Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa loob ng malaking boardroom na ’to… pero heto ako. Nakaupo sa mahabang conference table, suot ang itim na blazer na pinili ni Aling Mirna ipasuot sa’kin para daw “mukha akong presentable.” Para daw hindi halata na ilang araw na kong umiiyak. Pero kahit anong bihis ang isuot sa patay na puso, mukha pa rin akong wasak. The room was too bright. Too cold. Too clean. Parang walang nangyari sa buhay ko. Parang hindi lang ako naglibing ng nanay ko ilang araw pa lang ang nakalipas. And yet everyone here looked at me like I was a product about to be launched—not a grieving daughter. “Miss Elara Montesilva,” umpisa ng isang board member, nakahalukipkip pa. “We’re glad you’re here. Let’s begin.” Glad daw. Kung alam niyo lang. Timothy sat two seats away f

