FLASHBACK
Sinadya kong agahan ang dismissal ni Talia para makaalis na ako bago pa dumating ang lola nito.
Kaya lang ay noong papalabas na siya sa gate ay siya namang pagpasok ng kotseng sinasakyan nito.
“Talaga naman si Lord masyadong magbiro. Pag hinihingi mo ayaw bigay, pag iniiwasan mo ‘yon ang makakasalubong mo”, bulong ko habang lalong binibilisan ang mga hakbang ko palabas ng gate.
“Mia! Iha!”,
Napahinto ako at napapikit dahil obvious naman kung sino ang tumawag na ‘yon sakin.
“Love mo talaga ako Lord ano?”, bulong ko tsaka dahan-dahang lumingon at ngumiti ng peke.
“Magandang hapon ho, Mrs. Cordova”, bati ko rito.
“Magkape ka muna”, nakangiti nitong sabi.
Sandali akong nag-alinlangan kung sasama ba ako o magdadahilan at aalis na. Pero bakit naman ako iiwas di ba? Gayong wala naman akong ginagawa o ginawang masama. Sa huli ay pinili ko ang una.
Sumunod lamang ako rito hanggang sa marating namin ang garden table set nito sa may gilid ng swimming pool. Mwinestrahan ako nitong maupo kaya sumunod na lang din ako.
“Kamusta ang pagtuturo mo kay Talia?”, basag nito sa katahimikan.
“O-Okay naman po, Mam”,
“Mam... hmmmm”, anito at huminto sa pagsasalita na para bang nag-iisip kung ano ang sasabihin niya.
“Ibig bang sabihin eh, hindi pa rin kayo nagkakaayos ni Primo?”, maya-maya ay tanong nito.
“Po?”,
“Oh, forgive me. I don’t mean to interfere with your personal life, sorry”, tumatawa nitong komento.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko ito sasagutin.
Nang humupa ang pagtawa nito ay muli itong nanahimik at parang nag-iisip ulit.
Sakto namang dumating si Manang Fely na may dalang dalawang tasang kape.
“Salamat Manang Fely”, ‘a nang ginang sa matandang kasambahay samantalang nginitian naman niya ito nang sumulyap sa kanya.
Nang makaalis ang matanda ay muli nagsalita si Mrs. Cordova.
“Dadalhin ko sa America ang daddy ni Primo para doon magpagamot”, anito.
“G-Gan’on ho ba kalala ang kondisyon niya?”, hindi ko rin maiwasang hindi mag-alala para sa nakatatandang Cordova dahil hindi naman ito estranghero sa akin.
Humigop muna ito ng kape bago ako sinagot.
“He’s not responding sa mga treatments na available dito sa Pilipinas. Sinubukan na namin lahat, we even went to the best oncologists known in the country pero wala talaga”, sagot nito habang nakatingin sa ibang direksyon at tila lost in her own thoughts.
Hindi naman ako kumibo dahil hindi ko rin naman ang sasabihin ko.
Maya-maya ay muli ako nitong nilingon at nginitian.
“Sorry, I really didn’t mean to pry sa private life mo Mia. It’s just that...”, huminto ito at bumuntong hininga.
“Hindi ba kayo nagkabalikan ni Primo?”
Umiling lang ako bilang sagot. Muli naman itong nagpakawala ng hangin.
“Sorry ulit. I was just worried na baka magkaproblema kayo ulit kapag nalaman mong....doon kami kay Caragh titira habang nasa America at nagpapagamot ang daddy ni Primo”
“Caragh?”
“Hindi ba nabanggit ni Primo sa’yo?”,
Sumagot ulit ako ng iling.
“Talia’s mother”
END OF FLASHBACK
.
.
.
.
T A T L O N G . . . araw na ang nakalipas mula n’ong nagkita ulit kami ni Mrs. Cordova. Iyon yata ang una naming pagkikita magmula n’ong pinuntahan ako nito sa bahay para humingi ng tawad. Nawala sa isip ko na doon din pala ito nakatira kaya’t hindi malayong magkrus ang mga landas namin. Tatlong araw ko na ring hindi nakikita ni anino ni Primo. Sabi naman ni Talia umuuwi naman ang daddy niya pero late na at maaga ulit aalis. Hindi ko tuloy maiwasang isiping baka iniiwasan ako nito, lalo’t hindi rin maganda ang naging huli naming pagkikita.
Napabuntong hininga ako habang nagtitimpla ng kape sa kusina ng mansyon ng mga Cordova. Nakagawian ko na rin kasi na ako na ang natitimpla ng sarili kong kape dahil ayokong magmukhang nag-uutos ako sa iba.
“Porket magkikita na kayo ulit ng isa mo pang ex dedma mo na ‘ko hmft!”, bulong ko sa kawalan dahil alam kong mag-isa lang
“Eh bakit, ex rin naman ako ah! Bakit ‘yong isang ex excited kang makita, bakit ako iniiwasan?”, patuloy kong pagmomonologue with matching hand gestures.
“Eh bakit may anak ba kayo?...Wala...O eh wala pala eh, ano dinadrama mo d’yan?”
“Teacher?”, biglang singit ng isang tinig kaya napasinghap tuloy ako sa gulat sabay nilingon ito.
“What are you doing?”, inosente nitong tanong habang yakap-yakap ang workbook nito at nakatayo sa may entrada ng kusina.
“A-Ahhh wala... nirere-enact ko lang ‘yong napanood kong movie kagabi”, pagsisinungalin ko.
“Movie? What movie?”
“A-Ahm... ano ‘yang... I mean, what’s that?”, pag-iiba ko ng usapan sabay turo sa yakap nitong libro kahit na ang totoo ay alam ko naman kung ano iyon.
“My workbook. I finished working on my activities for today”,
“Already? Did you not take your snack?”
“I did. But I was bored so I decided to do my activities while eating”,
Kumurap-kurap lang ako dahil sa pagkabigla. Hindi pa yata ako nakakatagpo ng estudyanteng tila atat na mag-aral. Mukhang kailangan kong magdouble time sa paggawa ng lesson plan nito dahil mukhang kaya nitong tapusin ang gawain ng isang quarter sa loob lang ng isang buwan.
“Do you want to check my work Teacher?”, untag nito sa akin.
“A-Ah, sige, sure. Tara”, yaya ko dito.
“Ay saglit ‘yong kape ko pala”, sabi ko tsaka mabilis na dinampot ang tasa ng katitimpla ko lang na kape.
“Tara let’s!”,
Makaagapay kaming naglakad palabas ng kusina habang hawak ko ang tasa ng kape sa kaliwa kong kamay para malayo kay Talia.
Pero bago pa man kami makapanhik sa unang baitang ng hagdan ay biglang tumakbo si Talia papunta may pinto.
“Daddyyyyyyyy!!!”, sabik nitong sabi at diretsong sinalubong ng yakap ang bagong dating.
For a split of second ay biglang parang gusto ko ring tumakbo at makiyakap nang makita ko si Primo. Feeling ko kasi ay ang tagal ko itong di nakita. Mabuti na lang at napigilan ko agad ang sarili ko.
“Hey baby! How’s your day so far?”, galak namang bati ng ama sa anak niya.
“Good. Teacher Mia asked me to have my break but I got bored doing nothing so I decided to work on my activities while eating. So now I am finished with all my homework too”, mabilis na pagbabalita ng batang madaldal sa ama niya.
Pasimpleng sumulyap naman ang huli sa akin kaya hindi ko tuloy malaman kung babatiin ko ba ito o kung may hinihintay rin ba itong sasabihin ko.
“A-Ahm, H-Hel---”
Hindi ko naituloy ang pagbati ko sana dahil may biglang pumasok na babae sa pintong pinanggalingan rin ni Primo. Hindi ko mapigilang tingnan ito mula ulo hanggang paa dahil sa taglay nitong ganda. Para itong isang modelong lumabas mula sa isang magazine. Balinkinitan ang katawan at mala-porcelana ang kutis. Kaya naman bagay na bagay ang suot nitong pencil cut skirt at off-shoulder white top na sa sobrang hapit at nipis ay pwede nang pagkamalang balat nito.
“Hi, you must be Talia”, nakangiting bati ng babae sa batang tulad niya ay nakatingin din rito.
“Talia, say hi to your Tita Janice”, ani Primo.
“Hi Tita Janice”, kaswal namang bati ng bata.
Nakangiting kumaway naman ang babae na para bang nasa commercial siya ng toothpaste. Pinigil ko ang sarili umismid dahil baka makita pa nito at kung ano ang isipin.
“Who is she daddy?”, baling ng bata sa ama.
Hindi ko alam kung bakit biglang tumingin sa akin si Primo bago muling binalingan ang babaeng tumabi na sa kanya.
Pero pakiramdam ko ay biglang bumagal ang paligid ng dahan-dahang kunin ni Primo ang kamay ng katabi at pinagsiklop ang mga palad nila.
“She’s my girlfriend”,
Parang nagpantingin ang pandinig ko.
Ano raw?????? Pakiulit???,
Pakiramdam ko ay unti-unting namanhid ang katawan ko. Muntik ko tuloy mabitawan ang hawak kong mainit na kape kaya tumapon iyon sa kamay ko.
“Aray!”, pasinghap kong nasabi nang maramdaman ko ang init ng tumapong kape sa balat ko.
“Teacher, are you okay?”, tanong ni Talia at akmang lalapitan ako pero agad ko itong pinigil.
“Stay there, stay there...it’s dangerous baka mapaso ka”, mabilis kong sabi habang inilalayo rito ang hawak kong tasa ng kape.
Mahirap na baka madamay ko pa ang bata, lalo’t hindi stable ang pakiramdam ko.
Nang sulyapan ko si Primo ay nakatingin lang ito sa akin at wala man lang bahid ng kahit na kaunting pag-aalala.
“Are you okay?”, tila concerned namang tanong ng kasama nitong babae na pinakilala nitong girlfriend.
Tumango lang ako dahil baka magtunog bitter ako kapag nagsalita pa ako.
“Primo, Janice”,
Sabay-sabay na nabaling ang tingin namin sa tumawag sa dalawa mula sa pintuan.
“Tito Nick!!!!”, galak na galak na tawag ni Talia sa dumating at gaya ng ginawa nito sa ama ay patakbo rin nitong niyakap ang huli.
“Tali, Tali, Tali... my favorite niece!”, giliw namang salubong ni Nick sa bata.
“But I am your only niece, Tito”,
Nagkatawanan ang dalawa ng saglit bago nagawi sa akin ang tingin ni Nick. Nakita ko ang unti-unting pagpormal ng mukha nito pati ang paglipat ng tingin kina Primo at Janice.
“Mia... I didn’t know na andito ka”, anito pero hindi naman sa akin nakatingin kundi kay Primo.
“You know each other?”, tanong naman ni Janice.
Sa totoo lang ay nagulat din akong kilala din ni Nick ang babaeng parang kabute at bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.
“Ah yes... classmates kami n’ong highschool. Kaming tatlo nina Primo actually”,
“Wow! That’s amazing! What a small world di ba?”, galak na komento ulit ng girlfriend ni Primo.
Pinigil ko ulit ang sarili kong umismid dahil mukhang hindi nito napapansin na siya lang ang masaya sa lahat sa aming nakatayo roon.
“What brought you here Nick?”, pag-iiba ni Primo ng usapan.
“Wala naman, ilang araw na kasi kitang hindi mahagilap. Sa tuwing pupuntahan kita sa opisina mo kung hindi nasa meeting ay may out of town business. So I decided na hulihin ka dito sa bahay mo. And well, here you are”,
“Sorry, madami kasi akong inaasikaso. Personal matters. Dumagdag pa ‘yang Foundation Ball na ‘yan, sumasakit ang ulo ko sa dami ng cheche-bureche”,
“Ahhh yes, the Foundation Ball. Matagal na akong kinukulit ni Dad tungkol d’yan”, ani Nick sabay iling.
“For you to attend?”
“With a someone. Dahil kung hindi ipapakilala daw niya ako sa mga anak ng amigo niya, at ipapagkasundong ikasal, tsk. It’s the 21st century for Christ’s sake!”
Naiiling na tumawa si Primo dahil sa reaksyon ng bestfriend niya.
“Wait, but you’re going right? It’ll be so much easier kung may kilala akong iba sa Ball na ‘yon apart from Primo”, singit naman ni Janice.
Okay, nakakairita mang aminin pero halatang may mataas na pinag-aralan at galing sa magandang pamilya kung magsalita ang babaeng kabuteng ito.
“You’re going?”, tanong ni Nick.
“Of course she’s going. Wouldn’t it be awkward for my own girlfriend not to be in the Foundation event of the hospital that I run?”, maagap na sagot ni Primo.
Napalunok ako ng muli kong marinig mula sa bibig ni Primo ang salitang ‘girlfriend’ bilang panukoy kay Ms. Kabute.
Nakita ko naman ang mabilis na pagsulyap sa akin ni Nick na parang biglang na-awkward at hindi alam ang sasabihin.
“I see”, wika pa ng huli.
“Well you better find someone na pwede mong isama sa Ball kung ayaw mong maikasal kay Miss Stranger”, komento naman ni Primo.
“But I’m not even dating anyone?!”
“Teacher Mia is single”, biglang singit ng munting tinig.
Nabaling ang tingin naming lahat sa batang kung hindi pa nagsalita ay makakalimutan naming nandoon pala.
“Right, Teacher?”, baling sa’kin ni Talia. Pinandilatan ko ito ng mata habang nakangiti ng pilit.
“A-Ah... he he he, ikaw talagang bata ka...l-let’s go back to your study, tara”, awkward ko na lang na sabi sabay lahad ng malaya kong kamay para ayain ito.
‘Tong batang ‘to minsan cute, minsan masarap kutusan. Pati ako idadamay, sabi ko sa isip.
“Tito Nick, not dating anyone means you’re also single right?”, inosenteng tanong pa ng bata.
“W-Well... y-yeah... I guess”,
“So, if you’re single. And Teacher Mia is single, meaning you can go to the Ball together. And then later you can tell Lolo Nic that you will marry Teacher Mia”,
Sabay na namilog ang mga mata namin ni Nick atsaka nagkatinginan. Pero mabilis rin kaming nag-iwas ng tingin sa isa’t isa dahil sa awkward na sitwasyon. Syempre hindi alam ni Talia na nagkaroon kami ng issue noon kaya nito nasabi ang mga bagay na ‘yon.
Ni hindi ko magawang tingnan ang direksyon ni Primo dahil siguradong may low pressure area na namumuo roon.
Tumikhim naman si Nick tsaka tumalungko para magpantay sila ni Talia.
“You know princess, hindi kasi gan’on kadali magpakasal. You know... uhhh you can’t just marry anyone just because you’re both single”, paliwanag nito sa batang pamangkin.
“But you said Lolo Nic is going to make you marry a stranger if you don’t bring anyone with you to the Ball”,
“That’s right”
“So wouldn’t it be better if you marry Teacher Mia rather than a stranger? I mean at least you know her since you used to be classmates, right?”
“Uuhhhhh...”, ani Nick sabay sumulyap sa’kin na waring nanghihingi ng tulong. Mukhang naubusan ito ng isasagot sa madaldal na bata.
“Ahh Talia, you know, your Tito Nick is right, marrying someone isn’t that simple”, singit ko naman.
“But why Teacher?”
“Hmmmm”, ‘ka ko habang nag-iisip ng isasagot. Ubos na naman ang neurons ko sa batang ‘to.
Luminga-linga ako para maghanap ng pwede kong pagpatungan ng tasang kanina ko pa hawak-hawak. Nang makita ko ang malapit na divider ay doon ko na muna iyon ipinatong. Tumalungko rin ako sa tabi ni Nick tsaka hinawakan ang magkabilang braso ni Talia.
“You can’t get married just because you know each other, or because you’re comfortable with each other. Uhmm... there are so many other things that is needed before two people can get married”, paliwanag niya naman.
“Like what?”
“Tinamaan ng magaling, hindi ata mauubusan ng tanong ang batang ‘to”, bulong ko.
Natawa naman si Nick na clearly ay narinig ang sinabi ko kaya natawa na rin ako.
“Hmmm... Like... love, respect, friendship, loyalty, honesty.... trust... and so many more that you will understand more when you’re a little older”, sagot ko naman sabay sulyap sa gawi ni Primo.
Nakakunot ang noo nito mahirap mabasa kung ano ang iniisip o nararamdaman nito ngayon.
“Teka, napano ‘yan?”, maya-maya ay tanong ni Nick sabay hawak sa kamay kong natapunan ng mainit na kape kanina.
Napasinghap naman ako dahil sa gulat at hapdi sa ginawa nitong iyon.
“W-Wala, natapunan lang ng kape, p-pero wala ‘to. Lalagyan ko lang ‘to ng toothpaste mamaya wala na ‘to”, sagot ko naman sabay bawi ng kamay ko.
“Aaaaayyiieeee.... Tito Nick is conceerrrnnnn....”, panunukso ng batang makulit na mukhang kinikilig pa.
Nagkatawanan tuloy kami dahil sa inasal ni Talia.
“Let’s get you treated first, baka malumala pa ‘yan”, pagkakuwa’y sabi ni Nick at umaktong hahawakan muli ang kamay ko. Pero hindi iyon natuloy dahil may biglang umagaw sa kamay ko kaya sabay kaming napatingin sa gumawa niyon.
“I’m the doctor here. So I guess that gives me the reason to treat her”, maawtoridad na sabi ni Primo na madilim na madilim ang mukha sabay hila sa akin patayo.
Bago pa man ako nakahuma ay walang lingon-likod na ako nitong hinila papanhik sa hagdan.