K U N G . . . hindi pa ako inantok dahil sa gamot na ibinigay ng nurse sa akin kagabi ay hindi pa ako makakatulog. Ang dami naming napagkwentohan ni Primo. Kahit ilang beses ko na itong pinipilit na umuwi na dahil alam kong pagod din ito sa trabaho, ay pilit din nitong iginigiit na dito lang siya. Hanggang sa nakatulog kaming magkatabi sa hospital bed ko habang nakaunan pa ako sa braso niya. Kung hindi pa pumasok ang mga nurse at doktor na magra-rounds para sa morning shift ay hindi kami magigising. Natawa ako nang maalala ko na naman ang reaksyon ng mga staff nang abutan nila kaming magkatabing natutulog. "Aheeeemmm," malakas na pagtikhim ang gumising sa akin. Nang magdilat ako ay tumambad sa paningin ko ang buong medical team na may mga makahulugang ngiti habang nakatayo't nakatungha

