Pagbaba ko ng sasakyan ay parang biglang bumigat ang mga paa ko. The mansion looked the same. Tahimik, malinis, at organized. Pero ako? Hindi na. I wasn’t the same girl who walked out of this house days ago. Pagpasok namin sa main door, halos mabungaran ko agad si Aling Mirna na nagmamadaling lumapit. “Miss Elara…” mahina pero bakas ang pag-aalala sa boses niya. She placed a hand over her chest, at parang pinipigilan ang pag-iyak. “Salamat sa Diyos at okay na kayo. Naku, anak, nag-alala kami nang sobra…” Ngumiti lang ako nang pilit. “I’m fine po. Don’t worry.” Kasunod kong naramdaman ang presensiya ni Timothy sa likod ko. Walang imik lang siyang naglakad papasok, at halos hindi ko marinig ang mga hakbang niya sa tiles. Hindi ako lumingon. I couldn’t. Every time I felt his gaze, my ches

