangalan sa amin kung mananalo kami doon.” Ngumiti si coach. “Kung ganoon, galingan niyo. Seryosohin niyo ang bawat practice or training natin dahil iyon ang magiging tulay sa para manalo tayo sa world tournament. ‘Yan ang lagi niyong tatandaan.” Simple akong ngumiti hanggang sa makarating kami sa kusina kung nasaan ang boys. “O, goodmorning, coach! Ang aga natin bumaba, ah. Kain tayo?” Agad umiling si coach Ry pero nakangiti pa din. “Hindi na. Kailangan ko na ding umalis agad. May meeting kaming mga manager para sa papalapit na tournament.” “Ganoon ba? Ingat ka na lang kung gano’n, coach,” ani Marcus. Nagpaalam na kami kay coach pagkatapos nitong magbilin at umalis na din naman agad siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD