T A H I M I K . . . na pinanood ko ang video sa cellphone ni Macey. Kuha iyon kagabi kung saan nagsasalita si Primo at sinasabi nitong alam ng buong San Mateo ang mga nangyari sa buhay pag-ibig niya at kung paano niyang nahanap muli ang kanyang kaligayahan at pag-ibig. Naalala ko pa ang parteng iyon dahil ramdam na ramdam ko ang bawat salita ni Primo na parang kutsilyong tumutusok sa puso ko.
"Everyone, allow me to introduce, the love of my life, the future Mrs. Primo Cordova..."
Ito ang parteng hindi ko na maalala dahil nagsimula nang maging malabo ang lahat sa paningin pati pandinig ko.
"Miss Maria Isabella Alcantara!" halos pasigaw nang pag-aanunsyo ni Primo sa pangalan ko pero agad iyong sinundan ng tila pagkakagulo.
Maging ang kuha ng camera ay naging malikot at halatang tumatakbo din ang may hawak ng aparto.
"Hala si Ate!"
Narinig kong sabi ni Macey sa video kaya hula ko ay ito mismo ang kumukuha niyon.
Nakita ko naman ang mabilis na pagtakbo ni Primo papunta sa kinaroroonan ko.
"Mia?! Mia! Wake up!" narinig kong tawag nito sa'kin habang marahang tinatapik ang mukha ko.
Nakita kong mabilis na sinuri ako ni Primo. Maya maya ay binuhat na ako nito at doon na naputol ang video.
Speechless na ibinalik ko ang cellphone ni Macey sa kanya.
Mataman ko namang pinagmasdan si Primo na gaya ko ay nakatingin din sa akin. Waring hinahanapan ako nito ng reaksyon sa napanood at nalaman ko.
Ano ba sa tingin nito ang magiging reaksyon ko? Ano ba dapat ang reaksyon ko?
Kahapon, nang malaman kong magpopropose na si Primo sa babaeng kabute, pakiramdam ko ay pinagsukluban ako ng langit at lupa. Ibig bang sabihin n'on ay nagseselos nga ako?
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Obvious naman ang sagot sa tanong kong iyon.
"Primo..." wika ko pero agad din akong nahinto dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
"Hay naku! Kayong dalawa! Mamumuti ang mga mata ko kakahintay kung kelan ang happy ending n'yo, sa totoo lang!" biglang singit ni Macey.
Tumayo ito sa gilid ng kama at pumagitna sa amin ni Primo na parang referee.
"Ganito na lang, diretsahan tayo dito ngayon okay? Kuya Primo, yes or no lang. May sabit ka ba?" diretso nang tanong ni Macey.
"Sabit?" kunot noo namang tanong ni Primo.
"Sabit. As in babae, like jowa o di kaya nanay ni Talia gan'on," kaswal namang sagot ni Macey.
"Macey!" saway ko dito dahil masyadong personal ang tanong nitong iyon.
Pero hindi ako nito pinansin.
"No. Nothing of that sort. Caragh and I didn't had that kind of relationship," kaswal ding sagot ni Primo na ikinagulat ko.
"Good. So single?" tanong ulit ni Macey dito.
"Hard as hell yes. Officially," agad na sagot ni Primo tsaka tinapunan ako ng tingin na para bang sa akin niya gustong sabihin iyon.
"Okay. Ate, ikaw naman," baling ng baliw kong kapatid sa akin.
"Ba't pati ako?" gulat kong tanong sabay turo sa sarili ko.
"Aba'y syempre alangang ako? Dali na kasi para matapos na" pamimilit pa nito.
Sa totoo lang ay bigla din akong kinabahan dahil hindi ko alam kung anong lalabas sa bibig nitong kapatid kong magaling.
"Okay so, Ate, gusto mo ba si Iñigo?" walang ka-abog-abog nitong tanong.
Napamulagat ako. Sinasabi ko na nga ba't walang magandang sasabihin itong bruhildang ito eh!
"A-Ano bang klaseng tanong 'yan, Macey?!" kabado kong sabi para iwasan ang tanong nitong talo pa ang Fast Talk ni Boy Abunda.
"Ano bang masama sa tanong ko? Yes or no lang naman ang isasagot mo?" pagmamaang-maangan naman ng babaita.
"O-Oo p-pero---"
"Oo o hindi lang, Ate. Gusto mo ba si Iñigo o hindi?" putol nito sa pagpoprotesta ko.
Napalunok ako sa kaba at nagpalipat-lipat ng tingin dito at kay Primo.
Sasagutin ko ba 'tong kalokohan ni Macey na 'to? tanong ko sa isip.
"Silence means yes," giit pa ni Macey sabay turo pa sa'kin na para bang pinagbabantaan ako.
"Hindi no!" bigla kong naisambulat bilang protesta.
Maging si Primo ay nagulat sa bigla kong pagsigaw.
"Hindi? Hindi as in hindi mo type? Wala kang gusto?" tila excited na pangungulit nitong si Macey.
Inirapan ko pa ito dahil sa sobrang kakulitan.
"Wala nga!" inis kong sagot.
"Ayos! Okay next!" galak nitong sabi sabay pumalakpak pa.
"Kuya Primo, mahal mo ba ang ate ko?" diretso ulit nitong kay Primo.
Muli akong napamulagat at lalong nakaramdam ng hiya. Paano ba nagagawang itanong ng bruhildang ito ang mga ganitong bagay.
"Macey! Tama na--"
"Mahal na mahal," diretso at seryosong sagot naman ni Primo kaya na napatingin naman ako dito.
"Ayiiee kinilig!" panunukso ni Macey sa'kin.
Sinubukan pa nitong tusukin ako sa tagiliran pero agad kong tinapik ang daliri nito.
"Ay okay, sorry. Serious, serious," natatawang sabi ni Macey habang pilit na pinagsiseryoso ang mukha.
"Okay, moving on. Ikaw naman ate, mahal mo pa rin ba si Kuya Primo?" tanong ulit ng kapatid ko sa akin.
Kumabog ulit ang dibdib ko sa kaba dahil sa mga out of this world na tanong nitong si Macey.
"Tama na nga 'yan, Macey! Kung ano ano na naman 'yang trip mo e!" patuloy kong pag-iwas sa mga tanong nito.
"Ate naman ang KJ! Mahal ka nga daw ni Kuya Primo, mahal na mahal. Eh ikaw ba? Mahal mo din ba siya?" pangungulit pa rin ng kapatid ko.
Nunca na papatulan ko ang mga kalokohang ito ng bruhildang 'to! Inirapan ko ito at umaktong babalik sa pagkakahiga pero agad akong pinigil ni Macey.
"Hep! hep! hep! Di pa tayo tapos. Okay sige, iibahin ko na lang ang tanong ko," 'a pa nito.
"Kuya Primo, do you accept my Ate Mia, as your lawfully wedded wife? For richer or for poorer, in sickness and in health, for better or for worse, till death do you part?" tanong ni Macey kay Primo.
Bago pa man ako makapagprotesta na naman sa kalokohan nito ay sumagot na si Primo.
"I do," mariin nitong sagot kaya sinamaan ko din tuloy ito ng tingin dahil sa pagsakay nito sa mga kalokohan ni Macey.
"O ikaw naman Ate, wag ka nang maarte dali! Do you accept Kuya Primo as your lawfully wedded husband, For richer or for poorer, in sickness and in health, for better or for worse, till death do you part?" tanong naman ni Macey sa akin.
Ilang beses bumuka-buka ang bibig ko pero hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin.
"Yes? No?" pangungulit pa din ng kapatid ko.
Bago pa ako makasagot ay may tanong na naman itong makulit na 'to.
"Ayaw mong sagutin?" anito.
"Oo!" mariin kong sagot.
"Never mong sasagutin?" tila may panunukso pa nitong giit.
"Oo nga!"
"Mamatay?"
"Oo nga ang kulit!" iritado ko nang tugon.
"So mahal mo nga?" pangungulit nito.
"Oo nga sabi!" mabilis kong sagot pero mabilis din akong natigilan nang marealize ko kung ano ang nasabi ko.
Nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti ni Macey, pati na rin ni Primo.
Naisahan ako ng mga abno!!!
"Macey!!!!" inis kong sigaw dahil sa gigil ko dito pero para na itong baliw na nagsasayaw matapos makipag-apir kay Primo.
"Wala nang bawian Ate. Nasabi mo na, mahal mo pa din si Kuya Primo, ayyiee!" panunukso pa ng bruhilda habang nagsasayaw na parang baliw.
Pinukol ko naman ng masamang tingin si Primo na halatang satisfied na satisfied na mga nangyari pero nagkibit balikat lang ito.
Inirapan ko ito atsaka padabog na humiga ako at nagtalukbong ng kumot sa inis ko sa mga pinaggagawa ng dalawang 'to.