N A T A P O S . . . ang pagsusukat at lahat pero wala doon ang focus ko. Paano'y hindi ko talaga maialis sa isip ko ang mga sinabi ni Nicholo kanina. There is nothing worse for a man, than a ruined orgasm. Ang sakit kaya n'on sa puson! Abot tuloy ang sulyap ko kay Primo para tingnan kung anyway uncomfortable ba ito. Simple, kailangan mo lang siyang patapusin. Naalala kong sabi pa ni Nick. Sigurado naman kasing hindi ito 'natapos' dahil hindi naman natuloy ang ika nga ni Clang 'mambo number 5' namin. Ibig bang sabihin n'on ay masakit pa rin ang puson nito? Dahil doon ay nakaisip ako ng plano. Medyo daring, pero pipilitin. Kayanin mo 'yan Maria Isabella! Ikakasal na kayo, wag nang mag-inarte! kastigo ng isang bahagi ng utak ko sa'kin. Palabas na kami ng boutique ay parang wala pa ri

