Kabanata 29
S U N N Y
Pag-alis ni Silver ay pumasok na kami sa gaming room kung saan naghihintay si coach at nagsimula na sa training. Tanghali nang huminto kami para magtanghalian. Pinuri kami ni coach dahil napansin niyang umaayos na ang laro namin. Nagkakaroon na ng chemistry ang laro naming dalawa ni Alistair. Siguro dahil nagkasundo na kami kahapon at pinayagan na niya akong manatili dito sa team kahit na hindi ko naman siya natalo kahapon. Ang ganda-ganda tuloy ng araw ko ngayon.
"May balita nga pala ako sa inyo."
"Ano 'yon, coach?" si Bren ang unang nagtanong.
"Ngayon araw officially iaannounce ang pagkakapasok ni Rain sa team."
Namilog ang mga mata ko.
"Talaga, coach?"
Ngumiti si coach Ry.
"Yes. Abangan niyo na lang sa page natin. Ipapaskil nila ang buong official members ng Gladiators."
Malawak ang naging ngiti ko.
"Yon oh! Nice one, tol." Sabay high five sa akin ni Bren na ginaya naman ng iba maliban s'yempre kay Alistair na tahimik lamang na nakatingin sa akin.
"Matik 'yan. Daming mag f-follow sa'yong babae. Ihanda mo na ang sarili mo baka magka-girlfriend ka na n'yan."
Ngumiwi ako sa sinabi ni Dylan. Puro babae lang talaga ang nasa isip ng lalaking ito.
"Huwag mo siya itulad sa'yo na kung kanikanino na lang pumapatol," mamay kasamang pag-iling na sabi ni Kean.
Gumuhit ang ngisi sa labi ni Dylan.
"O, talaga? Hindi mo lang matanggap na kaya kong pormahan 'yong crush mo, eh."
"Loko-loko ka ba? Anong pinagsasabi mo d'yan?"
Suminghap ako. Ayan nanaman ang dalawang ito. Nagsisimula nanaman po sila. Hindi na talaga nagbago.
"Tumigil nga kayo d'yan! Nag-uumpisa nanaman kayo, eh."
"Coach dapat celebrate natin 'to," pag-iiba ni Marcus ng usapan.
Ano nanaman kaya ang iniisip ng isang ito? Inuman nanaman? Hindi ba sila nagsasawang uminom?
"Paparty ka naman sa Sunday."
"Kung ang ibig mong sabihin sa party na 'yan ay mag-iimbita ka ng mga kaibigan niyo dito para mag-inom ay hindi ako papayag. Akala niyo ba hindi ko alam kung saan kayo nagpunta kagabi at kung anong oras na kayo nakauwi? Pinayagan ko kayong lumabas kahit may training tayo kinabukasan kasi ang paalam sa akin nitong si Bren sandali lang kayo. Anong nangyari? Paano kayo napadpad sa bar na 'yon?"
Hindi na kami nagulat na nalaman iyon ni coach. Sa dami ng mga nasa pro-scene na nakita namin doon ay baka nga nakaabot na din sa kanya ang balita na naroon kami.
"Alam niyo ba na ang paglabas niyo kagabi ang isa sa dahilan kung bakit nagdesisyon ang president na iannounce ang pagiging bagong member ni Rain? Hindi pa sana ilalabas sa public kung sino ang bagong support ng team natin pero dahil isinama niyo itong si Rain kagabi sa gimik niyo, medyo nagkaroon na ng ideya ang iba kung sino ang bagong member ng team. May ideya na din sila na bago sa pro-scene ang bagong support ng team."
"Hindi ba mas maganda nga iyon? Bago sa pro-scene, kaya wala pa silang ideya kung paano maglaro itong si Rain. Mahihirapan silang pag-aralan ang magiging bago nating strategy since never pa naman nila nakitang maglaro itong si Rain," ani Marcus.
"That's right. 'Yan din ang isa sa mga dahilan kung bakit kami pumili ng bago lang sa pro-scene. Para medyo machallenge ang kalaban na pag-aralan ang magiging galaw natin. Kung kaya nilang pag-aralan. Kailangan nating baguhin ang strategy natin." Bumaling si coach kay Dylan.
"Kung ayos lang sa'yo, si Marcus muna ang papalit sa'yo sa preliminary. Kapag nanalo tayo sa Preliminary competition, ikaw na ang ipapasok ko sa Asian Competition para sigurado na hindi nila makakabisado ang game play natin."
Agad tumango si Dylan.
"Cool ako d'yan, coach!"
"That's good. Kay Alistair lahat ng objective, pero hindi niyo pwedeng ibigay lahat ng support niyo sa kanya. Para sa tank at support," bumaling si coach sa amin ni Bren. "Kailangan niyo ding depensahan ang gold lane at siguraduhing hindi mababaog ang gold natin kung ayaw niyong mabaligtad ang laro sa late game."
"Copy, coach," ani Bren na bumaling sa akin para kumindat. Ngumiti ako at tumango.
"Makakaasa ka, coach. We'll do our best to protect our gold."
"Well, then, that's good. Pero mas mabuti kung ipapaubaya mo ang pagprotekta sa gold lane kay Bren at ikaw ang sumama palagi kay Alistair para kunin ang mga objective."
Tumingin ako kay Alistair. Naabutan ko siyang seryosong nakatingin din sa akin. Bigla nanaman tuloy pumasok sa isip ko ang nakita kanina sa shower. Napadiin ang pagkakatiim ko ng mga labi ko at nagsimula nanamang uminit ang aking pisngi. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at muling ibinalik iyon kay coach. Hindi ko na dapat pang iniisip ang tungkol sa bagay na 'yon!
"Y-Yes, coach, copy." Nautal pa ako sa sinabing iyon.
Ano ba naman kasi ito.ito. Bakit ba hindi ko makalimutan ang tungkol sa bagay na iyon. Nagsimula na lang akong galawin ang mga pagkain sa harapan ko.
"About sa celebration na gusto niyo, I'll think about that. Kapag nasatisfy ako sa laro niyo baka pagbigyan ko kayo sa bagay na yan."
Agad sumilay ang ngisi sa labi ng mga unggoy. Tuwang-tuwa talaga ang mga ito kapag usapang inuman. Kahit na kakainom lang naman namin kagabi.
"Sabi mo 'yan, coach, ah."
"Pwede mag-imbita ng mga babae?"
"Pwede basta walang ipapasok sa mga kwarto niyo, at bakit mo tinatanong 'yan? Akala ko ba may girlfriend ka?"
Napailing ako habang tinitignan si Marcus. Isa pa 'tong napakababaero. Akala ko ba seryoso siya sa girlfriend niya, eh, bakit babae pa din ang iniisip niya ngayon tapos kagabi nakipagsayaw din siya sa ibang babae.
"Tinatanong ko lang, coach."
"Eh, kung ang girlfriend mo kaya ang imbitahan mo."
"Oo nga! Para makilala ko na din siya," agad na singit ko.
Bumaling sa akin si Marcus na may nagdududang mga mata.
"Bakit may balak kang agawin?"
Napangisi ako.
"Pwede din, since mukhang hindi mo naman siya sineseryoso. Ako na lang ang gagawa no'n para sa'yo," sabi ko kunwaring seryoso.
"Nah. Hindi ako naniniwalang gagawin mo 'yon."
Nagtaas ako ng kilay.
"Really? Bakit naman?"
"Masyado ka pang mahina sa babae. Hindi mo 'yon maaagaw."
Aba!
"Gano'n ba? Bakit hindi mo na lang siya dalhin dito nang magkaalaman." Mas lalo akong ngumuso.
Umayos siya ng pagkaka-upo bago ako tinignan ng masama. Tumawa ako.
"Nagbibiro lang ako. Wala akong balak agawin ang girlfriend mo. Hindi ako gano'ng tao, saka sabi ko naman sa inyo hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay. Focus lang muna ako sa goal ko. Kailangan pa nating mag champion sa world tournament."
"That's right. 'Yon ang unahin niyong isipin hindi puro alak at babae 'yang mga nasa kokote niyo. Focus tayo sa goal natin. Saka niyo na isipin ang mga bagay na 'yan kapag nakuha niyo na ang tropeyo ng world championship."
"Huwag kang mag-alala, coach. Maiuuwi naman 'yon ngayong taon. Tiwala ka lang." Sabay kindat ko.
"Tignan na lang natin."
"Pero 'yong celebration, coach, ah!" pagpapaalala ni Marcus.
"Sabi ko kapag nasatisfy ako sa laro niyo, di ba?"
"Walang problema, coach. Kailan ka ba nadismaya sa game play namin?" Mayabang na sabi ni Kean.
"Maraming beses," agad namang sagot ni coach.
Sabay-sabay na naghiyawan ang mga loko-loko na para bang nasaktan sila sa naging sagot ni coach Ry. Mga baliw talaga. Natawa na lang din tuloy ako. Para kasi silang mga bata kung umakto minsan.
Muling napadpad ang tingin ko kay Alistair na ngayon ay nakangiti habang pinapanood ang mga kasama na umaaktong dismayado dahil sa naging sagot ni coach. Ngayon ko lang yata siya nakitang ngumiti ng ganito. Minsan nakikita ko siyang ngumingisi pero iba itong ngiti niya ngayon. Ibang-iba talaga dahil mas masarap panoorin ang ngiti niyang ganito. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang mukha. Sobrang sarap niyang pagmasdan.
Minsan ko lang siyang makitang ngumiti ng ganito kaya sinamantala ko na iyon at hindi na inalis ang tingin sa kanya. Matagal ko siyang pinagmasdan, ni hindi ko na nga masundan ang pinag-uusapan nila dahil naka-focus lang ang mga mata ko sa kanya. Ayokong alisin ang tingin ko sa kanya. Nakakapanghinayang naman kung hindi ko susuliting pagmasdan siya.
Pasimple kong kinuha ang phone ko at patago siyang kinuhanan ng litrato. Hindi ko mapigilan. Sayang naman kasi kung hindi ko makukuhanan ang mga sandaling ito. Napakadalang ng ngiti niya kaya dapat sinasamantala na ang mga ganitong pagkakataon.
Napangiti ako matapos siyang palihim na kuhanan ng picture. Agad kong ibinalik sa bulsa ko ang phone ko at hindi na chineck pa kung maayos ba ang pagkakakuha ko sa kanya ng picture dahil baka mamaya may makahuli pa sa akin na kinukuhanan ko siya. Eh di, patay na! Malalaman na nilang may tinatago akong pagtingin dito kay Alistair.
Nang muli kong ibalik ang tingin ko kay Alistair habang nakangiti pa din ay naabutan kong nakatingin na ito sa akin. Wala na ang ngiti sa kanyang mga labi. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Bakit pakiramdam ko nahuli niya ang ginawa ko? Hindi naman siguro. Hindi ko naman pinahalata na kumukuha ako ng picture, eh.
Nilapit ni Bren ang upuan niya sa akin at bumulong.
"Mukhang bumubuti na ang turing sa'yo ni Alistair. Pansin mo ba kanina sa laro? Hindi na niya sinasadyang ibenta ang laro? Ano kayang nangyari? Kinausap mo?"
Ngumuso ako at inilapit ang sarili ko kay Bren para ako naman ang bumulong sa kanya.
"Niyaya ko siya ng one on one kahapon para mapapayag siyang manatili ako sa team."
Umawang ng bahagya ang mga mata ni Bren.
"Really? What happened? Nanalo ka?"
Umiling ako.
"Hindi pero pumayag pa din siyang manatili ako dito."
"Really? That's good. Mabuti at naisipan mong gawin 'yon. Baka habang naglalaro kayo napagtanto niyang may ibubuga ka naman talaga."
Ngumiti ako.
"Hindi ako magsisinungaling. Narinig ko kasi 'yong usapan niyo ni coach tungkol sa akin, na gusto ni Alistair na ipatanggal ako sa team. Iyon ang naghikayat sa akin na kausapin at hamunin si Alistair. Since wala naman na din akong magagawa kung magdedesisyon sina coach na ilipat ako ng team dahil sa kagustuhan ni Alistair. Kaya ayon, sinubukan ko na lang ipaglaban ang posisyon ko dito. Alam ko naman na medyo imposible na matalo ko siya pero sinubukan ko pa din. Wala naman ng mawawala sa akin kung susubukan ko, di ba? Hindi ko man siya matalo, at least alam ko sa sarili ko na ipinaglaban ko ang posisyon ko dito sa team. At kahit natalo ako, worth it pa din dahil tinanggap na niya ako sa wakas bilang bagong member. Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay ang patunayan sa kanya na hindi siya nagkamali ng desisyon sa akin. Hindi siya magsisisi na tinanggap niya ako dahil gagawin ko ang lahat para mag wagi tayo sa lahat ng tournament."
Sandaling napatitig sa akin si Bren bago siya ngumiti at tumango.
"You know what? That's the first thing I like about you. Your fighting spirit."
Ngumisi ako.
"Masyado bang believe sa sarili?"
"Hmm, maybe, but that's okay. Mas maganda na 'yan kaysa negative masyado mag-isip. Wala kang mararating kung palaging negative ang nasa isip mo, kaya mas maganda na iyong malaki ang tiwala mo sa sarili mo. Because after all, sino lang ba ang magtitiwala ng husto sa sarili mo, kundi ikaw lang din naman, di ba?"
Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. Tama naman talaga siya. Walang ibang magtitiwala sa'yo ng husto kundi ang sarili mo lang din. That's nice to hear.
Sobrang laki din talaga ng pasasalamat ko dito kay Bren dahil siya ang pinaka naging kasundo ko dito sa bootcamp mula ng pumasok ako. Marami na siyang naitulong sa akin kahit bago pa lang ako dito. Ramdam ko na lagi niya akong ginagabayan kapag may mga bagay na hindi ko nagagawa ng maayos, tinuturuan niya talaga ako at itinatama ng walang halong panghuhusga. Lahat naman sila dito ganoon. Mas supportive lang talaga itong si Bren sa kanilang lahat. Siguro dahil siya lang din ang pinaka matured sa kanila dito. Well, silang dalawa ni Alistair pero hindi naman masyadong namamansin ang isang iyon, ayaw niya nga sa akin sa umpisa kaya paano niya ipapakita ang suporta niya sa akin, di ba?
Muli kong ibinalik kay Alistair ang tingin ko at nahuli kong nakatuon pa din sa akin ang tingin nito. Ngumiti na lamang ako sa kanya, ngunit nag-iwas lamang siya ng tingin sa akin.
Hmm. Hindi manlang ngumiti pabalik. Ayos lang. Naka quota naman na ako kina sa ngiti niya. Nakuhanan ko pa nga ng picture kaya okay na sa akin 'yon.