Ang nakaraan... "Ysha, ano ba?" mahina kong sabi, pilit na iniiwas ang sarili sa kahit anong kahulugan ng ginagawa niya. Ngunit ngumiti lang siya, isang pilyang ngiti na tila ba sinasabi niyang alam niya ang epekto niya sa akin. "Relax, Caleb," bulong niya habang patuloy ang mapangahas niyang ginagawa. "Ikaw naman, laging seryoso. Learn to have some fun." Mahigpit kong hinawakan ang manibela, pilit na kinokontrol ang sarili. Naramdaman kong uminit ang buong katawan ko, pero hindi ito dahil sa pagnanasa- kundi sa inis at pagkalito. Wala akong nagawa kung hindi hayaan siya, pilit na pinapakalma ang sarili at iniisip na matapos lang ang tanghaling ito. Bakit ba kailangang mangyari ito? tanong ko sa sarili ko habang pilit kong binabalewala ang sensasyon. Alam kong hindi ko siya mahal, at

