-MIA-
A N G . . . hindi ko malaman ay kung bakit para akong magnanakaw na nagtatago sa sarili kong bahay. Simula nang makabalik kami ni Kuya kanina mula sa kabilang baranggay ay para na akong tulisan na hindi malaman kung paano makakapagtago at makakaiwas kay Primo.
Habang aliw na aliw ang lahat sa anak ni Primo na bibong-bibong sumasayaw at kumakanta sa sala namin, ay nagkukunwari naman akong abala sa kung ano sa kusina. Bukod sa mga pasulyap-sulyap ay hindi na rin naman nag-attempt pa si Primo na lumapit sa akin at subukan akong kausapin.
Tumunog ang doorbell naming paos kaya nagmamadali naman akong nagtungo sa gate para tingnan kung sino iyon.
“Hi!”, nakangiting bati ni Travis mula sa labas ng gate namin.
“Uy! Travis! ‘lika pasok ka!”, galak kong yaya rito tsaka mabilis na pinagbuksan ito ng gate.
Ang totoo n’yan medyo na-gi-guilty rin ako. Sa sobrang abala ko kasi sa pag-iisip kung paano ko itataboy si Primo, ay nakalimutan ko nang kamustahin, lalo nang imbitahin si Travis sa birthday ni Papa.
“Naku pasensya ka na ah, hindi kita nasabihan, masyado kasing busy sa school”, pagsisinungaling ko.
“N-No, no it’s okay. Uhm...I-I was busy myself...”, hindi ko malaman kung bakit parang asiwa ito na kinakabahan. Minabuti kong ‘wag na iyon pagtuunan ng pansin dahil baka may iba rin itong iniisip.
“Tara, andito sina Papa sa sala”, nakangiti kong sabi habang papasok kami sa pinto na sinagot din nito ng ngiti.
“Pa! May bisit ka!”, malakas ang boses na tawag ko kay Papa sanhi upang mapalingon ang lahat sa gawi namin.
Natigilan ako sa paglapit sa kinaroroonan nila nang makita ko ang iba’t ibang reaksyon ng mga ito sa dumating. Si Papa masaya siyempre, si Kuya as usual ay poker face, si Ate Gisella na kararating lang din ay maamong nakangiti. Si Clang ay mukhang masaya naman pero may kabadong ekspresyon habang nagpapalipat lipat ng tingin kay Travis at kay Primo. At so Primo, na syempre nakabusangot ang mukha. Pero ang pinakaweirdo sa lahat ay ang reaksyon ni Macey, lukot na lukot ang mukha nito at halos umisang linya ang kilay.
“’l-lika, pasok ka Travis. Ikukuha lang kita ng pagkain”, ako na ang bumasag sa medyo awkward na katahimikan.
Mukhang pati ito ay nakaramdam ng awkwardness dahil sa biglang pagtahimik ng paligid. Naging malikot ang mga mata nito, pero kahit na gan’on ay pilit naman itong ngumiti at tumango.
Akmang papasok na ako sa kusina nang biglang magpatiuna si Macey at nagmamadali akong nilampsan.
“M-Macey...”, nag-aalangang tawag sana ni Travis dito pero hindi ito pinansin ng huli.
Nagtataka kong sinundan ng tingin ang kapatid ko hanggang sa maglaho ito sa kusina. Okkkaaayy?, nalilitong komento sa isip tsaka binalingan naman si Travis. Laglag ang balikat at mukhang nalugi sa lotto ang itsura nito sabay nagpakawala ng buntong hininga.
Lihim ko namang sinulyapan si Clang. Anong meron?, tanong ko sa isip habang nakatingin sa bestfriend ko na animo’y nagmimental telepathy kami. Nagkibit balikat naman ito at bahagyang umiling.
“A-Ahmm... s-sige na Travis, d’on ka na kina Papa, tulungan ko lang si Macey”, sabi ko tsaka pasimpleng sinenyasan ko si Clang na back-up’pan ako.
“A-Ahh oo! Tara dito Doc Pogi, para dalawa na kayong doktor na pogi dito tara!”, mataas ang boses na sabi naman ng kaibigan ko. Agad ko itong pinandilatan dahil mukhang mas ipapahamak pa ako nito keysa tulungan.
Pasimple kong sinulyapan si Primo na bagaman pumormal na ang mukha, ay hindi na ata mabubura ang gitla sa noo hangga’t nasa paligid si Travis.
Nagpasya akong sundan na lang ang kapatid kong umaaktong weirodo bago pa man ako mahuli ni Primo na nakatingin sa kanya. Hindi naman siguro gagawa ng kalokohan si Primo sa harap nina Kuya at Papa, lalo pa’t birthday ng huli.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kusina ay nakita kong tila wala sa sariling naglalagay ng pancit sa plato si Macey. Halos mapuno na ang plato pero panay pa rin ang salin nito doon.
“Macey... ako na”, simple kong agaw sa pansin nito sabay kuha ng platong may gabundok nang pansit.
“A-Ahh.. s-sige. Kukuha ako ng baso para sa juice”, natataranta nitong sagot.
Sinundan ko lang ito ng tingin at pinakiramdaman. Okay naman ito kanina, pero naging tuliro ito nang biglang dumating si Travis
“Okay ka lang ba?”, tanong ko.
Natigilan ito ng ilang segundo bago muling sumagot.
“Oo ate, naalala ko lang bigla kasi may audit pala kami sa work sa Lunes”, halatang pinipilit nitong pasiglahin ang boses at mukhang pero syempre, I know her better than anyone else.
“Sure ka?”,
“O-Oo naman! Bakit ano ba iniisip mo?”, kunwa’y kaswal nitong tanong habang nagsasalin ng juice sa baso.
“I don’t know, baka kako nagkatampuhan kayo ni Travis”, kunwa ay kaswal ko ring sagot habang pasimple ko pinagmamasdan ang expresyon ng mukha nito.
Natigilan ito at nakita kong napalunok bago muli pilit na ngumiti.
“H-Hindi ano ka ba, ba’t mo naman naisip ‘yan? Tsaka isa pa, hindi naman kami close sa gan’ong level para magkatampuhan”, natatawa nitong sagot.
Hindi na ako nag-usisa pa, mukhang ayaw nitong pag-usapan kung ano man ang mangyari. Tumango-tango na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkuha ng pagkain para kay Travis.
Sabay na kaming bumalik ni Macey sa sala dala-dala ang mga pagkain at inumin para sa bagong dating na bisita.
Sina Papa, Travis, Ate Gisella , Clang at Primo na lang an nando’on, kasama ang mga maging ni Ate Gisella.
“Si Kuya?”, tanong ko. Gusto ko pa sanang itanong kung nasaan si Talia pero ayokong magmukha akong feeling close at komportable.
“Ah, nasa garden kalaro ng mga bata, dumating sina Yuki at Aki, inihatid na nina Mama”, nakangiting sagot ni Ate Gisella.
Tumango-tango naman ako at iniabot na kay Travis ang dala kong plato, samantalang inilapag naman ni Macey ang baso ng juice sa center table.
“Clang, tulungan mo naman ako maghanda para kina Tita Norma---”
“Ako na Ate”, singit ulit ni Macey.
Hindi na ako kumontra pa at tumango na lang.
Aktong uupo na ako sa hinila kong monoblock chair na ipinuwesto ko sana sa tabi ni Travis nang bigla akong hilahin ni Primo sa may pulsuhan.
“Aray ko! Anong---”
“Kami na magbabantay sa mga bata”, hindi ko alam kung kanino ba ‘yon sinasabi ni Primo, sa akin ba o kina Papa.
Wala namang sumagot dahil mukhang nawindang ang lahat sa mga biglang mga tirada ng unggoy na ‘to.
Hindi na rin ako nakapagprotesta nang tuluyan ako nitong hilahin palabas ng pintuan at nagtuloy-tuloy kami sa garden.
“Aray ko! Ayokong magbantay ng mga bata Primo!”, protesta ko ngunit parang wala lang itong narinig.
Nang marating namin ang garden ay agad na napatingin sa amin si Kuya. Naramdaman ko namang lumuwag na ang hawak ni Primo sa pulsuhan ko kaya nakakita ako ng pagkakataong kumawala mula rito. Pero agad naman din nitong hinawakan ulit ang kamay ko. Nalipat ang tingin ni Kuya sa kamay namin tsaka muling tiningnan si Primo.
“Kami na muna ang magbabantay sa mga bata, puntahan mo na ang mga biyenan mo”, seryosong sabi ni Primo kay Kuya.
Saglit na nagtitigan muna ang dalawa tsaka bahagyang tumango lang si Kuya at pumasok na ng bahay.
Nakaalis na at lahat si Kuya ay hindi pa rin ako binibitawan ni Primo. Nakatayo lang ito habang nakatanaw sa tatlong batang nagtatawanan habang naghahabulan.
“Pwede mo na akong bitawan”, sabi ko.
“No Mia, I won’t ever let you go”, matigas nitong sabi at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko tsaka ako nilingon.
“Do you hear me? Never in this lifetime, will I ever let you go again, Mia”, seryoso nitong dagdag.
Sinalubong ko naman ang mga titig nito, at ramdam ko rin naman ang sensiridad nito, kaya lang...
“H-Hindi ‘yon ang ibig kong s-sabihin...”, nag-aalangan kong tugon.
“Huh?”
“Y-Y’ong kamay ko... b-baka kako pwede mo nang bitawan...n-nagpapawis kasi”, nahihiya ko sagot.
Kumurap-kurap ito sabay napatikhim, tsaka nito muling ibinaling sa ibang direksyon ang tingin. Para akong may katok, kanina naiinis ako, ngayon naman ay halos mangawit ang pisngi ko sa kakapigil ng tawa, paano’y halatang napahiya ito.
“Still a no”, pilit nitong pinagtitigas ang boses, siguro ay para itago ang pagkapahiya.
Samantala’y lalo lamang nitong pinaghigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.
“You have been avoiding me since yesterday. And now that I finally got a hold of you, do you think I’d let you go that easily?”, dagdag pa nito.
Muli kong naalala ang nangyari sa restaurant sa sinabi nito, kaya’t nanumbalik ang pinaghalong inis at hiya ko rito.
“Imbento ka, ba’t naman kita iiwasan?”, pagkakaila ko sabay irap dito.
“I don’t know, you tell me, Mia...bakit mo nga ba ako iniiwasan?”, tanong nito tsaka ako nilingon.
Tumingin naman ako sa ibang direksyon para iwasan ang mga mata nito, mahirap na, baka ipagkanulo pa ako ng sarili kong mata.
“Feeling mo lang ‘yon”, sagot ko.
“Really? Kaya pala halos madapa ka kakatakbo palayo n’ong abutan kitang nagluluto ng barbeque kanina”,
“Nagmamadali ako, baka lumamig ‘yong barbeque”
“Okay? Eh ‘yong sa cake?”
“O, ano sa cake?”
“Myco was supposed to go and pick up the cake, pero pilit kang sumama just to get away from me”,
“Wow! Iba rin! Feeling mo naman! FYI! Sinamahan ko lang si Kuya para masiguradong okay ‘yong cake. Ako ang um-order n’on kaya kung may mali d’on, alam ko agad, mairereklamo ko agad kung sakali”,
Bumuntong hininga ito na para bang frustrated na. Bakit kasi napakakulit! Iniiwasan na eh panay pa ang lapit, ngayon siya ang mafu-frustrate, eh adik pala ‘to eh!, sabi ko sa isip.
“I think I said this before too, when I accidentally read your diary back when we were in highschool”, kapagkakuwa’y sabi nito.
Pinigil ko ang sariling lingunin ito. May kung anong kurot sa puso ko ang pagbanggit nito sa nakaraan namin...sa masayang nakaraan namin.
“Don’t ever think that you’ve lost just because I accidentally found out about your feelings, Mia”, dagdag nito.
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong humarap ito sa akin pero nanatili akong nakatanawa kina Aki at sa anak nito na masayang naglalaro.
“Ano feelings ang pinagsasabi mo d’yan”, bulong ko pero alam kong narinig naman nito iyon.
“No matter what you do to push me away, no matter how much you say na ayaw mo na sa’kin, na hindi mo na ako mahal... mas mahal pa rin kita...more than you know”.
Pakiramdam ko ay may bikig na umaahon sa lalamunan ko kaya kinailangan kong lumunok ng ilang beses at kumurap ng mabilis para iwasang mamuo ang tubig sa mga mata ko.
“Bahala ka na kung anong gusto mong gawin o isipin, Primo. Tutal hindi ka naman naniniwala o nakikinig sa ‘kin, so ikaw na ang bahala”, sagot ko sabay pilit na binawi ang kamay ko.
Agad akong tumalikod at nagsimulang lumakad pabalik sa bahay pero nakakatatlong hakbang pa lang ako nang bigla itong magsalita ulit.
“Marry me”.