CHAPTER 38

1328 Words

K A L A H A T I N G . . . oras lang ang lumipas ay may bumusina na sa labas ng bahay. Napatalon naman patayo si Clang. "Ay ayan na si Nicholo! Dalian mo na d'yan Maria!" excited pa nitong sabi. Pinanliitan ko ito ng mata. "Teka nga, ikaw Clarisse Dimaano, umamin ka nga sa'kin," sabi ko sabay pigil sa braso nito. "Umaming ano?" pagmamaang-maangan nito. "Totoong nagkakagusto ka na kay Nicholo ano?" panunukso ko dito. Noong papamanhikan kasi ay tinutukso ito ni Papa at Kuya kay Nick. Kilig na kilig itong si Clang habang lantaran naman ang disgusto ni Nicholo. Hindi ito sumagot pero halatang nagpipigil lang ito ng kilig. "Sabi ko na eh! Kilalang kilala kita!" bulalas ko at sinundan 'yon ng tawa. "iiiih ang pogi kasi, tapos ang hawt, tapos...basta!" parang na-eengkanto nitong sabi. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD