020

1324 Words
Kabanata 20 S U N N Y "Are you challenging me?" he said with amusement in his tone. Para bang namamangha siya sa paghahamon ko sa kanya ng one on one, at hindi siya makapaniwala na kaya ko siyang hamunin ng gano'n. Minamaliit nanaman siguro ako ng isang ito. Akala niya siguro imposibleng matalo ko siya. Oo na sabihin na nating magaling siya pero hindi siya ang pinakamagaling. Hindi ako naniniwalang imposibleng matalo ko siya. Hindi dahil babae ako ay hindi ko na siya magagawang talunin. Ipapakita ko sa mayabang na ito kung ano ang kaya kong gawin. Patutunayan ko sa kanya na karapat-dapat ako sa kung nasaan ako ngayon, salungat sa sinasabi niyang hindi ako nararapat dito. Patutunayan kong mali siya tungkol sa bagay na 'yon dahil magagawa kong talunin siya. Kahit sabihin pa nilang siya ang pinakamagaling na player ng Gladiators. Magaling din naman ako. May tiwala ako sa kakayahan ko. Wala ako dito ngayon kung wala naman pala akong ibubuga. "Narinig mo ang sinabi ko. Oo, hinahamon kita. Maglaban tayo. Kapag natalo kita, hahayaan mo kong manatili dito at kapag natalo mo naman ako... Ako mismo ang hihiling kay coach na tanggalin ako sa team," buong tapang kong sabi. Umangat ng bahagya ang kanyang mga labi. Tila nang-aasar na hindi ko maintindihan. Mas lalo akong nakaramdam ng iritasyon sa ipinapakita niyang ekspresyon. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" aniya sa tonong hindi ko gusto. Talagang minamaliit ako ng lalaking ito, ah. Mas lalo ko pang tinapangan ang ekspresyon ko para iparating sa kanya na seryoso ako at hindi ako nagdadalawang isip sa paghamon sa kanya. Kahit naman hindi ko siya hamunin ay paniguradong patatalsikin pa din ako dito, kaya bakit hindi na lang ako lumaban? Matalo man ako, alam ko sa sarili ko na lumaban ako at hindi basta-basta na lang na sumuko. "Oo naman, seryoso ako sa sinasabi ko. Bakit, Alistair? Kinakabahan ka ba? Natatakot ka ba na matalo lang sa baguhan na katulad ko?" Ngumisi din ako para asarin siya. Umigting ang kanyang panga. Muling bumalik ang iritasyon sa kanyang ekspresyon. "Don't you think you're too arrogant to challenge me?" Ngumisi ako lalo. "Aren't you also too arrogant now that you think no one can compete with you?" Muling umangat ang gilid ng kanyang mga labi. "Do you seriously think that you can win against me? That you can defeat me? Bakit? Sino ka ba sa tingin mo... Rain Vasquez?" Hindi ko maiwasang kilabutan sa lamig ng pagkakabigkas niya sa pangalan ng kakambal ko. Pero s'yempre hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. "Huwag kang masyadong mayabang! Bilog ang mundo, hindi ka palaging nasa itaas. Hindi sa lahat ng oras ikaw ang papanigan ng swerte." Ngumisi siya muli. May kaakibat na panunukso at pangmamaliit ang ngising iyon. "Are you kidding me? Sa tingin mo ba swerte lang ang dahilan kung bakit madalas kaming mag champion? Nag-iisip ka ba talaga? How the heck did you get into the pro-scene kung ganyan ka mag-isip? Akala mo ba umaasa lang kami dito sa swerte?" Nangmamaliit siyang ngumisi. "If that's how you think, then you better give up now. You don't belong here. Hindi ka para sa pro-scene. You will only be a burden to us." Mariing naglapat ang mga labi ko. Pinigilan ko ang sarili kong mapaluha. Hindi ito ang tamang oras para umiyak ako. Mas lalo ko lang patutunayan sa lalaking ito na mahina ako at hindi karapat dapat sa larangang ito. Hindi ako papayag na mangyari iyon. Hindi niya pwedeng makita na mahina ako at naaapektuhan ako sa mga pangmamaliit na sinasabi niya sa akin ngayon. Patutunayan ko sa kanyang nagkamali siya. "Bakit hindi mo na lang tanggapin ang paghahamon ko? Kusa naman akong aalis dito at tatanggapin ang mga sinasabi mo kung matatalo ako." "Bakit pa kung kaya naman kitang paalisin dito ng hindi kinakailangan niyan?" "Duwag ka pala kung gano'n! Takot kang matalo sa baguhang tulad ko kaya hindi mo magawang tanggapin ang hamon ko. Akala ko ba hindi ako magaling, bakit tila natatakot ka yatang matalo sa akin?" Ngumisi siya, punong-puno ng yabang ang kanyang ekspresyon. "Ang laki din naman talaga ng tiwala mo sa sarili mo, ano? Iniisip mo ba talaga na kaya ayaw kong patulan ang paghahamon mo ay dahil natatakot ako sa'yo?" Tumiim ang mga labi ko nang magsimula siyang humakbang papalapit sa akin. Dumiin ang pagkakatiim ng aking mga labi habang palapit siya ng palapit. Isang beses akong napa-atras palayo sa kanya pero mas lalo lamang niyang inilapit ang sarili sa akin. Pinatigas ko ang aking ekspresyon upang hindi niya mahalata ang biglaang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Pinigilan ko ang sarili kong mapa-atras nang magpatuloy siya sa paglapit. Halos lumapat na ang aking mukha sa kanyang dibdib sa sobrang lapit niya ngayon sa akin. Dumoble ang kabog sa aking dibdib. Hindi ko alam kung aatras ba ako, pero kapag umatras ako iisipin niya lang na duwag ako. Ayokong ganoon ang isipin niya. Gusto kong ipakita na hindi ako apektado sa mga ginagawa niya. Lakas loob ko siyang tinulak sa dibdib pero ni hindi manlang siya napaatras kahit bahagya sa panunulak na ginawa ko. "Ano ba?" Pinagtaasan ko siya ng boses at muling tinulak papalayo sa akin. Ngumisi siya at agad namang umatras upang lumayong muli. Napanguso ako. Pakiramdam ko pinaglalaruan na talaga ako ng isang ito. Hindi pwedeng ganito. Dapat ipakita ko sa kanya na kaya ko siyang palagan bilang isang lalaki. Humakbang ako ng dalawang beses. Nang medyo makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang kinuwelyuhan na para bang naghahamon ng away. Kahit ang totoo ginawa ko lang iyon para hindi ako magmukhang takot sa kanya. Hinila ko ang kwelyo niya at agad nawala ang ngisi sa kanyang mga labi. Tumiin ang kanyang mga bagang habang seryosong nakadungaw sa akin. Bahagya akong tumingkayad para sana makaabot manlang sa tangkad niya pero hindi pa din talaga iyon sumapat. "Alam mo nakakalalaki ka na. Akala mo ba hindi kita kayang palagan?" tapang-tapangan na sabi ko, pero sa totoo lang kapag sinapak ako nito ngayon wala talaga akong palag. Mariin ang tingin niya sa akin habang nakatiim ang kanyang mga labi. Muling umigting ang kanyang panga. Nalipat doon ang atensyon ko. Kahit ang panga niya, ang sexy pa din tignan. Ano ba naman itong lalaking ito. Parang halos lahat na ng magagandang katangian ay nakuha na niya. Tunay na nasa kanya na nga talaga ang lahat. Ano ba 'to! Bakit ba ito ang iniisip ko sa mga oras na ito? Damn! Kailangan ipakita ko sa kanya na matapang ako at kaya ko din siyang labanan, hindi iyong ganito. Nasa kalagitnaan ako ng mga iniisip ko nang itulak ako ng bahagya ni Alistair upang mapabitaw sa kanyang kwelyo. Napasimangot ako sa ginawa niya. Ang dali niya lang akong naitulak samantalang kanina ay hirap na hirap akong itulak siya palayo sa akin. Pero hindi na importante pa iyon. Ang importante sa akin ngayon ay alam niyang kaya ko din siyang labanan at hindi ako natatakot sa kanya. "Ano? Hindi mo kayang patulan ang hamon ko? Takot ka, 'no? Kung talagang hindi ka natatakot, patunayan mo. Labanan mo ako. Maglaban tayo!" Umiling siya at tinalikuran na ako. Mas lalo akong nairita sa ginawa niya. Sobrang pangmamaliit naman yata itong ginagawa niya sa akin. Tatalikuran na lang niya ako kung kailan niya gusto? Kumuyom ang mga palad ko at handa na sana siyang sigawan nang bigla siyang magsalita muli. "Fine. Tatanggapin ko ang hamon mo basta tutuparin mo din ang mga sinabi mo na kusa kang aalis dito." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o ano. Para kasing lumalabas na kating-kati na siyang patalsikin ako dito sa team. Tingin niya pa din talaga, hindi ako karapat-dapat dito. "Huwag kang mag-alala. Marunong naman akong tumupad sa mga sinasabi ko. Aalis agad ako dito kapag natalo mo ako. Kung matatalo mo ako." Tinignan niya lang ako. Hindi ko mabasa ang nasa kanyang ekspresyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD