CHAPTER 15

1981 Words
N A P A P I K I T . . . ako sa malakas na pagsara ng pinto nang ng kwarto ni Primo matapos iyong pabalibag na isinara nito. Malapit na talaga akong makumbinsi na bipolar ang lalaking ito. Ano na naman kaya ang ikinagagalit nito. Walang imik ako nitong pinaupo sa gilid ng kama niya at doon ko lang napansin kung gaano kahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko nang bitawan ako nito. Saglit itong nawala at pumasok sa banyo pero agad din namang lumabas bitbit ang isang box. Diretso itong naupo sa tabi ko at wala pa ring imik na kinuha ang kamay kong may paso tsaka sinipat iyon. At dahil nakatuon ang pansin nito sa ginagawa ay malaya akong tumitig dito. “When will you ever learn to be careful, Mia. A decade has passed at hindi ka pa rin nagbabago, clumsy ka pa rin”, anito na may bahid ng panenermon. Bigla mo ba naman akong pakilalahan ng girlfriend na pinaglihi sa kabute eh, sino bang hindi magugulat, sagot ko sa isip. Syempre hindi ko ‘yon sasabihin talaga. Sa halip ay nanatili lang akong nakatingin dito. Seryoso at tahimik na nilinis at nilagyan nito ng gamot ang napaso kong kamay. Habang ako nama’y nakikipagdebate sa sarili ko kung dapat ba akong magsalita o hindi. At kung oo, ano naman ang sasabihin ko. Kaya lang bago pa ako makapagdesisyon ay natapos na itong bendahan ang kamay ko, kaya medyo nataranta ako. “Wag mo munang basain hanggang bukas. Mostly like magbi-blister ‘yan, don’t try to pop it at baka impeksyon. I’ll write you a prescription for a topical antibiotic”, mahaba nitong litaniya habang nagliligpit ng mga ginamit nito nang hindi man lang ako tinitinginan. “Primo---” “If you get it from the hospital pharmacy you won’t have to pay anything, just ask them to call my secretary to verify pag andun ka na”, dugtong nito na para bang hindi ako nito narinig. “Primo---” “Don’t ever put toothpaste to any burns. You’re only introducing infection, lalala at magpepeklat lang pa----" “Girlfriend mo ba talaga ‘yong Janice na ‘yon?”, hindi ko malaman kaninong Poncio Pilato ako kumuha ng lakas ng loob para isatinig ang nasa isip ko. Basta ang gusto ko lang is to cease the opportunity na makausap ito dahil hindi niya alam kung mauulit pa na iyon. Mukhang maging ito ay nagulat sa biglaan kong tanong at saglit na nanatiling nakatitig sa akin. “Of course”, kapagkakuwa’y sagot nito at muling nagbawi ng tingin para ituloy ang pagliligpit. “Kelan pa?”, hirit ko habang pilit ring hinuhuli ang mga mata nito. “Uhhh not long”, kaswal naman nitong sagot tsaka isinara ang first aid kit at naglakad papunta sa banyo. Agad ko itong hinarang. “Mahal mo ba siya?”, mabilis kong tanong. Bahala na kung ano man ang isipin nito basta ang gusto ko lang ay masagot ang mga tanong. Kesa naman hindi na naman ako makatulog mamaya sa kakaisip sa mga tanong na siya lang naman ang makakasagot. “I-I don’t answer personal questions from my employees Ms. Alcantara”, sagot nito tsaka umaktong lalampasan ako ulit pero agad ko rin itong hinarang. “Bakit mo ‘ko iniiwasan?” “What?”, nakakunot ang noo nitong tanong. “Di ba? Iniiwasan mo ‘ko?” Pagak itong napatawa sabay iling at nilampasan ako para tuluyang pumasok sa banyo. “Hindi kita iniiwasan”, “Kaya ba tatlong araw kang hindi nagpakita?”, Sinundan ko ito maging sa banyo at nakita kong ibinabalik nito ang first aid kit sa cabinet. “I am not obliged to explain to you nor to tell you my schedule”, sagot nito sabay sara ng pinto ng cabinet at muli akong nilampasan para lumabas ng banyo. Lumapit ito sa bedside table at yumuko para may kunin mula sa drawer niyon. Habang ako naman ay parang baliw na nakasunod pa rin dito. Saglit akong naghintay kung may sasabihin pa ito pero hindi naman ito nagsalita pa. Tahimik lang itong nagsulat sa prescription pad na siya palang kinuha nito sa drawer. “Stop dodging my questions Primo! Sagutin mo ako ng maayos!”, napataas na ang boses ko. I know. Kahit sa loob-loob ko ay may nagsasabi sa’kin hindi ko dapat ginagawa ito. Dahil bukod sa wala naman akong karapatan, ay para ko na ring tinanggal ang natitira kong respeto sa sarili ko para ipakita dito na apektado pa rin ako sa mga nangyayari sa buhay niya. Pero wala, hindi ko talaga mapigilan. I needed to know. Pero hindi ito natinag. Pakiramdam ko tuloy ay sasabog ako sa frustration. “Noon pa ganyan ka na. Lagi mo lang akong hinahayaang manghula kung anong naisip mo, anong nararamdaman mo! Pwede ba? Kahit minsan naman, maging totoo ka naman? Can you not be honest with what you feel kahit minsan lang???”, Ni hindi ko alam kung saan ko pinulot ang mga salitang iyon. Basta ang alam ko nasasaktan ako. Kahit na hindi naman dapat. Nag-angat ito ng tingin at tiningnan ako ng masama tsaka tumayo kaya napatingala ako ng bahagya. “I did! Wasn’t I honest when I told you na mahal pa rin kita and asked you to marry me?! Pero anong ginawa mo? Tinanggihan mo ‘ko, di ba? Ikaw ang tumanggi. Why? Because you we’re dating that Iñigo bastard?!”, “Anong---Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yang mga sinasabi mo! Iñigo and I are---” “It doesn’t matter”, putol nito sa paliwanag ko. “Anong sinabi mo?” “Wala naman nang saysay pag-usapan ang mga bagay na nangyari na. It’s all in the past. Wag na nating balik-balikan pa. You have moved on. And so did I”, Natigilan ako sa mga narinig ko. Tinalikuran naman ako nito at nakapameywang na nagpakawala ng marahas na hangin habang nakaharap sa bintana. “Gan’on lang ba talaga kadali sa’yong magmove Primo?”, maya-maya ay sabi ko. “You know, at first akala ko mahirap. Pero madali lang pala”, sagot nito bago ako muling hinarap at tumawa ng pagak. “Gusto mo turuan kita?” Nilunok ko ang bikig na unti-unting umaahon sa lalamunan ko. “First, you just have to realize ‘yong mga pagkakamali mo. Then you regret all the bad things you did to her. And then, you sincerely ask for her forgiveness, swallow your pride and beg her, over and over to take you back. For her to love you again. Tapos, ignore all your doubts and what ifs, because you trust the love that you both once had, the kind of love na pinadama niya sa’yo noon. And you ask her to marry you because... you thought that is the greatest thing na pwede mong i-offer sa kanya. Yourself. Your name. But then, she rejects you for whatever reason she did not even bother explaining...”, Sandali itong huminto at nagpakawala ng hangin na tila ba nahihirapan itong magpatuloy. “Primo...”, halos pabulong kong sambit sa pangalan nito dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o sabihin sa mga narinig ko. “And lastly, you decide to finally move on at ibaling na lang ang pagmamahal mo sa iba”, dagdag nito sa mas mahina at mas mahinanhon na tinig habang walang kurap na nakatitig sakin. I felt every single word doon sa huli nitong sinabi. Will it be right to say sorry? Or it will only worsen our situation? All this time akala ko ay ako lang ang dapat masaktan, na ako lang ang dapat suyuin dahil ako ang biktima. Never in my wildest dreams na naisip ko na baka nga nasaktan at nasasaktan din si Primo. I was so focused on my own wounds and pain and was looking and waiting for him to mend it. Gayung maging ito pala ay may sarili ring mga sugat na iniinda. Tinangka kong lumapit para sana yakapin ito pero agad itong lumayo. “Now if you’ll excuse me Ms. Alcantara, I need to get changed. I promised my girlfriend that I would take her out on a date today. So please. Makakaalis ka na”, pormal nitong sabi habang binubuksan ang pinto tanda na gusto na ako nitong paalisin. Hindi ako agad kumilos dahil ang totoo ay ayoko pang umalis. Ayoko pang matapos ang pag-uusapa namin dahil marami din akong gustong sabihin. Kaya lang ay magulo ang mga ideya ko kaya hindi ko maisatinig ang ang mga iyon. “Please. Leave”, pag-uudyok nito habang nakatingin sa ibang direksyon. Mabigat ang mga paang humakbang ako palabas ng pinto sa pag-asang magbabago pa ang isip nito at pigilin ako. Pero hanggang sa makalabas ako ay hindi na ito umimik pa. “I-I’m sorry---" Pumihit ako para harapin ito at para sana muling magsalita. Pero hindi ko iyon naituloy dahil may biglang nagsalita. “Primo?” Sabay kaming napalingon sa tumawag at nakita namin si Janice sa may hagdanan, samantalang sina Tali at Nick ay mukhang kapapanhik lang. “Is everything okay? Is she okay?”, tanong ulit ni Janice. “Are you okay Mia?”, baling pa nito sa akin. “Teacher? Did you cry? Did it hurt a lot?”, tanong naman ni Talia. “You should have been more careful Dad, look, you made Teacher Mia cry”, baling naman nito sa ama. “I know baby. Daddy has been out of clinical practice lately. I will be extra careful the next time”, tila automatic na umaliwas ang boses at mukha ni Primo na para bang walang pagtatalong nangyari few seconds ago. Tiningnan ko ito pero hindi na ako nito tinapunan ng tingin. “Sorry umakyat na ako, I-I was just worried baka malala pala ‘yong paso ni... ni Mia”, paliwanag ni Janice maya-maya. “Sorry babe, natagalan. Medyo malalim ang paso ni Ms Alcantara eh. Pero I was just writing her a prescription for an ointment tapos magbibihis na ako, ta’s alis na tayo”, sagot naman ni Primo. “Sure babe, take your time”, nakangiting sagot ng girlfriend nitong kabute. Saglit na bumalik sa loob ng kwarto si Primo at pagbalik ay mabilis na iniabot lang sa akin ang resitang isinulat nito kanina. “Ah Tali, baby, is it okay if Tita Janice and I will just go for now? Then we can plan a family date next time when you don’t have school”, anito sa anak. “Sure daddy, have fun”, sagot naman ng bata. Nang marinig ang sagot ng anak ay agad na rin itong pumasok sa kwarto at isinara ang pinto. “Let’s go Teacher Mia”, untag ni Talia sa akin. “H-Ha?” “You were gonna check my activities right?” “A-Ah.. oo.. s-sige”, sagot ko at wala sa sariling lumapit dito. Nagpatiuna na ang batang bumaba habang saglit akong pinigil ni Nick na nakatayo pa rin sa may hagdan. “Are you okay?”, bulong nito nang ganap akong makalapit sa kanya at masigurong hindi na kami maririnig ni Talia. Sinagot ko lang ito ng tango tsaka muling nilingon ang silid ni Primo. Pero sana ay hindi ko na lang ginawa dahil nakita ko pa kung paano nitong hinila papasok ng kwarto niya si Janice habang may pilyong ngiti sa mga labi. Mabilis akong napatalikod sa mga ito at napapikit ng mariin. Of course alam ko na kung ano ang gagawin ng mga ito sa loob ng kwarto na silang dalawa lang. “Let’s go”, ani Nick tsaka marahan akong inakay pababa ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD