Kabanata 2

1416 Words
Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Aling Mirna. "Ineng, pinapasabi ni Sir Timothy na dumiretso ka raw sa study pagdating mo," abiso niya. "What am I, tau-tauhan niya? Let him wait. I need to rest." Padabog akong dumiretso sa itaas. Pagdating sa kuwarto, binuksan ko ang laptop at nag-log in sa paborito kong online game. Ginugol ko ang buong maghapon sa paglalaro hanggang sa may kumatok sa pinto. "What?" sigaw ko. "It's me, anak," boses ni Mommy 'yon. Marahan niyang binuksan ang pinto. "What are you doing?" tanong niya habang bahagyang sumisilip sa ginagawa ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalaro. "Anak, can we talk for a minute?" mahinahon ang boses ni Mommy, parang natatakot na baka mag-iba ulit ang game. Timothy has been waiting since morning." I clenched my jaw. "Then tell him to keep waiting." Narinig ko ang mahinang buntong-hininga ni Mommy. "He just wants to talk. Please, hija. You've been shutting everyone out." "Because everyone keeps deciding things for me!" Mabilis kong pinatong ang laptop sa kama. "Can't you see the problem?" Hindi nakapagsalita si Mommy, nakatayo lang sa may pinto, habang ang kamay ay nasa dibdib na parang pinipigilan ang pag-iyak. "I'm just trying to hold this family together," mahinahon niyang paliwanag. "By re-marrying? I didn't ask for a new family." She couldn't answer back until I heard footsteps nearing us. Pagbukas ng pinto ay pumasok si Timothy, nakaputing long-sleeves, hawak pa ang tablet na parang hindi man lang siya napagod maghintay. "Elena," bungad niya habang hindi inalis ang tingin sa akin. "I'll handle this." Nag-aalangan si Mommy pero tumango rin sa huli. "Please, just... talk calmly," paalala pa niya bago siya lumabas ng kuwarto. Nang kami na lang ang naiwan ay binaba ni Timothy ang tablet sa mesa. "You've ignored three calls, two messages, and a meeting request," aniya. "That's enough, Elara." Tinawanan ko siya ng mapait. "Wow, may bilang talaga. You keeping tabs on me now?" "I'm keeping you from falling apart," mahinahon niyang tugon. "Your father wouldn't want this—" "Don't," putol ko, saka mabilis na tumayo. "Don't use his name to make me listen to you." Nagtagpo ang mga mata namin. Walang sigawan, walang galit sa boses niya, pero ramdam kong hindi ako puwedeng umalis hangga't hindi siya tapos. "Elara," mahina pero buo niyang sabi, "you can hate me all you want. But I need you to at least respect your mom." "Then hate me all you want, because I don't think I can do that right now," giit ko. "This is the last time you'll step inside my room. Ayokong nakikita kita rito," matalim na paalala ko. He went silent. Ilang segundo kaming nakatitig sa isa't isa. Puno ng galit ang dibdib ko, habang siya ay puno ng pagod ang mga mata. Mapagod siya hanggang hindi na niya ko kayang intindihin. That's what I want, anyway. "I see," mahina niyang sabi sa wakas. "But you'll still come down in an hour. Dinner. With your mother." "Don't wait for me." "Then she will," malamig niyang balik bago dahan-dahang isinara ang pinto. Naiwan akong nakatayo habang pinakikinggan ang unti-unting paglayo ng yabag niya sa hallway. Pagkasara ng pinto ay saka lang ako napahinga nang malalim—hindi dahil kalmado na ako, kundi dahil alam kong hindi pa tapos ang laban namin. Isang oras nga ang lumipas bago ako bumaba. Hindi dahil gusto ko, pero ayokong bigyan ng rason si Mommy para umakyat ulit at pilitin ako. Pagdating ko sa dining area ay nakahain na ang pagkain. Tahimik. Walang TV, walang kahit anong ingay. Maliban sa tunog ng mga kubyertos na hawak nila. "Sit down, anak," pilit na anyaya ni Mommy. Umupo ako sa tabi niya, katapat si Timothy. "Good evening," mahinahon niyang bati. "Don't." Napatingin siya sa akin, pero agad kong itinuloy, "Don't act like we're some happy family." "Elara..." awat ni Mommy, halos pakiusap. "Let's just eat, okay?" Tahimik akong kumain. Let's just eat—na parang sinasabi niyang lunukin ko na lang lahat ng sama ng loob. Maya-maya pa, napahinto ako at humigpit ang kapit sa tinidor. "Do you know that people are talking about you. That you're just using my mom as your sugar mommy?" Walang prenong tanong ko. Bahagya pang nasamid si Mommy sa tabi ko, habang si Timothy ay inabot ang baso ng wine. Uminom siya nang marahan, saka ibinaba iyon at pinunasan ang labi gamit ang table napkin. Tahimik pa rin siya matapos kong sabihin 'yon. Nakakainis, kasi parang wala lang sa kanya. "Ely!" saway agad ni Mommy, halos pabulong pero puno ng pakiusap. "That's too much." I looked at her, then back at him. "I'm just saying what everyone else is thinking." Timothy finally looked up. "At ano sa tingin mo, Elara?" "I don't know. You told me you love her. But for me, you're just using her," diretso kong sagot. "You saw your chance when Dad died, and you took it." "Elara Justine!" pigil na singhal ni Mommy. "Bakit, Mommy? Naniniwala ka ba talaga na mahal ka niya? Please, don't be blinded by what's so obvious!" sigaw ko bago tumayo at bumalik sa kwarto. I started attending my classes again after that. Pero hindi na ako muling sumabay sa kanila sa pagkain—whether it was breakfast, lunch, dinner, or even snacks. I refused to dine with them. "Ely!" tawag ni Nico pagkatapos ng klase namin. "Hey," I greeted him back. Nicolo was my childhood friend. Madalas siyang kalaro ko tuwing sinasama ako ni Dad sa opisina. He's the son of Tita Isadora—one of the board members of Montesilva Holdings. "Nood ka sa game namin mamaya?" yaya niya sa'kin habang sinasabayan ang lakad ko. "Hm... I'll check kasi may meeting kami mamaya for a group project," I answered back. "Gano'n ba? Sige, but I'll expect you to cheer for me," paalam niya sabay kindat. I smirked before raising my middle finger at him. "Good luck!" Tumawa pa siya bago tumakbo papunta sa gym. Dumiretso ako sa school library pagkatapos, at agad akong sinalubong ni Rina. "Ang tagal mo, may mga ibang na-research na sila," bulong niya. "Edi mabuti, less work for us," nakangising sagot ko saka humila ng upuan sa tapat ng isang computer. Sumalampak ng upo si Rina. "I am so bored to death. Shopping naman tayo later?" "I can't. Bantay sarado ako ng ama-amahan ko," dahilan ko habang nagta-type. "Wow! Since when did you obey him?" nang-aasar na tanong niya. Dumaan sa harap namin ang librarian at masama kaming tiningnan bago itinuro ang "Observe Silence" sign. Bahagya akong yumuko. "Lower your voice," gigil na saway ko kay Rina. Rina rolled her eyes but grinned anyway. "Ugh, fine. Pero promise, after this, you're coming with me kahit saan ko gusto." "Yeah, yeah," pilit na sagot ko habang nakatingin sa monitor. "We'll see if my warden allows it." "Your warden," she repeated, halatang pinipigil tumawa. "Grabe ka, girl, you make him sound like a criminal." "Maybe he is," mabilis na bintang ko. "He just hides it better." Hindi siya nakaimik saglit, pero alam kong tinititigan ako. "You still hate him that much?" mahina niyang tanong. I froze for a second, then shrugged. "Hate's too simple for a word." "Then what?" "Something worse." Rina didn't reply. Instead, she spun lightly in her chair and went back to scribbling in her notes, pretending not to hear the bitterness in my voice. Nag-focus kami pareho sa assigned task para sa group project, nang biglang mag-vibrate ang phone nya sa table. Napakunot siya ng noo bago tiningnan ang screen. "Uh... It's your house," bulong niya. "Landline. Why is your house calling me?" Napahinto ako sa pagta-type. "Ano?" "Yeah. See?" Pinakita niya pa sa'kin lalo ang phone niya. "Ito ang number na ginagamit mo kapag grounded ka. I saved it para hindi ko ma-report as spam caller." I snatched the phone before she could answer. "Hello?" "Ineng, si Aling Mirna 'to. Huwag mo sanang masamain, pero pinapahanap ka ni Sir Timothy. Hindi ka pa raw lumalabas, sabi ng driver mo." Napapikit ako. "Tell him I'm busy. I'll go home later." "Ay, nako, Ineng. Please lang, umuwi ka na. Galit na rin ang Mommy mo." Bago pa ako makasagot, naputol ang tawag. "Wow," takang-takang sabi ni Rina. "Stepdad duties? Todo monitor sa única hija." I slumped back in my seat. "He probably has spies everywhere." Rina snorted. "Creepy, but kind of impressive." "Impressive, my ass," I muttered. "'Di ba, you wanna go shopping?" nakangising tanong ko. "Let's do that."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD