H A L O S . . . bente minutos na ang nakakalipas magmula nang dumating si Primo. Matapos nitong sabihin na may kasama siya ay naupo na ito sa may isang sulok ng kwarto na malapit sa mini-fridge. Nagbukas ito ng macbook at inabala ang sarili. Sinamantala naman namin nina Clang at Macey ang pagkakataon para mamili ng oorderin naming pagkain. "Pizza kaya Ate?" ani Macey. Natakam ako kaya agad na lumiwanag ang mukha ko. "No fastfood," biglang singit ni Primo sa ma-awtoridad na tono. Pinukol ko ito ng masamang tingin pero hindi naman nito nakita iyon dahil abala pa rin ito sa kung ano sa macbook niya. Muli kong itinuon ang pansin sa menu na hawak ni Clang at namili ng makakain doon. "Ay ito! Peri-peri chicken liver tsaka spicy adidas, sarap!" excited namang bulalas ni Clang. Nagningning

