PRIMO'S POV
P I N A H A R U R O T . . . ko ang kotse matapos ang mahabang oras na pananatili ko sa tapat ng bahay nina Mia. That scene from earlier had been bugging me since we left nang ibinalik namin ang susi niya sa kanya. My whole mood was put off by that, that I almost ruined our dinner with my mom. Mabuti na lang at pinatos ni Mommy ang palusot kong "the preparation for the hospital's anniversary event has been stressing me out", kaya ang ito na mismo ang nagsabing iwanan ko na sa kanya si Talia at umuwi na para magpahinga.
It was not the time to be mature so I took her offer and dashed off without thinking of anything else. In fact, my actions were almost, if not more, similar to situations where I was called for an emergency surgery where a patient's life is in immense danger. May pagmamadali sa bawat kilos ko.
I hopped on to my car and the next thing I knew, I was pulling over in front of Mia's house. Napansin kong wala na ang sasakyan ng nakakairitang bisita ni Mia kanina.
Good! I quietly said and smirked.
I shut the engine off and as I was releasing my seatbelt to get ready to get off the car, iniisip ko kung ano ang sasabihin ko kay Mia. Doon ako natigilan.
Yes, Primo. Ano nga ba ang isasagot mo kapag tinanong ka na ni Mia kung anong ginagawa mo dito? I asked myself.
The clear answer is I don't know. Kaya napabuntong hininga ako tsaka padabog na sumandal sa backrest ng kinauupan ko.
I glanced towards the direction of their window. Nakasindi pa ang mga ilaw sa sala kaya alam kong gising pa ito.
What now? tanong ko ulit sa sarili ko.
I practically flew from the restaurant to here at ngayong nandito na ako, ni hindi ko magawang bumaba mula sa kotse ko. Feeling pathetic and helpless, muli akong nagpakawala ng marahas na hangin.
Just a minute ago, I was so sure what I needed to do...it's to go to her. Make sure that that annoying creature will not make a single move on Mia. Let him know his boundaries. But now that I am here, I don't even dare step out of my fully tinted car.
Bigla akong inulan ng napakaraming tanong at pag-aalinlangan. Who am I to question her relationship with some other guy? Who am I to stop her from moving on and living her life?
I'm just some ex-boyfriend who fvcked up almost a decade ago, came back hoping we could start anew and still manage to mess up everything.
Nakita ko ang pagsindi ng ilaw sa kwarto nito kaya muli akong napalingon sa gawi roon. Her silhouette appeared by her bedroom window. She picked up some book and started flipping through its pages. It was so clear that I thought I could see the creases on her forehead when she's too focused on something. I smiled sadly at the thought of her.
Pinagkasya ko na ang sarili ko sa pagmamasid sa anino niya na para bang nakikita ko na rin siya.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakahinto roon habang nakatanaw sa bahay nina Mia. Nakita ko lang siyang tumayo at kasunod niyon ay namatay na ang ilaw sa sala. Matutulog na siguro ito.
Binuhay ko na ang makina ng kotse atsaka mabilis na umalis doon.
I drove and drove without any destination. Ganito rin ang nararamdaman ko sa mga panahong ito. Pakiramdam ko ay naliligaw ako at hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta. Kung hindi pa tumunog ang alarm ng sasakyan na nagsasabing wala na akong gasolina ay hindi pa ako titigil.
"Fvck!" I exclaimed as I slammed my steering wheel.
I looked around to see where I am but all I saw on my right were nothing but silhouettes of tall trees. Samantalang sa kaliwa ko naman ay tanaw ko ang nagliliwanag na kailawan ng bayan ng San Mateo. I know where I am. Malitt lang ang bayan na ito at halos magkakakilala ang mga tao. I reached for my phone and tried calling Nick but it just rang for ages then it went to voicemail.
"Nick!" sambit ko sa pangalan nito sa pagitan ng nagtatagis kong mga bagang.
Sinubukan kong i-dial pa ng ilang beses ang numero nito pero gan'on at gan'on lang din ang nangyayari. Kung hindi ito lasing, malamang ay nasa gitna na naman ito ng biyahe papuntang langit.
Minabuti kong maghanap na lang ng iba mula sa contact list ko dahil kung hihintayin ko ang bestfriend kong malibog, malamang ay sa makalawa pa ako makakaalis sa lugar na ito. After what seemed like forever, someone finally picked up.
"Hello?" 'a nang nasa kabilang linya na mukhang naalimpungatan pa ng gising.
Nabuhayan ako ng loob.
"Hello?" tugon ko.
"Primo?" she called my name with uncertainty.
Napakunot ako ng noo sabay double check sa screen kung sino nga ba ang kausap ko. Sa dami kasi ng tinawagan ko, hindi ko na alam kung sino ang sumagot at hindi.
Janice... Iyon ang nakasulat sa screen. Oh, natawagan ko pala ito. Bigla tuloy akong nagdalawang isip kung aabalahin ko pa ito o mag-sosorry na lang for a late night call.
"Are you okay?" tanong nito sa pananahimik ko.
I let out a deep sigh of helplessness. Walang point na pairalin ko pa ang pride o hiya ko sa sitwasyong ito.
"Janice, sorry for disturbing you, but can you do me a favor?"
I briefly explained my situation while trying my best not to sound desperate or stupid. Although I swear to God, I thought I heard her small chuckle before she said,
"Okay, send me your location, I'll come and pick you up,"
Pinasalamatan ko ito bago kami nagkapaalamanan.
I let out another sigh. This night is full of deep sighs of regret, embarrassment and everything else in between. Naihilamos ko ang dalawa kong palad tsaka diretsong ipinatong ang noo ko sa manibela.
Just wow, Primo. Since when have you been this lame? If your 15-year old self will see you now, tatawanan ka lang niya sa mga ka-gaguhang pinaggagawa mo, kastigo ko sa sarili.
Parang biglang nagkaroon ng mabilis na recap ng mga naganap sa araw na ito sa isip ko. From the moment na nag-offer si Janice na ihatid si Mia kaninang hapon, hanggang sa inabutan naming tagpo sa labas ng bahay nila nang ibinalik namin ang susing naiwan niya sa bahay, hanggang sa pagkabalisa ko from that moment until I finally decided to run back to her and how I cowardly sat outside her house for hours.
Nagpasya akong bumaba na lang muna ng kotse para lumanghap ng sariwang hangin, bago ko pa suntukin ang sarili ko sa inis.
I stood near the cliff at tinanaw ko ang buong bayan. Isa-isa nang nagsisi-p*****n ang mga ilaw tanda ng paglalim ng gabi.
Umihip ang malamig na simoy ng hangin pero hindi ko 'yon ininda.
The silence did not help much with the chaos that's happening within me. I was suddenly filled with thought of fears, of uncertainity and regrets and frustration.
Thoughts like, "may pag-asa pa kaya?" or "paano kung wala na talaga?" and many more of those kinds filled my rather complicated mind.
"Mia..." I silently called her name in the open, knowing na ako lang ang naroon.
Pinutol ng sinag na nagmumula sa paparating na sasakyan ang pag-iisip kong iyon. Awtomatiko akong napalingon sa gawi n'on pero agad din akong napapikit nang masilaw.
Huminto ang sasakyan sa likuran mismo ng oto ko. Nagbaba ng bintana ang driver atsaka ko nakita si Janice.
"Need a lift?" nakangiti nitong tanong.