“I S A N G . . . taon????”, muntik pa akong pumiyok sa taas ng boses ko habang binabasa ko ang kontratang inihanda ni Primo.
Pagkadating na pagkadating namin sa mansyon ng mga Cordova ay walang imik na nagtuloy-tuloy si Primo sa study room niya. Hindi ko tuloy malaman kung gusto ba nitong sundan ko siya o ano.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako sa bahay nila, pero ito ang unang pagkakataon na pumunta ako roon bilang empleyado at hindi... bilang girlfriend?, singit ng isang bahagi ng isip ko na agad ko namang iwinaksi.
“Oh but don’t worry...” anito. Don’t worry? Sasabihin kaya nitong pwede pang mapaiksi ang panahon ng kontrata?
“...that can be extended, depending on Talia’s performance by the end of the year”, dagdag nito na lalong nagpabilog ng mga mata ko. Anoooooo???!!!!, gustong-gusto kong isatinig iyon pero pinigilan ko amg sarili ko. Relax Mia, boss mo pa rin yan, kalma...kako sa isip.
“But Pri--...I mean, Dr. Cordova... paano naman po ang trabaho ko sa Little Angels?”
“Section 4, subsection A. Party B will remain as an employee of Little Angels Preschool and will continue to report lesson plans and assessments as per institution policy”, tila tamad nitong pagrerecite habang nagmamadali kong hinahanap kung saang parte ng kontrata ang sinasabi nito.
“Okay, so technically si Mrs. Hamilton pa rin ang boss ko...”, komento ko.
“Correction. Section 2, subsection C, third paragraph. Party B’s, that’s you”, pauna nito sabay turo sa akin.
“...direct supervisor during the entire duration of the home school program will be Party A, that’s me”, pagtutuloy nito saka tinuro ang sarili niya.
“Which means, though you will still submit reports and plans to Little Angels, all your lesson plans for Talia will still have to go through me and be approved by me”
Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko.
“With all due respect Dr. Cordova, kung lahat ng lesson plan ay dapat aprobado ninyo eh para namang wala kayong tiwala sa kakayahan ko bilang guro”, matigas kong turan. Totoo naman kasi, hindi naman sa ano pero doktor s’ya kaya dapat mga pasyente ang pinagtutuunan n’ya ng pansin. Anong kinalaman n’ya sa assessment tools ng mga guro?
“Talia has been with so many different teacher and each and everyone has different approach and plan for her. I know which of them works and not, I know which of them has given better results in terms of her learning and adaptation. So me interfering with your work is actually helping you spare yourself from wasting your time trying out models and structures that won’t work”, mas matigas din nitong sagot.
Hindi ako agad nakasagot. Okay, masakit mang aminin, noon magpasahanggang ngayon, Primo is always ready for debates. Ang pinagkaiba lang, noon, he lets me win dahil girlfriend n’ya ako noon. Pero ngayon siguradong hindi ako nito palulusutin.
Ano ka ba naman Mia, trabaho ang pinunta mo rito, walang kinalaman ang personal n’yong relasyon dito, kastigo ko sa sarili. Lihim akong napabuntong hininga. It will always be personal between the two of us. At hindi ko kakayaning makita ito araw-araw sa loob ng isang taon nang hindi nauuwi sa personal ang lahat. Kailangan kong makahanap ng paraan para matanggihan ito.
“I-In that case... I suggest you take another teacher. ‘yung mas eksperyensyado sa ganito. As you know, bago pa lang ako sa Little Angels at sa preschool children”, sagot ko matapos ang ilang sandaling pananahimik.
Hindi ito agad nagsalita. Lihim din akong nagbunyi dahil mukhang nahuli ko ang weak point nito. Patunay ang ilang sandaling pananahimik nito. Pinagsiklop nito ang dalawang palad sabay tukod ng dalawang hintuturo sa baba n’ya na animo’y nag-iisip ng malalim.
“You’re right”, kapagka-kuwa’y sabi nito.
Agad na nagliwanag ang mukha ko at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa narinig. Mukhang naubusan na ito ng ibabato. May pagmamadali ang kilos na isinukbit ko ang sira kong bag at naghanda nang magpaalam dito.
“Ako na ang magsasabi kay Mrs. Hamilton, I’m sure marami pang mas qualified sa akin sa Little Angels na makaka---”
“Only that hindi ako ang pumili sa’yo”, maya-maya ay dugtong nito sa sinasabi. Natigilan ako sa akmang pagtayo. Kung hindi ito ay sino?
Muling sumilay ang nang-aasar na ngiti sa mga labi nito.
“Dahil kung ako lang, why would I pick you? You’re under qualified and inexperienced. You’re not even in my top ten candidates”, anito nang hindi itinago ang pang-uuyam.
Aminin ko man o hindi, parang may maliliit na ice pick ang tumusok sa puso ko sa narinig. Alam kong may sama ito ng loob sa akin dahil sa ginawa kong pagtanggi sa alok nitong kasal pero iba din pala kapag naexperience mo first hand ang pang-uuyam nito.
“Talia chose you. Out of all the teachers na inilatag ko sa kanya, ikaw ang pinili n’ya. You see Ms. Alcantara, Talia is a lot more mature than kids her age. She knows what she wants and how and when to get it”, anito tska tumayo at nakapamulsang nagpabalik-balik ng lakad sa likod ng swivel chair nya.
“So rather than picking someone who will live up to ‘my’ standards and will either quit or end up not making any progress with Talia, I would rather the one Talia choses herself. After all, s’ya ang makakasama ng teacher”, dagdag pa nito.
Tuluyan na akong nawalan ng isasagot. Lalo pa nang muli itong lumapit sa study table nito na s’yang tanging nagsisilbing pagitan namin. Itinukod nito ang dalawang braso doon at saglit akong pinakatitigan.
“Aaahhh... now I get it...”, kapagkakuwa’y sabi nito sabay sumilay ang tila nanunuksong ngiti.
“You thought I planned all these”, pang-aakusa nito.
Parang umurong at pumakat sa ngala-ngala ang dila ko dahil hindi ako makasagot. Wala akong ibang nagawa kundi tingnan ito at magdasal na wag sana nitong marinig ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dito ako talo sa mga argumento namin, dahil napakadali para rito ang basahin ako at ang nasa isip ko.
Napatawa ito ng pagak at muling ngumiti sa gilid ng labi nito.
“Don’t put too much meaning into this Mia”, mahina ngunit mariin nitong sabi.
Medyo nagulat ako sa pagtawag nito sa akin sa first name ko. Simula kasi kanina ay panay Ms. Alcantara lang ang tawag nito sa akin. Indicating that all he wants is business.
Pero hindi ko alam kung tama ba ang nakuha kong mensahe sa tono at paraan ng pagtitig nito. Sinusubukan ba ako nitong hiyaain?
“This is purely business. Not everything I do is about you”, dagdag pa nito.
Okay, confirmed. Hinihiya ka nga. Gustong-gusto kong sagutin ito, pero ano ang sasabihin ko? Gayong tama ang akusasyon nitong iniisip ko ngang plinano n’ya ang lahat?
Saglit kaming nagsukatan ng tingin.
“Okay!”, basag nito sa saglit na katahimikan sabay buklat ng bawat pahina ng kopya nito ng kontrata.
“So, Monday to Friday, four hours a day from 10am to 12 noon, you get an hour lunch break then resume classes at 1 till 2pm. All the facilities in the house is open for you, kitchen, dining area, living room, pool, should you need it, all except my room and study”, tuloy-tuloy nitong sabi.
“Ahm—“,
“Food is free, you can ask whoever is in the kitchen to cook for you kung may gusto kang kainin but they will prepare lunch and snacks for you anyway. Part of the contract”, putol nito agad sa sasabihin ko.
Hindi na ako nito hinintay na makapagsalita at dinagdagan pa ang sinasabi. Gusto ko sanang sabihin na ayokong pumira ng kontrata pero hindi ako makasingit.
“Exams, graded recitations, report card... Talia must understand the meaning and significance of these kaya dapat meron din s’ya mga ganito”,
“A-Ano---”
“And! The most important part...you will get a ‘triple’ of your salary as a regular preschool teacher. Per month.”, anito na binibigyang emphasis ang mga salitang triple at per month.
Napalunok ako. Triple? Per month? 172%!$%@2526633 x 1625%!%36272 -1626^@^@^363... mabilis akong nagcalculate sa isip ko. Malaking halaga ‘yun!
“That is apart from the regular salary, bonuses, yearly increase and all other benefits, na matatanggap mo pa rin as an employee of Little Angels”, kumpiyansa pa nitong dagdag.
Lalo akong napamulagat. Totoo ba ito???? So 12363%!$63672 + 1736xsfa$%! Equals 1726^#%@^??? OMG!!!, sigaw ko sa isip. Muli akong napalunok.
Hindi ko sigurado kung tama ba ang nakita kong ngisi ng tagumpay sa gilid ng labi ni Primo o imahinasyon ko lang dahil nang kumurap ako ay seryoso na ulit ang itsura nito.
“Of course, I, as your direct supervisor will also give you benefits and bonuses. It may be cash, a voucher, shopping spree... anything, depending on your performance”,
Hindi na ako nakapagsalita dahil nalula na ako sa kakukwenta ng halaga ng perang pinag-uusapan namin. Okay, aaminin ko, napaisip ako dahil d’on. Masakit mang aminin pero kailangan ko talaga ng pera para sa maintenance ng papa ko, mula sa gamot at regular check up, kailangan ko rin ng savings para sakaling mangailangan ulit kami ay hindi na kami matutuliro kung saan hahanap ng malaking halaga. Hindi naman sa hinihingi kong maulit ang nangyari sa papa ko pero gusto ko lang na sigurado.
“Do you have anything else that you would like to add to your conditions?”, tanong nito.
Wala sa loob akong umiling.
“Very well sign the contract and I can give you an orientation and reports from Talia’s previous teacher for your reference”, punong-puno ng kumpyensa nitong sabi in a dominant tone.
Ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na maipaliwanag. Para akong nakalutang sa ulap at nagkaro’n ng dissociation ang katawan at isip ko. Dahil lahat ng isinisigaw ng isip ko na wag gawin ay siya namang ginagawa ng katawan ko.
Oh my Mia...ano ‘tong pinasok mo?, sabi ko na lang habang nakatitig sa pangalan kong ako mismo ang nagsulat sa piraso ng papel na nagsisilbing kasunduan ng pagiging home school teacher ko sa anak ng ex ko.