"T H E . . . future Mrs. Primo Cordova..."
Hindi ko masabi kong totoo bang may drumroll akong narinig o tunog iyon ng malakas at mabilis na pintig ng puso ko habang nagsasalita si Primo at ipinapakilala sa lahat ang babaeng mapapangasawa niya, na kilalang kilala ko naman at walang iba kung di si...
"Miss Maria Isabella Alcantara!"
Hindi ko na alam kung tama pa ba ang narinig ko o ano dahil kasabay ng biglang pagliwanag ng bulwagan ay siya namang pagdilim ng paligid ko.
"Mia!!!"
Narinig ko ang ilang tinatawag ang pangalan ko na may bahid ng pag-aalala pero pagkatapos niyon ay wala na akong maalala pa.
********
Pakiramdam ko ay may nakapatong na tig isang kilong bigas sa mga talukap ko sa bigat ng mga iyon. Gayun pa man ay pinilit ko pa ring imulat ang mga iyon dahil gusto kong makita kung sino-sino ang mga nag uusap sa paligid ko.
Agad kong nakita ang nakabiting swero sa bandang ulunan ko. Puting puti rin ang kisameng tumambad sakin kaya alam ko nang nasa ospital ako.
"Ate?! Gising ka na?! Nakikilala mo ba ako? Ako 'to, si Macey, ang kapatid mo!" overacting na sabi ng bruhilda kong kapatid habang halos nakadikit na sa mukha ko ang mukha niya.
Kahit nanghihina pa ay pilit kong itinaas ang kamay ko at ginamit iyon para abutin ang pisngi nito.
"Ang pangit mo," hinang-hina ko pang sabi sabay itinulak ko palayo ang mukha nito sa akin.
"Arrraaaay!!!" pasigaw na reklamo ni Macey habang sapo ang nasaktang pisngi.
Nanghihina akong napangiti sa reaksyon nito.
"Ang ingay mo, natutulog 'yong tao e," halos namamaos ko pang sabi.
Totoo naman kasing pangit siya. Gulo-gulo ang buhok at sabog-sabog ang mascara at lipstick nito. Gusto kong matawa pero talagang wala akong lakas kahit para doon man lang. Sa halip ay naubo pa ako.
Agad akong dinaluhan ng isa pang naroon din pala sa silid pero hindi ko agad napansin.
"Go easy. Here let me help you," sabi nito habang marahang inaalalayan na maitaas ang ulo ko.
Napakunot ako ng noo nang mapagsino ko itong umaalalay sa'kin.
"P-Primo? Anong ginagawa mo dito?" buong pagtataka kong tanong.
"Malamang doktor siya, kaya siya ang unang sumaklolo sa'yo n'ong mahimatay ka kagabi," sagot naman ni Macey.
Muli kong binalingan si Primo na naupo naman sa gilid ng kama ko.
Gulo-gulo ang buhok nito. Gusot-gusot at nakabukas na rin ang ilang butones ng suot nitong white long sleeves, na kinaluskos na nito hanggang sa siko ng magkabilang braso. Pati ang suot nitong neck tie ay halatang sadyang niluwagan, tanda na stressed ito.
"T-Thank you," nahihiya kong sabi dito.
Bumuntong hininga ito pero tumango din bilang tugon.
Hindi ako agad nagsalita habang pilit kong inaalala ang mga huli kong natatandaan bago ako nawalan ng ulirat.
"S-Sorry, p-pero anong nangyari kagabi? Wala kasi akong masyadong maalala," alangan kong tanong.
"You passed out. Umabot ng forty one degree celsius ang temperature mo. Had we been a little late, baka malaking pinsala ang nangyari sa internal organs mo," paliwanag ni Primo.
Medyo kinabahan tuloy ako at napatingin sa swerong nakakabit sa akin.
"It's just fluids now. Katatapos lang ng second dose mo ng antibiotic. Meron pang isa ulit mamayang tanghali," wika ulit ni Primo na parang nababasa ang nasa isip ko.
"Sabi ni Macey, sabi daw ni Tito Caloy umaga pa lang hindi na maganda ang pakiramdam mo," dagdag pa nito na parang may himig ng panenermon.
Napayuko naman ako na animo'y batang kinagagalitan.
"U-Uminom naman ako agad ng gamot," halos pabulong kong sagot.
"Nagpahinga ka na lang dapat. You could have called and told me na hindi ka makakapasok dahil masama ang pakiramdam mo. Hindi naman ako gan'on kasama para pilitin kang pumasok kahit na ganyan na ang lagay mo," wika nito.
"E-Eh pinauwi mo naman ako ng maaga eh. Magpapahinga naman talaga ako dapat kaso nakiusap si Nick sa'kin na samahan ko siya sa party n'yo kagabi," patuloy kong pagrarason.
Pumalatak ito sabay ihinilamos ang palad sa mukha. Halatang frustrated na na ito.
"You could have just said no to Nick," tila pagod na nitong sabi.
"Eh paano, eh sabi niya sa pagpayag ko daw nakasalalay ang buhay niya? Kaibigan ko din si Nicholo kaya---"
"I know, 'cause I asked him to make sure na nand'on ka kagabi, kung hindi ay sisiguruhin kong sa kanya matatapos ang lahi ng mga Abelardo!" medyo napataas na ang boses nitong sabi.
Natigilan naman ako dahil sa tono nito at kinalaunan ay napakunot ako ng noo nang ma-realize ko ang sinabi nito.
"B-Bakit mo naman gagawi 'yon? Ano 'yon? Gusto mong mapanood ko kung paano ka magpopropose kay Janice? Bakit? Para saan? Para ipamukha sa'kin kung ano ang tinanggihan ko nang tanggihan ko ang alok mong kasal???" sunod-sunod kong tanong.
"No!" mariin nitong tanggi.
"O eh bakit? Bakit kelangang nandoon ako kapag nagpropose ka kay Janice?" giit ko.
Nagbuga ito ng marahas na hangin at kita ko ang pagtindi pa ng frustration nito.
"Janice is NOT my girlfriend okay?!" malakas at mariin nitong sabi.
Natigilan naman ako sa narinig ko.
"Well, NOT my REAL girlfriend to be exact," kapagdaka'y pagliliwanag nito.
"Ha?" tanong ko.
"Janice is a friend. A very good friend. And I asked for her help na magpanggap bilang girlfriend ko," mahinahong paliwanag ni Primo.
Hindi ulit ako kumibo. Kumurap-kurap lang ako habang pilit na pinagtutugma-tugma ang mga sinabi nito sa mga alam ko. Pero wala, lalo lang akong nalilito.
"S-So...m-magpo-propose ka sa kanya kahit h-hindi mo siya g-girlfriend?" kapagdaka'y hindi ko siguradong tanong.
Disappointed na nalaglag ang mga balikat ni Primo, kasabay ng pagsabunot ni Macey sa gulo-gulo na niyang buhok.
"Oh my God Ate!!! Pwede bang wag ka na lang mag-talk? Hayaan mo na lang muna na magpaliwanag si Kuya Primo, please lang!" tila gigil na singit ni Macey sabay inirapan pa ako.
Napatuptop ako sa dibdib.
Pero bakit parang sa'kin pa galit 'tong mga 'to? Bakit parang kasalanan ko? tanong ko sa isip.
"Thanks Macey," ani Primo sa kapatid kong baliw na tumango naman at mwinestrahan pa ang huli na ipagpatuloy ang sinasabi.
Hinarap naman ako ni Primo tsaka matiim na tiningnan sa mga mata.
"Okay, Mia, listen okay?" mahinahong sabi nito na para bang nagpapaliwanag ito sa isang batang paslit.
"Janice is not my girlfriend at wala akong planong magpropose sa kanya. Tinutulungan niya lang ako na pagselosin ka, dahil nagbabaka sakali akong kapag nakita mo akong may kasamang iba ay ma-realize mo na mahal mo pa rin pala ako at pumayag ka nang bumalik sa'kin. I know it was both stupid and lame idea but I was just trying everything I could, to win you back," pagpapatuloy nito.
Kinuha nito ang magkabila kong kamay atsaka bahagyang pinisil ang mga iyon.
"At kaya kita gustong nandoon kagabi ay hindi dahil gusto kong makita mo akong magpropose sa kung sino, kung hindi para magpropose sa'yo, sa harap buong San Mateo at ipakilala ka sa lahat bilang future Mrs. Primo Cordova, gets?" dagdag pa nito.
Hindi ako nakasagot kaya mukhang nag-alala ito.
"D-Do you understand what I'm trying to say here?" maya maya ay alangan nitong tanong.
Sa dami kasi ng sinabi nito ay hindi ko alam kung alin ang uunahin kong i-proseso.
"N-Nagpropose ka sa akin?" iyon lang ang nagawa kong itanong.
"OH MY GOD TALAGA ATEEEEE!!!" malakas na reklamo ni Macey.
"Eto na lang, panoorin mo na lang!" iritado na nitong sabi sabay abot sa akin ng cellphone niya tsaka nito pinindot ang play button para mapanood ko ang video roon.