-MIA-
H I N D I . . . ko na mabilang kung ilang buntong hininga na ako pinakawalan ko simula pagising ko kanina.
Sabado ngayon pero abala kaming lahat sa bahay dahil birthday ni Papa. Walang kabuhay-buhay kong pinaypayan ang niluluto kong barbeque, iyon kasi ang request ni Papa sa birthday niya. Masaya naman ako dahil binigyan ulit kami ng isa pang taon na kasama ang papa namin, kaya lang hindi ko talaga magawang maging sigla matapos ang kahihiyang inabot ko nang maipakilala sa ‘kin ni Primo ang pinsan niya. Imagine? Gumawa ako ng eksena, nagalit ako, eh kung tutuusin ako itong panay ang taboy kay Primo. Isa pa, wala naman ako sa posisyon para magalit kung makipagdate man ito sa iba.
Namaaannnn, Maria Isabella! Pinaggagawa mo kasi?!, lihim kong kastigo sa sarili sabay tuktok ng marahan sa ulo ko.
“Mia...”,
Gulat akong napalingon.
“K-Kuya...”, nahihiya kong usal.
“Okay ka lang?”, nagtataka nitong tanong.
“A-Ahh, O-Oo”, sagot ko sabay talikod para muling harapin ang niluluto ko.
Napakipit ako at lihim na dinasal na sana ay wag na itong lumapit at mag-usisa pa. Pero bigo ako, muli akong dumilat nang marinig ko ang buntong-hininga nito sa tabi ko. Nakita kong binibiling nito ang niluluto kong barbeque.
“Wag mong masyadong pahirapan pa ang sarili mo”, maya-maya ay sabi nito habang sa barbeque pa rin nakatuon ang pansin.
Hindi naman ako nakasagot. Magkahalong kaba at hiya ang nararamdaman ko. Ang kuya ko kasi lagi lang tahimik pero nagmamasid. Kahit noong mga bata pa kami, sa tuwing mag-aaway kami ni Macey o magpapasaway kami kina Mama at Papa, ay tahimik lang ito. Pero kapag tumayo na ito at pinukol na kami ng ‘dagger look’, ay dapat tumigil na kami.
Pinanood ko lang ito habang nagdadagdag ng uling sa grill.
“Kung mahal mo pa rin, subukan mo ulit. Pero wag mo na ibigay lahat. Pero kung ayaw mo na...”, huminto ito at tinapos ang pagpapabaga ng mga bagong lagay na uling tsaka ako hinarap.
“Kung ayaw ko na?”, tanong ko.
Pinatitigan muna ako nito.
Sabay kaming napalingon sa may gawi ng gate nang makarinig kami ng malakas na batian at tawanan. Dumating si Primo kasama ang anak nitong si Talia. May kung anong bumundol sa dibdib ko. Ito ang unang beses na dinala ni Primo ang anak niya sa bahay, may kakaibang pakiramdam ang hatid ng tanawing nakikita ko.
“Basta siguraduhin mo lang na alam mo ang pinapasok mo”, maya-maya ay nagsalita ulit si Kuya na muntik ko nang makalimutan na katabi ko pala. Nang balingan ko ito ng tingin ay doon din pala ito nakatingin sa kumonsyong nagaganap sa may gate namin.
Narinig ko ang malutong at malakas na tawa ni Papa kaya muli akong napalingon sa direksyon ng gate. Mukhang giliw na giliw ang tatay ko sa anak ni Primo, at mukhang galak na galak din naman ang batang babaeng parang hinulmang kamote sa tatay niya.
“Gaya ng tinuro ni Papa sa ‘tin simula pagkabata, hindi tayo tumintingin sa antas sa buhay o sa pinag-aralan, ni sa nakaraan ng tao, basta ang sabi ni Papa, basta mamahalin ka, irerespeto at aalagaan...”, pagpapatuloy ng kapatid ko.
Nang muli ko itong lingunin ay nakatingin na rin ito sa akin. Kahit hindi nito diretsong masabi, alam kong nag-aalala lang ito sa akin. Napakaswerte ko talaga sa mga kapatid ko.
“Salamat Kuya”, sabi ko tsaka ito nginitian.
Hindi naman na ito nagsalita pa at nagsimula nang lumakad palayo.
“Bantayan mo maige ‘yong niluluto mo, barbeque ang request ni Papa, hindi sunog na karneng tinuhog-tuhog”, seryoso pa nitong pahabol bago tuluyang umalis.
Napalabi na lang ako. Okay na eh, humirit pa ng pang-aasar, komento ko sa isipan tsaka pinag-ige ang pagpaypay sa niluluto ko.
Kagabi pa nabanggit ni Papa na inimbita niya si Primo at hinimok na isama ang anak. Kung ako ang tatanungin ay ayoko muna sanang magkita-kita ulit kaming tatlo, kaya lang ay ayoko namang ipagkait kay papa ang kagustuhan niya, tutal birthday naman niya. Ang problema ko na lang ngayon ay kung paano ko iiwasan si Primo habang nasa bahay ito.
Makalipas ang ilang sandali ay natapos ko na rin ang unang batch ng barbeque. Hindi ko kasi iniluto lahat ng iminarinate namin ni Clang kagabi para fresh from the grill pa rin kapag kinain na.
Matapos kong iayos sa tray ang lahay ng naluto ko ay nagdesisyon na akong pumasok sa bahay, pero napahinto ako nang malingunan ko si Primo na nakatayo mga ilang hakbang mula sa akin. Agad akong nagbaba ng tingin.
“H-Hi...”, nag-aalangan nitong bati na tila ba may gustong sabihin.
“H-Hi...”, nagmamadali ko namang usal habang nakayuko at mabibilis ang hakbang na nilampasan ito.
Nang makapasok ako ng bahay ay doon ko lang na-realize na pinipigil ko pala ang hininga ko. Napatuptop ako ng dibdib ko dahil sa bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ‘yon sa kaba o sa pagpipigil ko ng hininga. O dahil kay Primo?, syempre hindi pupwedeng hindi sisingit ang isang bahagi ng isip ko!
“Ate?”, bahagya akong napaiktad sa biglang pagtawag sa’kin ni Macey na kakapasok lang ng kusina.
“Huh?”,
“Okay ka lang? Napa’no ka?”, kunot-noo nitong tanong na tanging iling lang ang naisagot ko.
Akmang may sasabihin pa ito nang biglang pumasok si Primo sa backdoor ng kusina namin kung saan din ako nanggaling.
“Mia, I---”
“’Yong cake!”, medyo napalakas pa ang boses ko para lang pigilin si Primo sa kung ano man ang sasabihin nito.
“K-Kunin na raw ni Kuya ‘yong---”
“No!”, putol ko ulit sa sinasabi ni Macey. Base sa pagkakakunot ng noon nito ay halatang nawi-weirdohan na rin ito sa inaasal ko.
Ah basta! Gagawin ko ang lahat para iwasan si Primo! By hook or by crook! Kahit makaabot pa ako hanggang sa dulo ng universe! It’s humiliating enough na mabukong apektado pa rin ako sa mga nangyayari sa buhay niya, paano pa kung komprontahin ako nito?! Kaya no! No! No!
“A-Anong no Ate?”, nagtatakang tanong ni Macey.
“A-Ahhm... n-no, as in....”, halos magkabuhol-buhol na ang dila ko habang nag-iisip ng “palusot.
“Mia, can we plea---”
“Ako na kukuha n’ong cake! Ayan na ‘yong barbeque! Sige! Bye!!!!”, putol kong muli kay Primo na pilit na sumisingit sa usapan namin ng kapatid ko.
Halos hindi pa ako tapos magsalita ay nakalabas na ako ng kusina. Yes, ganyan ako ka-desperadong makalayo sa unggoy kong ex. Mabuti na lang at inabutan ko pa si Kuya na papalabas pa lang ng gate.
“Kuya!”, tawag ko rito.
“Bakit?”,
“Ako na kukuha n’ong cake”, hinihingal ko pang sagot.
Gaya ni Macey ay mukhang na-weirdohan din si Kuya sa akin, umisang linya rin ang kilay nito sa pagtataka.
“Okay ka lang? Sa kabilang baranggay pa ‘yon. Ako na, dito ka na lang”, tugon naman nito at muling umaktong lalabas na ng gate pero agad ko iyong hinawakan para pigilin ulit si Kuya.
Lalo namang nalukot ang noo nito sa ginawa ko.
“Sige na Kuya, please?”, may pagmamakaawa kong pilit.
“Mia!”, kahit hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino ang unggoy na kanina pa ako sinusundan.
“Tara na kuya! Sama ako!”, agad kong hinila ang kapatid ko papalabas ng gate at walang lingon likod na sumakay sa owner jeep na pinahiram ng katrabaho niya.
“Mia! Wait!”, narinig ko pang tawag ni Primo.
“Kuya tara na dali!”, pagmamadali ko naman kay Kuya na bagaman nagtataka ay sumunod na lang.
Ilang sandali pa ay umandar na ang owner. Lihim akong nakahinga ng maluwag nang makita kong unti-unting lumiliit ang repleksyon ni Primo sa side mirror sa gawi ko.
“Iniiwasan mo ba dahil ayaw mo na talaga? O...dahil natatakot ka sa nararamdaman mo kapag andyan siya?”, maya-maya ay seryosong tanong ni Kuya.
Hindi ako nakasagot, sa halip ay itinuon ko ang tingin sa dinaraanan namin.
Bakit nga ba Mia?
-PRIMO-
N A P A B U N T O N G – H I N I N G A . . . na lang ako habang tinatanaw ko ang papalayaong owner jeep na kinasasakyan ni Mia at Myco.
Okay so, I thing’s for sure, iniiwasan nga ako ni Mia. Noong una I was trying to convince myself na baka nga busy lang ito. Isa pa, noong isang araw lang nangyari ‘yong napagkamalan niyang babae ko si Toni, so I figured baka nga busy. But seeing how she practically tried to run off as soon as she sees me... confirmed, she is avoiding me.
What can I do? Bumalik na lang ako sa loob ng bahay nila and wait for her to come back. I mean, this is where she lives right? Whatever happens, uuwi siya.
“Tsk, Tsk, Tsk... LQ na naman Kuya Primo?”, ani Macey na nakatayo sa may pintuan katabi ang bestfriend ni Mia na si Clang.
Bumuntong hininga na lang ako sabay kibit-balikat.
“Kalurkey naman kasi ‘yang sisteret mo dzaaaaii... pakipot ng pakipot, eh n’ong nakita si Doc na may kasamang ibang babae sa bayan naging godzilla biglaaaaaa”, paliwanag ni Clang.
“What? May kasama kang ibang babae Kuya?! Akala ko ba---”
“Kalma okay??? Kaloka, it runs in the blood ata ang pagiging godzilla...”, agad na putol ng huli sa sinasabi Macey.
“So ‘eto na nga... ‘etong acheng mo biglang gumawa ng eksena do’n sa restaurant sa bayan n’ong pumasok si Doc na may kasamang chubabe! Di man lang nagtanong muna, eh pinsan pala ni Doc ‘yong chubabe. O ngayon, e di panay iwas niya dahil nahihiya s’yang aminin na nagseselos s’ya kaloka! Ewan ko ba sa babaeng ‘yon talo pa ang buntis sa moodswings!”, dagdag pa ni Clang.
Napatikhim ako bigla sa huling sinabi ng kaibigan ni Mia. For some reason ay mabilis na nag-flash sa isip ko ang mga sensored moments namin. I felt all my blood rushed down in between my legs at mukhang doon naka-focus ang lahat ng nerves ko. Come to think of it, it has what? Almost two months since I had s*x, it was when I got drunk and unknowingly came into Mia’s place. I had to take a few deep breaths para kalmahin ang sarili.
Nagtataka namang tumingin sa akin ang dalawang babaeng mistulang mga gwardiyang nakatayo sa magkabilang side ng pintuan habang nagkukwentuhan.
“A-Ahm... e-excuse me...”, palusot ko na lang sa pagtikhim ko at umaktong dadaan sa pagitan ng mga ito. Pero halos panabay itong humarap sa akin habang kapwa naka cross-arm pa, animo’y mga imbestigador.
“Matanong nga kita Kuya Primo”, ani Macey.
Bigla akong kinabahan, itatanong kaya nito kung may nangyari na sa amin ng ate niya? I mean I have no problems admitting to the world, pero ayokong malagay si Mia sa alanganin.
Napalunok ako ng ilang beses.
“W-What?”,
“Ikaw ba eh siguradong-sigurado na kay Ate?”,
I was secretly relieved. Whew!
“Yeah. I mean, oo naman”, sagot ko.
“100%?”, ‘a naman ni Clang.
“I can even marry her today if she accepts me again”.
Tanging ngiti lang ang isinagot ni Macey habang si Clang naman gave me a suspicious look.
“Hmmmm, playboy lines, pero pogi ka naman, kaya pwede na rin”, sabi ng huli sabay ikot ng mata.
“Pwedeng ano?”, nagtataka kong tanong.
“Tutulungan ka namin ni Ate Clang na mapasagot mo ulit si Ate”, sagot ni Macey.