Kabanata 3

1232 Words
"Let's get both shades," excited na sabi ni Rina habang dumadampot ng lip cream. "Okay, I'll get this one," inunahan ko siya sa pagkuha ng peach shade. "Mas bagay sa'kin 'to. Barbie pink suits you," paalala ko. Ngumuso siya. "But I can't wear it during class naman. Masyadong agaw-pansin. I'll get one shade same as what you have," aniya saka may inabot sa istante. "Bahala ka diyan." Iniwan ko siya saka umikot pa para magtingin. Lumapit na ang isang sales attendant sa amin. "Young miss, we have blush creams compatible with your lip creams," sabi niya habang sinusuri ang mga kinuha ko sa basket. Ngumiti ako nang bahagya. "Let me see," sabi ko. "Rina, come here," tawag ko. Lumapit ako sa counter para magbayad habang si Rina ay abala pa sa pag-aayos ng mga pinamili. The cashier smiled politely. "That'll be ₱3,280, Miss." Kinuha ko ang card ko at iniabot. "Here." Ilang segundo lang, pero parang humaba ang oras nang makita kong napakunot ang noo ng cashier. She swiped it again. Then again. "I'm sorry, Miss, but your card was declined." "What?" She tried once more, pero gano'n pa rin. "Declined pa rin po." Napasinghap ako at bahagyang nataranta. "That's impossible. There should be more than enough balance there." Nagkatinginan kami ni Rina. "Girl, baka connection lang?" bulong niya, pero kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. The cashier offered an awkward smile. "Do you have cash, Miss?" Binuksan ko ang wallet ko. Zero. Not even a single bill. Rina sighed and pulled out her card. "I got it. Just pay me later, okay?" "Rina, no—" "Girl, please. I don't want to die of embarrassment right now," aniya saka inabot ang card sa cashier. Wala na akong nagawa kundi mapayuko habang inaabot sa amin ang mga shopping bags. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, hindi sa hiya, kundi sa inis. Pag-uwi ko, halos mabitawan ko ang mga paper bag sa galit. "Aling Mirna!" sigaw ko mula sa sala. "What happened to my card? Bakit hindi gumagana?" Nagulat siya, halatang hindi alam kung sasagot o tatakbo. "A-ah, Ineng... pinakancel po muna ni Sir Timothy lahat ng secondary cards ninyo." "What?" halos pasigaw kong sabi. "He did what?" "'Yan daw po kasi ang utos habang grounded pa kayo..." Hindi ko na siya pinatapos. Mabilis kong iniwan ang mga bag sa sahig at umakyat ng hagdan, bawat hakbang, mabigat sa inis. Pagdating ko sa taas, binuksan ko nang malakas ang pinto ng study. Si Timothy, tahimik na nagbabasa ng dokumento, bahagyang tinaasan lang ako ng tingin. "Did you cancel my card?" singhal ko. He put down his pen slowly, calm as ever. "I did." "Why?" "You're grounded, Elara. Not funded." Halos maputol ang hininga ko sa sagot niyang 'yon. "You can't just control every single thing I do!" He looked straight at me. "I can, if it keeps you from getting into trouble." Kinuyom ko ang palad ko. "You're unbelievable." "And you," he replied quietly, "are still my responsibility." "Responsibility? Salamat pala. Salamat dahil halos ipahiya mo 'ko kasi declined 'yung cards ko!" sigaw ko pabalik. Hindi man lang siya natinag. He just leaned back, habang pinagmamasdan akong na parang isa lang akong batang nagta-tantrum. "If you want something, learn to work hard for it," mahinahon niyang paliwanag. "Money isn't the problem, Elara. Attitude is." Napatawa ako na puno ng pait. "Work hard? Easy for you to say kasi lahat ng gusto mo, nasa harap mo na!" Tumaas ang kilay niya. "Is that what you think?" "I don't think, Mr. Grey. I see. You walk around like you earned everything in this house, when in reality, you just married into it." Tumayo siya nang dahan-dahan kaya ramdam ko agad ang presensiya niya. Bawat hakbang niya papalapit, parang lumiliit ang hangin sa pagitan namin. "You think wealth means nothing to me?" mababa pero madiin ang boses niya. "Every single thing I have, I worked for. And you—" huminto siya saglit, "you're wasting what your father built by acting like the world owes you something." Napasinghap ako sa galit at hiya. "Don't talk about my father!" Tumahimik siya ng ilang segundo bago bumalik sa mesa, at binuksan ulit ang dokumento. "Then stop giving him reasons to be disappointed," malamig niyang sagot. Sinampal ko ang mesa, malakas, halos umalingawngaw sa loob ng silid. "Wala kang karapatan banggitin siya sa harap ko!" naluluhang singhal ko pabalik. Diretso lang ang tingin niya sa'kin. "Maybe not. Pero someone has to remind you what respect looks like." Hindi ko na siya tiningnan pa. Mabilis akong lumabas ng study, halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko. Sa bawat hakbang, gusto kong sumigaw. Pero alam kong kahit anong gawin ko, sa huli, siya pa rin ang may huling salita. Pagkasara ng pinto ng kwarto ko, parang lahat ng inis at hiya na pinipigilan ko kanina, sabay-sabay sumabog. Sinipa ko ang gilid ng kama. "You don't know anything!" sigaw ko, kahit alam kong hindi na niya maririnig. Huminga ako nang malalim pero lalo lang sumikip ang dibdib ko. Binuksan ko ang drawer at bumungad sakin picture namin ni Dad—nakayakap siya sa'kin, parehong naka-smile, parehong walang problema. Napaupo ako sa sahig habang hawak-hawak 'yung frame. "Dad..." bulong ko. "I hate him. I really do." The silence took over. Wala ni isang tunog kundi 'yung mahina kong paghinga at t***k ng puso ko. Naalala ko pa kung paano niya ako lagi tinatabihan sa dining table habang nag-aaral ako. 'Anak, you don't need to stress yourself too much,' lagi niyang paalala noon. 'You want something? Daddy will take care of it.' Nakangiti siyang bumabalik sa isip ko, bitbit 'yung mga mamahaling gift, 'yung mga late-night drive namin para lang bumili ng milk tea, kahit may exam ako kinabukasan. "Anything for my princess," lagi niyang sabi. At ako naman—sanay na lagi akong nauuna, lagi akong nasusunod. Ngayon, heto ako, nakaupo sa sahig, umiiyak, kasi sa unang pagkakataon sa buhay ko, wala na si Daddy para ipaglaban ako. Pinunasan ko ang luha ko, na parang walang katapusan sa pagtulo. "You said I'll never feel alone, Dad," naiiyak kong bulong. "Bakit pakiramdam ko mag-isa ako ngayon?" Humigpit ang hawak ko sa frame hanggang sa maramdaman kong nanginginig ang kamay ko. "You wouldn't have let this happen, right? You would've never let him near us." Silence was the only thing that remained. At doon ko lang napagtanto... sa lahat ng galit ko kay Timothy Grey, pero ang totoo, mas galit ako sa sarili ko. Dahil kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik si Dad. Tanging hikbi ko lang ang maririnig sa loob ng kwarto, paulit-ulit, hanggang sa mapagod na rin ako sa pag-iyak. Dahan-dahan kong ibinaba ang frame sa tabi ng kama at humiga, niyakap ang unan na para bang doon ko lang kayang huminga. "Goodnight, Dad," mahinang bulong ko, na baka marinig ng hangin at ibalik sa akin ang sagot niya. Pero wala. Tumingin ako sa kisame, at pilit pinipigilan ang panibagong buhos ng luha. Sa bawat pintig ng puso ko, ramdam ko kung gaano kalaki 'yung puwang na iniwan niya. "Bukas," bulong ko sa sarili ko, "bukas, hindi na ako iiyak." Pero habang pinipikit ko ang mga mata koa ay alam kong isa 'yong kasinungalingan. Kasi sa tuwing sinasabi kong hindi ko siya nami-miss, lalo ko lang naiintindihan kung gaano ko talaga siya kailangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD