CHAPTER 11

1039 Words
“S H I N O . . . ulit ‘yong vago mong voss???!!!”, halos hindi ko maintindihan ang pagkakasabi ni Clang dahil punong-puno ang bibig nito ng tinapay habang nagsasalita. Nagpakawala ako ng marahas na buntong-hininga sabay ikot ng mata ko. Sabi ko na eh, ganitong-ganito ang reaksyon na inaasahan ko kapag nalaman nito ang nangyari. “Si Primo”, kunwa’y kaswal kong sagot sabay sukbit ng bag kong pilit ko lang tinahi kagabi dahil nakalimutan kong bumili ng bago sa palengke. Lutang at wala ako sa sarili buong araw kahapon, ni hindi ko maalala kung paano ko nagawang makauwi ng buhay at maayos. Kung nagkataong sa Maynila ko ginawa iyon siguradong nasa front page na ako ng dyaryo ngayon sa balitang Babae, nagtapuang duguan magtapos hold’up-in at patayin dahil naglalakad ng wala sa sarili. Syempre, dahil ako ang reyna ng pagkukunwari ay pinilit kong umaktong normal at hindi apektado. Hanggang ngayon ay walang nakakaalam na kahit sino sa pamilya ko ang tungkol sa proposal ni Primo at sa pagtanggi ko roon. Dumampot ako ng tinapay tsaka kinagat iyon para mahawakan ng bibig ko. Agad ko ring dinampot ang mga folder at libro na nasa lamesa at pilit na niyakap ang mga iyon gamit ang kaliwa kong kamay. Nang masigurong hindi na mahuhulog ang mga folder ay hinawakan ko naman ang tinapay na nasa bibig ko para makain iyon ng maayos. “Sige na, baka ma-late ako sa first day ko! Bye!”, pagmamadali ko. Partly totoo iyon, pero ang totoo ay gusto kong takasan ang interogasyon ni Clang na mukhang natuklaw ng ahas at nakanganga lang habang pinapanood ako. “Aaah hep! Hep! Hep! Teka lang!”, maagap nitong pigil sa akin at agad akong hinarang bago ako tuluyang makalabas ng kusina. “A-Anong hanash? I-I mean pa’nong nangyari? Kelan pa? Pumayag ka? Anong sabi ni Mrs. Hamilton?”, sunod-sunod nitong tanong. Muli akong napabuntong-hininga. “Clang, tsaka na tayo mag-usap okay? Ayokong ma-late sa first day ko”, kalmado kong sagot at umaktong lalampasan ito pero muli ako nitong hinarang. “Detalyado”, tila nakikipagbargain ito sa palengke sa paraan ng pagnanalita nito. Umikot ulit ang mata ko sa frustration. “Haaayy oo na! Paraanin mo na ako at baka malintikan ako ‘pag na-late ako!”, Kahit na mukhang nag-aalangan ay pinadaan naman ako nito kaya’t agad akong tumakbo palabas. Tsaka ko na iisipin kung paano ko malalampasan ang interogasyon ni Clang, ang importante ngayon ay makaalis na ako bago pa ako masabon sa unang araw ko. Napahinto ako sa may gate nang may maabutan akong lalaking naghihintay sa tabi ng itim na kotse sa labas ng gate namin. Sa magkahalong kaba at pagtataka ay mabilis ang mga hakbang na nilampasan ko ito. “Miss Mia”, tawag nito sa pangalan ko sanhi para mapahinto ako at dahan-dahang pumihit para lingunin ito na may alanganing ngiti at alanganing ngiwi. “Pinapasundo po kayo ni Dr. Cordova”, Napamulagat ako. “A-Ako?”, tanong ko sabay turo sa sarili ko. “Opo” “B-Bakit daw? I mean... a-andyan lang ‘yong bahay nila o, b-ba’t kelangan ako sunduin?”, Pero sa halip na sagutin ako ay pinagbuksan na ako ng pinto at magiliw na ngumiti. Nag-aalangan man ay sumunod na lang ako dahil kung hindi ay malilate na talaga ako. Agad namang sumakay din ang lalaki sa driver’s seat at hindi na nag-aksaya ng oras. Siyempre, dahil nga ilang blocks lang ang layo ng bahay nina Primo ay halos hindi nga nag-init ang pang-upo ko sa sasakyan at agad kaming nakarating. “Thank you Kuya”, sabi ko sa driver tsaka ako umibis mula sa sasakyan. Bilang paghahanda sa unang araw ng tiyak na sagupaan at walang humpay na pagtatalo namin ni Primo, ay nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago pumasok sa mansyon ng mga Cordova. Napipicture-out ko na ang nakabusangot na mukha nito habang naghihintay. Pasimple kong ipinilig ang ulo para alisin ang isiping iyon. Ngunit hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o madismaya ng ang sumalubong sa akin ay ang mga muwebles ng malaki at malawak na sala. Iginala ko pa ang paningin ko sa pagbabakasakaling makita ko ang pamilyar na bulto pero bigo ako. Maya-maya ay lumabas mula sa may kusina ang isa sa mga kasambahay. Hindi ito pamilyar kaya’t inisip kong baka bago lang ito. Mukhang bata pa ito at may itsura. Kaya lang ay mukhang hindi ito friendly. “Teacher Mia?”, Tumango lang ako bilang sagot. “Nasa study room na niya si Talia, ihahatid ko na kayo”, anito tsaka nagpatiunang lumakad. Sumunod na lang ako dahil walang lingon-likod na itong pumanhik sa hagdan. Ni hindi nito tiningnan kung sumunod na ako o hindi. Hindi ko mapigilan ang sarili kong luminga-linga sa paligid. Muntik pa nga akong madapa, mabuti na lang at nakahawak ako sa wooden handrail ng hagdan. Nang sa wakas ay huminto ito sa tapat ng isang pinto ay naglakas loob akong magtanong. “A-Ahmm... a-ano...” Nilingon ako nito at tila nag-aantay ng sasabihin ko. “W-Wala naman... n-nagtaka lang ako...b-bakit hindi si...si... si S-Sir ang sumalubong sa’kin sa f-first day ko”, nag-aalangan kong tanong. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang pero parang nakita ko ang pagtaas ng kilay ng babae sa akin. Nang kumurap ako ay wala na iyon. “Busy si Doc”, maiksi nitong sagot. At dahil mukhang wala itong balak na dagdagan pa ang sasabihin ay pinasya kong wag nang mang-usisa pa. Baka isipin pa nitong may malisya ang mga tanong ko. Wala nga ba Mia?, Agad na napawi ang isipin iyon nang buksan na ng babae ang pinto at mwinestrahan akong pumasok na. Pinuno ko ng hangin ang dibdib tsaka marahas iyong pinakawalan para ibsan ang kaba ko. Nagbilang muna ako hanggang tatlo tsaka tuluyang pumasok sa silid. “Hi Talia”, nakangiti kong bati sa bago kong estudyante na tinugunan naman nito ng ngiti habang kumakaway. “Are you ready for today’s lesson?”, tanong ko na sinagot ulit nito ng tango. At nagsimula na nga kami sa unang lesson namin .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD