N A G I S I N G . . . ako sa mga ingay sa baba. Kita ko na ang liwanag na sumisilip sa siwang ng bintana kaya alam kong mataas na ang araw. Minabuti kong bumangon na at ayusin ang sarili ko. Gaya ng mga normal na araw, naka shorts at tshirt lang ako bilang pambahay. Tatlong araw na magmula nang makauwi ako galing sa ospital. Okay na rin ang pakiramdam ko at hindi na ako nilagnat pang muli. Si Primo na rin mismo ang nagpumilit na wag na muna akong pumasok sa klase namin ni Tali dahil baka daw mabinat pa ako. Tutal sinabi nitong paid leave naman daw iyon ay hindi na ako nakipagtalo pa. Nang matapos kong itali ng simpleng ponytail ang buhok ko ay bumaba na ako para makiusyoso sa ingay. Medyo nagulat pa ako nang makita ko sina Manang Fely at Ate Nimfa na parang abalang-abala sa kakapar

