CHAPTER 16

2435 Words
B R E A K T I M E . . . namin ni Talia kaya gaya ng nakasanayan ko na, ay ako mismo ang bumaba para magtimpla ng sarili kong kape. Medyo badtrip ako dahil ang chismis ng bagets ay mukhang doon nagpalipas ng gabi si Ms. Kabute dahil nandoon pa raw ito bago siya matulog at nandoon pa rin nang magising siya. Nang tanungin ko naman ito kung nandoon pa ba ang girlfriend ng daddy niya... “They left early”, sagot nito. Nanghahaba ang nguso akong nagdire-diretso ako sa kusina. Hindi pa man ako nakakapasok ay nakalanghanp na ako nang mabangong amoy na tulad ng amoy kapag dumadaan ako sa bakery. Hindi na ako nangiming tawagin si Manang Fely na siyang karaniwang nandoon sa mga ganitong oras dahil naghahanda ng tanghalian. “Hmmmm Manang Felyyyy.... ang bango naman niyang nilulut---”, napahinto ako nang abutan ko si Primo at Ms Kabute na naglalandian habang pinapahiran nito ng icing ang isa’t isa. Nakita ko ang saktong paghapit ni Primo sa beywang ni Janice sabay pahid ng icing sa ilong nito. “Ay! Primo! Stoooop!”, maharot na sabi ni Ms Kabute pero mukhang kabaliktaran talaga ang gusto nito sa sinasabi. Abot ang pagpipigil kong huwag sungalngalin ‘tong babaeng kabute na ‘to dahil talagang napakasakit sa tenga ng boses. Oo na, maganda siya at sexy pero nakakairita siya! Noon naman siya napansin ng babae. “Oh, hi Mia”, bati nito sa kanya. Nilingon naman siya ni Primo pero wala man lang itong reaksyon, ni hindi ito nahiya. Bagkus ay pinanatili pa nito ang kamay sa balakang ng babaeng kabute. Tumikhim muna ako dahil nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan. Hindi ko kasi namalayang nakaawang pala ang bibig ko. “A-Ahm, hello... s-sorry, b-balik na lang---” “No, come. We’re making cupcakes”, magiliw nitong pigil sa akin. “H-Hindi o-okay lang----” “Come oonnnn... you have to try them and tell me what you think”, pamimilit pa nito at kumawala pa sa pagkakapulupit ng braso ni Primo sa kanya para lang lapitan ako’t hilahin palapit sa kitchen counter. Wala na akong nagawa kundi magpatianod dahil ayokong isipin nitong iniiwasan ko siya. Pasimple kong sinulyapan si Primo na mukhang nainis pa dahil naudlot ang landian nila ni Ms Kabute sa pagdating ko. Iniumang sa akin ni Janice ang tray ng mga luto nang cupcakes. “Try them and let me know what you think”, anito na nagniningning pa ang mga mata sa excitement. Kahit na alangan ay sinunod ko na lang ito at diretsong kumagat sa nakuha kong cupcake. Unang kagat ay hindi ko na maipagkakaila na hindi ito beginner sa pagbibake. Bukod sa tamang-tama ang tamis ay napakalambot din nito. Sa katunayan ay hindi ako magugulat kung sasabihin nitong professional baker siya. “So? What do you think? That’s my newest recipe! I need to do some research muna bago ko ilagay sa menu ko”, “Nagbibake ka nga?”, di ko maiwasang maitanong sa gulat. “She just doesn’t bake. She owns The Confectioneries”, may pagmamalaking sagot ni Primo. Nanlaki ang mata ko. Paano ba namang hindi, eh ang sikat na sikat ang The Confectioneries sa buong bansa! Ito ang palaging nagbibake ng mga cake para sa mga artista at malalaking personalidad. Naalala ko pa nga noong una naming mapanood ni Clang sa TV naturang bakeshop, kung saan ito ang gumawa ng wedding cake sa kasal ng anak ng presidente. Talagang pinangako namin sa sarili namin na pag-iipunan namin para lang makabili ng cake doon. Kaya lang, sa dami ng bayarin, lalo kung sa Maynila ka nakatira ay suntok sa buwan iyon. “Omg. Pangarap kong makabili ng birthday cake d’yan”, wala sa loob kong nasabi. Natawa naman si Janice. Omg Mia! Talaga bang pinagmukha mong patay gutom lalo ang sarili mo sa harap ng mga mahaharot na ‘to????, kastigo ko sa sarili nang marealize ko ang nasabi ko. “Don’t worry Mia. I’ll personally bake your birthday cake for you”, nakangiti naman nitong sabi. “You don’t have to do that, babe”, sabat naman ni Primo. “No, I would love to! For those who appreciate my cakes, I don’t mind at all”, Mukhang genuine naman na mabait talaga itong si Ms. Kabute. “This is why I can never resist you, baby...you and your expert hands and tongue”, ani Primo na may bahid ng landi sabay pulupot ulit ng braso niya sa beywang ni Janice. Okay, hindi naman ako tanga para hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin. Pero kailangan ba talagang marinig ko pa ang mga gan’ong bagay???? “Primo!”, kunwa’y saway naman ng huli pero halata namang gustong-gusto naman. “What? I meant the baking. You have expert hands for making such beautiful pastries. And an expert’s tongue for their excellent taste”, natatawang paliwanag pa ni Primo. Pilit na lang akong ngumiti at nagpasintabi dahil obviously ay gusto ng mga itong mapag-isa. “E-Excuse me”, sabi ko pero mukhang hindi na ako napansin ng mga ito dahil abala na ulit sila sa paglalandian gamit ang cupcakes. Nagpasya akong bumalik na lang sa study room ni Talia at doon na lang magpalipas ng breaktime. Makalipas ang labinlimang minuto ay nagresume na ang klase namin pero hindi ko mapigilan ang maya’t mayang pagbuntong hininga at pag-ismid sa alaala ng tagpong inabutan ko sa kusina kanina. “Epal, eh ano naman ngayon kung baker ka, teacher naman ako”, bulong ko habang nakapangalong-baba sa tapat ni Talia na abalang nagsasagot ng mga activities na ibinigay ko. “Baker? Who’s the baker, Teacher?”, tanong nito. Napalakas pala ang bulong ko at narinig ni bagets. “Narinig mo pala...A-Ah eh... wala... I said I want to be a bake but I became a teacher”, pagsisinungaling ko. “Tita Janice is a baker. Maybe you can ask her to teach you how to bake too”, “Tinamaan ng magaling ka talagang bata ka oo, ayos ka rin makiramdam ano”, bulong ko ulit. Nag-lean forward ako sa lamesa para mahinaan ko ang boses ko. “Talia, do you like your Tita Janice?”, ganong ko sa mahinang boses. “Yes, Teacher. I think out of all Dad’s girlfriend, I like Tita Janice the most”, bakas sa bagets ang authentic na galak. Pero hindi ko masabing nagagalak din ako sa narinig. “Ano ba ang usual na klase ng mga girlfriend ng daddy mo?”, hindi ko mapigilang itanong. Nitong mga nakaraang araw kasi ay sinisimulan ko nang kausapin si bagets sa wikang Tagalog. Nakakaintindi na rin ito kahit paano pero ingles pa rin sumagot. Pasasaan ba’t matututo rin ito. “Uhmm... there was a doctor, there was someone that worked in the hospital but I don’t what you call her, not a doctor or a nurse anyway, and then there was my mom, who is a model and of course the prettiest of them all”, nakangiti pang sagot nito. Napainom ako ng tubig mula sa boteng dala ko. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko sa mga sinabi ng batang ito. “Dami palang naging girlfriend ng daddy mo no”, komento ko pero hindi naman sumagot ang bata. “’Yong... ‘yong mommy mo ba... “, medyo nag-aalangan kong sabi. Tumingin naman sa akin si Talia na parang naghihintay ng itatanong ko. “Nasa’an na siya?”, tanong ko ulit. “You mean where is she?”, Tumango ako. “She’s in the US. She’s an international model”, tila kaswal na kaswal na sagot nito na di man lang mababahiran ng lungkot o galit. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa dito. Alam ko ang pakiramdam ng malayo sa ina kahit na alam mo naman buhay pa siya somewhere. “Matagal na ba siyang nandoon?”, tanong ko ulit. “Dad said she left Canada when I was one” “One?”, hindi ko makapaniwalang pag-ulit sa narinig kong sagot nito. “So your dad had to stop working?” Umiling naman ito kaya lalo akong nagulat. “So sino ang nag-aalaga sa’yo pag nasa work si daddy mo?”, “Ate Cindy and Nanay Bless” “Ate Cindy? Sino ‘yon? Girlfriend ng daddy mo?” Humagikhik naman ito. “No, Ate Cindy is only 14, she’s our neighbor. Nanay Bless is her mommy. They come to our house to baby sit me since mommy left for the US” Hindi ako nakaimik. Parang may humaplos naman sa puso ko sa nalaman ko. Kung gayon ay hindi nito naranasan ang pag-aalaga ng isang nanay. Iyon bang kapag nagkakasakit ka, haplos lang ng nanay mo ay parang gumagaling ka na. O di kaya kapag nagugutom ka, pwede kang umarte para ipagluto ka ng paborito mo. Kahit naman iniwan kami ni Mama noon, kahit na paano ay naranasan ko ang mga iyon habang lumalaki ako. Pero si Talia, never. “Do you miss her?”, di ko maiwasang di itanong. “My mom? Yeah. Sometimes. But I am not really used to having her around so it’s okay”, Hinawakan ko ang kamay nito at marahan iyong pinisil. “Pareho pala tayo. Umalis din ang Mama ko sa’min noon”, sabi ko. “Did she go to the US too, Teacher?” Napangiti ako. Kahit na mature itong mag-isip, paminsan-minsan ay lumalabas pa rin ang simple nitong pag-iisip. “Hindi. N’ong una nagpunta lang siya sa ibang lugar. Pero few year ago, she went away for good”, Hindi ko mapigilang hindi malungkot sa hindi magandang alaalang iyon ng buhay ko. “Where did she go?” “Alam mo, honestly hindi ko din alam eh. Matagal ko rin siyang hinanap. P “She went away, Teacher?” “Uhm-hm”, tumatango kong sagot. “Where did she go?” “She went to heaven”, sagot ko nang nakangiti para naman hindi ako magmukhang malungkot. “Do you miss her?”, tanong nito. “Every single day” “Why did she leave Teacher?”, Natigilan ako. Naging tanong ko rin iyon ng mahabang panahon. Naisip ko bigla kung naitatanong din kaya ni Talia iyon, kung bakit siya iniwan ng mommy niya. “You know what, I never got to ask her. All I knew was, she wasn’t happy with where she was. That’s why she left”, pilitin ko man ay hindi ko maitago ang lungkot sa boses ko sa sinabi kong iyon. Hindi sumagot si bagets at mukhang nalungkot. “O, bakit ka nalungkot?”, tanong ko. “I just thought, maybe my mom is also not happy with me that’s why she left me and Daddy”, malungkot nitong sagot. Lalo naman akong nahabag sa bata kay hinawakan ko na rin ang kabila nitong kamay. “Alam mo, we can never be sure of your mom’s reason for doing that. Pero ang sigurado ako, if there’s anything that made her unhappy, I’m sure it wasn’t you”, sabi ko rito nang may ngiti para mas convincing. “Do you think so, Teacher?” “I know so. Hindi kaya pupwedeng hindi ka mamahalin. Maganda ka, o. Matalino. Sweet. Kaya wag ka nang sad. Sure ako, hindi ikaw ang rason”, “Do you like me Teacher Mia?”, “Hindi lang kita like. Love pa kita. Ikaw kaya ang favorite student ko” “Teacher Mia you’re like Tito Nick, always telling me I’m your favorite, when there’s really no choice for you ‘cause there’s only one of me!”, Natawa man ako nang maalala kong sinabi nga ni Nick na ito ang paborito niyang pamangkin. “Ah, basta... no matter what. Always remember. Next to your Daddy and Mommy, to your Lolo and Lola, ako ang susunod na may pinakamahal sa’yo. Kaya wag ka nang malungkot ha? Lagi mo akong kakampi. Promise”, sabi ko sabay taas pa ng kanang kamay. Natuwa naman ako nang umaliwalas na ang mukha nito sa sinabi ko. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa niyon si Primo. Napamulagat ako at mabilis na napatayo. Habang si Talia naman ay napalingon din. “Hi Dad!”, “S-Sir..”, Narinig kaya nito ang usapan namin ng anak niya?, tanong ko sa isip. Pero wala naman akong makitang indikasyon sa mukha nito na may narinig ito. Maya-maya ay pumasok din kasunod nito si Ms. Kabute. “Is she ready?”, tanong nito sabay silip sa loob. “Ah Ms. Alcantara, kung tapos na kayo sa lesson niyo, pwede ko na bang kunin si Talia?”, pormal na tanong ni Primo. “A-Ah... o-opo, tapos na po Sir. Magliligpit na din ako”, sagot ko. “Talia, I’ll just check your last activity at home ah? Tapos, we’ll talk about it tomorrow, okay ba ‘yon?”, baling ko sa bagets na nagpalipat-lipat ng tingin sa aming tatlong nakatayo. Tumango naman ito atsaka binalingan ang ama. “Are we going somewhere Daddy?” “Yes baby, we’re going out for a family dinner. You, me and Tita Janice. So you go back to your room, Manang Fely is waiting for your there to help you get changed”, sagot ng ama rito. Family dinner...., ulit ko sa isip. “Yehey!”, galak na sabi ng bata habang pumapalakpak. “Bye Teacher! Bukas po ulit!”, baling nito sa akin. Napamulagat pa ako nang marinig dito ang medyo sablay pang tagalog na itinuro ko lang out of the blue few days ago. Maging ang ama nito ay halatang nagulat sa sinambit ng bata. Ngumiti at kumaway na lang ako para wag nang humaba pa. Nang makalabas si Talia ay nagmadali na rin akong magligpit dahil nakakahiya naman baka makaabla pa ako sa family dinner nila. Saglit akong tiningnan ni Primo pero wala namang sinabi at diretso lang na lumabas. “Bye Mia”, nakangiting pahabol ni Janice na tinugon ko na lang ng ngiti. Sumunod din naman ito agad kay Primo sa paglabas ng kwarto kaya naiwan na akong mag-isa roon. Minabuti ko na lang na tapusin na ang pagliligpit at nang makaalis na ako agad. Ayokong makasabay pa ang mga ito palabas at baka kung ano pang kahihiyan ang magawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD