021

1254 Words
Kabanata 21 S U N N Y Nanghihinang napasandal ako sa kinauupuan kong gaming chair. Katatapos lang ng naging laban namin ni Alistair. Mahirap tanggapin pero natalo ako. Ibig sabihin kailangan ko nang umalis dito sa bootcamp. Alam kong hindi pupwede iyon dahil labag sa contract pero kung si Alistair na mismo ang humiling na umalis ako ay baka pagbigyan nila ako. Sobra akong bigong-bigo. Hindi ko kayang tanggapin na ganito ang nangyari. Kapapasok ko lang dito, ni hindi pa nga na announce officially ang pagiging bagong member ko ng Gladiators tapos matatanggal na agad ako. Nakakaiyak. Gusto ko maiyak ngayon at magwala. Ang hirap para sa aking tanggapin na mawawala na ako sa team na ito, bago pa nga lang natutupad ang mga pangarap ko, mapuputol agad. Ang sakit. Nandito na ako eh. Nagawa ko ng makapasok sa paborito kong team tapos ganito naman ang mangyayari. Ang hirap lang tanggapin na kung kailan abot kamay ko na ang pangarap ko saka pa ito mas lalong ipingkakait sa akin. Bakit naman kasi ganoon. Ang daya-daya lang. Hindi ko tuloy napigilan ang mga luha kong nagsipagbagsakan mula sa mga mata ko. Suminghap ako at agad na pinunasan ang mga iyon bago binalingan si Alistair na seryosong nakatingin lang sa akin. Siguro nag-aabang ng sasabihin ko. Huminga ako ng malalim bago ako sumagot. "Tutupad ako sa kasunduan natin. Kakausapin ko si coach at ang president, aalis ako dito tulad ng gusto mong mangyari," hirap na hirap kong sabi. Gustong tumulo muli ng mga luha ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi dapat ako umiiyak ng ganito sa harapan niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Umigting ang kanyang panga habang nakadirekta sa kung saan ang kanyang mga mata. Tulad kanina, hindi ko pa din mabasa ang kanyang ekspresyon. Noon pa naman talaga, mahirap nang basahin ang kanyang ekspresyon. Kahit noong pinagmamasdan ko pa lang siya mula sa malayo. "Kalimutan mo na ang napagkasunduan natin. You can stay," mahina ngunit may diin niyang sabi habang nasa kung saan pa din ang tingin. Napaawang ng malaki ang mga labi ko kasabay ng pamimilog ng aking mga mata. Tama ba ako ng pagkakarinig sinabi niya o nabingi lang talaga ako? Halos hindi ko mapaniwalaan ang sinabi niya. Akala ko pa nabingi lang ako o binibiro niya lang ako dahil hindi ko talaga mapaniwalaan ang mga sinabi niya. "A-Anong sabi mo?" Bahagya pa akong nautal nang tanongin iyon. Kahit narinig ko naman ng malinaw ang sinabi niya, hindi ko pa din talaga ito mapaniwalaan. Sobrang ganda ng sinabi niya kaya siguro hindi ako masyadong makapaniwala. Pakiramdam ko binibiro niya lang talaga ako at hindi naman talaga siya seryoso sa mga sinasabi niya ngayon. Baka mas lalo lang akong inaasar ng lalaking ito. Suplado niya akong binalingan muli. "Narinig mo ang sinabi ko. Huwag mo ng ipaulit pa sa akin at baka magbago pa ang isip ko." Ang gulat sa aking ekspresyon ay napalitan ng matinding pagkatuwa. Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. Sabi ko na nga ba may tinatago ding kabutihan ang isang ito, eh. Sa sobrang saya ko ay huli ko na nang napagtanto kung ano ang nagawa ko. Damn! Niyakap ko lang naman siya! Nang bumitaw ako sa yakap ay naabutan ko ang gulat na gulat niyang ekspresyon. Hindi din niya siguro akalain na bigla ko siyang yayakapin ng ganoon. Ugh! Nakakahiya! Pero okay lang. Sa sobrang saya ko ay wala ng lugar ang kahihiyan sa akin ngayon. Omg! Totoo ba ito, o nananaginip lang ako? Sobrang lawak ng ngiti ko at hindi iyon tumitikom kahit anong pigil ang gawin ko. Ganito yata talaga kapag sobrang tuwa mo. Hindi mo na mapigila ang pagsilay ng ngiti mo. Bumaling muli ako kay Alistair nang may ngiti pa din sa mga labi. "Salamat, Alistair! Sobrang salamat." Yayakap sana ulit ako sa kanya pero agad na siyang lumayo bago pa man ako makalapit sa kanya. Napakagat na lang ako sa labi ko habang nagpipigil ng ngiti. Damn! Suplado pa din talaga. Pero okay lang 'yon, at least ngayon nakakasiguro na akong hindi na niya ako ulit paalisin dito sa team. Nakakatuwa naman! Kahit suplado siya minsan, kahit papaano pala ay may kalambutan ding tinatago ang puso niya. Muntik ko na siyang kamuhian kanina, eh. Parang gusto ko ng magsisi kanina na naging crush ko siya ng napakahabang panahon. Pero ngayon parang mas lalo lang tumindi 'yong paghanga ko sa kanya. Kahit pa sinusupladuhan niya pa din ako hanggang ngayon. Pagkatapos no'n ay agad siyang lumabas ng kwarto na wala siyang sinasabing kahit ano. Pero ayos lang 'yon. Sobrang saya ko pa din na ayos na sa kanyang manatili ako dito kahit sinusungitan niya ako. Nakangiting dinukot ko ang phone ko mula sa bulsa ko para tawagan si Silver. Kailangan maikwento ko sa kanya ang pangyayaring ito. Kaya lang walang sumasagot kaya ibinalik ko na lang ulit ang phone ko sa bulsa ko at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko si Dylan na bihis na bihis. Mukhang may lakad yata siya. Akala ko ba hindi muna pwedeng umalis ngayon dahil kailangang mag training? Nang nakita niya ako ay agad siyang ngumiti. "Nand'yan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap, eh." Kumunot ang noo ko. Ano naman kaya ang kailangan sa akin ng isang ito at hinahanap ako? "Huh? Bakit?" "Papasama sana ako." "Talaga? Saan naman?" "Aakyat ng ligaw." Tinignan ko ang oras sa relo ko. "Gabi na, ah? Saka marunong ka palang manligaw?" Ngumisi ako. "Oo naman. Anong akala mo sa akin? Babaero lang pero hindi marunong manligaw?" "Bakit hindi ba?" Tumawa ako ng mapang-asar. "Hindi, ah! Tsismis lang 'yon. Hindi ako babaero. Ang babaero, iyong pinagsasabay ang mga babae. Hindi naman ako ganoon." "Eh, ano ka lang ba? Mabilis magsawa at magpalit ng babae?" Napangisi na lang siya at hindi na ipinagtanggol pa ang sarili. "Eh, bakit nga kung kailan gabi na saka ka pa aakyat ng ligaw?" "Susupresahin ko sana siya sa pinagtatrabahuhan niya. Pa-out na 'yon." "Gano'n ba? Eh, bakit ako ang isasama mo?" "Sinong gusto mong isama ko? Eh, ikaw lang naman matino dito. Kapag si Ali naman ang isama ko, baka sa kanya pa makagusto 'yong nililigawan ko. Huwag na lang." Tumawa ako habang naiiling. "O sige, sandali lang. Magpapalit lang ako ng damit." Tumango siya. "Sige, hintayin na lang kita sa baba. Bilisan mo, ah! Dadaanan ko pa 'yong bulaklak na binili ko." "Oo na. Sandali lang ako. Nagpaalam ka na ba kay coach Ry? Pinayagan ka ba?" "Oo naman. Ako pa ba? Malakas kaya ako doon." Pumasok ako ulit sa kwarto para magpalit ng damit. Hindi na ako naligo dahil halos kaliligo ko pa lang din naman. Ewan ko ba doon sa isang 'yon. Ako pa talaga ang napiling isama. Para namang may maitutulong ako sa panliligaw niya, eh wala nga akong alam sa ganyan. Sa bagay, wala nga naman talaga siyang maisasamang matino dito sa bootcamp. Hindi naman pwedeng si coach. Si Bren medyo matino pero maloko din minsan ang isang 'yon, eh. Baka tuksuhin lang siya ng tuksuhin pag naroon na sila. Pikon pa man din minsan si Dylan. Siya ang pinakabata sa kanila pero siya ang pinaka pikunin. Sa bagay, siya naman din kasi ang madalas nilang pag-trip-an kaya siguro palaging napipikon ang isang iyon. Sino ba namang hindi mapipikon kung ang lalakas mang alaska ng mga kasama mo sa bahay? Mabilis lang akong natapos sa pagbibihis. Sinilip ko lang din sandali ang itsura ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD